Ang Mahiwagang Puso

بواسطة sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... المزيد

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 18

191 27 4
بواسطة sobercatnip

Lumipas ang mga araw ng pananatili at pagpapagaling ni Vice sa loob ng ospital. Matiyaga siyang inalagaan nina Alena, Anne at ng kanyang Lolo Gonzalo. Maliban sa kanila, ay tumulong rin minsan sa pagbabantay ang mga kasambahay nila sa mansyon na sina Blossom, Buttercup, at Bubbles. Maging ang iilang kaibigan at katrabaho ni Vice ay paulit-ulit din ang pagdalaw sa kanya sa ospital.

Mabilis na bumalik ang dati niyang sigla na bahagyang ikinagulat naman ng mga doktor. Sa loob lamang ng ilang araw ay nakayanan na niyang tumayo at maglakad kaya di kalaunan ay pinayagan na rin si Vice na makalabas sa ospital. Gayunpaman, hindi pa rin tuluyang humihilom ang natamo niyang sugat kaya kinakailangan niya pa rin ng ilang araw na manatili sa kanilang bahay upang magpahinga.

Kasalukuyang nasa loob ng sasakyan pauwi galing sa ospital sina Vice, Alena, at ang nagmamanehong si Anne. "Now that you're out of the hospital. Always remember what your doctor said. Avoid extreme activities or whatsoever, avoid stressing yourself too much, wag kalimutang inumin ang gamot, at higit sa lahat, kumain ka sa tamang oras," parang nanay na bilin ni Anne at panaka-nakang tinitignan sa rear-view mirror ang kaibigan, habang walang imik lang namang nakikinig si Alena sa passenger's seat. "At kapag nalaman kong sinusuway mo tong mga bilin ko, ako mismo ang babalik sayo sa ospital."

Napairap naman si Vice at kunwaring naiinip sa likod. "Opo, yes po. Pangakong hindi ako magiging pasaway. Kahit pa ramdam ko namang okay na ako, and there is completely nothing to worry about. Now can you please turn on the radio, bago pa humaba tong sermon mo? Daig mo pa si lolo eh."

"At daig mo rin ang isang batang paslit na kapag hindi pagbilinan ng magulang ay tiyak na makakalimutang gawin ang mga nararapat at iwasan ang mga hindi. Kaya makinig ka kay Anne kung ayaw mong ibalik rin kita sa ospital," striktong pagsasalita ni Alena dahilan para mapangisi si Anne at pagtawanan ang nakasimangot na si Vice.

"O edi, tiklop si bakla," bulong ng huli na lalo namang nagpalakas ng tawa ni Anne at palihim na nagpangiti kay Alena dahil narinig rin nila ito.

Sa loob ng mahigit ilang buwan na pagsasama ay naging malapit na ang loob ng sang'gre sa dalawa. Maliban kay Vice ay nagagawa na rin ni Anne na makipagbiruan kay Alena. Masaya ang huli dahil kahit malayo siya kina Pirena, Amihan, at Danaya, ay naririyan si Anne na maituturing na rin niyang isang tunay na kapatid.

Kunwaring naiinis namang binuksan ni Vice ang radyo ng sasakyan gamit ang kanyang kaliwang kamay dahil hindi pa rin pwedeng tanggalin ang suot niyang elbow brace sa kabila. Ngunit sa halip na makarinig ng nakakaindak na musika ay isang nagbabagang balita ang tumambad sa kanila.

"Sa wakas at nahuli na ang anim sa mga nakatakas na suspek ng nangyaring madugong hostage-taking noong nakaraang linggo. Kasalukuyang nakakulong na ang mga ito kasama pa ang ibang nasangkot sa krimen at pare-parehong nahaharap sa mga kasong..." Agad namang natahimik ang buong sasakyan dahil sa kanilang narinig. Bahagyang binagalan ni Anne ang kanyang pagmamaneho habang nagkatinginan lamang sina Vice at Alena.

"Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang ilang nasugatan at nabaril habang nasa kritikal na kondisyon pa rin ang mayamang negosyanteng si Mr. Albert Kim, na isa sa mga kinikilala ring miyembro ng naturang Chinese Business Circle."

Nang matapos ang balita ay sandaling tahimik ang tatlo habang panaka-nakang tinitignan ni Anne sina Alena at Vice. "Sa tingin ko kailangan nating puntahan si Mr. Kim," biglang sambit ng huli dahilan para tignan siya ng sang'gre. Bakas sa mukha ni Vice ang lungkot dahil tila hinahabol na talaga sila ng katotohanang hindi pa rin nila hawak ang brilyante ni Alena.

"Maaring mas mahihirapan tayo ngayong makalapit sa kanya nang dahil sa nangyari ngunit siya lang ang nakakaalam kung saan ang brilyante ng tubig kaya kailangan natin siyang makausap sa lalong madaling panahon," bahagyang nilalamon na si Vice ng kanyang konsensiya dahil tila nakalimutan niya na ang paghahanap sa nawawalang brilyante nitong mga nakaraang araw.

Paminsan-minsan niya itong naiisip pero kanya itong binabalewala pansamantala upang hindi na muna nila pag-usapan. At ngayon ay nakokonsensiya siya dahil ginawa niya iyon para sa pansariling kagustuhang manatili na muna ng mas matagal pa si Alena.

"Mahihirapan talaga tayo kasi for sure, mas marami na ang nakabantay sa kanya ngayon," giit ni Anne at nakatuon na ang atensiyon sa daan. "But I do agree with you about talking to him as soon as possible. Lalo na ngayon that we are unsure about his current condition. We need to act now before anything bad and unexpected happens."

Napatango naman si Vice at napatingin kay Alena na nanatiling walang kibo. Bahagyang nagtaka si Vice dahil tila nag-iba ang reaksiyon ng sang'gre sa kanilang pinag-uusapan. Napansin din ni Anne ang pagiging tahimik nito kaya agad niya itong tinanong. "Ano sa tingin mo, mahal na sang'gre?"

Napahinga ng malalim si Alena at napadako ang kanyang mga mata sa dinaraanan nila ngayong tulay. Bahagyang natutuyot na ang ilog sa ilalim nito, katulad na lang ng pag-asang makukuha nila ang brilyante sa lalong madaling panahon, "Wala na sa negosyanteng iyon ang aking brilyante."

Tila nabingi naman si Vice dahil sa kanyang narinig. Maging si Anne ay biglang napahinto sa kanyang pagmamaneho. "Anong ibig mong sabihin, mahal na sang'gre. At paano mo nalaman na wala na kay Mr. Kim ang nawawala mong brilyante?"

"Kasi akin na siyang nakausap."

Napanganga naman si Anne dahil sa kanyang narinig. "Paano? Eh diba hindi naman natin alam kung nasan siya ngayon," sandaling napaisip si Anne hanggang sa napagtanto niya ang sagot sa sarili niyang tanong. "Oh my gosh! So, ibig mong sabihin, all this time, nasa iisang ospital lang pala si Mr. Kim at si Vice?" hindi makapaniwalang giit nito at napahilot sa kanyang sentido.

Ilang araw na rin kasing sumasagap ng balita at impormasyon si Anne patungkol sa kinaroroonan ng matandang negosyante. Nais niya itong malaman dahil nga hindi pa nila nakukuha ang brilyante ni Alena. Hindi kasi isinapubliko ng panig ni Mr. Kim ang ospital kung nasaan siya nagpapagaling dahil sa pangambang manganib muli ang buhay nito.

Nanatili lamang na walang imik si Vice sa likod at tila naguguluhan. Hindi niya batid kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya nang malamang hindi sinabi sa kanya agad ni Alena na nakausap nito ang taong inakala nilang may hawak ng nawawalang brilyante. Hindi maiwasang isipin ni Vice na baka hindi pa rin niya nakukuha ang buong tiwala nito. Tila nasasaktan siya sa ideyang hindi siya lubos na pinagkakatiwalaan ni Alena.

Nabulabog lamang ang malalim na pag-iisip  ni Vice nang makarinig sila ng sunod-sunod na busena galing sa likod. Tila nakaligtaan ni Anne na napahinto sila sa gitna ng daan. "So, kung kasalukuyang wala kay Mr. Kim ang brilyante. Saan o kanina natin ito mahahanap?" muling tanong ni Anne at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Sandali namang nilingon ni Alena si Vice ngunit mabilis itong umiwas dahilan para kumunot ang noo ng sang'gre dahil sa pagtataka. Muli siyang tinanong ni Anne tungkol sa kinaroroonan ng brilyante kaya ito nalang ang kanyang hinarap.

"Ayon sa aming pag-uusap ay kasalukuyang nasa Timog daw ang aking brilyante," sagot ni Alena at muling inalala kung paano niya ito nalaman.

Taimtim lamang na pinagmamasdan ni Alena ang suot niyang kuwintas. Hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ni Vice nang ibigay niya ito sa kanya noong nakaraang araw. Tinignan niya ang huli na mahimbing na natutulog sa higaan nito. Si Alena lang ang nagbabantay dito ngayon sa ospital dahil kinailangan munang umuwi ni Anne.

Unti-unting nilapitan ni Alena si Vice at sandaling pinagmasdan ang mahimbing nitong pagtulog. Akmang hahawakan niya ang kamay nito nang makarinig siya ng kaguluhan labas. Hindi katulad ng mga karaniwang nilalang ay mas matalas ang pandinig ng mga sang'gre na tulad ni Alena.

Muli niyang tinignan si Vice at nang masigurong hindi naman naabala ng kaguluhan ang pagtulog nito ay dahan-dahan siyang lumabas ng silid. Tumambad kay Alena ang grupo ng mga doktor at nars na nagmamadaling pumasok sa isang silid.

Nagtataka niya silang sinundan at laking gulat ni Alena nang makita si Mr. Kim na tila nag-aagaw buhay. Naiwang bukas ng isang nars ang pintuan ng pribadong silid na iyon kaya natunghayan ng sang'gre ang buong pangyayari.

Nang makabalik sa dati nitong takbo ang mga aparatong nakapalibot kay Mr. Kim ay agad na nakahinga ng maluwag ang mga doktor. Maging si Alena ay nakaramdam ng kapanatagan nang mapagtantong nailigtas ng mga ito ang matanda.

Gayunpaman ay bigla siyang naguluhan dahil nakakatiyak siyang ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang pagalingin si Mr. Kim nang muntik na rin itong binawian ng buhay noong araw na nabaril ito. Unti-unting napatingin si Alena sa kanyang mga kamay at biglang nangamba na baka tuluyan ng nawala ang kanyang kapangyarihang manggamot.

Ilang sandali lang ay nagitla ang sang'gre nang may dalawang lalaking tumambad sa kanyang harapan. Mabilis nilang isinara ang pinto ng silid ni Mr. Kim at seryosong tinignan si Alena "Miss, pasensiya na pero hindi kayo pwede rito."

Napaatras si Alena at nagsimulang maglakad pabalik sa silid ni Vice. Ngunit sa halip na dumiretso sa loob ay napahinto ito at nag-isip.

Sa mga oras na iyon ay hindi na nagsayang pa ng panahon si Alena. Napagtanto niyang kailangan na niyang makausap si Mr. Kim upang maibalik na nito sa kanya ang kanyang nawawalang brilyante.

Malalim na napaisip ang sang'gre. Kailangan na rin niya ngayong makabuo ng plano upang makalapit sa matanda. Nangangamba siyang mahuhuli na ang lahat sa oras na malagay muli sa panganib ang buhay nito.

Napatingin si Alena sa kanyang paligid. Napagtanto niyang hindi niya maaring gamitin ang kanyang kapangyarihan dahil tiyak na pagkakaguluhan siya ng mga tao. At nababahala na rin siya dahil tila unti-unti na ring nanghihina ang kanyang taglay na kakayahan.

Maya-maya lamang ay napadaan ang isang nars bitbit ang maliit na tray ng mga gamot. Naramdaman niyang patungo ito sa silid ni Mr. Kim kaya mabilis siyang nakaisip ng isang ideya.

"Wag kang mag-alala. Ibabalik ko rin ito agad," giit niya sa nars na nakatakip ang bibig at nakagapos ang kamay. Nasa loob sila ngayon ng isang stockroom sa pinakadulong bahagi ng ospital. Suot na rin ni Alena ang uniporme ng nars na hindi maintindihan ang nangyayari.

Malalim na napabuntong hininga si Alena at hinawakan ang kamay ng babaeng kaharap. Ipinikit ng sang'gre ang kanyang mga mata at ilang sandali lang ay unti-unting nawalan ng malay ang nars na tiyak ay hindi na matatandaan ang kanilang tagpo ni Alena sa oras na magising ito. Kabilang rin kasi sa maraming kakayahan ng mga sang'gre ay ang pagbura ng memorya ng tao.

Mabilis na hinubad ni Alena ang pagkatali ng nars sa kamay at tinanggal rin ang takip nito sa bibig. Maayos niyang pinasandal ang nars sa mga kahong nandoon bago ito tuluyang iwan sa loob.

Walang kabang naglakad si Alena sa mahabang hallway ng ospital. Suot ang uniporme ng nars habang hawak ang tray ng mga gamot. Sandali siyang napahinto sa harap ng silid ni Vice bago tuluyang naglakad patungo sa silid ni Mr. Kim.

Mabilis siyang nakapasok sa loob dahil hindi naman siya pinaghinalaan ng mga lalaking nakabantay. Maingat na ipinatong ni Alena ang tray ng mga gamot sa mesa at pinagmasdan ang walang malay na matanda.

Ilang sandali lang ay unti-unti nitong iminulat ang kanyang mga mata. Ramdam niyang may ibang tao sa loob kaya napatingin siya kay Alena. "S-Sino ka?" nanghihinang tanong ni Mr. Kim na mukhang hirap na ring huminga at makapagsalita.

Dahan-dahan siyang nilapitan ni Alena at tila nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ito. "I-Ikaw...ikaw ang babaeng nagligtas sa akin."

Napayuko naman ang sang'gre dahil nagdalawang isip siya kung nailigtas nga ba niya ang buhay ng matanda. "S-Salamat. M-Maraming salamat kasi kung hindi dahil sayo baka tuluyan na akong nalagutan ng hininga."

Napailing si Alena at tinignan sa mga mata ang matanda. "Wag mong sayangin ang iyong lakas sa pagpapasalamat sa bagay na walang katiyakan."

Mahinang napangiti ang matanda at bahagyang napaubo. "N-Nang dahil sa iyo ay nagkaroon ako ng pagkakataong itama ang isang malaking pagkakamali. N-Nagawa kong humingi ng tawad sa aking pamilya at sa mga taong nasaktan ko. K-Kaya ako nagpapasalamat dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng oras upang pagsisihan ang mga nagawa kong mali. Salamat dahil kahit nanghihina ang aking katawan ay iniligtas mo naman ang aking kaluluwa."

Hindi naman agad nakapagsalita si Alena at sandali niyang pinagmasdan si Mr. Kim. Maari ngang nanghihina na ang katawan nito ngayon ngunit may kakaibang kapanatagan sa kanyang mga mata.

"Nagagalak akong makita na ikaw ay nagsisisi sa mga nagawa mong kasalanan," giit ni Alena at naalala ang sinabi ni Vice sa kanya patungkol sa kakayahan ng mga taong magbago para sa mabuti, "Ngunit iisa lamang ang aking pakay."

Napatango naman si Mr. Kim. Tanging ang mga aparatos lamang na nakakabit sa kanya ang tunog na kanilang naririnig. "Narito ako para hingin ang brilyanteng ibinenta sayo ng dati mong tauhan na si Virgilio," giit ni Alena dahilan para mapakunot ang noo ng matanda. "Nais kong maibalik ang brilyanteng iyon sa tunay na nagmamay-ari nito."

Napansin naman ni Alena ang unti-unti pagbago ng reaksiyon ni Mr. Kim. "P-Pasensiya ka na, hija. Pero wala na rin sa akin ang hinahanap mo."

"Ano ang iyong ibig sabihin?"

Sandali huminga ng malalim si Mr. Kim at napaiwas ng tingin. "N-Naibigay ko na ito sa taong inakala ko mapagkakatiwalaan ko. Sa taong inakala ko ay isang kaibigan, yon pala ay isang malaking traidor," pagkukuwento niya sa tila di makapaniwalang si Alena.

Napag-alaman ng sang'gre na naibigay na nga ni Mr. Kim ang brilyanteng kanyang hinahanap sa isang politikong nagngangalang Don Hidalgo Gonzales. Kilala ito na mahilig mangolekta ng mga mamahaling hiyas at mga diyamante. Ilang dekada na ring namumuno ang pamilya nila sa Southern Mindanao o mas kilala ngayon bilang Davao Region. Ang pamilya Gonzales rin ang nagmamay-ari at nangangasiwa ng lima sa mga malalaking minahan sa buong bansa. Kahit nasa Timog ay malaki ang impluwensiya ng pamilya Gonzales sa Maynila. Marami rin silang mga kaanak na naluklok sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan.

Nang malaman ni Mr. Kim na nais siyang dukutin at ipapatay ng mga kalaban niya sa negosyo ay humingi siya ng tulong at proteksiyon kay Don Hidalgo. Kabilang sa ginawa niyang pambayad o kapalit ay ang brilyante ni Alena dahil sa pinagka-interesan rin ito ng Don.

Inakala ni Mr. Kim na nakaligtas na siya sa kanyang mga kalaban ngunit nagawa pala siyang pagtaksilan ni Don Hidalgo. Bigla nalang nitong pinutol ang kanilang kasunduan at nangyari ang hindi inaasahang kaguluhan.

Tulalang lumabas ng silid ni Mr. Kim si Alena na tila hindi napansin ang dalawang guwardiya sa labas. Pagkatapos magbihis at maibalik sa walang malay na nars ang uniporme nito ay naglakad na ang sang'gre pabalik sa silid ni Vice.

Hindi niya batid ang dapat niyang maramdaman sa mga nakuha niyang impormasyon. Napahinga siya ng malalim at napahawak sa kanyang puso. Bigla nalang itong nanikip sa hindi malamang dahilan. Unti-unti niyang binuksan ang pinto sa kwarto ni Vice at mabilis na tumambad sa kanya ang isang mahigpit na yakap.

Nanlaki ang mga mata ni Alena nang salubungin siya ng biglang pagyakap ni Vice. Isang bisig lamang ang nakabalot sa kanya ngunit ramdam niya ang higpit nito.

"Akala ko kung saan ka na nagpunta," pagsasalita ni Vice habang yakap-yakap pa rin si Alena. Bakas rin sa boses nito ang matinding kaba at pag-aalala, "Natakot ako kasi akala ko umalis ka na at hindi manlang ako nakapagpaalam."

Tila natuod ang sang'gre sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maipaliwanag ngunit para bang bigla nalang naglaho ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Hindi na sumisikip ang kanyang dibdib ngunit tila kumakabog naman ang kanyang puso. Ngunit sa kabila ng nagkakagulo niyang damdamin, ang mahigpit na yakap ni Vice ay nagbigay rin sa kanya ng kakaibang kapanatagan at kapayapaaan.

"Wag kang mag-aalala. Dahil hinding-hindi ako lilisan nang hindi nagpapaalam," mahinahong giit ni Alena at unti-unting tumugon sa mahigpit na yakap ni Vice.
































itutuloy?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4.3K 314 45
[COMPLETED] Meet Samantha Jimenez.....Sam for short.....masipag, mapagmahal na anak, simpleng babae.... Laki siya sa hirap kaya matatag ang kanyang l...
9.9K 323 22
"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe
4.8K 310 10
Paano kapag nagtagpo ang hindi kasikatang writer na si Gypsy at ang 'wattpad legend' na si Lloyd? Magkakasundo kaya sila lalo pa at puno ng kabittera...
'Til Death بواسطة Annie

القصة القصيرة

2.6K 194 16
Lahat tayo ayaw mamatay. Pero paano kung tadhana na ang nagsabing kailangan mo nang mawala Sa mundong minsan mo nang ginalawan....