Ominous Melody

Per WaxJin

591K 20.9K 8.9K

San Soriano Series 1 Més

SANYA MONDIEGO (SIMULA)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
PRIMITIVO SIWON SORIANO (WAKAS)

CHAPTER 10

10.7K 366 48
Per WaxJin


Panibagong araw, parang walang nangyari sa bilis ng takbo ng araw at buwan. Isang linggo na ang lumipas matapos nang pumunta kami ng Manila kasama ang mga Soriano. Walang araw sa linggong yon ang lumipas na hindi nawala sa isipan ko si Dominique, sa totoo lang sa mga nagdaang araw na 'yon ay kahit isang beses ay hindi ako lumuha.

Pero magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko nararamdaman ang bigat sa dibdib ko.

"Hey, morning." Bungad sa akin ni Samira na may maliwanag na ngiti sa kanyang labi, may dala siyang donuts at naramdaman ko agad ang pagtatakam ko dito. "Cravings eh, buntis."

"Magandang umaga rin."

"Do you want to do something? I'm kinda bored." Inayos niya ang hawi ng kanyang buhok at nilapag sa lamesa ang donuts. "Oh! Why don't we watch some movies? May movie room sila dito!"

Kumportable ang upo naming dalawa habang nanunuod ng isang local movie, walang tigil ang pagkain namin ng donut. Nakaka-iyak ang movie sa totoo lang at nakikisabay na rin ang luha ko sa aming pinapanuod.

"Umiiyak ka?" Natawa siya na hindi manlang namamalayan na umiiyak na rin siya.

"Umiiyak ka na rin eh."

"Oo nga." Pinunasan niya ang kanyang luha ngunit patuloy pa rin ang pag-agos nito, kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi na ang movie ang dahilan. "Ang hirap."

"Ayos ka lang ba?"

"Parang wala pa namang sumagot ng 'Oo' sa tanong mo." Sinandal niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko nakaya yung bigat sa dibdib ko sa buong buhay ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I have three siblings, dalawang lalake tapos isang babae. Ate Sabrina, she's the eldest but sadly hindi ko siya naabutan. She died from a car accident at her young age, ang akala ng mga parents ko ay hindi na ulit sila magkakaroon ng babaeng anak until I was born."

Pinahid niya ang kanyang luha habang nakatingin naman na siya ngayon sa taas na parang pinipilit na huwag na may bumagsak na luha mula sa kanya.

"Until I was born, then that day started. Where I have to live for her, her dreams, everything. She wanted to be a Doctor, so my parents made me dream to be a Doctor. Alam mo 'yon? This is my fucking life but I don't feel like i'm living for it."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, pangalawang beses na itong nag-open up siya sa akin. Ang nagawa ko na lamang ay ang ma-upo sa tabi niya at isandal siya sa akin.

"I am Samira Angelique but they want me to be Sabrina Angeline. Kita mo? Pati sa pangalan halos ipareha na nila."

"Kahit naman sabihin mo na parang ikaw yung ate mo, nakikita ko pa rin naman yung Samira."

"Am I that transparent?"

"You want to be a model right?" Napatingin siya sa akin at bahagyang tumango.

"How did you know?"

"Halata naman, sa mga binabasa mo pa lang na mga magazine hangang sa lakad mo na parang lagi mong isinasa-ayos." Tumango-tango siya at kumagat muli sa donut na kanyang hawak. "Bakit hindi mo hayaan sarili mo?"

"Mag model? Buntis kaya ako."

"Bakit pagmo-model lang ba yung nahahadlangan ng pamilya mo na marating mo?" Napatingin siya sa akin. "Yoon lang ba yung pinipigilan mo yung sarili mong maabot para lang may mapatunayan sa pamilya mo?"

Ngumiti siya ng malapad sa akin at bigla ay tumayo siya sa kanyang kina-uupuan. Agad siyang yumakap sa akin.

"Salamat, salamat, Sanya." Kinuha niya ang bag niya at para siyang nagmamadali sa pag-alis, para bang may nais siyang puntahan na kinakasabik niya matapos naming mag-usap.

Napatingin ako sa phone ko, agad ko 'yon na binuksan at nakita ko agad ang pinaka bagong text sa akin ni Dominique, tatlong oras na ito simula nang masend niya.

Gusto niyang magkita ulit kami sa dati naming tagpuan, maghihintay siya kahit anong oras ang abutin niya doon. Napatingin agad ako sa labas at nakita ko ang sobrang lakas na ulan.

Wala akong ibang nagawa, pinagmasdan ko siya mula dito habang naglalakad ako na may hawak na payong. Kitang-kita ko na basang-basa na siya ngunit hindi siya natitilag sa lakas ng ulan.

"Dominique." Napatingin agad siya sa akin at nagliwanag ang kanyang mukha. Magkasalo kami sa payong na hawak ko at parang hindi pa siya makapaniwala.

"Sanya." Ngumiti lamang ako sa kanya at pinunasan ang kanyang mukha na basa.

"Hindi naman na ata ulan 'to eh, luha na ata. Ayos ka lang ba?"

"Ayos na ako, andito ka na eh." Ngumiti lamang muli ako ng tipid sa kanya. "Sanya I know that you're already expecting me to say this but I want to say sorry."

"Ayos na yon-"

"Let me finish first." Tumango na lamang ako sa kanya at parang sobrang lungkot ng kanyang mata. "Sanya, God knows how much i'm still hoping for you to come back in my arms but even though how much I want things to happen according to what I want, it can't."

Hinawi niyanang aking buhok at pinagdikit ang aming noo habang siya ay nakapikit.

"Hindi ko kasi magagawang umalis hangga't alam ko na naghihintay ka. Sanya, I have to leave San Soriano to be a soldier."

"B-Bagay sayo, ikaw yung pinaka matapang na tao na kilala ko eh." Bahagya kong niyuko ang aking ulo at kinagat ang aking labi upang pigilan ang aking sarili.

"Promise me one thing." Inangat niya ang aking mukha at ngumiti siya ng tipid. "Magiging guro ka, magtuturo ka sa mga paaralan."

"Pangako ko na sa sarili ko yan, pero sige pinapangako ko na magiging guro ako habang ikaw naman magiging sundalo ka."

"Pangako, magiging sundalo ako para sayo at para sa bansa." Ngumiti siya. "Pano? Una na ako."

"Dominique-"

"Sanya, please don't." Pinahid niya ang luha na tumutulo sa kanyang mata. "Don't call my name and don't turn around while i'm walking away. Kasi alam ko sa sarili ko na tatakbo ako pabalik sayo."

Kaya kahit minsan sa buhay ko ay gusto kong maging makasarili ay pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang lingunin. Hindi ko alam kung naka-alis na ba siya, hindi ko alam kung andito pa siya, sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong nakatayo dito habang hawak ang aking payong.

Parang nabigyan na ako ng Diyos ng tamang tao ngunit nasa maling sitwasyon naman kaming dalawa. Para bang kung sabihin nila ay gustong-gusto mo yung tao, pero ayaw mo sa sitwasyon.

Ilang taon ko na siyang kilala, pero bakit pakiramdam ko ito na yung huling beses na makikita ko siya?

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang hacienda ng mga Soriano, wala pa rin tigil ang pagluha ko kaya naman kinakabahan ako na baka mapag-alala ko pa ang mga Soriano. Kung nung mga nagdaang araw ay kinakaya ko pa ang bigat ng dibdib ko, pero ngayon parang hindi ko na kaya.

Lumabas siya mula sa pintuan at seryoso ang kanyang mukha nang dumapo ang kanyang tingin sa akin, magkatitigan lamang kaming dalawa at siya naman ay binuksan ang kanyang bisig na parang hinihintay lamang ako.

"Primo." Binagsak ko ang aking payong at agad ay yumakap sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib. "Primo."

"Gusto ko ito na yung huling beses na iiyak ka, Sanya." Hinaplos niya ang aking buhok habang walang tigil ang aking pag-iyak. "Laging bukas yung bisig ko para sayo Sanya, pero ayokong laging umiiyak ka sa tuwing yayakap ka sa akin."

"Sobrang bigat, Primo." Hindi naman ganito kasakit pero bakit nung naklaro ang lahat at naging malinaw bakit ganito na kahirap!

"I don't really know what's your problem, I don't know what to say but I just want you to know that there's always a person who never wants to see you cry, a person who always want to see you smile, and a person who always pray to God for you to be always happy because maybe you're unaware of how your smile can just brighten the whole world."

Nanlabo na ang paningin ko siguro dahil sa pagod at antok na nararamdaman ko.

"May tahanan ka, Sanya. May taong laging handang maging tahanan para sayo."

Hindi klaro ang kanyang salita mga binitawan kaya pinagwalang bahala ko na lamang iyon at nakatulog na ako sa kanyang dibdib.

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw, agad kong tinakpan ang sarili ko ng unan. Nanghihina ako ngayon pakiramdam ko ay wala akong lakas na kumilos manlang.

Sa pagbangon ko ay may kumatok sa pinto kaya agad ko naman itong binuksan at bumungad si Primo na mukhang pupunta sa kanilang kompanya. Kumunot ang kanyang noo sa akin kabod ay in-angat niya ang kanyang kamay at dinampi ito sa aking noo.

"Ang init mo." Hinawakan ko ang aking leeg at tama nga siya.

"Anya, you're also pregnant you should be careful." Kumunot ang noo ko nang luwagan niya ang kanyang necktie at lumapit siya sa kama ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Hindi ako aalis, babantayan kita." Natingin siya sa labas dahil sa ingay, inaayos ng mga tauhan nila ang labas dahil sa utos ni Don Hacinto na dapat ay laging naka-ayos at magandang tingnan ang mga halaman dito. Hindi naman sapat ang kakaunting tao upang ayusin lang 'yon sa sobrang lawak ng lupain sa bandang bahay nito. "Tara sa kwarto ko."

"Ha?" Tumingin siya sa akin na parang nagtataka sa reaksyon ko.

"Sa kwarto ko?"

"Ayos lang naman ako dito."

"Maingay, hindi ka makakapagpahinga tsaka para madali na rin kita na mabantayan."

Sa huli ay wala rin akong nagawa, lumilibot ang aking tingin sa kanyang kwarto. Halatang-halata na lalake ang may ari nito dahil sa disenyo at sa kulay nito na dark green. Bumalik si Primo na may dalang tray kung nasaan ang mga pagkain.

"Ayos lang ba sayo 'to?" Tumango-tango ako sa kanya, lugaw ata ito na madaming sahog. Ang akala ko ay matapos niyang ilapag iyon ay aalis na siya ngunit inunahan niya ako sa kutsara at agad na sumalok.

"Kaya ko naman."

"Mainit." Dahilan niya at hinipan niya iyon, hindi ko maiwasan na pagmasdan siya na seryosong-seryoso sa kanyang ginagawa at nang matapos siya ay agad niya iyon tinapat sa akin.

"Kaya ko na talaga promise."

"When I say that i'll take care of you and our child, I will, even though you think i'm exaggerating." Wala na akong ibang nagawa kundi buksan ang aking labi. "Hindi ka ba giniginaw?"

"Hindi naman, bakit?"

"I have tons of jackets or long sleeves that you could wear, feel free to choose one."

"Ayos lang ako."

Nang matapos akong kumain ay agad niyang inayos ang pinagkainan. Susunod sana ako sa kanyang pagtayo ngunit pinigilan niya ako.

"Where will you go?"

"Hindi pa ako nakakapag toothbrush, magtotoothbrush muna ako."

"I'll get it, diyan ka na magtoothbrush." Hindi na ako naka-apila pa dahil tuluyan na siyang umalis, nagbuntong hininga na lamang ako at pinagmasdan ang kanyang kwarto.

Malaki ito at simple lamang, sa totoo lang ay hindi ko alam kung dahil ito sa pagbubuntis pero simula kanina ay bangong-bango na ako sa kanyang kwarto. Ang amoy ng kanyang kwarto ay kapareha lamang ng amoy niya.

Tumayo na ako at kagat ko ang aking kurbatang buhok habang inaayos gamit ang aking dalawang kamay ang buhok ko, medyo natagalan ako dahil mahaba an buhok ko at nang matapos ako ay napatingin ako sa pinto.

"Primo? Bakit ka nakatayo lang diyan?" Umiling-iling siya na para bang nawala siya sa wisyo at nang makalapit siya sa akin ay inabot niya sa aking ang toothbrush.

"Papa needs me outside so i'll just go out for a minute, dapat pagbalik ko nasa kama ka lang." Tumango ako sa kanya. "Uhm Anya."

"Yes?"

"Your hair uhm..."

"Anong meron?" Tanong ko at hinawi ko ito papunta sa aking balikat upang makita kung anong problema.

"Hindi, wala. Alis na ako." Agad siyang umalis at ako naman ay nagtataka na lamang sa kanya, nagkibit balikat na lamang ako at agad na pumasok sa banyo.

Tiningnan ko ang kanyang banyo, katulad ng nasa isipan ko ay simple lang din ito ngunit ang laki. Ang mga gamit na nandoon ay puro mga pang lalake at gumawi ang tingin ko sa lagayan niya ng mga maduduming damit at agad akong napatingin sa iba.

Ganoon na ba talaga sila kayaman para pati hangang yung underwear niya ay kailangan sobrang mahal? Alam ko na agad na mahal yon dahil sa brand pa lang na Calvin Klein.

Nilibot ko ang kanyang kwarto hangang sa gumawi ang tingin ko sa isang picture frame, litrato nilang apat na magkakapatid at kumpleto sila. Alam ko na agad na si Primo yung bata na may hawak na baby at mukhang yung bunso nila 'yon, sila Hades naman at Psalm ay seryoso lamang sa magkabilang gilid ni Primo.

"Ang kulit." Nagulat ako at montik ko na mabitawan ang frame. "I told you that when I come here you're already on bed?"

"Nacurious lang ako dito oh." Pinakita ko habang nakangiti. "Ang cute mo pala nung bata ka."

"What?" Tanong niya nang tumabi siya sa akin.

"Ang sabi ko ang cute mo, kuyang-kuya ka sa picture oh."

"So you find me cute? So if you ever saw me at our young age magkaka crush ka sa akin?" Tanong niya.

"Oo naman, who wouldn't? Tsaka if it's about crush din naman, I can say na crush na kita ngayon. You have every personalities that every girls will admire." Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siya na parang natulala at sa buhok ko na naman.

"You like me?"

"Baliw, iba naman yan. I admire you." Kinuha ko naman ang isang frame, litrato ito sa yatch at naka shades siya habang may hawak na champagne glass. Mukhang hindi niya alam na kinukuhanan siya.

"My ex took that picture." Napatingin ako sa kanya. "It's not that I kept it as a memory from her, I just find my photo here cool I guess?"

"You look so free here."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman, parang hindi mo pasan halos lahat ng responsibilities nung time na 'to. Parang ito yung Primitivo Siwon Soriano na gusto kong lagi na nakikita, yung malaya at parang kilala yung sarili niya sa kung sino siya tsaka ano ba dapat yung para sa kanya."

Ngumiti ako sa kanya at siya naman ay nakatitig lamang sa akin kaya pabiro kong pinitik ang kanyang noo.

"Masyado kang namangha sa sinabi ko." Natatawa kong wika. "Kwento ka tungkol sa ex mo."

"Anong ikwekwento ko?" Sumandal siya sa pinagpapatungan ng mga picture frame.

"Anong pangalan niya?"

"Her name is Addison Art." Nanlaki ang mata ko at parang nagtaka naman siya sa reaksyon ko.

"Artista yon ah!"

"Hmm you know her? Yeah, she's an artist."

"Hulaan ko, nagbreak kayo dahil sa career niya?"

"What? No, wala kami sa pelikula." Wika niya habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang nakuha niyang susi sa ibabaw ng kanyang sinasandalan. "We broke up because I want her to grow."

"What do you mean?"

"She can't stand with her responsibilities, she can't be a woman at her age, and she doesn't know who she is and I think i'm the one who's keeping her from being the best version of herself. She's treating me like i'm the only one in her world or her world to be honest."

"Nasaktan ka?"

"Yeah, I loved her but I won't be the hindrance. I'm also proud of her, she became the girl that I expected her to be."

"You made my admiration for you from high already to highest." He scoffed and then pointed at his bed. "You think I forgot already that you need to rest on that bed?"

"Akala ko nakalimutan mo na eh, sayang." Umiling na lamang siya at maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at hinatak niya, mukhang aksidenteng napalakas ito dahilan upang maglapit kaming dalawa.

Makikita ang gulat sa aking mukha habang nakatingala sa kanya at siya naman ay nakatingin sa akin.

"Uhm I just want to check your temperature." Dinikit niya ang likod ng kanyang palad sa aking noo at pati na rin sa aking leeg.

"Primo, ang bango mo." Na-ubo siya sa sinabi ko at kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Uhm thanks?" Nilapit ko ang aking ilong sa kanyang damit at natawa ako na sa paglapit ko ay narinig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso, tinapat ko ang tenga ko dito.

"Nasosobrahan ka na sa kape." Natatawa ko na wika at lumayo na ako sa kanya at naglakad papunta sa kanyang kama.

Gumawi ang tingin ko sa kanya ang naka-awang ang kanyang labi habang nakatitig sa sahig.

"Kape pa." Natatawa kong wika bago tinakpan ang aking sarili ng kumot at nagpa-antok.

Agad naman akong nakatulog.

Nagising na lamang ako dahil sa tunog ng mukhang may nahulog, dinilat ko ang aking mata at gumawi ito kay Primo. Nanlaki ang mata ko nang makita na tanging towel lamang ang nakatapis sa kanya habang hawak niya ang nahulog na pabango.

"Shit sorry." Naglakad siya ng mabilis papunta sa kanyang walk in closet.

Paglabas niya ay hinihimas niya ang kanyang batok na parang nahihiya sa akin.

"May iniisip lang ako kaya nakalimutan kong nandiyan ka pala, sanay kasi ako na dito nagpapabango."

"Ayos lang." Sagot ko kahit na gulat pa rin ako, hindi ko akalain na ganon ang kanyang katawan. Para ba siyang isang bida sa mga napapanuod, yung tipong parang sa mga movies mo lamang makikita ang ganon kaganda na katawan at idagdag pa na gwapo siya.

"Uhm may I?" Tumango na lamang ako at dinampi niyang muli ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "Hindi na ganon ka-init, nag-alala si Papa."

"Hala? Totoo ba? Sabihin ko ayos na ako." Tumayo ako sa kanyang kama at tumakbo palabas dahil hindi ko mapigilan na isipin yung nakita ko kanina habang nakatingin sa kanya.

Bumaba ako at nakita ko agad si Don Hacinto, lumapit ako sa kanya at kausap niya sila Psalm.

"Don Hacinto, ayos lang po ako wala na po akong lagnat." Mabilis ko na wika at mukhang nagtataka sila sa akin.

"Teacher ba talaga gusto mong maging o rapper?" Na-iiling na sambit ni Hades at tumayo na siya. "Get well soon."

"Magaling na nga ako."

"Pulang-pula ka pa, mukhang mainit ka pa." Komento ni Don Hacinto at ako naman ay napatingin sa salamin sa gilid ko, ang pula ko nga.

"Anya, mamaya na yan. Let's eat." Napatingin ako sa likod ko at si Primo yon, tumango na lamang ako at nagpaalam kala Don Hacinto.

Continua llegint

You'll Also Like

895K 36.6K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
315K 6.5K 46
Can someone really fall for someone so hard for a long time with consistency? Seiana Tala Zamora Rodriquez is the artistic, kind and smart daughter...
69.4K 2.3K 49
Being abandoned by her parents and living with her mom's best friend, Allison Darcy Lastimosa's way to pay for her Tita's efforts is to do well in sc...
17.6K 1K 30
Lover Series #1 Ever since she's a kid, Elara Antoinette's life is grounded on her parents' dreams and expectations of her. She knows that she's dest...