Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 24

76 3 0
By anchoraigee

Alam ko kung anong ibig sabihin ng naging pangalan ko, pero iyong rason na sinabi sa akin ni Mama? Ngayon ko lang narinig.

Hindi ko alam na ako pala ang naging liwanag sa kanila. Though I am not that kind of daughter who's clingy and sweet to her, she still see me as one. Hindi man niya naipapakita sa akin palagi na ganoon nga ang turing niya sa akin, parang isang malaking realisasyon ito na ngayon.

She is my mother. She carried me for nine months. Siya ang nagpalaki at nagpursigi para sa magiging kahihinatnan ko. She and my father gave everything to me. Sobra-sobra na iyon para sa akin.

And the life I am living now has a big worth for me. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanila.

Sa totoo lang ay malaking biyaya na sa akin ang ganito. That's what my life looks. Hindi naman kami masyadong mayaman pero alam ko kung paano pahalagahan ang isang bagay.

I packed my things and hurriedly left the house. Madalian kong inihagis na lang ng basta iyong bag sa sasakyan ko saka minaneho papuntang school.

Ni hindi pa ako nakakain ng umagahan dahil lang sa hindi ko paggising ng maaga. I actually didn't got a long hours of sleep. Gising na gising kasi iyong isipan ko sa kakaisip sa sinabi ni Mama.

Added by  the sudden rush of time now. Talagang hindi ako nakapaghanda ng maayos.

Mabilis din akong bumaba ng kotse nang makarating na sa parking lot. Halos hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit ng bag at sinara na lang ng tuluyang iyong pintuan ng kotse.

I walked in the hallway while still fixing my hair. Sinuklay ko lang ng mabilisan saka naging dire-diretso na kaagad ang mabilis kong lakad.

Sa dulo niyon ay kitang-kita ko si Jacob na nakatayo habang may ilang tangkay ng rosas na hawak. He's holding some red roses while leaning on the pole. Hindi ito nakatingin sa gawi ko kaya hindi niya ako napansing paparating.

Napatakbo kaagad ako bago tuluyang nakarating sa kanya. I tapped his shoulder that fast, not having any chance to talk to him for a while. Mabilis ang naging lakad ko saka hindi na nag-abala pang lumingon sa kanya.

"See you later na lang, Jake!" sigaw ko sa kanya at natakbo ulit. Kahit ganoon, nagawa pa niyang hatakin ako saka mapabalik sa pwesto malapit sa kinatatayuan niya.

My brows furrowed and then looked at him. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil iyong mukha niya ay wala na ang bahid ng kapreskohan. But still, he looks handsome. Sadyang nakakapanibago lang makitang parang pagod ito.

"Teka lang. May class ka?" tumango ako na may halong pagmamadali. Parang natauhan naman siya doon saka niluwagan ang pagkakahawak sa akin bago iminuwestra iyong mga rosas.

Hindi ako nagdalawang-isip na kunin iyon sa kanya. Nakabalot pa sa isang tila mamahaling papel ang bawat isa niyon. Parang sa kahit ganito karaming rosas, handa siyang gumastos ng malaki. Mayroon pang card na naroon na wala naman akong nakikitang sulat.

"Uh... baka pwedeng  advance celebrate tayo mamaya?" he asked. Wala sa huwisyo ang isip ko ngayon. My mind's fully attentive to my class.

"Huh?" saglit akong napatingin sa relo bago nanlaki ang mga mata. "Oh shit! Hala, Jake! Late na ako masyado sa class! Kita na lang tayo mamaya!"

I started running again while holding those roses. Pero saglit ding tumigil nang makarating sa kalagitnaan.

I went back to him and greeted him. Baka sabihin, nakalimutan ko pa.

"Advance Merry Christmas, Jake! Sa Pasko na lang tayo mag-celebrate, ah?" I said to him before going finally to our class.

Luckily, I didn't got some detentions. Buti na lang dahil hindi gaanong istrikto ang guro namin sa ngayon. At least, I don't have some absences now. Mahirap nang lumiban lalo pa't pakiramdam ko, parang buong lesson ang hindi ko napakinggan.

I held the roses. Buong klase ay hinawakan ko lang iyon dahil kung isisilid ko sa bag, parang hindi na maganda iyong itsura niya kapag inilabas ko ulit.

Ang akala ko pa naman, sa isang guro niya ito ibibigay. I really don't have any idea about this. Nagbibigay naman talaga siya sa akin ng regalo dati pero hindi ganito. Some simple things only.

Ako yata ang kauna-unahang babae ang nabigyan niya ng ganito. Siguro, simula dati pa ay balak naman niya talaga pero pinapangunahan ng takot. Parang nagiging sakit na niya yata ang pagiging torpe.

Maswerte na ako sa kanya kung tutuusin. Kahit na alam ko namang masyado lang siyang tahimik pagdating sa kanyang nararamdaman, nagagawa niya pa ring maging malapit sa akin sa kabila ng lahat.

Words are not enough for him. Bukod sa maraming naitulong sa akin, halos hindi ko na maisip na paano na lang kung wala siya? Will I still be the same Phoebe now?

It's not that my life's depending on his existence. Ang ibig ko lang naman sabihin ay paano kung hindi ko siya nakilala? I don't think not knowing him in my life will be the greatest blessing.

Patuloy lang akong nakatitig doon sa mga rosas, hindi iniintindi kung may nakatingin ba sa gawi ko o wala. Nothing. I just love laying my attention to the flowers. Para akong isang taong kauna-unahang beses lang na makakita ng ganitong bulaklak.

Ilang sandali pa ay nadinig ko ang isang ingay. Someone entered our room and if I didn't laid my eyes in there, I won't know who that person is.

Napagalaw ako ng bahagya sa upuan, nabitawan iyong mga bulaklak na hawak at nanatili lang doon ang tingin ko sa pintuan banda.

My eyes narrowed upon seeing Jacob, holding a guitar. Actually, sira na iyong gitara siguro dahil iyon ang kanyang naihulog kani-kanina lang.

He's gently scratching the back of his head while staring at our teacher. Nakasukbit sa isang balikat niya ang kanyang bag habang hilaw na nakangiti na ngayon.

Nasa likuran niya iyong iba niyang kaibigan na ngayon ay tila nahihiya na rin sa kanilang sinapit. Halos lahat ng mga estudyanteng nasa klase namin ay nasa kanila na ang paningin ngayon.

I actually don't have idea why he's here. Saka iyong istorbohin ang klase namin? Gosh. Hindi niya alam kung paano magalit ang gurong nasa harapan niya ngayon.

"Palitan ko na lang 'yan mamaya. Pasensya na pare, nasira ko pa gitara mo," sambit niya na hanggang sa pwesto ko ay dinig na dinig ko.

Hindi naman na ako nagulat pa roon kasi syempre, hangga't kaya niyang bilhin ang isang bagay, babayaran at babayaran niya iyon. That explains why he's holding a guitar earlier. Sa kaibigan niya pala iyon.

Nalipat ang paningin ko sa guro namin. She's eyeing Jacob suspiciously. Iyong kanyang mga mata ay parang kahit anong oras ngayon, luluwa at handang sugurin ang kampon ni Jake.

I believe he has his own reasons why he suddenly went here. Normally, our classroom door is close when the class is starting. Sadyang ngayon lang nangyaring may nagtangkang pumasok kalagitnaan ng klase.

Jacob cleared his throat. Ang kanyang mga kaibigan na nasa likuran niya ay parang mga duwag na nakatago roon. Siya ang nasa pinakaunahan at talagang magkaharap sila ng guro ko.

"And why did you got some courage to enter the room in the middle of my class, Mr.?" she stopped. Tumindig ng tuwid si Jacob dahil doon.

"Valdemora, Ma'am. I am Jacob Ezra Valdemora and the persons right here behind me are my friends. Do you want me to introduce them to you one by one, Ma'am?" Muntik na akong matawa sa kanyang isinagot. Iyong mukha niya ay sobrang seryoso ngunit alam kong sa loob niya, puno ng sarkasmo iyon. He's the king of making people a fool.

"I don't need any of your explanations dahil sigurado naman akong kilalang-kilala ko ang mga personalidad na iyan," her stares went to his friends. Para akong nanonood ng isang pinaghandaang play ngayon.

Tumango si Jacob saka dumako ang kanyang paningin sa direksyon ko. I straightened my sit and also cleared my throat. Sa akin naman napatingin iyong ibang nasa loob ng room.

"Ma'am, do you mind if I give some few words to Ms. Phoebe Charis Espeja? Since nasira iyong gitara, baka pwedeng pahintulutan niyo po akong magsalita?" he asked politely, returning his gaze to the teacher.

"I guess you're familiar with the classroom?" my teacher asked him with her right brow, raising.

"Yes, Ma'am."

"And what are we doing inside of the classroom?"

"Lecturing, Ma'am," matapang niyang sagot dito. Ni minsan, hindi ako nakakita ng kung sinong naglakas loob na makipag-debate sa gurong ito. This is my first time.

"Good. You may—"

"But that doesn't mean that we can't talk to someone. Narito lang naman po ako upang tanungin sana si Phoebe Charis Espeja kung papayag ba siyang makasama ko mamaya sa isang pribadong kainan—"

My teacher's eyes went big. Maski ako ay ganoon din ang naging ekspresyon.

"What, Mr. Valdemora?!"

"No, wait. You misinterpreted me, Ma'am. Sinusubukan ko nga pong mag-straight tagalog pero mukhang ibang meaning po ang naibibigay niyo." He grinned. Natawa ang iba sa mga kaklase ko at natigil lang nang suwayin ni Ma'am. "What I mean is a private dinner. Kung pwede po sana ay ibigay niyo po sa akin ang pagkakataong ito upang tanungin siya tungkol doon."

And he went back looking at me. Tahimik lang akong nakatingin din sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mukha ang bahid ng kaba at maski ang kaunting panginginig ng kanyang labi ay napapansin ko pa.

"I, Jacob Ezra Valdemora is now asking you, Phoebe Charis Espeja to spend your time later with me for a private dinner. That will be 8 PM later and will end at exactly 10:30 or around 11 in the evening. Do you mind ... answering me?"

I bit my lip. My teacher lost her chance to speak because Jacob got the floor. Inatake kaagad ako ng pagiging slow sa ganitong sitwasyon kung saan nakatingin pa rin iyong iba sa akin. Some are staring at Jacob with full of admiration. Na-hot seat yata ako.

His friends tapped his shoulder. Mga nakangiti na ang mga ito ngayon, iniiwasang makagawa ng ingay dahil katabi nila ang guro kong masakit na ngayon ang tinginan sa amin.

I held the ballpen. Mahigpit ang hawak ko roon at umigting ang panga. I licked my lip and then breathed hardly. Naging hindi maganda kaagad ang takbo ng utak ko.

"Mr. Valdemora, can you please get out of the room now? You are wasting my time," suway sa kanya nang hindi pa ako nakakapagsalita.

His friends shush her not intentionally. Napipi ako ng biglaan dahil parang hindi ko gamay ang ganitong pinapakita sa akin ni Jacob sa ngayon.

Some of the students whispered to me that I should allow myself for that. Kahit isang segundo man lang, hindi nito naialis ang tingin sa akin.

He likes seeing my reaction. Hindi ko nga lang alam kung talaga bang dinner iyong sakaling pupuntahan naming dalawa.

"Would you like to be with me later, sseb? Kasi kung oo, ngayon pa lang, itotodo ko na ang paghahanda para sa'yo." His voice was shaking while saying that. Gusto ko mang nag-react sa ganoong uri ng pagsasalita niya, hindi ko magawa.

It took me a minute before I finally decided on what will be my answer for his question.

"Okay. I'll be with you later," I answered while smiling. Parang nabunutan ng malaking tinik ang kanyang katawan nang marinig iyon. He smiled widely and faced my teacher, thanking her for the opportunity that she gave her to him.

"I assure you Ma'am that I can be the janitor of your classroom for the entire week. Salamat ng marami at nawa'y pahabain pa ang buhay ninyo sa mundo."

That was his last words before winking at me and went out of the room. Napuno naman kaagad ng ingay ang classroom nang sandaling mawala na sina Jacob. Some are celebrating and expressing their joys. Parang isang hindi pangkaraniwan ang kanilang nasaksihan.

"Is that your boyfriend, Ms. Espeja?" our teacher interrupted us. Nawala kaagad iyong biglaang ingay dahil sa kanyang boses.

I smiled awkwardly at that question.

"Friend, Ma'am." I shortly explained. Mula sa masayang ingay ay nauwi sa tila panghihinayang iyong mga boses ng mga kaklase ko.

She shook her head and instead of giving us the time to finally go, she continued discussing. Pinulot ko iyong nahulog na bulaklak saka binalewala ang tila pakiki-tsismis ng ilan sa akin.

Jacob's handsome but he's not known like the campus crush. Low key siya kumbaga kasi hindi naman niya kailangan ng ganoong titulo. He's contented with what position he is in right now. Hindi naman siya attention seeker.

My teacher took an hour before she finally finished her class. Mabilis akong lumabas ng room, umaasang naroon sa labasan si Jacob pero wala.

I went to the library first for the book in one of our subjects. Saglit ko na munang hiniram bago napagpasyahang i-text ito.

To: Jacob

Anong suot mamaya? Saan dinner?

I sent it to him before finally going to the parking lot. Hindi ko naman siya nakita kahit sa hallway. Maski sa parking lot ay hindi ko nakita iyong sasakyan niya kaya siguro ay umalis na kanina.

From: Jacob

Sunduin kita. You can wear the dress you wore in our prom. Maganda naman iyon :)

I rolled my eyes at that. Ni hindi ko nga alam kung kasya pa ba iyon sa akin kasi ilang taon na rin naman ang lumipas. Masyadong matagal pero naroon pa iyon sa pinaglalagyan ko.

From: Jacob

See you later, sseb. Labyu as a friend (>__<)

Continue Reading

You'll Also Like

587K 27K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
354K 21.7K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
2.5K 228 54
Engr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.4K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...