War Has Begun (War Series #1)

By overthinkingpen

398K 17.3K 5K

PUBLISHED UNDER KPUBPH Copies are available via Tiktok Shop and Lazada. Please visit KPubPH on their Facebook... More

War Has Begun
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
War Has Begun
ANNOUNCEMENT: Book Publishing
Pre-Order for Published Book

Chapter 9

7.7K 413 145
By overthinkingpen

#war1wp

Chapter 9

Sorry

Hindi ko pinansin ang message ni Jadon. Alam naman pala n'yang naka-block s'ya sa'kin, nag-send pa rin ng message! Gusto n'ya bang i-block ko rin s'ya pati ro'n?!

I hissed as I tried to focus on the textbook I'm trying to read pero hindi ko magawang ituon lang do'n ang atensyon dahil bumabalik ang mga mata ko sa phone ko.

I can't stop wondering why he messaged me. Gusto kong itanong, but replying means we'll start a conversation.

Gusto ko ba 'yon?

Oo, a part of my mind answered.

Agad kong iniuntog ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa study table. I cursed myself and I don't even know if I should laugh at myself or get irritated. Why is my mind like this?

Nang tumunog ang phone ko, agad akong bumangon at pinulot ang phone bago mabilis na inilagay ang fingerprint doon para tuluyan 'yong buksan. I saw Jadon's message again.

Jadon Marcus Melgarijo:
Notice me? :)
Please? 

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang chat n'ya para sa'kin. Uminit ang mga pisngi ko at pinigilan ko ang namumuong ngiti sa isang nguso.

Ang rupok, Aiah!

S'ya ba talaga 'to? Bakit may nakikita akong salita na akala ko hinding-hindi ko makukuha galing sa kan'ya? Please?

He sent a message again. 

Jadon Marcus Melgarijo:
I hope Azariah can notice me. 

I winced a little. What the hell is he doing? Hindi bagay! Kumunot ang noo ko at tinitigan pa ang message n'ya para sa'kin. 

Jadon Marcus Melgarijo:
I have something to tell her.

Ano naman 'yon?

Jadon Marcus Melgarijo:
Do you want to know what it is? 
It's a secret I only want Azariah to know. So I can't really share it with you.

Parang tanga! Napasimangot ako pero umiinit naman ang mga pisngi. Bagong pick up line ba 'yan? Tss! 

Azariah Morales:
Ano na naman?

Nabasa n'ya kaagad ang message ko nang tuluyan ko na 'yong ma-send. 

Jadon Marcus Melgarijo:
Wow. You actually replied. I thought it'd take days.
You wanna know?

Azariah Morales:
Malamang! Magre-reply ba ako kung hindi?

Jadon Marcus Melgarijo:
Why are you getting mad again?
I'm asking you politely.

Napasimangot ako at hindi nag-reply. He typed a message again.

Jadon Marcus Melgarijo:
Kausapin mo na si Adam.
He's been miserable for days.

'Yan lang ba ang gusto n'yang sabihin? Kahit naman hindi n'ya ako pilitin, talaga namang makikipag-ayos na rin ako kay Adam! Kaibigan ko 'yon kaya matitiis ko ba?

Nawala ang simangot ko at napatitig sa message ni Jadon. Pumangalumbaba ako habang nakatitig do'n at naalala nga ang mukhang frustrated na mukha ni Adam. 

Jadon Marcus Melgarijo:
Ako ang nagsabing sabihin n'ya sa'yong wala s'yang kasama.
Because I know you won't come if you knew I was there.

Agad akong nagtipa ulit.

Azariah Morales:
Alam mo naman pala, bakit pumunta ka pa?

Jadon Marcus Melgarijo:
I was going to apologize. 
Kahit na ang sungit mo.

Agad ulit akong napasimangot.

Azariah Morales:
Nagso-sorry ka ba o ano?!

Jadon Marcus Melgarijo:
Galit ka na naman hahaha

Azariah Morales:
Aware ka ba na ang sama ng ugali mo?

Jadon Marcus Melgarijo:
Oo.

Napangiwi ako at nagtipa ulit.

Azariah Morales:
Proud ka pa?!

Jadon Marcus Melgarijo:
God, I can hear you even through chat.
Nagtanong ka. Sinagot ko ang tanong mo.
Does that make you upset?

Napanguso ako at napa-isip sa reply n'ya. Totoo namang parating mainit ang ulo ko sa tuwing kausap s'ya. Nakakaramdam tuloy ako ng kaunting konsensya.

He sent a message again because I didn't reply right away.

Jadon Marcus Melgarijo:
Does that make you upset, Azariah?

Agad akong napa-ayos ng upo dahil parang narinig ko ang boses n'ya sa chat n'yang 'yon.

Azariah Morales:
Ano ba 'yung sasabihin mo?

Pag-iiba ko sa usapan.

Jadon Marcus Melgarijo:
Kausapin mo na si Adam.
I told you, I was going to apologize that's why I was there.
Pati no'ng birthday ni Adam, I was supposed to apologize but you were so mad.
Pa'no tayo magkaka-ayos kung parati mo 'kong binabara?

Wow. Talagang magi-initiate s'ya ng apology? Bigla? Bakit naman? Nakunsensya ba s'ya sa ginawa n'ya o pinagsabihan s'ya ni Adam? Parehas na hindi kapani-paniwala.

Azariah Morales:
Eh, 'di mag-sorry ka na ngayon.

Jadon Marcus Melgarijo:
Sa personal.
Ayaw mo ba ng genuine apology?

Personal? Magkikita kami? Napalunok ako at naisip kung pa'no nga kung gano'n ang mangyayari. Sa maka-ilang beses na nagkita kami, parati na lang galit ang bungad ko sa kan'ya.

But he's already approaching me. Nagi-initiate na s'ya ng pag-uusap.

Nakaka-ilang lang na kailangan ko pang makipagkita sa kan'ya. Pero totoo naman ang sinabi n'ya. Mas mararamdaman ko ang pagso-sorry n'ya kung sa personal.

Jadon Marcus Melgarijo:
Shy?

I can even see him smirking kahit na sa chat lang naman!

Pero nakakapag-taka naman kung bigla-bigla na lang s'yang magso-sorry. Hindi bagay sa mayabang na image n'ya sa isipan ko. I stared at his chats more, analyzing everything he said.

Baka naman talagang na-offend ko s'ya dahil sa narinig n'ya ang sinabi ko tungkol sa St. Agatha University? Bakit naman? Gano'n ba kahalaga sa kan'ya ang university n'ya? O baka dahil ang mommy n'ya ang chairwoman ng St. Agatha University?

Jadon Melgarijo is from a wealthy family. His father is known as a business tycoon and his mother, the chairwoman of one of the largest and famous schools in the country. Pero sa pagkaka-alam ko, hiwalay ang mga magulang n'ya--not annulled--but separated. It wasn't a huge issue dahil nagiging normal na ang gano'n sa ngayong panahon.

Azariah Morales:
Si Jadon ka ba talaga?

Mapaghinalang tanong ko. Nakakapagtaka kasing bigla-bigla na lang s'yang hihingi ng tawad. May nakain ba s'ya? O naawa na ang langit sa ilang mga pagkakataong halos sumabog ako dahil sa galit?

Kung alin man sa dalawa, nagpapasalamat akong sa wakas ay may kaliwanagan na sa buhay ni Jadon. Nabawasan nang kaunti ang sungay n'ya.

Jadon Marcus Melgarijo:
You don't believe me?
Sent a photo.
It's me.

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-send ng picture si Jadon. S'ya 'yon, sa dim na lighting ng kuwarto n'ya. Sa palagay ko, nakabukas ang lamp na nasa ibabaw ng siguro ay side table ng kama n'ya. Hindi ako sigurado kung gray ang kulay ng pader ng kuwarto n'ya o puti. 

Mas bagsak na ang buhok n'ya sa litrato at mukhang walang ayos, 'di tulad ng hitsura no'n sa tuwing nasa labas s'ya. But it didn't make him any less attractive. Parang mas bumagay pa nga sa kan'ya ang medyo magulong buhok.

Did he shower?

His skin looks like he just got out of the shower. No blemish, smooth, and glowing. Kita 'yon lalo na sa naka-reflect na ilaw ng phone sa mukha n'ya. Mapupula ang mga labi n'ya, like usual.

Napalunok ako habang tinititigan ang mukha n'ya. Does he send pictures to everyone?!

Azariah Morales:
Hindi mo naman kailangang mag-send ng pictures!
Ew.

Jadon Marcus Melgarijo:
You're so offending.
Pati ba 'yan ikaiinis mo rin?
I'll send more pictures if it irritates you so much.

Azariah Morales:
Nang-iinis ka ba?

Jadon Marcus Melgarijo:
Galit ka na naman?
Hindi ba mauubos 'yan?

I groaned.

Azariah Morales:
Alam mo? Wala na tayong maayos na usapan.

Jadon Marcus Melgarijo:
Sorry. Hahaha
Come on, let's meet. I'll apologize to you.

Azariah Morales:
Bakit gustong-gusto mong mag-sorry?

Jadon Marcus Melgarijo:
Because I want to. 
Have you seen Adam?
Don't be too hard on him.

Alam ko namang masyado na akong naging immature no'ng mga nakalipas na araw kaya sa huli, pumayag na lang din akong pumunta at makipag-ayos. Hindi rin naman talaga kami magkaka-ayos ni Jadon kung patuloy lang akong iiwas sa kan'ya. At isa pa, naisip kong sobrang immature ko naman kung hindi pa ako makikipag-ayos. We're old enough to be understanding and forgiving. 

Kaya naman nang magka-oras, isang sabado, nagdesisyon na lang kaming magkita sa cafe sa tapat ng St. Agatha University. Ako na ang pumili na ro'n magkita dahil maganda ang cafe ng St. Agatha at gusto ko rin do'n.

I wore a simple dress that day. Puff-sleeve 'yon at kulay itim. I partnered it with a white sling bag and a pair of white sneakers for a more casual look. Medyo nagsisi pa nga ako sa isinuot dahil umulan no'ng araw na 'yon. Hindi naman malakas ang buhos ng ulan pero ayaw ko kasi sa tuwing umuulan.

Kinailangan ko pang magdala ng payong na hindi ko alam kung saan ko ilalagay dahil maliit ang dalang sling bag. I will have to carry it with me. Plus the white shoes. I sighed in disappointment.

Mag-isa lang akong pumunta at akala ko, maaga na ako dahil limang minuto akong maaga sa oras ng usapan pero nang makita ko ang naka-itim na long-sleeved shirt na itinupi hanggang sa siko at naka-isang pares ng kulay gray na pantalon na si Jadon, agad akong natigilan at namangha sa hitsura n'ya. naka-puti rin s'yang sapatos ng isang mamahaling brand at nakita kong may isang cup na s'ya ng kape sa table na nasa harapan n'ya.

Kahit maulan sa labas, maliwanag pa rin at maganda ang pagtama ng linawag sa mga patak na iniwan ng magaang na buhos ng ulan na medyo papatila na.

Moist ang glass walls ng cafe at damang-dama ko ang lamig doon nang makapasok ako. Amoy na amoy ko ang brewed coffee at naririnig ko ang classical music na tumutugtog sa paligid.

Itinupi ko ang foldable na payong na dala at hinayaan ang guard na kunin sa'kin 'yon para isama sa mga lalagyan ng mga payong ng dumarating na mga customers.

Tiningnan ko ang paghawak ni Jadon sa hawakan ng mug ng kapeng in-order n'ya gamit ang kaliwang kamay na may suot na silver na relo. Inangat n'ya ang mug at uminom s'ya ro'n bago muling bumaling sa labas ng bintana.

Para tuloy s'yang kalmadong demonyo sa paningin ko. 

Napanguso ako at medyo nag-alangan sa soot. Para naman kaming nag-usap sa kung ano ang sosootin! Pero alam kong wala naman akong magagawa ro'n. It's just coincidence. Hindi naman 'yon big deal at hindi ko na dapat pang mas'yadong pag-isipan. 

I sighed before I started walking towards where Jadon was sitting.

Nang mapansing may papalapit sa kan'ya, agad na nag-angat ng tingin si Jadon at nagtama kaagad ang mga tingin naming dalawa. 

Agad ko s'yang sinimangutan at umupo ako sa kaharap n'yang upuan.

"Nasaan si Adam?" Agad na tanong ko para hindi kami balutin kaagad ng katahimikan.

It's a trick to not make things awkward. Kailangang kausapin ko kaagad s'ya para hindi na kami unahan ng pagka-ilang.

"He's on his way," he said. Gumuhit ang maliit na ngisi sa mga labi n'ya habang nakatitig sa'kin. "You want anything?"

"Your treat?" I asked.

Biro ko lang 'yon dahil sanay akong 'yon ang isinasagot kaagad sa mga kaibigan ko sa tuwing gano'n ang tanong. 

Jadon's smirk grew bigger before he took his cup again and sipped on it. Ang yaman, pati ng kilos. Mukhang sanay na sanay talaga s'yang gano'n kung gumalaw. Lumaki kasi sa yaman.

"Sure, I'm the one apologizing anyway," he shrugged. 

I looked at him suspiciously. Talaga ba s'yang magso-sorry s'ya? Bakit ang yabang pa rin ng dating? 

Ngayong kaharap ko si Jadon, naiisip ko tuloy ang presyo ng suot ko sa presyo ng mga suot n'ya. Pakiramdam ko, sa sapatos n'ya pa lang, wala na akong maitatapat.

"What do you want? I'll order for you," aniya bago umahon nang kaunti sa pagkaka-upo at kinuha ang wallet sa likod ng pantalon n'ya.

Now that he's going to really pay for my drink, nakaramdam naman ako ng pagka-ilang at kaunting hiya. I'm not really used to it when people pay for me.

Nang mapansin ni Jadon ang pagtahimik ko at mukhang pagdadalawang-isip, he smiled a little and leaned towards me.

"Consider it as part of my apology package," aniya bago tuluyang tumayo at inayos ang pagkakatupi ng longsleeved shirt n'ya sa braso. He looked at me. "What do you like?" He asked. 

Lumingon ako sa menu ng cafe sa itaas ng counter at sinabi ang una kong nakita ro'n. 

"Iced?" Pagtataas ni Jadon ng kilay sa'kin, may kaunting pagdududa sa in-order ko.

Umuulan nga naman kasi pero iced drink ang gusto ko. Tumango na lang ako sa tanong n'ya at tumango naman s'ya pabalik bago nagsimulang lumapit sa counter para um-order para sa'kin.

Walang gaanong tao sa cafe. Karamihan ng nandoon, mukhang mga college students ng St. Agatha University na tahimik na nag-aaral at ang iba naman, mukhang dito ginagastos ang break time mula sa trabaho. 

Tinanaw ko ulit si Jadon. Seryoso lang s'yang nakatanaw sa menu ng cafe at wala namang ibang ginagawa pero napapansin ko na napapalingon sa kan'ya ang ilang mga kasabay n'ya sa pagpila at ang ilang mga customer sa malapit.

Guwapo kasi.

Dumating din naman si Adam kalaunan. Nang bumalik si Jadon, nando'n na si Adam at naabutan n'yang kinakausap ako.

"Si Jadon ang nagsabi sa'king 'wag sabihin sa'yo," simangot ni Adam. "I'm sorry, alright? Bakit ba naisip mong kinakampihan ko si Jadon?"

"Lagi kasing ako ang sinisita mo!" I complained. 

Naka-upo na si Adam sa katabing upuan ko. Nakasoot s'ya ng isang kulay mustard na branded shirt at isang pares ng pantalon at white shoes. 

"I'm sorry I made you feel that way," suko ni Adam at bumuntong-hininga. 

Dala na ni Jadon ang in-order n'ya para sa'kin. He gave it to me and I took it. Natahimik kaming dalawa ni Adam at hinintay na maka-upo si Jadon.

Umupo si Jadon sa upuang kaharap naming dalawa ni Adam. Pinagmasdan ko s'ya at tumingin naman s'ya pabalik sa'kin. Mukha namang narinig n'ya na ang usapan namin ni Adam.

"About the coffee that I poured on your skirt, I apologize," Jadon said, "and for offending you with the things I said."

I stared at his eyes and tried to see if he's sincere with his apology. Napanguso ako. I can't really tell if he's genuine. Ang dali n'yang nakahingi ng tawad, ah? I thought it'd be hard for someone like him.

Dahil ako, nahihirapan akong humingi no'n kahit na ako ang may kasalanan. Naiisip ko tuloy na mas mataas pa ang pride ko kaysa sa pride ni Jadon. Napapa-isip tuloy ako kung sino ba talaga ang mas may masamang ugali sa'ming dalawa.

Eventually, I sighed and placed the drink down on the table.

"Sorry rin," I apologized, slightly struggling, and I saw the amusement on Jadon's face, "para ro'n sa kapeng nabuhos din sa polo mo. And for always talking rudely... For the cocktail that I accidentally poured on your shirt. And for grabbing your shirt because I was annoyed." 

Kumunot ang noo ko. Ang dami ko namang ginawa?

Jadon grinned and picked his drink up again to take a sip, hindi na nagsalita kahit parang nababasa ko ang nasa isip n'ya.  

Lalo akong napasimangot dahil bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa ginawa ko. 

"How about me? Are you forgiving me?" Pagpapaawa ni Adam at lumapit pa nang kaunti sa akin. I pushed his face away and he laughed.

"Oo na!" Irap ko at uminom na sa inuming binili ni Jadon para sa'kin 

Parang nakaramdam ako ng gaan ng loob dahil naramdaman kong wala na ang galit ko para sa kanilang dalawa. Inangat ko ang tingin kay Jadon. Nang mapatingin s'ya sa akin dahil napansin siguro ang pagtingin ko sa kan'ya, parang gusto kong umiwas agad ng tingin pero dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon, I will look guilty, pinanatili ko ang tingin sa kan'ya. 

He tilted his head as he stared back at me. Nang tumagal nang dalawang sigundo ang titigan namin, nakita ko ang pagkinang ng pagka-aliw sa mga mata n'ya at napa-iwas ako ng tingin.

Ikaw na ang guwapo! I innocently sipped on my drink.

Continue Reading

You'll Also Like

368K 10.7K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
139K 2.1K 67
You Series #3 - An Epistolary.
6.2K 201 40
(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of...
13.7K 231 51
Two years, still you... But the question is, is it still me? The cover used is not mine. Credits to the owner.