My Bipolar (Forbidden Love Se...

By MauR13S

116K 5.8K 519

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 46

1.6K 86 25
By MauR13S

"What should we buy for nanay?"


Tanong ni Allen. Narito sila ngayong dalawa sa palengke at namimili ng ipang reregalo mamayang gabi. Naisip kasi ni Allen na bigyan nilang dalawa ang mga magulang ni Michael. Hati silang dalawa sa gagastusin dahil ito ang gusto ni Michael.

"Bistida." sagot ni Michael.


"Bis-what?"


"Bistida, yung mga dress na sinusuot ni Nanay sa bahay." sambit ni Michael.


Napatango naman si Allen. Nag punta silang dalawa ni Michael sa pwesto na tindahan ng damit. Pumasok sila sa loob. Agad naman silang sinalubong ng tindera.

"Ano sa inyo mga ijo?"

"We are looking for bistida."sagot ni Allen. Napatingin naman kay Michael ang tindera, siguro ay hindi na unawaan ang sinabi ni Allen.

"Nag hahanap po kami ng bistida." sambit ni Michael.

"Ah sabi nga't may narinig akong bistida eh, akala ko lang ay kung ano ang iba pang sinabi niya." kakamot kamot sa ulong sambit ng tindera.

Napangiti nalang ng alanganin si Michael at sumunod na silang dalawa sa tindera. Naka rating sila sa isang hangeran na puro bistida. Agad na tiningnan isa-isa ni Allen ang mga iyon.

"What do you think?" tanong ni Allen at ipinakita sa kanya ang isang asul na bisita na may sunflower design.

"Maganda"

"How about this?" pinakita naman sa kanya ni Allen ang isang bistida na kulay orange na may design na bulaklak.

"Maganda din."


"Then, we'll take this too. How about for Tatay,  Mia and Tito Ed?" tanong ni Allen.

Napa-isip naman si Michael. "Hmm, kay Tatay pwedeng long sleeves na pang ani at ang kay Tiyo Ed ay polo. Si Mia naman ay balak kong bilhan ng phone."


Napa tango naman si Allen at bumaling sa tindera sa gilid nila.

"Long sleeves na pang ani and polo shirt."

NANG matapos mamili ng mga regalo at pambalot ay nag punta silang dalawa sa shop ni Apple para doon na lamang balutin ang mga regalo. Balak ring ipakilala ni Michael si Allen sa kababata.

"Hi Alfredo!" bati ni Michael pag kapasok sa shop ni Apple na sinamaan naman siya ng tingin pero agad na napangiti ng makita si Allen.

"Ehem ano ka ba Michael, I'm Apple right hehe" malambot na sambit ni Apple at nag lip bite pa kay Allen na nag tago naman sa likod ni Michael. "Sinech be eyeng keseme meng fefe"


Napangiwi naman si Michael dahil sa kung paano nag salita si Apple.

"Siya si Allen." sambit ni Michael.

"Ah...Allen---WHAT? YUNG ALLEN NA JOWA MO? HINDI NA PALA, KASI BREAK NA KAYO DIBA? SO MAY CHANCE AKO?!"

Napangiwi si Michael at Allen dahil sa lakas ng pag sasalita ni Apple.


"Heh mag tigil ka. Mag babalot lang kami rito sa shop mo." sambit ni Michael at hinila si Allen sa isang mesa. Lumapit naman si Apple sa kanila.

"Wow ang dami nemen, meren be eke dyen" sambit ni Apple.

"Alfredo umayos ayos ka nga sa pag sasalita mo para kang ewan na tabingi ang nguso" sambit ni Michael.

"Hmp ambad mo Juan. By the way akala ko ba break na kayong dalawa?" tanong Apple.

Ang totoo ay hindi pa nila napag uusapan ni Allen ang tungkol sa nangyari noong gabing iyon. Kung may relasyon pa ba sila o wala na. Hindi niya alam.

"May customer ka oh. Doon kana." sambit ni Michael para itaboy si Apple hindi rin naman niya alam ang isasagot.

"He's creepy." sambit ni Allen at tinapunan ng tingin si Apple.


Na iling nalang si Michael. "Ganyan talaga siya eh."





KINAGABIHAN abala si Michael habang tinutulungan ang nanay niya sa pag hahanda para sa notche buena. Siya ang nag luluto ng sauce para sa spaghetti samantalang ang nanay niya ay nag luluto ng ulam. Sina Allen naman ay nasa labas ng bahay kasama si Mia at ang Tatay niya na nag le-letchon ng manok. Si Apple na man ay nag chat sa kanyang sa bahay na lang nila mag papasko at babawi nalang sa Bagong Taon.

Alas dyis na ng gabi ng mag simula silang mag luto para talagang saktong alas-dose sila kakain.

"Michael ijo, may tanong ako." napalingon si Michael nang nag salita ang nanay niya.

"Ano po iyon 'nay?"


"Hindi ba't ang sabi mo ay pinag layo kayong dalawa ni Allen ng tatay niya? Nakakapag taka naman kung bigla siyang papayagan na pumunta rito at tumigil ng ilang linggo." sambit ng nanay niya.


Napa titig naman si Michael sa niluluto. Iyon rin ang mga tanong na na iniisip ni Michael. Imposible namang nag bago na ang isip ng sir Hanz niya tungkol sa relasyon nila pero hindi naman siya ganoon kasigurado na imposible nga. Hindi pa rin naman sinasabi sa kanya ni Allen kung paano siya pinayagan. Tila rin wala itong balak sabihin pa sa kanya. Kaya minsan natatakot siya na baka pag gising niya ay umalis na lamang si Allen ng hindi nag papa alam sa kanya.

"Hindi ko rin po alam 'nay"

"Bakit hindi mo itinatanong?"


Napabuntong hininga si Michael. "Hinihintay ko po kasi na sabihin niya sakin."

"Paano kung wala pa siyang balak sabihin edi nag hintay ka lamang sa wala?" tanong ng nanay niya.

"Kilala ko po si Kian 'nay. Kung hindi man niya sabihin sa akin alam kong may dahilan siya at iintindihin ko iyon."


Ngumiti ang nanay niya. "Talagang napaka laki ng tiwala mo sa kanya 'no?"



Tumango naman si Michael at ngumiti. "Mahal ko po eh."









"MERRY CHRISTMAS!"

Bati ng lahat sa isat-isa pag patak ng alas-dose. Nag yakapan pa silang lahat.

"Happy Birthday Jesus." bati pa ni Mia.

"Kainan na!" Sigaw ng Tiyo Ed. Nag tawanan naman sila at nag punta na sa mesa.

"Kuya oh cellphone mo may natawag." sambit ni Mia at inabot kay Michael ang phone niya. Kinuha niya iyon at nakitang nag v-vc ang F'squad.


Sinagot iyon ni Michael at tumambad sa kanya ang mukha ng apat. Kita nilang mag kasama si Axcel at Keith. Si Afro naman ay mag isa pati si Clark.

"Hi Guys Merry Christmas!" bati ni Keith at Axcel.

"Merry Christmas!" sambit ni Michael at Allen. Si Afro at Clark ay bumati na rin.


"Sana next year mag kakasama na tayo" Sambit ni Keith.


"Oo nga eh"


"Guys maya na lang uli tayo mag usap bye!" sambit ni Afro at pinatay na.

"Kainan na pala. Bye guys"

"Bye!"




Nang namatay ang vc ay ibinaba na ni Michael ang phone. Nag dasal muna sila bago nag simulang mag kainan.

Nang matapos kumain ay nag punta silang lahat sa sala. Kinuha na ni Allen ang mga regalong inihanda nila.

"For Nanay...tatay...and Tiyo Ed." sambit ni Allen at isa-isang binigay ang mga regalo. Si Mia naman ay nakatingin at halatang inaantay ang sa kanya.

"Hala Kian! Sabi ko sayo may nakalimutan tayong bilhan ng regalo e!" sambit ni Michael at umaktong nakalimutan nga.

Napa nguso naman si Mia at halatang pa iyak na. Gustong matawa ni Michael sa reaksyon ni Mia samantalang ang nanay at tatay niya ay naiiling na lang sa kalokohan ni Michael.

"Where is it?" bulong ni Allen kay Michael na tinutukoy ang regalo kay Mia.

"Nasa kwarto." bulong ni Michael pabalik.

"Kainis ka kuya!" sambit ni Mia at padabog na tumayo saka lumabas.

"Nako nag tampo na." sambit ng Tiyo Ed.

"Michael ibigay mo na ang sa kanya at baka umiyak pa iyon." sambit naman ng nanay niya kaya tumayo na siya at nag lakad papunta sa kwarto para kuhanin ang regalo ni Mia.


Nang makuha ito ay lumabas na si Michael at ini abot ang regalo kay Mia.

"Akala ko talaga wala kang regalo sakin Kuya."


"Regalo namin yan ng kuya Allen mo." sambit ni Michael.



Bumalik na silang dalawa sa loob. Lumapit sa kanya si Allen at inabot ang phone niya. Nakita niyang tumatawag si Mira. Kinuha niya iyon at sinagot.

"Hello Mira? Merry Christmas" bati ni Michael.

["Merry Christmas din. Teka ito si Kate kakausapin ka raw"]

"Si Kate?" tanong ni Michael at tumingin kay Allen na napatingin rin sa kanya. Itinurn on ni Michael ang loud speaker.

["Kuya Michael? Merry Christmas where is Kuya Allen?"]sambit ni Kate sa kabilang linya.

"Merry Christmas din, ito" sagot ni Michael at inilapit kay Allen ang phone.

"Merry Christmas Kate." bati ni Allen.

["Kuya!, you're so madaya. Why didn't you bring me with you there?"] Na i-imagine na ni Michael ang naka pout na si Kate.

"You're still sleeping."

["You should have wake me up!"]

"I tried"

["You're lying!"]

"Yes"

Napailing na lang si Michael sa usapan ng dalawa ni Allen at Kate. Umalis na muna siya roon at nag tungo sa kusina upang tulungan ang nanay niya sa pag liligpit.

***



"Kuya! Nood tayo ng liga ng basketball sa court mamaya!" sambit ni Mia. Kita ni Michael na agad na nakuha nito ang atensiyon ni Allen.

"what's that?" curious na tanong ni Allen.

"Basketball."

" Is it like on NBA?" Tanong ni Allen.

"Oo."

"Let's watch! You know I still haven't watched an actual play." sambit ni Allen.

"Woah as in?" tanong naman ni Mia.

"Yes. I always have my first time when I'm with Michael." sambit ni Allen at tumingin sa kanya.

"Ayieeee!"

"Sige nood tayo mamaya."



KINAHAPUNAN ay nag tungo nga silang tatlo sa court ng Baranggay kung saan magaganap ang champion ship ng basketball at kalaban ng baranggay nila ang kabilang brngy. Pag karating nila ay napakarami ng tao sa loob, ang mga player ay nag wawarm-up na rin.

"Kuya dun tayo." turo ni Mia sa pwesto sa baba na malapit sa court.

"Baka matamaan tayo ng bola diyan." sambit ni Michael.


"Hindi yan kuya. Kuya Allen di ba mas maganda dun tayo pumwesto para kitang kita natin ang game?"

"Yeah."


Hindi na naka angal pa si Michael dahil nag team up na ang dalawa kaya pumunta na sila sa nasabing pwesto ni Mia. Nang maka upo sila ay kitang-kita nila ang buong court.

Si Michael ay naka yuko lamang sa phone niya at iniintay na mag simula ang game.

"Ikaw ba iyan Michael?" napa angat ang tingin ni Michael nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Bryan?" sambit ni Michael at napatitig sa lalaking nasa harapan niya. Kita niya sa peripheral vision niya na napatingin din sa kanya sina Allen at Mia.

"Andito ka na pala ulit. Kamusta sa Manila?" tanong sa kanya ni Bryan.

"Ah ayos naman, teka ito nga pala si Allen tiyaka kapatid ko si Mia."sambit ni Michael at pinakilala ang mga kasama.

Bumaling si Bryan kina Allen. "Hi ako si Bryan. Kaklase ko si Michael nung highschool."

"Hello po!"
"Hey" bati ng dalawa ni Mia at Allen.

"Sige, mamaya nalang Michael. Mag sisimula na kasi ang game." pa alam ni Bryan, tumango naman si Michael.



Pag ka alis ng binata ay bumaling naman si Michael kay Allen na ngayon ay naka nguso. Natawa naman si Michael dahil sigurado siyang nag seselos na naman ito.

"Diba sabi ko---"

"You stared at him for a minutes" nakungusong sambit ni Allen.

Natawa nalang si Michael at hinawakan ang pisngi ni Allen saka pinisil.

"Hmm?"

"Fine, I'm not jealous now." sambit ni Allen.


Napatingin na sila sa unahan ng mag umpisa na ang game. Si Michael ay napapa sulyap ng tingin kay Bryan. Na alala niya kasi nung highschool. Kaklase niya ito at naging kaibigan rin, ngunit nung mag tagal ay napapansin ni Michael na nag iiba ang tingin niya kay Bryan higit pa sa kaibigan. Doon niya rin napag tanto na bisexual siya. Hindi naman siya umamin kay Bryan noon dahil sa takot na baka mag iba ang turing nito sa kanya. Nung grumaduate sila ng highschool ay tuluyan niya ng ibinaon ito sa limot.



***




New year's eve.



"Kuya! Paki lagay na 'to sa lamesa" sambit ni Mia at ini abot kay Michael ang keso de bola.


Dinala na ito sa labas ni Michael, doon kasi naka lagay ang napaka habang lamesa kung saan naroon ang handa nilang lahat. Parang reunion ito ng pamilya nila Michael. Dito silang lahat mag sasalo salo.


Nang maka handa na ang lahat ay nag si pwestuhan na silang lahat para sabay sabay na mag countdown.



Lumapit kay Michael si Allen at hinawakan ang kamay niya. Nakangiti sa kanya ang binata.


"10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

HAPPY NEW YEAR!".

Sinindihan na ni Michael ang hawak nilang lusis ni Allen at itunutok sa langit. Ang mga bata ay nag papa ingay ng mga torotot at ang iba ay sinindihan ang mga paputok. Matapos batiin ni Michael ang mga kaibigan online ay lumakad na sila ni Allen sa mesa at nag simulang kumain.


Nang matapos mag kainan ay niligpit na ng mga kababaihan ang mga pinag kainan. Ang iba ay nag siuwian na sa kanya-kanyang bahay para matulog. Hinila ni Michael ang kamay ni Allen at nag tungo silang dalawa sa terrace at naupo.


"The moon is beautiful isn't it?"



sambit ni Allen habang naka tingin sa buwan. Napatango naman si Michael.

"Oo nga e."


"Can we go to the kubo?" tanong ni Allen.


"Ngayon na?"


"Yes." sagot ni Allen.

Nag tataka man ay nag pa alam na si Michael sa nanay niya na mag pupunta lang sila saglit sa kubo. Nang makarating ang dalawa ay agad naupo sila sa loob ng kubo. Kitang kita nila ang madilim na langit at ang maliwanag na buwan. Ramdam ni Michael ang pag sandal ni Allen sa balikat niya.


"Michael, will you still love me after 10 years?"  biglang tanong ni Allen. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ni Michael.


"Oo naman..."



"Really? What if you met someone new?"


"Ikaw pa din. Kasi kahit sino pa ang makilala ko, ikaw pa rin ang mahal ng puso ko kaya hinding hindi yun titibok para sa ibang tao." sagot ni Michael.

"I'll be the same. I will always love you."



Napalingon si Michael kay Allen nang bigla itong umalis sa pag kakasandal sa kanya. Kita niyang may kung ano itong kinuha sa bulsa niya. Napa awang ang bibig ni Michael nang ilapit ito sa kanya ni Allen. Isang singsing.


"Michael, will you promise to marry me if the day will come that everything's alright?"



Hindi ka agad na nakapag salita si Michael dahil nag uunahang tumulo ang mga luha niya.


"O-oo naman" sagot ni Michael, ngumiti sa kanya si Allen at kinuha ang kamay niya saka isinuot ang singsing sa fourth finger niya.

"I love you Michael."

"I love you too."



Allen leans forward and catches Michael's lips for a kiss. Then they sealed their love for each other.









MAHIGPIT ANG HAWAK ni Allen sa kamay ni Michael habang nag lalakad sila pauwi sa bahay. Masaya siya na tinanggap ni Michael ang propasal niya pero na gu-guilty siya dahil pakiramdam niya ay napaka selfish niya dahil sa pag e-engage niya kay Michael sa kanya.


Nang maka rating sa bahay ay agad na dumertso ang dalawa sa kwarto. Sabi kasi sa kanya ni Michael ay antok na antok na siya. Nang maayos ni Michael ang kama ay humiga na ito, agad namang tumabi si Allen sa binata at niyakap ito.


"Kian, good night kahit umaga na" sambit ni Michael, Ala-una na kasi ng umaga.


"Good night babe...have a nice dream."


Tumayo si Allen saka pinatay ang ilaw bago muling tumabi kay Michael. Naka mulat lang si Allen buong oras habang naka yakap kay Michael. Gusto niyang sulitin ang mga huling oras kasama si Michael. Ito ang kasunduan nilang mag ama...


"Allen. Do you want to cut your engagement with Hazel?" Tanong ni Hanz sa anak.

"Of course."


"Then you will need to go to Canada , to have your psychotherapy and medications."


"I can have them here in the Philippines."


"Then stay here, but the engagement will not be cut."


Allen faced his dad with a teary eyes. "Do you want to badly apart me from Michael? Or you just don't want to see my face?"


"This is what the best for you and Michael. If your treatment on your condition is done then you can go back here in the Philippines. And if that time comes that Michael is still in love with you and he already achieved his dreams. I won't meddle between you two anymore."


Allen was stunned for a minute, absorbing what his dad said. "When will I leave?"


"After New Year's day."


Allen look down. "Can I be with Michael until then?" he asked.


"Why?"

"Because I love him and I want to make more happy memories with him before I leave."


"Okay..."






"Ijo, Allen. Sadya bang aalis ka ng hindi nag papa alam kay Michael?" tanong ng nanay ni Michael kay Allen.


Ngumiti ng malungkot si Allen saka niyakap. "Opo nanay, baka po kasi if I saw Michael crying ay hindi po ako maka alis." sambit ni Allen na medyo nahihirapan mag tagalog.


"Ganoon ba ijo...nakaka lungkot naman ito."


"Pangako po ay babalik ako. Babalikan ko si Michael po, pag okay na ang lahat. Ipag pa alam niyo na lang po ako kay Tatay at Mia." sambit ni Allen.

Alas tres (3 Am) pa lang ng umaga at hindi pa gising ang iba at tanging nanay palang ni Michael ang gising.

"Mag ingat ka lagi ijo."

"Opo Nanay."


Pumasok na si Kuya Vicente sa loob ng bahay at kinuha ang mga gamit ni Allen at sinakay sa Van. Si Allen naman ay pinag masdan ang natutulog na si Michael, hindi niya mapigilang umiyak dahil malalayo na naman siya kay Michael. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi niya alam kung ilang taon ang aabutin niya para mag kita silang muli.


"See you again Michael."






***

Awts. Last Chapter next.








Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
38.1K 1.6K 53
Neil grew up in the province and was sent to the city, so he can continue his studies in order to pursue his goals and dreams in life. As times pass...
148K 9.6K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?
558K 27.8K 43
Tanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui...