CHAPTER 36

1.2K 74 6
                                    

"Are you really leaving?"



Tumango tango naman si Michael. Lingo na ngayon at ngayon na rin ang alis nila ng Tiya niya papunta sa probinsiya. Dumaan lang muna siya sa kwarto ni Allen.


"Oo, babalik din naman kami sa Martes."


Nag pout si Allen at yumakap sa kanya. Napangiti naman si Michael at niyakap ang binata pabalik.


"I'll miss you. Don't forget to text me every minute okay?"


"Every minute talaga?"


Napaisip naman si Allen. "Every hour then."


Natatawang napa iling lamang si Michael at humalik sa noo ni Allen. "Oo na, behave ka habang wala ako ha?"


"Yeah"



Napabuntong hininga si Michael pag kalabas ng kwarto ni Allen. Hindi pa siya nakaka alis pero namimiss na agad niya ang binata.


"Kuya Michael!"


Napalingon si Michael nang marinig ang boses ni Kate. "Oy Kate?"

"I heard you're leaving? Will you come back?"

Na tawa naman si Michael. "Syempre naman."


"That's good then. Take care!" ngumiti lang si Michael sa bata at ginulo ang buhok nito.


"Bantayan mo kuya mo habang wala ako ha?" bulong ni Michael.


"Roger!"

Ngumiti siya kay Kate at bumaba na sa hagdanan at kinuha na ang bag niya sa kwarto niya at lumabas sa mansion kung saan nag hihintay ang kanyang Tiya.



"Tara na." tumango lamang si Michael at sumunod na sa kanyang Tiya.



MAKALIPAS ang ilang oras na byahe sa bus ay naka rating na rin sila sa Balayan, ang bayan kung saan sila sa Batangas. Napangiti naman si Michael. Masaya siyang makabalik rito. Wala naman itong pinag bago mula nung huli niyang nakita.


Pag kababa nila sa bus ay agad na silang sumakay sa trycicle ng Tiya niya. Excited na siyang makitang muli ang pamilya niya. Matapos ang kalahating oras ay nakarating na sila sa bahay nila.


Nakita ni Michael na malaki na ang pinag bago ng bahay nila. Pero hindi pa ito tapos gawain. Kulang pa sa samento ang mga pader.

"Kuyaaaaa!" tumatakbong lumapit si Mia kay Michael at niyakap siya.


"Hindi naman halatang miss na miss mo ako 'no?" Biro niya sa kapatid.

"Hindi talaga! Teka kuya pasalubong ko?" Napailing naman si Michael.


"Nako Mia, kung pinag papahinga mo muna yang kuya mo" Sambit ng Nanay ni Michael. Lumapit naman ang binata rito at nag mano. "Oh siya, ilagay mo muna iyang gamit mo sa loob."


"Sige 'ho"


"Kuya, magugulat ka ang ganda na ng kwarto mo!" sambit ni Miya at agad na napatakip sa bibig. "Hala! Surprise nga pala yun hehe." kamot nito sa ulo. Natawa na lang si Michael sa inasta ng kapatid at pumasok na sa loob.


Nakita niyang naiba na ang mga pag kakaayos ng mga gamit. Nakita naman niya na ganoon pa rin ang pwesto ng mga kwarto pero may mga pintura na ito. Pag ka pasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang papag niya samantalang ang foam naman ay naka rolyo at may balot na plastic para hindi madumihan. Agad namang lumapit si Michael sa cabinet niya at pinatong roon ang bag niya.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें