Nostalgic You (BL)

By winwinzen

13K 927 42

Boy Love Series #1 A nostalgic love story begins after the simple employee, Ry, meets their new promotional m... More

Nostalgic You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Author's Note

CHAPTER 14

341 36 2
By winwinzen


[Hurry up babe! Ma le-late tayo!Nakakahiya sa mga kaibigan mo!] pagmamadali ni Grix sa kabilang linya.

"Huwag kang mag-alala, kung on the way na tayo, naliligo pa lang sila, sanay sila sa Filipino time" sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

Tinapos ko na ang mga gawain ko sa opisina kanina, isang linggo rin akong naghintay at nagbabad sa trabaho. I think, I deserve a break, we deserve a break. Ito yung araw na napag-usapan naming mag ka-club kami.

[Parang ikaw lang, sabi mo alas otso kita susunduin, pero alas nuebe na, hindi pa rin tayo nakakaalis!] nadamay pa tuloy ako.

"Ito na nga 'di ba? Nakabihis na, bababa na."

[Bilisan mo, I want to get my reward].

Kumunot naman ako noo ko. "Reward? Para saan? Ano bang ginawa mo?" tanong ko.

[Almost one hour na akong naghihintay dito, babe, nangangawit na ako!] reklamo niya.

"Kasalanan ko? I told you to come inside pero tumanggi ka, 'yan ang napapala mo, mangawit ka diyan hanggang bukas!" then I ended the call.

Mabilisang sipat muna sa salamin ang ginawa ko bago bumaba. I'm wearing a plain white t-shirt, a leather jacket, a black jeans, and pair of blue shoes.

"Manang, alis na po ako!" paalam ko sa maid na nakasalubong ko sa sala. "Si Ryle po? Nasa kwarto na niya?" I asked bago ako tuluyang makalabas ng pinto.

"Oo, kadadating lang rin, galing daw siya sa bahay ng classmate niya" sabi ni Manang. "Ingat ka" she waved her hand.

Tumango naman ako at lumabas na ng bahay. Wala sina Mama't Papa, may kailangan daw kasi silang asikasuhin sa Singapore, isang linggo rin silang magtatagal doon.

"Finally, you're here" salubong ni Grix ng makalabas ako sa gate ng bahay. Nakasandal siya sa sasakyan niya, he's wearing a black-and-white vertical striped button-down long sleeves, a black jeans and a pair of black shoes.

"You look good, as always" I kissed his cheek before going inside the car. Simple lang ang suot niya, pero he can still stand out among others, even me! His boyfriend.

"OOTD ka ngayon, ah?" pinasadahan niya ng tingin ang suot ko ng makaupo siya sa driver's seat. "You even look like a model, babe" pambobola niya.

"Sira, ganito yung suot mo noong nag-shoot ka sa Metro Magazine, ginaya ko lang" well that's true, yung sapatos at plain white t-shirt lang ang naiba. "Tara na, papunta na daw sila" I looked at my phone dahil sa texts ng mga kaibigan ko.

"I miss you babe, so much" sabi niya at umiiling-iling pa. Pero ang totoo, magkasama naman kami kahapon! "Kung pwede lang kitang halikan babe, ginawa ko na."

Hindi ko alam kung anong pinupunto ng isang 'to, pwedeng-pwede niyang gawin 'yon dito sa loob ng kotse niya kahit anong oras, at tinted naman 'tong kotse niya. Ang daming intro sa buhay!

"Hindi ba pwede? Nagpapabebe ka lang naman siguro 'no?" tanong ko.

"Hindi 'no!" tanggi niya at nag-iwas ng tingin. "I'm just......trying to......"

"To? You're trying to?" nag-aabang ako sa isasagot niya.

"Never mind" he shook his head. Bago niya i-start ang makina ng sasakyan ay tinaninam ko na siya ng halik sa labi. Hihiwalay na sana ako pero  hinawakan niya ang batok ko at mas lalong idiniin ang mukha ko sa kanya.

Lumalim rin ang mga halik niya, he started sucking on my upper and lower lip. "I love you" sambit niya at patuloy pa rin sa paghalik.

Bumaba ang mga halik niya sa panga ko, ako naman ay naghahabol ng hininga. Matunog ang mga halik niya pababa sa leeg ko, his kisses was sloppy. I closed my eyes and clenched my fist, trying so hard not to make a sound.

I started unbuttoning his long sleeves while he's busy kissing my neck. Bahagya niya akong tinutulak hanggang sa mapansandal na ako sa pinto ng shotgun seat, nasa magkabilang gilid ng hita ko ang mga kamay niya, obviously cornering me.

When I finally unbuttoned his long sleeves, tumambad na sa akin ang katawan niya. Hindi masyadong malaki ang katawan niya, yung tama lang, I can say that he has a slimly built body, a defined chest at ang nagmumura niyang abs. It's still attractive.

RING!  RING!  RING!

That was my phone! Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang pa-epal na tumawag, a disturbance! It was Eric calling, sinagot ko naman' yon.

[Oh ano? Nasaan ka na? Akala ko papunta ka na? Nandito na kami lods] bungad niya.

"On the way na a-ako pumasok na k-kayo sa l-loob" I'm trying my best to sound normal! Hindi pinansin ni Grix ang tawag at patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

[Ayos ka lang? Paputol-putol ka, Ry.]

"I'm okay.... I'm driving.... Sige na, see you!" binaba ko na ang tawag.

"You're driving, huh?" tinigil niya ang ginagawa at tumingin sa'kin. "Or I'm the one who's driving? Driving you crazy" matunog siyang ngumisi.

Hindi ko naman mai-tatanggi 'yon dahil totoo naman! Bahagya kong pinitik ang tenga niya, ayokong mag-react sa sinabi niya, aasarin niya lang ako panigurado kapag umamin ako.

"Napakaharot mo talaga" sabi ko habang ibinubutones ang long sleeves niya. "Nandoon na daw sila, kaya mag-drive ka na."

"Okay, babe" malambing niyang sabi perp may bahid pa rin ng pang-aasar. "We can continue it, after the—"

"Subukan mong ituloy, gagawin kong busina 'yang bibig mo, sinasabi ko sayo, Grix Kyle" I cut him off.

"Sungit" inirapan niya ako at itinuon na ang pansin sa pagmamaneho. Hindi pa nga umiinom, tumikim na agad siya ng pulutan, letse! Ako rin naman.

Naging mabilis ang byahe namin papunta sa club, salamat dahil hindi kami naabutan ng traffic. Nakailang tawag na rin si Eric, tumigil lang siya ng sabihin kong nasa labas na ako ng club.

Masyadong atat.

"Let's go inside" aya ko kay Grix at sumunod naman siya. Hila-hila ko ang palapulsuhan ni Grix habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao dito sa loob.

"Yohan! Here!" umalingaw-ngaw ang boses ni Sabine, she's jumping while waving her hands in the air. Pumunta kami sa gawi nila. Kung kailan last minute, tsaka naman ako kinabahan, I don't know how to start!

Nakipag-batian pa muna ako sa kanila, I miss being with them, ilang buwam rin kaming hindi nagkita. Umupo na sila sa couch, sinadya kong maiwang nakatayo. "May kasama nga pala ako" panimula ko.

"Sino? Ipakilala mo naman!" may bahid ng panunuksong sabi ni Sharnie.

"Nangangamoy jowa, ah? Sana pala nagdala rin ako" si Eric.

"Edi wala kang dadalhin? May jowa ka ba?" pambabara ni Sabine.

"Nakalimutan 'atang single siya" gatong ni Kevin. "Nahihibang na."

"Coming from the two of you? Single rin kayo, damay damay na 'to mga pare!" tumawa pa si Eric.

Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil kuhang-kuha na nila ang idea. Malayo-layo sa gawi namin si Grix, hihilahin ko nalang siya kapag ipapakilala ko na, 'yon ang napag-usapan namin sa kotse niya kanina.

"Alam niyo, mga sapaw talaga kayo" puna ni Sharnie doon sa tatlo. "Nasaan ba siya? Ipakilala mo na" nginitan ako ni Sharnie.

"Wait a minute" huminga ako ng malalim ng talikuran ko sila. Pumunta na ako sa bar island kung saan nakaupo si Grix at naghihintay.

He automatically smiled when he saw me, probably getting the signal. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Too much pressure? Don't worry, you're with me" pag-papagaan niya ng loob ko.

I gave him a smile before walking towards my friends, nakasunod na siya sa likod ko. "You guys already know him" sabi ko sa kanila.

Nang lumitaw si Grix sa gilid ko, nagbago na ang reaksyon nila, isang malaking question mark ang reaction nila, they're giving me questioning looks, nagtataka sa presensya ni Grix. Dahil sa ginagawa nila, mas kinakabahan ako! Lahat ng gusto kong sabihin, umuurong na sa lalamunan ko pababa sa sikmura.

"Buti naman at bati na kayo!" basag ni Eric sa katahimikan. "By the way, I'm Eric" naglahad ng kamay ni Eric. Buti na lang.

Tinanggap naman 'yon ni Grix. "Grix, nice to meet you" he simply said.

"So you two are friends?" palipat-lipat sa aming dalawa ni Grix ang mga tingin ni Sabine.

"Actually, we're—" I was about to say it but Grix cut me off and said it instead.

"We're boyfriends" deretsong sabi ni Grix.

Natigilan naman sila pagkatapos magsalita ni Grix. Hawak-hawak pa rin ni Kevin ang shot glass, si Eric ay naiwang nakatayo, sina Sharnie at Sabine naman ay nakatanga sa amin. They're still processing what Grix said, isang malaking loading.

"Tama ba yung narinig ko? Sapakin mo nga ako Sab" Eric gestured his cheek to Sab.

Hindi naman nagdalawang isip si Sab at pabirong sinampal si Eric. "Pakiulit nga ng sinabi mo, pare" request ni Eric kay Grix, siraulo talaga.

Bahagyang natawa si Grix bago magsalita. "I said we're boyfriends, tama yung narinig mo."

"Totoo nga" napaupo si Eric sa couch. "Sandali, isang sapak pa nga Sab" at talagang humirit pa.

"Bote na isasapak ko sayo, gusto mo? Tatatak talaga 'yan sa kokote mo" banta ni Sabine. Ganoon parin ang reaction nila, mga walang komento.

"Boyfriends? As in mag-jowa? In a relationship?" sunod sunod na tanong ni Sharnie.

"That's right" tumango ako.

"Oh my gosh! I'm so happy for you!" bigla akong yinakap ni Sab. Kahit nagugulat ay yinakap ko siya pabalik.

"Alam kong kinakabahan ka, but you don't need to, you're my friend, tanggap kita, tanga!" she's getting emotional while hugging me. OA.

"Hello! I'm Sabine! Kilala na kita dati pero alam kong hindi mo pa 'ko kilala" naglahad ng kamay si Sab kay Grix.

"Nice to meet you Sab, you're gorgeous, by the way" nginitian siya ni Grix at nakipag-kamay. Bolero talaga.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa todo 'to!" papuri ni Sab sa sarili habang hinahawi ang buhok sa likod ng tenga niya. "Mabuti nalang at mulat ka sa katotohanan."

"Ry" si Eric naman ang yumakap sa'kin. "Walang magbabago, tandaan mo' yan. Ang totoong kaibigan ay kaibigan" he said while tapping my back, I get his point. Himala't matino siya ngayon.

"Hindi ka man lang nag-chat, pero sabagay, mas maganda kapag sa personal" at ngayon si Sharnie naman ang yumakap!

Imbes na mag-kwentuhan kami, naging yakapan session na! Pero that's okay, I can feel their acceptance in that way.

"Kaya pala hindi mo ako type, ha, kasi 'yong kaibigan ko ang type mo" sumingit si Sabine. "Umupo na nga kayo, kanina pa kayo nakatayo diyan, para kayong mannequin" alok niya.

"Wala ka bang sasabihin, Kevin? Are you okay?" tanong ni Sharnie kay Kevin na hanggang ngayon ay walang imik.

"Sorry, I just don't know what to say" rason niya. "But I'm happy for you, Ry. Just remember that you always have my support" he smiled at me.

"Thank you" I smiled at him too.

"So ano na nga? Kailan pa naging kayo? Matagal na ba?" usisa ni Sabine. Nagsisimula na siyang makipag chikahan.

"Months? I don't know. Hindi naman namin binibilang" sagot ni Grix.

"Ano ba 'yan, nakaka-inggit naman, isang sana all ang ibibigay ko sa inyo" si Sab.

"Sana all umaabot ng isang buwan 'no? Palibhasa one week palang, gino-ghost na ng mga ka-chat" parinig ni Eric bago tunggain ang laman ng shot glass.

Hinampas siya ni Sab sa braso. "Pa-epal ka talaga! Tatahiin ko 'yang bibig mo!" angil ni Sab.

"Alam mo, malapit na kitang kasuhan ng physical abuse, pero bakit parang ikaw yung nabugbog? I mean, look at your face, parang binugbog" pang-aasar pa ni Eric.

"Sorry Grix, ganyan lang talaga sila, maingay" paumanhin ni Sharnie. "Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata! Bakit hindi niyo nalang kasi jowain ang isa't-isa?" baling ni Sharnie doon sa dalawa.

"Sis? Do you think wala akong taste? Marunong naman akong pumili!" maarteng sabi ni Sab.

"Taste mo mukha mo! Baka naman free taste!" Eric teased again.

Nagtawan naman kami nina Sharnie, maliban kay Grix at Sab. Maraming crush si Sabine, na nauuwi sa flings, hindi rin namin alam kung paano niya nagagawa 'yon, maybe because of her charm and visual? Siguro. Talent niya ang bumanat, at doon siya nag-e-excel. Parang si Grix.

Kwentuhan about sa trabaho ang ginawa namin habang umiikot ang shot glass. Nang maubos ang huling bote, umorder si Grix ng dalawa pa. Nakikipag sabayan ako ng tagay sa kanila, na hindi ko naman talaga gawain noon! Hindi masyadong umiinom si Grix, magda-drive pa daw siya mamaya pauwi at binabantayan ako, in case daw na gumawa ako ng eksena dahil sa kalasingan ko. Wow?

"How's modeling, Grix? I saw your picture at the Mega Magazine one time" maya-maya'y sabi ni Sharnie.

"Everything's fine" Grix simply said while holding the shot glass. "I can still manage my schedules."

Naging interview 'yon, ang dami nilang tanong kay Grix, about sa modeling, fashion, at tungkol sa relationship namin. Ang mga chismosa ko talaga kaibigan.

"So who's the top? And who's the bottom?" bigla akong nasamid sa tanong ni Sabine, mukhang tinamaan na 'ata ng alak.

"Tara na sa dance floor! Sayaw na tayo!" aya ko sa kanila. I'm just trying to avoid the question, pero sumagot ang gago.

"We're still not doing sex, but surely, I'm the top" Grix playfully smirked and looked at me. Napa-iling nalang ako dahil sa topic nila, nahihiya na rin at the same time.

"Oh my gooooosh!" si Sab na kinikilig. "You two are hot! Parehas rin kayong pogi! A perfect couple!" lasing na nga siya.

Hinila na ni Sharnie si Sab at Eric patungo sa dance floor, si Grix naman ay nasa bar island, nakabantay sa mga kilos ko. Dahil tinatamaan na ng alak, wala na akong pakialam sa paligid, sumasayaw kaming lima. Pumunta si Kevin sa couch namin, ng bumalik siya ay dala na niya ang bote ng alak at isang shot glass, na-challenge tuloy ako.

Tinatanggap ko ang bawat shots habang sumasayaw, hanggang sa umikot na ang mga paningin ko, kumikirot na rin ang ulo ko, at parang may gustong lumabas mula sa sikmura ko. Of shit, here we go again. Hayop na alak!

Kahit gegewang-gewang, pinilit kong makapunta sa banyo para sumuka.

"I told you don't drink too much" boses ni Grix habang hinahagod ang likuran ko. "Let's go home babe, you're drunk."

"Ako? Lasing? Hindi no!" at dahil lasing na nga ako, dini-depensahan ko na ang sarili ko. "Tipsy la—" dumuwal nanaman ako. Kadiri!

"So that's tipsy?" hinahagod niya ulit ang likod ko. "Get up babe, I'll wash your face, dugyot ka talaga" inalalayan niya 'kong tumayo.

"I love you, I love you, I love you" paulit-ulit kong sabi habang pinupunasan niya ang bibig ko.

"And I love you more" he smiled at me. "Let's go now" lumabas na kami sa banyo.

Halos hindi ko na makita kung anong nangyayari sa paligid, blurry na ang paningin ko at parang gusto ko nalang matulog. Letseng alak, may araw ka rin sa'kin!

"Thank you guys and nice meeting you. I-uuwi ko na 'to, lasing na kasi. Sige, mauna na kami" rinig kong paalam ni Grix.

"Ingat, tol!"

"Bye hotties!"

Hindi na nga rin ako nakapag-paalam ng maayos kina Sharnie, tinawag ko nalang sila isa-isa. "Eric! Sharnie! Sab! Kevin! Inom ulit tayo next time!" kusang lumabas 'yon sa bibig ko.

Inalalayan ako ni Grix hanggang makarating kami sa kotse niya, inupo niya ako sa shotgun seat at inayos ang seat belt ko.

"Please take care of me babe, I love you" iyon ang huli kong sinabi bago ako tuluyang makatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

92.8K 7.5K 67
Dear Sumedh, As you wish, I am leaving your life forever. I wish you to live happily with your love. I am happy that you got your love back. I just w...
2.3K 170 17
Ang pagpapatawad ay para lang sa mga mahihina. Dahil ang pinalaking matapang at uhaw sa pagmamahal lumalaban hanggang kamatayan. Kanino ka kakampi? ...
1.2M 58.8K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...