Obsessed Kale

By Ajai_Kim

465K 14K 3.1K

Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Epilogo
Author's Note

Kabanata 27

9.1K 290 43
By Ajai_Kim

Marahang hinahagod ni Christian ang likod ko habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak ko. Nang kumalma na ako ay binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman iyon.

It's already 11pm in the evening at nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko kasama si Christian. Sinasamahan niya ako sa matinding pag-iyak ko magmula pa kanina.

Kanina pa nakauwi sina Kale at si Tita Josephine. Sina Mama at Papa naman ay nasa trabaho na nila sa kompanya namin at overnight sila doon habang si Kuya Andrei ay bigla nalang umalis at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.

Alam kong maging pati siya ay tutol rin sa desisyon ni Papa na ipakasal ako kay Kale at masama ang loob niya doon.

"Christian, bakit ganon si Papa? Bakit pinagtutulakan niya akong pakasalan si Kale? Hindi ba niya naiisip 'yung nararamdaman ko?" Puno ng hinanakit kong sabi.

Inakbayan naman ako ni Christian at pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam mo Bliss, naiintindihan ko 'yung Papa mo kung bakit naging ganoon ang desisyon niya. Natatakot lang siya na baka nga m-mabuntis ka nung Kale na 'yon dahil sa ginawa nun sa'yo. Iniisip niya lang siguro ang magiging kinabukasan mo." Sabi niya.

"Hindi pa rin tama 'yon, Christian. Kung mahal ako ni Papa ay hinding-hindi niya ako ipapamigay sa lalakeng ginulo at sinira na ang buhay ko." I sighed.

Hindi na nagsalita pa si Christian sa sinabi ko at nanahimik nalang ito.

"I know that Ash was so disappointed to me. I understand kung bakit parang nagulat at halos hindi niya malaman ang sasabihin niya sa akin kanina." I smiled bitterly.

Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nasaktan ko ulit si Ash at kung hindi na niya ako magugustuhan nang dahil may nangyari na sa amin ni Kale ay lubos ko siyang maiintindihan doon pero masakit iyon para sa akin dahil mahal na mahal ko siya.

Kumunot naman ang noo ni Christian sa sinabi ko. "Kung mahal ka ni Ash ay kahit may nangyari pa sa inyo ni Kale ay tatanggapin ka pa rin niya pero nasaan siya ngayon? Ni wala nga siyang reaksyon nung nalaman niya ang lahat." Sabi niya at umiwas ito ng tingin sa akin pagkatapos.

"Christian, kilala ko si Ash. Alam kong nabigla lang siya sa mga nalaman niya kanina and I can't blame him for that. Matatanggap ko naman kung aayawan niya na ba ako o hindi sa kabila nang mga nalaman niya because in the first place, it's my fault." Sabi ko.

"And I love him..." Dugtong ko pa.

Nang tumingin ako kay Christian ay nakakuyom na ang mga kamao niya pero saglit lang iyon nang tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Ganoon naman pala, e. Sa tingin ko nga ay mahal na mahal ka rin niya. Bagay kayong dalawa dahil pareho kayong may maipagmamalaki sa buhay at anak pa siya ng Mayor sa lugar na ito. Kung anuman ang mangyari ay nandito lang ako at susuportahan ko kayong dalawa, Bliss." Christian said while he's smiling.

Napangiti na rin ako sa sinabi niya and I'm so glad na nakilala ko si Christian. He's been a good friend to me at hindi niya ako hinusgahan sa mga nangyari sa akin. He understands my pain and emotion that's why I already treat him as my special friend.

"Thank you, Christian." He nodded and patted my head.

"Ah, hindi ba't papasok na tayong dalawa sa eskuwelahan bukas? Medyo kinakabahan ako sa eskuwelahan na papasukan ko dahil nga transferee lang ako at hindi ko pa gamay ang kalakaran doon." Sabi niya dahilan para matawa ako.

"Normal lang naman 'yon sa first day of class mo pero kapag nasanay ka na at nagkaroon ng mga bagong kaibigan doon ay mae-enjoy mo pa rin ang school life dito sa Maynila." Sabi ko naman.

"Kung sa bagay, pero kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi na ako makakapag-aral ng kolehiyo. Maraming salamat talaga sa oportunidad na ibinigay niyo sa akin ni Tito Gil. Pangako ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko dito sa Maynila." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Wala 'yon, Christian. I just want to help you and Inay Felicia since napakabuti niyo sa akin at inalagaan niyo pa ako nung napadpad ako sa lugar niyo. I'm returning the favor." I said.

He hugged me.

"Masaya ako na nakilala kita, Bliss. Ikaw lang ang nakapagpasaya sa akin nang ganito. Hanggang dulo ay magkasama pa rin tayo at sisiguraduhin ko 'yon." I can feel Christian's sincerity in his voice.

He's really happy and he deserves it.

Kumalas naman ako mula sa pagkakayakap niya at hinarap siya. "Of course, you're my friend at hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo." He nodded  and smiled on what I said.

Kinabukasan ay handa na kami sa pagpasok ni Christian sa school ko at sa bagong school na papasukan niya. Naprocess naman ng maayos nila ni Papa ang mga papers na kakailangan niya sa pagtransfer sa Zion University.

Mahigit two weeks naman akong hindi nakapasok sa school kaya kailangan kong makabawi sa academics. Maayos na rin naman ako at ayoko na munang maalala ang mga nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw. Alam kong makikita ko si Kale sa school and all I can do is to avoid him.

I smiled nang makita ko ang ayos ni Christian. Suot niya ang uniform ng Zion University and it looks good with him.

He's naturally handsome and his tan skin makes him more attractive. Sigurado akong may mga estudyante doon na hahanga dahil sa angking kagwapuhan ni Christian.

"Wow! Those uniform looks good on you, Christian." I said to him.

Nahihiya naman siyang nagkamot ng batok niya. "Salamat, Bliss. Ikaw rin, ang ganda mo sa suot mong uniporme." He said.

"You're complimenting me, too-"

"Bliss,"

Napahinto naman ako sa biglang tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Ash na naglalakad papalapit sa akin. He's also wearing our uniform.

"Ash? You're here." Gulat kong sabi.

Napayuko naman siya pero tinignan ulit ako. "I'm sorry kung hindi kita pinansin kahapon. Naguluhan lang talaga ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin pero ngayon ay nakapag-isip na ako ng matino. Wala na akong pakialam kung may nangyari man sa inyo ni Kale. Tanggap pa rin kita dahil mahal kita. I don't want to lose you, Bliss..." He cupped my face and I see that he's sincere on what he said to me.

Napangiti ako and I hugged him. "Thank you for understanding me, Ash. I love you, too." I faced him again at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa isang kamay ko.

"Hindi ako papayag na makasal kayo ni Kale. I will do everything para kumbinsihin si Tito Gil na hindi na ituloy pa ang kasal niyo. Let's fight together para sa ating dalawa." Seryoso niyang sabi.

I nodded. "Oo, Ash. Sabay nating haharapin ang lahat ng pagsubok na 'to. Salamat at nandyan ka para sa akin."

He kissed me not minding na nanonood lang sa amin si Christian.

"Because I love you and I will do everything for you." Mariin niyang sabi.

I nodded again.

"Sabay na pala kayong sumakay sa kotse ko. Ihahatid ko na rin si Christian sa Zion University." Sabi ni Ash saka nito sinulyapan si Christian na tahimik pa rin.

"Is it okay with you, Christian?" Tanong ko naman kay Christian.

He nodded. "Okay lang, Bliss."

Muli akong humarap kay Ash at sumakay na kaming tatlo sa kotse niya.

Nakaupo ako sa front seat at si Ash ang nagmamaneho habang nasa backseat naman si Christian.

"Sabay na tayong maglunch mamaya sa school. Baka kasi guluhin ka pa ni Kale kapag nakita ka niyang mag-isa lang." Ash said while he's driving.

"Okay." Nakangiti kong sagot.

"It's also a date na rin since I will court you again." Sabi niya na ikinapula naman ng buong mukha ko.

"G-ganon ba? Okay then?"

Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Ash.

I'm really in love with him.

Sandali akong tumingin sa salamin sa loob ng kotse and I saw Christian na sobrang sama ng tingin kay Ash. When I blink at muling tumingin sa kanya ay nakatingin na siya sa labas ng bintana.

Namalik-mata lang ba ako sa nakita ko? Siguro dahil wala namang dahilan para samaan ng tingin ni Christian si Ash, 'di ba?

After a few minutes ay narating na rin namin ang Zion University na papasukan ni Christian. Inihinto na rin ni Ash ang kotse niya sa tapat ng school.

"Maraming salamat sa paghatid sa akin, Ash." Sabi ni Christian habang tinatanggal niya ang suot niyang seatbelt.

"No worries, Christian." Sagot naman ni Ash.

Kinuha na ni Christian ang backpack niya at isinuot ito saka siya tumingin sa akin.

"Papasok na ako, Bliss. Magkita nalang tayo mamaya." Nakangiting sabi niya.

Tumango ako. "Mag-iingat ka, Christian. We'll fetch you later."

Tumango siya sa sinabi ko at lumabas na mula sa loob ng kotse ni Ash. Kumaway pa siya sa akin bago ito tuluyang pumasok sa loob ng Zion University.

I looked at Ash at nakayuko na siya.

"May problema ba, Ash?" Tanong ko.

Gulat naman siyang napatingin sa akin at umiling ito ng mabilis.

"It's nothing. Let's go?" He asked.

I look at him with my concern face bago tumango.

"Sige."

Pinaandar na ni Ash ang kotse niya at hanggang sa biyahe namin ay iniisip ko pa rin kung may problema nga ba siya. Sa tagal naming magkaibigan ay alam ko na kung may itinatago nga ba siya sa akin o wala.

He can't say that to me at ito ang magandang pagkakataon para itanong sa kanya kung ano iyon.

Nang makarating na kami sa Southern Academy at nang nasa parking lot na kami ay kaagad kong hinarap si Ash.

"Ash, kilala kita kung may problema ka ba o wala. Please tell me what's the reason kung bakit napapansin kong para kang malungkot at may malalim na iniisip. I'm your best friend at sana'y 'wag kang maglihim sa akin." I held his hand.

He sighed.

"Okay, Bliss. I can't say this directly to you dahil ayoko nang maging gago pa katulad noon. I'm so damn possessive and jealous guy at iniiwasan ko na ulit na mangyari 'yon." Malungkot niyang sabi.

"Ash,"

"Bliss, nagseselos ako. Nagseselos ako dahil nasa iisang bahay na kayo ni Christian idagdag pang nakikita kong close na close na kayong dalawa. Nandyan pa si Kale na gustong ipakasal sa'yo ni Tito Gil. I'm so damn jealous with them. I can't confront you about that dahil ayoko nang dagdagan pa ang problema mo. Ipinangako ko na sa sarili kong magbabago na ako para sa'yo kasi natatakot akong iwanan mo ako ulit. You don't know how much I love you at lahat ay gagawin ko maging mabuti lang ang lahat sa atin." Sabi niya.

Nangilid ang mga luha ko sa sinabi ni Ash. Naiintindihan ko siya at nakikita kong nagbabago na nga siya para sa akin.

Kung noon ay kaagad siyang nagagalit kapag nagseselos siya ngayon naman ay kinikimkim nalang niya ito. He's changing because of me and I'm the one who's hurting him.

Ash held my both hands and he looked at me with his sad eyes.

"Bliss, I'm sorry if I felt this way. Hindi dapat ako magselos dahil alam ko namang mahal mo ako but I can't help it. Christian is a nice guy and I'm sorry kung pinagseselosan ko siya. I hope you'll forgive me." Malungkot niyang sabi.

Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso niya at napalabi ako.

"Naiintindihan kita, and I'm sorry too kung hindi ko naiisip ang nararamdaman mo. Don't worry, ikaw lang ang mahal ko at kahit sino pa ang lalakeng ipagtulakan sa akin ay ikaw pa rin ang pipiliin ko." I said para mapagaan na ang loob niya.

He pinched my nose.

"You're so cute, I love you, Bliss." Sabi niya at bigla nalang niya akong hinalikan ng mabilis sa labi ko.

Napatulala pa ako sa ginawa ni Ash habang lumalakas ang tibok ng puso ko pero natatawa lang siyang hinila ako papalabas sa loob ng kotse niya.

My cheeks are now turning red.

Hays, Mahal ko na nga talaga ang selosong lalaking ito!

---
x

Continue Reading

You'll Also Like

605K 9.6K 40
LOVER MAN SERIES: 1 His Student, Become His Sweetest Addiction. Date Start: June 12, 2021 Date Finish: November 18, 2021 Revised: April 7,2023
1.5K 55 43
Chantria Avery Castillo hates the guy name Xavier Alphard Salzedo her brother's bestfriend. She hates the thought of living with him but that's the p...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...