War Has Begun (War Series #1)

By overthinkingpen

398K 17.3K 5K

PUBLISHED UNDER KPUBPH Copies are available via Tiktok Shop and Lazada. Please visit KPubPH on their Facebook... More

War Has Begun
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
War Has Begun
ANNOUNCEMENT: Book Publishing
Pre-Order for Published Book

Chapter 13

7.2K 327 87
By overthinkingpen

Chapter 13

Weird Beat

"I did not look at it," I mumbled while I was taking my test paper out of my bag. 

"Why?" Nagtatakang tanong ni Jadon habang tinitingnan akong binubuksan ang bag. 

Hawak n'ya ang manibela sa kaliwang kamay, habang ang isa naman, nakapatong lang sa kanang hita n'ya. Pagkatapos ng klase ko kanina, dito na ako dumiretso sa sasakyan n'ya nang sabihin n'yang nasa Torrero University s'ya.

Sanay na akong nagpupunta rito parati si Jadon. Hindi ko matandaan kung kailan dumalas, pero parang tuwing hapon o tuwing uwian ko, nandito s'ya sa university.

Kakakita lang din namin no'ng Sabado no'ng mag-aral kami. Ngayong araw inilabas ang nakaraang exam na pakiramdam ko, ibinagsak ko. 

"I want to see it with you. Para kapag umiyak ako, hindi makikita ng classmates ko," I said. 

Because crying in front of other people feels embarrassing, but crying in front of Jadon feels comforting.

Napangiti si Jadon at tumango. 

Tiningnan ko ang nakatiklop na test paper at napabuntong-hininga. I have a high chance of failing this. I know it. But I can't help but still hope that I passed it. 

I opened the test paper and saw my score. Napalunok ako nang makita na isang puntos na lang sana, sasabit na ako sa passing grade. 

Pero wala naman talagang pumasa sa amin... iisa lang sa section namin ang pumasa. Sa ibang section, I heard that Leion Zendejas almost perfected the exam. 

I sighed and expected myself to cry... pero walang namuo man lang na mga luha. Nilingon ko si Jadon at akala ko, nakatingin din s'ya sa test paper ko but I saw him staring directly at me, na para bang sa oras na 'yon, wala s'yang pakialam sa ibang bagay... sa akin lang.

I should be embarrassed about the grade I got, especially with him. Pero hindi ko 'yon maramdaman dahil pakiramdam ko, sa tuwing kasama ko si Jadon, kaya kong maging totoo.

I thought that I would need to pretend whenever I'm with him, but all this time, I have been nothing but true to myself. Maybe because he's not judging. He's understanding, freeing, and easy-going.

I feel accepted and understood, something I haven't felt before. 

"I didn't pass," I said, a sentence that is not familiar to me but I felt comfortable telling him. 

I thought I'd cry. Pero ngayong nakatitig ako sa mga mata ni Jadon, parang magaan ang pakiramdam ko at wala akong nararamdamang pangamba. I sighed while staring at his eyes. 

"You'll do better next time," he said with faith in his eyes. "We studied. It will pay off next time."

Tumango ako at tiningnan ulit ang test paper. We studied really hard last Saturday. Pakiramdam ko, may maisasagot na talaga ako sa susunod na examinations dahil nag-aral kami nang mabuti. I understood the terms I don't really get before. I can finally understand the concepts and the way I should analyze different problems.

"I just can't help but think what my parents would say," I mumbled.

There's this unexplainable fear I cannot name. Parang bigla-bigla na lang na sumusulpot at hindi ko alam kung saan nagmula o patungo. I just know that I'm scared.

In truth is, if I failed this exam, I wouldn't really mind. If I will only think of myself, failing is no big deal. Pero sa bawat pagkakadapa ko, naiisip ko kung sino ang mga nakatingin. Iniisip ko kung ano ang itatakbo ng isip nila at kung ano ang sasabihin nila.

Is it pride? 

Maybe. 

"I'm proud of you."

Nagtataka kong nilingon si Jadon at naabutan ko ang ngiti n'ya sa'kin.

"Huh?" Takang tanong ko, nalilimutan na ang pangamba tungkol sa mga magulang.

"I'm proud of you," ulit n'ya at parang may kung anong sumayaw sa loob ng puso ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Kasi ibinagsak ko?"

"No," he chuckled. "Because you got a nice score. Isa na lang, Aiah. For sure, you'll ace it next time."

I feel like my eyes shined as I stared at Jadon. 

His positive mindset... I like it. It's something I don't have. Although I feel like it has some downsides, I can't help but be grateful that Jadon is someone I am not. Dahil ang mga bagay na wala ako, s'ya ang pumupuno. Ang mga bagay na hindi ko kaya, s'ya ang gumagawa. 

Our difference makes me feel balanced. Hindi ako nahuhulog nang tuluyan sa bangin ng pag-iisip dahil may nakasuporta sa akin sa gilid. He's the support I never thought I needed. The support I never thought I'd want.

"Bumagsak ka?" 

Kitang-kita ko ang sama ng timpla ng hitsura ni Papa nang malaman n'ya ang grade ko sa lumipas na exam. Naka-upo si Mama sa hapag tulad ko habang si Papa, nakatayo sa hindi kalayuan, nakahawak sa baywang at nakatingin sa akin. 

Kauuwi ko lang at nasa lamesa ang test paper kong unang naipakita kay Mama pero nang madismaya, ibinigay n'ya rin 'yon kay Papa para ipakita.

"Lahat naman po halos, bumagsak. Mahirap po talaga," I mumbled. "Isa na lang po. Pagbubutihan ko po sa susunod."

"Azariah, hindi dahilan 'yon," si Mama at parang dismayadong napa-iling at natahimik ako.

I slightly bit my lip and gulped as my heart started racing. You're familiar with this, Aiah. What's new? You know what they'll say. Bakit ka pa kinakabahan?

"Bakit mo tinitingnan 'yong iba? Idadahilan mo pa na bumagsak ang karamihan kaya normal lang na babagsak ka rin?" Pagalit na sabi ni Papa at napayuko ako, nararamdaman ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Bakit? Katulad ka ba nila? Kapag hindi sila nag-aral, ayos lang na hindi ka rin mag-aral, gano'n ba? Azariah?"

Kinagat ko ang labi ko at napayuko ako. 

"'Wag mong sanayin ang sarili mo na tumitingin sa iba." 

Hindi pasigaw ang boses ni Papa pero parehas lang ng latay sa puso ko ang sinasabi n'ya. Dahil alam kong may punto s'ya... pero hindi n'ya naman alam kung ano ang pinagdaraanan ko. Nilaro ko ang mga daliri ko at pinagmasdan ko ang mga 'yon, nararamdaman ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko.

"Kung masyado mong gagawing kampante ang sarili mo dahil nakikita mong mababagal ang mga kasabay mo, lalo kang babagal. Paano 'yan? Sa card mo? Accounting--core subject mo!" Si Papa. 

Lalong dumiin ang kagat ko sa labi ko at napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. Una pa lang 'yon. Kaya ko pang bawiin. Babawiin ko. 

"Baka puro ka kasi gala kasama ng mga kaibigan mo," iling ni Papa at napapikit ako. "Dapat nag-aaral ka. Estudyante ka."

"Babawiin ko na lang po sa susunod," I mumbled. 

"Babawiin. Sa susunod? Kung hindi mo mabawi? Babawiin ulit?" 

Tama na.

Pero kahit ano'ng ulit ng mga salitang 'yon sa isip ko, nagpatuloy ang mga sinasabi ni Papa. At kahit nang matapos s'ya, bumabalik ang mga salita n'ya sa isipan ko na parang isang bangungot.

Nang bumalik ako sa kuwarto ko, hindi ko mapigilang umiyak. Ayoko man, kusang bumuhos ang mga luha ko dahil sa bigat na nararamdaman. Alam ko namang may punto sila sa sinabi. Bakit nga naman ako aayon sa kung ano ang bilis ng mga kasabay ko kung kaya ko namang pagbutihin pa?

Pero hindi ko maiwasang isipin na sana, nakikita nila kung ano ang nararamdaman ko. Na sana, hindi ganito katindi 'yong pagtulak nila sa akin. I just hope that they wouldn't invalidate what I'm feeling. Na nahihirapan din ako. Na namomroblema rin ako.

Hindi ko naman ginustong bumagsak. 

Sana tanungin din nila kung kaya ko. Kung okay lang ako. Kung kaya ko pa ba. Kung gusto ko ba 'to.

That night, I slept early because I got tired of crying so much. Kaya kinabukasan, nakita ko ang mga messages ni Jadon na hindi ko na na-reply-an pa kagabi. 

Jadon:
Are you alright?
What did your parents say?

But I didn't want to talk about it. I was done thinking about what my parents said kaya naman nag-reply na lang ako at iniba ang usapan. I know that Jadon noticed that I am changing the topic and I feel like he respected it and didn't ask any further.

"Huh?" Sagot ko sa kabilang linya ng tawag nang tawagan ako ni Jadon pagkatapos ng klase ko sa araw ding 'yon.

Hapon na at halos lahat ng kaklase ko, nakalabas na ng classroom dahil nagmamadaling umuwi. Nilingon ko si Kamille na nagliligpit na ng gamit n'ya dahil pauwi na rin kaming dalawa. 

"Nandito ako," ulit ni Jadon sa sinabi n'ya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Inayos ko ang pagkakasukbit ko ng bag sa balikat at naisip ang lipstick na nasa bulsa no'n.

"Sa Torrero?" Tanong ko. 

I heard Jadon chuckling from the other side. 

"Oo," aniya.

"Bakit?" Takang tanong ko at kinuha na ang lipstick sa bulsa ng bag.

"Let's eat?" He asked. "My treat?"

Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Kamille. Hinawakan ko ang sandalan ng isa sa mga upuan ng klase namin at ipinasada ang daliri ko ro'n habang inilalagay ang buong atensyon sa tawag.

"Baka magselos na sa'kin ang mga kaibigan mo? Parating tayo ang magkasama?" I chuckled. 

Jadon chuckled from the other line and I smiled. 

"Why would they? They'd love to get rid of me," he chuckled and I laughed.

"Ayaw nila sa'yo?" I asked.

"We hate each other," he said and I grinned becuse I know that he's just joking.

"They hate you? Bakit naman?" Tanong ko habang sinasalubong na ang paglapit ni Kamille sa akin.

Bahagya akong pinanlakihan ni Kamille ng mga mata. She mouthed: Jadon? and I nodded at her. Kamille gave me a teasing look.

"Susunduin ka ulit?" Tanong ni Kamille habang inaangkla n'ya ang braso sa braso ko.

I shrugged.

"That's how we care for each other," Jadon answered from the other line.

"Can I tag Kamille along?" Tanong ko kay Jadon at nilingon ako ni Kamille.

"Sure," he said. "No problem with me."

Kinagat ko ang labi ko at napangiti.

"Okay," I softly answered.

Nang dumating kami sa kung nasaan si Jadon, I saw him standing beside his car, wearing his uniform, looking so confident as he waited for us.

Napapalingon na ang karamihan ng mga estudyante sa kan'ya lalo pa dahil sa mamahaling sasakyang dala-dala at dahil na rin sa maraming nakakakilala sa kung sino s'ya. I blushed when our gazes met but I didn't avoid his eyes.

Nang tuluyan kaming makalapit, tinanguan n'ya si Kamille na agad naman s'yang kinawayan pabalik bago kami pinagbuksan ng pintuan ng kotse n'ya. 

"Tapos na ang klase mo, Jadon?" Tanong ni Kamille habang hinahawakan ang pinto ng backseat ng kotse ni Jadon. 

"Yeah," Jadon nodded and glanced at me. 

Nang makapasok kaming dalawa ni Kamille sa kotse ni Jadon, agad n'ya akong kinurot sa braso at padaing ko s'yang nilingon sa likod, hinahawakan ang parte ng braso kong kinurot n'ya. She brushed her hair behind her ears and she excitedly looked at me.

"Guwapo ng boyfriend!" She teased and I widened my eyes at her.

"Hindi ko boyfriend si Jadon!" Angal ko.

"Eh, 'di, boy na friend?" Irap n'ya at humalukipkip bago sumandal sa sa upuan. "Kunwari pa! Tinginan pa lang, halatang-halata na."

Hindi ko na nasaway pa si Kamille dahil pumasok na si Jadon ng sasakyan n'ya. I immediately got a whiff of his nice and expensive perfume. 

Dumiretso kami sa isang mall na madalas na pinupuntahan ng mga estudyante ng Torrero University, pati na rin ng mga taga-St. Agatha University. Maraming tao dahil hapon na rin pero hindi gano'n karami para mahirapan kaming maghanap ng makakainan. 

Nakakapit sa kanang braso ko si Kamille habang si Jadon naman ang naglalakad sa kaliwa ko, nakabulsa ang isang kamay. He's looking at me while I talk to him at minsanang sasali si Kamille sa usapan. 

Habang papunta kami sa napagkasunduang restaurant, napatigil kami nang masalubong ang isa sa mga kaibigan ni Jadon na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Akala ko uuwi ka na?" Natatawang tanong ni Hanani Cortez kay Jadon nang makalapit.

She's wearing the long-sleeved white polo of St. Agatha University and its plaid gray skirt. May kaiklian ang palda n'ya at nakikita ko lalo ang ganda ng mga binti. She has long hair and fair skin. Maamo ang mukha n'ya pero dahil sa kakaunting make-up, it shows a little bit of her kind-of serious yet playful personality.

She's closest to their friend, Adonijah Del Rio and she's the closest to Ida Mishal too, maybe because they're both girls. 

She's been shipped with Jadon too, which is not new because people would always conclude that she's dating either one of her friends. Pero base sa narinig ko, mukhang may boyfriend na si Hanani.

"Not yet," ngisi ni Jadon kay Hanani.

Hanani looked at us and her eyes shined with interest. 

"Azariah and Kamille," Jadon introduced us. 

"Ah! I know. AJ told me," she said. "Hi! I'm Hanani. Kayo pala ang kasama ni Jade."

Ngumiti lang ako kay Hanani because I don't really know what to reply. She looked at Jadon again. 

"Kasama ko si Ise," she said. 

Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Jadon at ang pagtataas n'ya ng kilay kay Hanani. I kind of felt a little...

I used to just admire them from their videos. Ngayon ko lang sila nakitang magkasama nang personal. I totally get why people would ship Hanani with Jadon. They kind of look perfect for each other. Parehas na mukhang mayaman. Maganda at guwapo. I suddenly felt a little left out.

"Kayo lang?" Medyo iritadong tanong ni Jadon. "Wala si Adonijah?"

"S'yempre! Bakit ko naman dadalhin ang isang 'yon? Date 'to, 'no?" Tawa ni Hanani at nilingon kami ni Kamille. "Kakain ba kayo? You should go. Medyo maraming tao. You might have a hard time finding seats."

Ngumiti ako kay Hanani at tumango. 

"Text us once you're home," si Jadon. "No funny business."

"Wow, strict. Parehas kayo ni Asiel," tawa ni Hanani bago kumaway sa aming dalawa ni Kamille at tuluyan nang umalis. 

"Sino 'yong Ise?" Tanong ko kay Jadon nang magsimula na kaming maglakad papaalis.

Nilingon ako ni Jadon. 

"Her first boyfriend," iling n'ya. "We're kind of cautious. We don't trust the guys who like her. Most of them are jerks."

Tumango ako. They've always been protective of Ida Mishal and Hanani.

"Taga-saan ba si Ise?" I asked. 

"ACA," he answered and our arms touched when he stepped near me when he almost hit someone while we were walking. 

Uminit ang mga pisngi ko lalo na nang hawakan ni Jadon ang braso ko dahil nabangga. There was a gentleness in the way he held me and my heart danced in a weird beat.

His arm against mine felt new. May mga kaibigan naman akong lalaki... pero bakit big deal kapag si Jadon ang lumalapit sa'kin?

"Sorry," he said before he let me go and continued walking. 

I pursed my lips and ignored the loud beating of my heart.  


Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
272K 6.9K 104
Prepare for a night of drunken decisions [E P I S T O L A R Y]
19.3K 997 29
Pareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid n...
47.9K 2.5K 62
Jason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off