XBANG Series 2: Ace Xander Ju...

By pinkyjhewelii

1M 26.3K 2.9K

│PUBLISHED│ Ace Xander Jung Shellane Federez More

XBANG Series 2 : Ace Xander Jung
X1
X2
X3
X4
X5
X6
X7
X8
X9
X10
X12 (Last Chapter)

X11

71.2K 1.7K 224
By pinkyjhewelii

ACE POV

“HE’S A REAL GANGSTER BUT A HANDSOME AND TALENTED ONE.”

Nakinig lamang ako sa binabasa ni Seth. Yung October issue ng Pink Magazine kung saan, ako ang cover, At ang article na gumawa niyon ay si Shellane—the love of my life. Damn. It’s gay.

“Tch. Napaka-bias ng pagkakagawa ng article na ‘to, Jung. Hindi ka naman gwapo.” Komento pa ni Seth.

“Fuck you.” Sagot ko lamang. Hindi ko akalaing ‘taken’ na ako ngayon and damn! It feels so good. Nandito kami sa hide-out namin. Isang lingo na ang nakalipas mula nang maging kami ni Shellane. Patuloy pa rin ang pagta-trabaho siya sa Pink Magazine habang ako, gangster pa rin. Nung huling underground battle namin, sumama ulit si Shellane and fuck! May dala siyang pom-poms. She’s really cute that time.

Pinakilala na ako ni Shellane sa mother niya pero bilang kaibigan lang. Kahit sa mga ka-trabaho niya, kaibigan lang ang pakilala niya sa’ken. Minsan kasi sinusundo ko siya sa Pink Magazine. Ayaw kasi niyang isipin nila na kaya siya nakakuha ng interview sa’ken ay dahil kami. 

Pagkatapos naming magka-ayos last week, I admit, we made love again. She’s my new addiction. Mas nakaka-adik pa sa drugs. Nag-celebrate kami noon dahil sa pagkaka-promote niya. She’s doing great and I’m proud of her. Proud boyfriend here. Damn it. It’s  really gay.

“Hoy Jung! Cellphone mo tumutunog. Tch. Pag broken, tulala. Pag inlove, tulala pa din. Tangnang love ‘yan ah. Nakakatulala pala ‘yan ano?” naka-poker face na sabi ni Seth. Laging siya ang kasama ko dito sa hideout. Palbhasa lagging nakatutok sa TV o kaya sa internet para manood ng anime. ‘Di tulad ng iba kong ka-gang na mas gusto sa outdoor.

I just gave him my death glare bago ko tiningnan ang tumutunog kong phone. Damn! My heart is beating so fast and it’s fucking gay. Shellane is calling.

“Baby..” I said.

“Ang tagal mo namang sumagot. Nambababae ka ‘no?”

“Tch. I told you, I’m not a whore. Damn. Miss me?” 

“A-Ah, ano..wag ka nga. Kasi..”

“Kasi?”

“I want to see you.”

I smiled. She miss me. “What if I’m not available today?” 

“Psh. E’di ‘wag! Sige na. Bye na.”

I want to laugh. Nai-imagine ko kung anong itsura niya ngayon. I bet, nakabusangot na naman ang mukha niya. She’s really a tigress. “Hey. I’m just kidding. I’m always available when it comes to you. Damn, I miss you.”

“Psh. Ace naman eh. I miss you too.”

“Where do you want to go?”

“Anywhere, Ace.”

“Oh, com’on baby, where do you  want?”

I heard her sigh. “S-Sa unit mo nalang. Ipagluluto kita.”

I smiled again. “Sure. Susunduin kita.”

“No. Sa unit mo nalang.”

“Okay. See you, baby. I love you.”

“I love you too.” Pabulong na sabi niya.

“What?” I want to tease her. Alam kong pabulong siyang magsabi ng ganon kapag nasa trabaho pa siya. Ayaw niyang marinig siya ng mga ka-trabaho niya.

“Ace.”

“Hindi ko narinig ‘yung sagot mo. Ulitin mo.”

“Aish. Naman eh!”

I laughed. “Fine, fine. I love you again. See you later. Bye.”

“Bye.”

I ended the call. Damn. Gustung-gusto ko siyang nakakakausap at gusting-gusto ko siyang iniinis. Ang dali niyang maasar at lagi siyang naninigaw but it’s funny.

Napatingin ako  kay Seth na matamang nakatingi sa’ken. “What?”

“Nakakasuka kayo, Jung. Tch.”

Nag-pokerface ako. “Bitter mo. Palibhasa wala kang lovelife.”

“Di bale ng walang lovelife. May anime naman.” Sagot niya.

“Try to ask your fucking anime to marry you. Damn it.” Sabi ko saka tumayo na. Lumabas na ako sa hideout saka sumakay ng kotse ko. Makikiya ko na naman ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Damn! KAnina pa ako naba-baklaan sa mga sinasabi ko. Ganito nga talaga  ‘pag inlove. 

Nang ma-realize kong mahal ko na si Shellane, napaisip ako. Bakit ganoon ako kadaling naka-move-on kay Janna and I found out that I don’t love her so much. I mean, I’m just inlove kasi siya lang ang babaeng napagtuunan ko ng pansin noon. But now, to Shellane, she’s different. Iba ang epekto niya sa’ken. Ibang-iba.

-

SHELLANE POV

KINIKILIG na naman ako. Shemay naman kasi. Bakit ba ang lakas ng charm ni Ace Xander sa’ken. Simpleng ‘I love you’ lang, para na akong nangingisay sa kilig eh.

I’m on my way to Ace’s unit. Dumaan na ako sa supermarket para bilhin ‘yung mga ingredients sa lulutuin ko. Baka kase walang stock si Ace sa fridge niya. Ipagluluto ko siya ng adobong manok na may pineapple chunks. Para maiba naman. Lagi nalang kasing karneng baboy eh. One week nang naging kami, madalas ko siyang pinagluluto sa unit niya. Madami  dawa siyang nakakain kapag luto ko eh. Oh, diba, nambola pa.

Napatingin ako sa headboard ng tumunog ang phone ko. Inabot ko iyon saka sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Hello?”

“Shellane, anak.”

“Oh, ‘ma? Napatawag ka?”

“Umuwi ka dito sa bahay. May importante tayong bisita.”

Kumunot ang noo ko. Importanteng bisita? Sino naman?”

“Umuwi ka nalang para malaman mo. Naghihintay na sila kaya umuwi ka na ngayon din.”

I sighed. May usapan pa naman kami ni Ace. “Sige ‘Ma.” Sandal lang naman siguro ako ‘don. Dadaan lang ako don bago ako bumalik sa unit ni Ace.

Nang makita ko ang U-turn ay lumiko na ako at tinahak ang daan pauwi sa bahay namin. Nakakapagtaka. First time naming magkakaroon ng importanteng bisita. Sino naman kaya ‘yun?

-

MABILIS akong bumaba ng kotse ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay bumungad sa’ken ang lalaking matagal kong hindi nakita—ang ama ko.

“A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nagsisimula ng manggilid ang luha ko.

“Anak..”

Umiling ako. “Wag mo akong tawaging anak dahil mula nang iniwan mo kami, hindi na kita ama.” Masama ang loob ko  sa Papa ko. Iniwan niya kami para sa ibang babaw. MAsakit iyon para sa’ken. MUl nang iwan niya kami, ako na ang nagging bread winner ng pamilya. Ako na nagging responsible sa pamilya na dapat siya ‘yun.

“Anak, Shellane. Papa mo siya. ‘Wag kang ganyan.” Sabi ni Mama.

Lalo  akong naiyak. “Gano’n nalang ba ka-dali sa inyo ang tanggapin siya ulit pagkatapos niya tayong iwan, ‘ma?”

“Makinig ka Shellane. Nagpaliwanag na ang Papa mo. Sana ay pakinggan mo rin siya.”

Hindi na ako nagsalita. Naupo ako sa sofa. Malayo sa Papa ko. Hinintay ko siyang magsalita. Hinayaan ko siyang magpaliwanag kahit galit ako. Nakita ko kasing umiiyak na si Mama. Kapag gano’n lumalambot na ang puso ko.

Matapos ang  mahigit isang oras, natapos ang mahabang paliwananagan habang nag-iiyakan kami. Bigla nalang nawala ang bigat s adibdib ko pagkatapos kong marinig ang buong istorya. Mali ako ng iniisip. Nalaman kong ‘yung babae ni Papa, ‘yun pala ang legal niyang asawa. Kami pala ang second family niya. Pero mas minahal niya ang Mama ko. Gusto raw niyang makabawi sa anak niya sa legal niyang asawa dahil lumaki iyon na walang ama. Naawa ako bigla sa legal niyang anak. Kami pala ‘tong sabit lang, kami pa  ang lumaking buo ang pamilya. Nagmaka-awa daw ang legal niyang asawa na kung maaari ay maging ama muna sa legal niyang anak. Gusto nitong maging buo muna sila bago ito mamatay. May cancer daw kase yung legal niyang asawa. Masakit malaman ang katotohanan. Pero ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ang lahat. Ma-swerte pa rin pala ako.

“Patawarin mo ako anak..”

Umiiyak pa rin ako. Masakit na Masaya. Yun ang nararamdaman ko. Parang may nabunot na tinik sa puso ko. Ngayon, kaya daw siya bumalik ay para ipaliwanang na ang lahat. Matanda ng dalawang taon sa’ken ang anak niyang legal at tinawagan na raw niya na pumunta dito. Aware na daw ‘yon at gusto niya na makilala din kami. Kaming mga half-sisters niya. Nag-iisang anak daw niya iyon doon.

“O-Okay na po..” wala namang magagawa pa kung patuoy akong magagalit. Iintindihin ko nalang ang mga nangyari. Reasonable naman eh saka kung iisipin ko, swerte pa rin kami ng mga kapatid ko kumpara sa legal niyang anak.

“Salamat, anak..” niyakap niya ako. Yumakap din ako. How I missed my father. Masaya na ko na nagbalik-loob siya. Nadagdagan pa kami ng isa. At yun ang half-brother ko.

Nag-angat ako ng tingin nang makita kong may pinapasok si Mama. Isang lalaking matangkad, maganda ang built ng katawan at chinito. He must be mu half-brother.

“Goodevening.” Bati niya.

Ngumiti naman ako at tumango. 

“Shellane, siya si Jeric. Half-brother mo. Jeric, si Shellane half-sister mo.” Pakilala ni Papa.

Tumayo ako at nakipag-shake hands sa kanya. “Nice meeting you..”

“Nice meeting you, my pretty sister.” Nakangiting sabi niya. Lumabas tuloy ang biloy sa pisngi niya. Gwapo pala ang Kuya ko.

“Oh, pa’no? Ngayong ayos na ang lahat, let’s celebrate!” sabi ni Mama. 

“Sige. O-order nalang ako ng mga pagkain.” Sabi naman ni Papa. Ang mga kapatid ko ay mahimbing nang natutulog sa sofa. Nakatulugan na ang pagpapaliwanag ni Papa kanina. Masaya ako na buo na ulit kami. Alam ko masakit pero kelangan lang talaga ay tanggapin kung ano kapalaran. Kase nga everything happens for a reason. Sa tingin ko, kaya nangyari ito, kaya kami naiwan ni Papa kasi para maging responsible ako. Oh, ‘diba think positive.

-

NAALALA KONG nakalimutan kong tawagan si Ace. Natataranta tuloy ako. Napahaba ang kwentuhan namin ni Kuya Jeric. Nalaman ko kasing photographer siya at may sarili siyang studio. Na-kwento ko na writer akon sa Pink Magazine. Minsan na raw siyang kumuha ng litrato na ginamit sa Pink Magazine pero hindi man lang nagtagpo ang landas namin. Masaya siyang kausap. At kitang-kita sa kanya na napakabait niya. Masaya ako na may Kuya na ako. Tumanda na kasi ako na ako yung  pinakamatanda sa pamilya at pakiramdam ko, responsibilidad ko anag buong  pamilya.

“Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan sa’yo pero may lakad pala ako. Nakalimutan ko na.” Sabi ko  kay Kuya Jeric. Ang ganda pa naman ng pagkakaupo namin dito sa may garden namin.

“Sure. It’s okay. I understand.” Sabi niya.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay. Ngpaalam na ako aky Papa at kay Mama. Ang sarap ng feeling na ganito. Buo na kami. Pagkalabas ko ng bahay ay umiinom pa din ng beer si Kuya Jeric. Kinawayan ko lang siya saka sumakay ako ng kotse ko.

Mabilis ko ‘yung pinaandar. Patay na. Nakalimutan ko ng tawagan si Ace. Masyado akong na-overwhelmed at nagulat sa mga pangyayari. Dinukot ko  ang cellphone ko sa bag ko.

64 missed calls

Shit! Napalunok ako. Missed calls lang at walang text. Pagcheck ko, puro si Ace. Patay na talaga. Dinayal ko agad ang number niya at tinawagan siya. Thanks God, nag-ring.

Hindi sinasagot. Hala na..

Suko na ako. Hindi niya talaga sinasagot kaya mas binilisan ko nalang ang pagmamaneho. Ilang saglit pa ay narrating ko rin ang building ng condo unit ni Ace. Mabilis akong bumaba sa parking lot saka pumasok. Kilala naman ako ng receptionist kaya ‘di na ako tinanong. Sumakay agad ako sa elevator. At nang makarating ako dito sa floor kung nasaan ang unit ni Ace, mabilis kong pinindot ang door buzzer. Hindi nagbubukas. Kinakabahan na ako. Kaya pinindot ko ang passcode since wala akong keycard. Sinabi naman sakin ni Ace ang passcode niya.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Ace na nakaupo sa carpet sa living room. May hawak siyang yosi at alak. Ilang botse na din ng alak ang nakakalat sa sahig. At napansin ko ang phone niya na nasa center table.

“A-Ace..” lumuhod ako sa tabi niya. Tiningnan niya ako ng masama.

“Why are you here?!”

“A-Ace..”

“Get out.”

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Galit siya sa’ken. Sinubukan kong hawakan siya sa braso niya pero mabilis niya iyong na-ilayo. “Don’t you dare touch me with your fucking hands!” buyaw niya na ikina-urong ko.

Napalunok ako sa takot.  Galit talaga siya. Kasalanan ko na hindi ako nakatawag. Nawala na sa isip ko na naghihintay siya dito. “A-Ace sorry..nawala sa isip ko. May nangyari kasi..”

Tumingin siya sa akin. Diretso sa mata. “May nangyari?” he laughed. “Yeah. Nakipaglandian ka lang naman sa lalaki mo. You can’t fool me, Shellane. So get out. I don’t want to see your fucking face.”

Napaiyak na ako. Maasakit na salita ang mga sinasabi niya patungkol sa’ken. “A-Ace, kahit kelan wala akong nilanding lalaki. Makinig ka sa’ken. Magpapaliwananag ako.”

Tinabig niya ako dahilan para mapaupo ako. Kanina kase ay nakaluhod ako. Matalim ang tingin niya sa akin. “I said get out. Get out, you fucking whore! I don’t wanna see you anymore. Go to hell!”

Napahagulhol ako sa sinabi niya. Bakit ganito siya ka-galit saken. At ako nakikipaglandian? Never kong ginawa ‘yun. Nasa bahay lang ako kanina. Wala akong ginawang masama. “A-Ace..”

“I’ll count at three. Kung hindi ka pa aalis, I might kill you.”

Pinuno ng takot ang dibdib ko. He’s serious. He’s really mad. “Ace, I love you..”

“One.”

Lalo akong naiyak. Wala akong magawa. Tumayo na ako. Halos nanghihina nag tuhod ko. Ang sakit sakit na ipagtabuyan niya ako at akusahan ng  bagay na ‘di totoo.

“Two.”

Tumalikod na ako saka lumabas ng unit niya. Napasandal ako sa nakasara na niyang pinto at lalong napaiyak. Ang sakit. Bakit ganon? Bakit, Ace.. 

Ito ba ang yung pakiramdam nang nasasaktan sa pag-ibig? Diko kasi alam kasi yung mga past relationship ko, di ko naman sineseryoso. Ngayon lang kay Ace tapos ganito pa. Applicable pa rin ba yung everything happens for a reason? Bakit nangyayari ‘to? Makakaya ko pa bang ngitian ang problemang ito gayong puso ko na ang nasugatan? Di ko alam ang gagawin ko..

Continue Reading

You'll Also Like

255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
21.2K 518 12
Where do broken hearts go? Nagbabakasyon. Matapos sunugin ang lahat ng litrato, birthday gift, anniversary gift ng Ex ay pupunta sa beach para makali...
33.2M 19.1K 5
"I want you to share my bed within that three months," walang kakurap kurap nitong sabi. Kailangan ko na titigan siya ng matagal. O kurutin ang saril...