Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 25

81 3 0
By anchoraigee

Upon reading his text, I immediately moved my car out of the school. Well, I don't know what he's up to. Isang private dinner lang naman iyong inihanda niya kaya bakit kailangan ko pang isuot iyong dress noong prom? I mean, simple lang naman iyon saka maganda tignan pero parang hindi naman angkop sa mangyayari maya-maya.

I drove fast until I reached our house. Si Mama ay nagluluto ng kung ano sa kusina pagkarating ko. Masyado pa namang maaga kaya walang problema kung magtagal ako sa bahay.

"Ma, may pupuntahan pala ako mamaya. Baka late na ako makauwi," paalam ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinaghihigpitan sa mga ganitong bagay. As long as I am with Jake, she trusts me so much. Malapit na rin naman sa kanya si Jacob kaya wala siyang nagiging problema.

"Saan? Biglaan ba?" tanong niya sa akin. Napatango ako roon saka sandaling napakuha ng tubig sa pitcher. I drank a glass of water and then swallowed it first before continuing what I have said.

"Yes po. Kasama ko naman si Jake. Private dinner daw." Hindi ko lang alam kung kasama niya ba pamilya niya. Pribadong dinner lang naman kasi ang dinig ko sa kanya.

She stared at me and then her eyes went to where my bag's located. Ultimo ako ay napatingin na rin doon dahil sa mga mata niyang mapanuri.

"Hmm. Sa kanya ba galing iyan?" she asked me. Napansin niya iyong mga rosas na itinabi ko lang kanina doon sa bag. Mabuti't hindi pa ito nalalanta. I still have plans to put that in my vase.

Lumingon ako sa kanya ulit saka tumango ng mahina. I know that she knows what's the real deal between me and Jake. Na hanggang kaibigan lang pero mukhang kahit sa napansin ngayon, hindi na siya nagulat pa.

Jake's my best friend. Ni minsan, hindi ako nagkwento sa kanya tungkol sa kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko naikukwento kung may pagtingin ba ako kay Jacob.

Now that she saw the flowers, I know what she's thinking.

"Nanliligaw sa'yo?" Nagulantang ako sa tanong niyang iyon.

Ligaw? Parang hindi naman. He just confessed his feelings to me and now, I don't know if he's courting. I don't want to assume. Ang tanging alam ko lang naman sa kanya, gusto niya ako simula high school.

"Hindi naman po. Magkasama naman kami palagi pero hindi naman siya nanliligaw sa akin," paliwanag ko.

She stopped what she's doing. She stood right in front of me and then smiled sweetly.

Parang kay tagal nang hindi ko nakita sa kanya ang ngiting iyan pagkatapos mamatay ni Papa. That sweet smile's reminding me of how our family went from the happy one to being separated. How those sweet things turned to something that led our family to the moment that I never wished for.

"I can support you two. Hindi naman ako tutol sa kagustuhan mo. You can decision for yourself."

Natawa ako ng bahagya. Hindi pa nga nanliligaw sa akin iyong kaibigan ko. I know what she meant by that.

"Well, let's just see what will happen. Bukas naman ang sarili ko para sa kanya."

"Have you not fallen in love with him?"

My throat went dry. Mula sa matuwid na pagkakatayo ay tila bigla akong nabaluktot nang marinig iyon.

Kahit na ako nga mismo, hindi ko masagot ang tanong na iyan. Hindi sa naguguluhan ako sa kung anong nararamdaman ko, kundi dahil sa ayaw kong bumitaw ng isang salita na parang wala akong kasiguraduhan.

I just shrugged my shoulder on that. Hindi na ako nagbalak pang magkwento sa kanya tungkol sa nagiging estado namin ngayon ni Jake. Our story's not yet finished. Mahirap nang magsabi ng kung ano kahit na wala pa naman.

Instead of not doing anything, I just prepared myself. Hindi na ako ulit nakatanggap pa ng text mula kay Jacob pagkatapos kanina. Maybe he's preparing the venue? O 'di kaya naman ay masyadong pinapakalma lang ang sarili.

Alam naman niyang mas okay lang sa akin kahit saan. Hindi naman ako mapili sa mga lugar.

Hinanap ko iyong dress sa cabinet ko. Nakasilid iyon sa isang box at naka-separate sa iba kong mga damit kung saan mas madali kong makikita sakali.

When I opened the box, the dress welcomed me, still new and not that old looking though it has been years. Ilang taon na rin namang lumipas pero mukhang bago pa rin ito hanggang ngayon.

The quality is still in good condition. Ilang oras ko lang naman kasing naigamit ito noon sa prom. I bought this because I can't find anything that can fit to our theme that time. Wala akong naging choice kaya pumunta na lang ako doon sa pinakasimple.

If this dress can recall the moments that year, I am sure that it will show me all of that. Lahat ng nangyari noong prom, sigurado akong pwede nitong maipakita sa akin kapag makapagbibigay lang ng ebidensya ito.

Hindi naman masyadong kahabaan. Sa totoo lang ay sakto lang sa taas ko iyong kanyang haba. The color is still in brilliant red. Wala pa namang sira at nang naisukat ko na ay hindi naman masyadong maluwag. Sakto pa rin ang sukat sa katawan ko at kasyang-kasya pa sa akin.

I stared at my reflection in the mirror. Parang ako iyong high school student na simple lang ang itsura para sa isang event na pupuntahan. I have no make-up; my hair is in a bun style and I still have that aura who screams how beautiful I am.

Tandang-tanda ko iyong minsang pagkatulala sa akin ni Jacob noong mga panahong iyon. Maswerte siya kasi hindi ko pa alam noon na may gusto ito sa akin, kung hindi ay baka mas napaaga ang paglayo ko sa kanya.

Lucky for him because he got a chance to know me more. Sundan ba naman ako hanggang sa kung saan ako nag-aaral. Masyadong mapaghabol para sa isang babaeng katulad ko. Maswerte na ba ako dahil sa gusto ako ni Jacob? Should I consider myself as lucky?

Hindi ko na inaksaya pa ang oras at inayusan na ang sarili. I applied a light make up and then made a bun style on my hair. Hinayaan kong may kakaunting mga hibla ng buhok ko ang natira upang hindi naman masyadong pormal iyong dating ko. Kahit sa lipstick ay iyong hindi masyadong matingkad ang kulay na inilagay ko. Nakuntento na ako sa kung saan mas komportable akong tignan iyong kulay.

I also wore some of my jewelries. Tanging kwintas saka bracelet lang naman iyon, saka ko na nilagyan ng pabango ang ilang parte ng katawan ko. It took me an hour before I can finally say that I finished working on myself.

Mabuti't hindi masyadong mabigat dalhin iyong dress. I bought this before because of that. Magaan lang siya dalhin tapos hindi masyadong enggrande ang dating. Iyong sa parteng dibdib ay hindi naman masyadong kalaliman. Hindi naman uhaw sa laki ng dibdib iyong si Jacob.

He respects me so much. Pagdating sa mga ganoong bagay ay wala naman interes.

Malalim ang hiningang pinakawalan ko saka napabalik sa salamin. And there, I saw how I look like. Hindi pa man ako nakakasuot ng sapin sa paa ay kitang-kita ko na kung gaano kabagay pa rin sa akin iyong damit. And damn, I don't know what Jacob's reaction will be later for this. Nagsusuot naman ako ng mga ganitong damit pero sa mga piling okasyon lamang. To think that I am wearing this kind of dress for a private dinner. Masyado akong handa.

So, instead of wearing heels, I chose to wear a rubber shoe. Hindi naman kita kung ano iyong suot ko sa paa kaya okay lang. Mas gusto kong maging komportable at hindi manakit ang mga paa kapag uuwi mamaya. Minsan lang naman kasi ako makasuot ng heels kaya ngayong gabi ay mas bagay ang rubber shoe. Jacob's not doing an inspection anyway.

I texted him that I am ready. Maaga pa ako sa napag-usapang oras. It's already 7:00 in the evening. Hindi naman ako nakatanggap kaagad ng reply sa kanya kaya hinayaan ko na ang sariling maupo ng matagal doon sa kama ko.

I don't want to flood him some texts. Baka sabihin, masyado kong minamadali. Hindi naman sa ganoon. I am expecting actually that he's with his family. Tapos naimbitahan niya lang ako sa kanilang salo-salo.

Medyo close kasi kami ng parents niya. My mom knew them well. Kaya iyong magulang niya ay hindi nagagalit tuwing sa amin nakakatulog si Jacob. Bukod sa may tiwala naman sila sa amin, alam naman nilang hindi mapapahamak kapag nasa sa amin si Jacob. Ganoon nila kami kung pagkatiwalaan.

His family is great. Mababait tapos walang kapintasan. Kahit na gaano sila kayaman, ni minsan ay wala akong narinig na salita sa kanila tungkol sa pagpupuna sa amin. It runs in their blood, I guess. Halos lahat naman sila ay mababait.

Sa panahon kasi ngayon, iyong ibang mayayaman ay parang pag-aari nila ang lahat kung kumilos sa mundo. They can buy and do anything they want. Pati ang minsang hindi dapat bilhin ay nagagawa nilang bilhin. They are totally different from that. The Valdemoras are different.

Sila iyong pamilya na kahit sino ay magawa nilang magkalaplit. They can be close to someone without interrogating you if you can reach their standard. Hindi na bago sa akin ang ideyang iyon.

When the clock struck at eight, I heard s horn sound from someone's car outside the house. Saktong-sakto na alas otso ng gabi iyon tumunog. Hindi na ako nagtanong pa ng kung sino ang may ari niyon dahil panigurado, si Jacob lang naman.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo bago lumabas ng kwarto. I only have my phone with me. Paglabas pa lang ay nadatnan ko si Mama na nakangiti habang nakatingin sa akin. I smiled back at her.

"Alis muna ako, Ma. Nandyan na ang sundo ko," sabi ko sa kanya. She nodded. I kissed her forehead and then hugged her before opening our main door. Sakto naman ang pagpasok ni Jacob doon.

He's wearing the same outfit he wore in our prom. Black tuxedo with a red shirt inside of it. Naka slacks din siya at clean cut na ang kanyang buhok ngayon. Naisipan niyang magpagupit ng ganoon kabilis para sa ganito.

Nagkasalubong kaming dalawa. Unang dapo pa lang ng kanyang mga mata sa akin ay hindi ako nagkamali sa naisip ko kanina.

He gulped hardly. His eyes were locked on mine as if there is some magic attached to it. Nakatitig lang siya ng diretso sa akin at hindi na naisipan pang itanggal iyon. His jaw dropped a bit. Kung hindi ko pa tinapik ang kanyang balikat ay buong oras ay ganoon lang ang kanyang gagawin.

"Laway mo, tumutulo," saad ko. He closed it and then faced my mother. Tuwid na tuwid ang kanyang tayo sa harap ng nanay ko.

Si Mama naman ay nakaharap na rin sa kanya. Hindi pa ito nagpapaalam kay Mama.

"Sorry po tita kung iimbitahan ko po ang anak ninyo para sa dinner ngayon. Pinapangako ko pong pagpatak ng alas diyes o alas onse ng gabi, depende po sa gusto ng anak ninyo, ay narito na po siya sa bahay ninyo. Mapagkakatiwalaan naman po ako," he said. Siniko ko siya ng mahina pero hindi niya man lang ako tinignan.

My mother looked at me. Bakas sa kanyang mukha ang pagtatanong kung ganoon din ba ang magiging desisyon ko. I nodded my head before she gave her attention to Jacob again.

Nakatayo lang ako sa kanyang tabi ngayon. I keep on poking his side but he's still standing straight. Walang balak na makagawa ng kung ano sa harap ng nanay ko. Nagseseryoso masyado.

"Lagi naman akong may tiwala sa'yo. Be sure to drop her safely, okay? Dahil kung hindi, ikaw talaga Jacob, makakarating sa magulang mo ito," my mother joked. Kahit ganoon ay sineryoso naman ito ni Jacob.

"Yes po, tita. Pwede na po kaming umalis?"

"Sure. Ingat kayo."

With that, he held my hand and dropped it off to his arm. Nakahawak na ako ngayon sa braso niya habang palabas na ng bahay. I gave a glance to my mother and winked at her. Hanggang sa makarating na kami ng gate at sa sasakyan ni Jake ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

There he saw the rubber shoe I'm wearing. Natawa siya ng dahil doon.

"Seryoso, sseb? Rubber shoe? Hindi naman ganyan suot mo noon, ah?" I showed it to him more. Mas lalo pa siyang natawa binabalewala na iyong pagseseryoso niya kanina.

"Dito ako komportable, eh. Para makalakad ako ng maayos mamaya," rason ko sa kanya.

"Grabe. Pero okay lang. Bagay naman sa'yo. Puro pa naman kasi paborito mo ang na-request kong i-serve. Baka madapa ka pa kung heels ang isinuot mo sa sobrang busog." He now closed the door and went to his place. Hindi man lang nagulo ng kaunti iyong ayos niya.

"Grabe talaga Jake, ano? Parang tayo lang dati iyong mga high school students na excited sa prom. Feels like we're going back to that moment now," sabi ko sa kanya. He fastened his seat belt first. Iyong mata ko ay nasa kanya nakatingin.

Bigla akong nanibago sa uri ng gupit na mayroon siya. Malinis naman siya sa dati niyang hairstyle pero ngayon ay mas lalong naging malinis lang. He looks... hot. Puro katotohanan, walang bahid ng kasinungalingan.

"Same old days. Hayaan mo, isasayaw kita ulit mamaya."

"Weh? Naks. Matapang ka na ngayon? Hindi ka na napipilitan?" asar ko sa kanya. He shook his head while smiling.

"Hindi. Pero may gusto lang sana akong sabihin sa'yo." He looked at me. Masyadong malambot ang uri ng tingin na kanyang ibinigay sa akin. From my eyes, he looked me down to my lips. Ngunit nang dumako lang sa labi ko ang kanyang mata, bigla niyang naibalik ulit iyon sa mga mata ko.

He looked away after that and started his engine. Nangunot ang noo ko dahil doon.

"What? What's that, Jake?" napailing siya.

"No, nothing. It's just that... you're beautiful tonight."

Since it is not that dark, I saw how his ears turned red. Kaagad na niyang minaneho iyong sasakyan patungo sa aming pupuntahan. 

Continue Reading

You'll Also Like

448K 32.1K 43
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...
223K 16.4K 21
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
41.7K 1.2K 42
Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for, a girl that can do studying and work at...