Ominous Melody

By WaxJin

589K 20.8K 8.9K

San Soriano Series 1 I once heard different kinds of lullaby. I familiarized the sound of harmony. And with h... More

SANYA MONDIEGO (SIMULA)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
PRIMITIVO SIWON SORIANO (WAKAS)

CHAPTER 13

8.8K 443 98
By WaxJin

Umangat ang aking tingin sa salamin dito sa banyo ng kwarto ko, pinagmasdan ko ang aking katawan. Sa apat na buwan na pagbubuntis ko ay hindi pa rin halata ito, sa kung titingnan ako ay hindi agad na malalaman na buntis ako.

Napakagat ako sa aking labi nang maalala ko ang dahilan sa kung bakit ako andito sa loob ng banyo, pinipilit kong isipin sa kung paano ang dapat kong gawin dahil ilalabas na ng hospital si Lola.

Nagbuntong-hininga na lamang ako.

"Kaya ko 'to."

Pa ikot-ikot ako sa labas ng pinto ng kwarto ni Primo, sigurado akong hindi pa siya nakakalabas dahil sigurado akong puyat siya dahil late na siya naka-uwi kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, sa totoo nga lang hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Lola na buntis ako.

Hinarap ko na ang pinto at nang akmang kakatok na ako ay bigla itong bumukas, bumungad sa akin si Primo na mukhang bagong gising. Magulo ang kanyang buhok habang ang kanyang suot lamang ay ang kanyang short na pantulog at ang kanyang puting tshirt.

"Anya?" Mapungay pa ang kanyang mata, akmang magsasalita pa sana ako nang biglaan niya na lamang ako hatakin papasok sa loob matapos namin marinig ang pagtawag ni Uno sa kanyang pangalan.

"Anong bang meron?" Tinapat niya ang kanyang daliri sa akin upang mapatahimik ako, habang siya naman ay parang pilit na nakikinig sa kabila ng pinto kung saan ako naka-sandal.

Hindi niya namalayan ang aming pwesto dahil sobrang okyupado niya sa pakikinig sa labas, hindi ko mapigilan ang pagka-ilang habang sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko siya, kahit bagong gising ay hindi ko makakaila na ang bango niya pa rin.

"Wala na si Uno." Bulong niya sa kanyang sarili at nagsalubong ang tingin naming dalawa. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Ha?" Nauutal pa ang aking pagsambit at siya naman ay parang wala lamang sa kanya ang posisyon namin ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagtitig sa aking mga mata. "Oo naman, bakit?"

"Bakit ka nga pala nasa tapat ng pinto? Bakit hindi ka pumasok?"

"Baka kasi tulog ka pa." Nararamdaman ko na ang matinding pag-init ng aking pisnge dahil ako lamang siguro ang na-iilang sa posisyon namin.

"Pwede mo naman ako gisingin." Natatawa niyang wika, hindi nagtagal ay lalong nagkaroon ng tensyon ang pagtitigan naming dalawa.

Hindi ko na iwasan ang kanyang kamay nang lumapat ito sa aking pisnge, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba ito na iwasan, ngunit walang nangyayaring paggalaw o reaksyon manlang ng aking katawan.

Nang lumapit lamang siya ng unti-unti ay biglaan ko na lamang naalala ang mukha ni Dominique, dahilan upang umiwas agad ako at bahagyang lumayo.

"Tangina." Bulong niya sa kanyang sarili at ako naman ay ngumiti nang malapad sa kanya, inangat ko ang aking mukha sa kanya.

"Ikaw talaga Primo! Nilapit mo pa talaga yung sarili mo sa akin para lang ipaamoy na hindi ka pa nagtotoothbrush!" Tumatawa ko na wika. "Mamaya na nga lang kita kakausapin!"

Tumatawa pa rin ako sa pagbukas ko ng pinto at oras na makapasok ako sa kwarto ko ay hindi ko napigilan ang pagsandal sa pinto. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko na gawin, alam ko sa sarili ko sa kung ano ang montik na mangyari kanina. Alam ko na dapat ay hahalikan niya ako, ngunit bakit? Naka-inom ba siya? Wala naman akong naamoy na bakas ng alak.

Gusto ko na kalimutan ang nangyari kanina dahil ayoko na magkaroon ng ilang sa aming dalawa, dahil alam ko sa sarili ko na ang pagkagusto o pagmamahal ko kay Dominique ay hindi nawawala, kahit sa mga lumipas na araw.

"Ang mahal naman ate! Para naman 'to sa mga Soriano!" Nakatayo lamang ako sa tabi ni Ate Anika habang nakikipag-usap siya sa mga tindera.

"Ate Anika, dalhin ko na tong mga 'to sa van." Dahil busy siya sa pakikipag-usap ay tumango na lamang siya, nagsimula na akong maglakad, malayo pa dito ang van.

"Sanya?" Umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin, nagulat ako nang bumungad sa akin ay ang nakakatandang kapatid ni Dominique. "Do you still remember me? Dorithy Sam Altamayor, Altamayor's firstborn."

"Opo, naalala po kita." Pitong taon ang tanda niya kay Dominique, sa totoo lang ay hindi ko siya masyadong nakakausap o kung ano pa.

"Good, sasama ka sa akin."

"Po?"

"Do you have problem with that?" Tumikom ang aking labi, sa totoo lang ay nakakatakot ang ate ni Domonique ngunit sa pagkakaalam ko ay sobra silang magkalapit na dalawa.

Sobrang haba na ng bina-byahe namin, hindi kami nag-uusap ni Ate Dorithy, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi rin ako nakapagpaalam sa kung saan ako pupunta kay Ate Anika ngunit sinabi ko lamang sa kanya na may pupuntahan ako.

Nanlaki ang aking mata nang mapansin ko kung saan kami papasok, dito sinasanay yung mga sundalo! Andito si Dominique!

Tumingin ako kay Ate Dorithy at napansin ko ang matagal niya ng pagtitig sa akin, siguro napansin niya ang pagliwanag ng aking mukha. Tumango lamang siya sa akin at agad naman akong bumaba, agad kong tinabingan ang aking mukha dahil sa sobrang tindi ng araw.

Nang masanay na ang aking paningin sa araw, napansin ko ang paghinto ng mga ibang sundalo at nakatingin lamang sa akin.

"I'm here for Dominique Altamayor."

Nasa likod lamang ako ngayon ni Ate Dorithy nang magsimula na kaming maglakad, hindi naman gaanong kalayuan ang aming nilakad. Napatingin ako agad sa kumpol ng mga lalake na mga nagtatawanan, sobrang saya nila.

Agad kong nakita si Dominique na sobrang liwanag ng kanyang mukha. Doon ko napagtanto na maayos lamang siya dito, na hindi ko kailangan tumitig ng ilang oras sa kisame habang inaalala kung nahihirapan ba siya dito. Dahil ang mga nakikita ko sa malalapad niyang ngiti ngayon ay sobrang saya.

"Ate Dorithy." Gumawi ang malamig niyang tingin sa akin.

"What is it?"

"Hindi ko po kayang harapin si Dominique." Yoon na lamang ang nasabi ko, ayokong magpakita sa kanya lalo na ngayong nakita ko siyang sobrang saya.

"So my driver drove five hours for us, for nothing? I brought you here because I am sure that he miss you."

Tinikom ko na lamang ang aking mga labi at binaba ang aking tingin, naramdaman ko ang pagtagos ng kanyang mga tingin sa akin. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

"Start walking already, hanga't hindi pa niya tayo nakikita."

Umangat ang tingin ko sa kanya at iniwasan niya na lamang ang tingin ko, agad akong nagsimulang maglakad. Dito sa hindi gaanong kalayuan ay nakita ko kung paano yumakap sa kanya si Dominique. Masaya na pala siya dito, hindi ko na kailangan pa mag-alala.

Naglakad ako papasok sa loob ng bahay ng mga Soriano, sa totoo lang ay wala sa kanila ang nakakaalam kung saan ako galing. Nahinto na lamang ako sa paglalakad nang makita ko si Primo, nagkatinginan kaming dalawa habang siya ay may hawak na isang baso ng tubig.

"It's late." Panimula niya at ako naman ay nahihiyang tumango sa kanya.

"Oo nga, sorry hindi ako nakapagpaalam nang maayos." Tumango siya at unti-unti ay lumapit sa akin, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako napaatras agad palayo sa kanya.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, bago ako umiwas ng tingin sa kanya ay nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang panga.

"You don't have to go home late just to not see or talk to me." Agad akong napatingin sa kanya at siya naman ang naka-iwas ang tingin sa akin, tanging malinaw lamang sa akin ngayon ay ang nakapa-tagilid niyang mukha at ang kanyang umiigting na panga. "I will be busy for the next days, you don't have to worry."

Naglakad na agad siya palayo at ako naman ay gusto ko pa siyang lapitan at kausapin ngunit pinanuod ko na lamang ang kanyang likod hangang sa mawala na ito sa paningin ko.

Totoo nga ang kanyang sinabi na sa mga magdadaang araw ay magiging busy siya, sa totoo nga lang simula nung gabing yon ay hindi ko na siya nakita ulit. Hangang sa dumating na yung araw ng birthday niya.

"I got the results." Napatingin kami ni Samira kay Psalm, nasa kanya na ang resulta ng gender ng baby namin ni Samira.

"I'm so excited for that result! I even talked to Primo yesterday and he's feeling the same way!" Nakaka-usap niya si Primo? Umuuwi ba siya dito sa hacienda?

"I'm also excited on the future deoxyribonucleic acid result." Matapos sabihin iyon ni Psalm ay agad na siya naglakad palayo, andito lamang kami sa sala ni Samira.

"Samira." Hindi niya ako nilingon, ngunit patuloy pa rin ang pagtingin niya sa magazine habang ako naman ay nakaharap lamang sa kanya. "May nagawa ba akong mali o nasabi?"

"If the Sorianos can bare with that kind of act of yours, well I can't."

"Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa akin."

Magsasalita pa muli sana siya nang biglang dumating si Uno, agad na ngiti niya ang bumungad sa amin.

"How's pregnancy?" He is obviously talking to me and it looks like he intentionally ignored Samira.

"Ayos lang naman." Ngumiti ako nang matamis sa kanya.

Halos andito na lahat ng mga taong malalapit kay Primo. Napatingin kami kay Primo nang bumaba siya mula sa hagdan, hindi ko maiwasan na titigan siya ng matagal dahil sa ilang araw na hindi ko siya nakita. Naka kulay light brown na trouser lamang siya at puting long sleeve na shirt dress.

"Let's start?"

Nilibot ko lamang ang tingin ko sa mga tao dito sa paligid, pamilya ng mga Soriano at Ardiente lamang ang andito tsaka si Uno. Tahimik sila habang ngiting-ngiti na nakatayo si Samira habang may hawak na pang slice ng cake ni Primo, kung saan makikita ang kulay na naka-base sa gender ng baby.

"I bet that it's a boy, just like your sons, Don Hacinto." Wika ni Maria Avriana o ang mama ni Samira.

"Slice it." Seryosong wika ni Primo, pinagmasdan ko siya na diretso lamang ang tingin. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa box sa loob ng bulsa ko, regalo ko sa kanya yon.

"Okay, wait! Oh my God! I'm excited!" She slowly sliced the cake then she closed her eyes as she showed us the color of the inner of the cake. "It's a girl!"

"Wow!" Natutuwang wika ni Maria Avriana. Napansin ko na tumatango-tango lamang si Primo, nang makalapit sa kanya si Samira ay biglaan na lamang siya nitong niyakap.

"Aren't you happy? We're going to have a princess!"

"I am happy." He smiled then he turned his gaze on me. "Your turn?"

"Ah oo!" Mabagal ang palakad ko dahil nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga tao lalo na ng mga Ardiente ngayon. Kinagat ko ang labi ko at agad ko na hiniwa ang cake.

Iniwas ko ang tingin ko dito at agad na pinakita sa kanila, montik na lamang ako mapalundag sa gulat ng biglang sumigaw si Hades.

"Fuck you! I won! It's a girl! Now give me the car!" Dinuro-duro pa ni Hades si Psalm at ako naman ay natawa na lamang.

"We're going to have two princesses running around here in hacienda." Nakangiting wika ni Don Hacinto.

"The question is if it's really two?" Natatawang wika ni Psalm na bakas ang pang-aasar, hindi ko alam kung ako ba o ang mga Aridente ang pinapatamaan niya, ngunit wala naman sa aking problema iyon dahil sigurado ako na Soriano ang anak ko.

Natapos na ang handaan at sobrang simple lamang, tanging yoon lamang ang hinintay ng lahat ang gender reveal. Wala ng tao dito sa baba at nang makita ko si Primo na paakyat na sa hagdan, mahina kong hinatak ang kanyang pantaas.

"Primo." Tumingin siya sa akin at tahimik lamang siya. "May regalo ako sayo."

"Hmm." Taranta akong kinapa ang bulsa ko at lalo akong nataranta ng maramdaman ko na wala ito sa bulsa ko.

"Nasaan na ba yon." Natataranta na ako at inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Hahanapin ko lang, diyan ka lang, sorry."

Agad ako na pumunta sa mga sofa na kanina ay inupuan namin ngunit wala talaga akong makita, gulong-gulo na ako at nararamdaman ko na ang luha ko na walang tigil ang pagtulo.

"Hey." Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. "Stop it already."

"Hindi, Primo. Pinag-isipan ko yoon eh, asaan ka na ba kasi." Iyak na ako nang iyak, sobrang babaw na ng emosyon ko. Hindi ko na lang talaga maiwasan na maluha, lalo na ngayon at hindi ko pa mahanap ang regalo sa kahit anong sulok ng sala.

"Hey." Hinarap niya ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang makita niya na walang tigil ang pag-iyak ko. "Stop crying."

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang panyo na pinamunas niya sa mata ko, ito yung regalo ko sa kanya! Napansin ko ang pagngisi niya sa biglang pag-angat ng tingin ko sa kanya dahil sa pagkagulat ko.

"Nahulog mo nung naghiwa ka ng cake." Pinakita niya sa akin ang pinasadya kong burda na Primitivo sa gilid nito. "Thank you, you should stop crying already, I already got your gift."

Ngunit hindi pa rin natigil ang pag-iyak ko at natatawa na siya.

"Umiiyak pa ako kasi ayoko na galit ka sa akin." Naramdaman ko ang pag-atras niya nang biglaan ay yumakap ako sa kanya. "Sorry kung may nagawa akong mali, hindi ko kasi talaga alam kung bakit bigla mo na lang sinabi noon na iiwasan mo ako. Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit."

"Why do you have to be so naive." Niyakap niya na rin ako at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Happy birthday, Primo."

"Thank you, Anya."

Naka-upo lamang ako dito sa kama ko habang nagtutupi ng damit ko, dalawang araw na matapos ang birthday ni Primo. Binabaling ko na lang ang nararamdaman ko sa pagtutupi, kanina pa kasi may hinahanap ako na pagkain na hindi ko alam kung saan ko makakakuha.

Nang wala na akong magawa ay nagbuntong-hininga ako at agad na naglakad palabas at papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref ngunit alam ko naman na imposibleng may mahanap ako, bukod sa walang tao dito ang mahilig sa matatamis ay hindi rin sila mahilig sa ice cream.

"Baby naman kasi eh, bakit yung wala pa hinahanap mo." Hinimas-himas ko ang tiyan ko.

"What do my baby want?" Nagulat ako at agad na napalingon kay Primo, nakasandal siya sa ref habang may hawak na isang baso ng tubig. "You're craving?"

"Hindi, ayos lang." Ngumiti ako sa kanya ngunit umiling siya.

"Tell me what you want, bibili ako." Kinagat ko yung labi ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"Ice cream sandwich."

"Can you still wait for maybe twenty minutes?" Umiling ako sa kanya.

"Gusto ko sumama."

"Gabi na, Anya. Baka mahamugan ka pa." Napansin niya sa akin ang kagustuhan ko talaga na sumama. "Wait for me on the living room."

Natutuwa akong tumango at agad ako naglakad papunta doon, habang siya naman ay papunta sa kanyang kwarto.

Natilag ako nang biglaang may magsuot sa akin ng cap habang nakatalikod ako.

"Stand up." Tumayo naman agad ako at nakaharap ko si Primo. "Hands up."

Ginawa ko ang mga sinabi niya at agad niya sa akin na sinuot ang kanyang hoodie. Ngumiti ako sa kanya habang natutuwa sa cap niya na kulay black at hoodie niya rin na kulay black. Umiwas siya ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa akin ng makita ang namumula niyang mukha.

Nagmukha tuloy akong walang suot na short dahil na lamang sa laki ng kanyang hoodie na suot ko ngayon. Hindi ko napigilan na tumitig sa kanya dahil sobrang pula niya talaga na parang may nakita siya na naging dahilan ng sobrang reaksyon niya ngayon.

"Ayos ka lang ba?" Tumingkayad ako at dinampi ang likod ng aking palad sa kanya. "Ang init mo, pulang-pula ka. May lagnat ka ba?"

"Tss, wala, tara na nga."

A/N: Leaving a comment will be much appreciated (Reading comments in my stories is like my everyday habit) and hit the heart button thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 98.7K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
24.1M 706K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
903K 23.9K 43
He poured salt into my wounds and made it all worst.
53.5K 2.4K 47
Omrie, 21, a famous vlogger and an Engineering student from Ateneo was sent to province to continue her study there. She will meet Thirdy, a third-ye...