(La Mémoire #1) NOSTALGIA

By reeswift

30.8K 1.7K 446

Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more comp... More

NOSTALGIA
Simula
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
_____
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
Wakas
Author's Note

XVII

401 28 2
By reeswift

XVII
condo


Pagkatapos ng mariing pag-igting ng panga ay muling pinagulong ni Lyon ang bola. Nang matumba ang lahat ng bowling pin ay nilapitan ako nito.

"Oo naman. Minsan bumibisita ako sa inyo."

He grabbed his water bottle and drank from it. Parang wala lang sa kanya ang deklarasyon habang labis ang kaba ko dahil roon.

"We're your family friend. Madalas kaming maimbitahan roon ng Tita mo."

"Do you know me back then?"

"Of course. I think everyone knows you. Sikat ang pamilya ninyo." He gave me the same safe answer.

Pinalis ni Lyon ang nabasang labi bago ako tinalikuran.

"Uwi na tayo, Lia. Baka hanapin ka na sa akin ni Zeke."

Iniwan ako nito upang lapitan si Stav. At syempre, nang kasama na namin si Stav ay hindi ko na nagawang magtanong ulit.

Nag-aya na rin itong umuwi kaya hindi na muling nabuhay ang usapang iyon. Hindi na rin ako nangulit dahil mukha namang hindi siya nagsisinungaling. Lyon's a nice guy and I trust him.

Kinaumagahan, nabulabog ako nang sumugod si Linn sa kwarto ko.

"Liaaaa! Wake up! I have a surprise!" She jumped in my bed and removed my blanket.

Nakapikit pa ako nang hilahin niya palabas sa sala. Hindi ko malaman ang magiging reaksyon nang ilahad niya ang isang maliit na kulungan na may lamang kuting.

"Look. Isn't this baby so cute? Nanganak kasi ang pusa namin sa bahay. Sa'yo na 'to. Ano'ng ipapangalan mo?"

I can't believe I just woke up and I'm suddenly a cat parent. Ni hindi man lang tinanong ni Linn kung gusto ko ba iyon. To be fair, I love cats but I'm not sure my brothers will do.

"Kuya, si baby G." I forced a smile before my brother, Zephaniah.
Napangiwi lang iyon sa maliit na Persian cat.

"Why baby G?"

"Short for baby girl?"

"We don't have a regular housemaid, Z. Paano kapag nagtae iyan?"

"Well, that's why cat litters are invented."

If Zeph was indifferent, my older brother Zach did not like the poor kitty at all. All of a sudden, allergic daw siya sa pusa! But I can't say no anymore, I'm already attached to it.

"I guess some of us will have to adjust, then."

"Ano?" Eksaherada ang pagtatagpo ng kilay ni Zach.

"She's living with me, kuya. Mag-cetirizine ka na lang kung talagang allergic ka."

"Seryoso ako Zhalia, get that cat out."

"If you don't want her then kick me out too." Todo drama ako.

Tinitigan ako ni Zach bago umangat ang gilid ng labi nito.

"Oh I see where this is coming. If this is your way of living with Zeke again, you're not winning. Hindi ka aalis rito." With that, the tall strict arrogant brute walked away.

Gosh, I hate his guts! I wish Zach would be as lenient as Zeke sometimes.

The next day, I have decided to push through studying in UP. Matagal ko nang naasikaso ang automatic admission ko roon bilang foreign student at natanggap naman ako. I went there for advanced registration on my first semester.

Hinatid ako doon ni Zeke at nang pauwi na, as usual, wala na naman akong masakyan. Magbo-book na sana ako ng grab nang tumunog ang cellphone ko.

"Nasaan ka?" Walang hi hello na saad ni Stav.

I rolled my eyes.

"Bakit ko sasabihin?"

"Pinapatanong ni Zeke."

"Na sa school pa ako, okay?"

"Saan nga diyan?"

"Naglalakad na ako! Nandito na ako sa may sunken. Don't bother picking me up for Zeke, mag-ggrab na ako." Sunod sunod kong sigaw bago binaba ang tawag.

Not that I hate walking but I hate walking under the sun. Habang naglalakad ay nagbook na ako ng grab. Ngunit naghihintay pa lang ako ng driver ay may prumeno ng sasakyan sa harapan ko.

Sa hitsura pa lang ng itim na Maserati ay naiirita na ako.

"Get in." Stav commanded rudely. Paniguradong inutusan na naman ito ni Zeke na sunduin ako.

"Nagbook na ako ng grab. Bakit nandito ka pa?"

"I'm your grab driver."

"Funny." I made a face.

Dinungaw ko ang cellphone ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring assigned driver sa akin. Seriously, this app?

"Traffic. Matatagalan pa 'yan."

Napabuntong hininga ako.

"It's not that I want to ride with you. I just don't have a choice." Padabog akong sumalampak sa passenger's seat ni Stav.

I heard his scoff. Ayan na naman ang nakakainsulto niyang mga pagak na pagtawa. Inirapan ko nga.

"Bakit ba galit ka lagi sa akin?" Feeling close niyang tanong nang mastuck kami sa traffic.

"Wala akong ganang makipag-small talk, Stav." Itinuon ko ang pansin sa labas.

"Anong gusto mo? Mahaba pa ang traffic oh. Looks like we could do more than talk.."

Nilingon ko ito ng may masamang tingin sa mga mata.

"Woah, joke lang. Please, 'wag mong dagdagan ang pending cases ko." Inangat niya ang mga kamay sa ere.

"Talagang dadagdagan ko. Alam mo bang under verbal sexual harassment ang dirty jokes na ganyan?"

"Who says it's a dirty joke? Unless you think it that way.."

"Oh what else would it be?"

"What else would we do except small talk? Pwede tayong mag tiktok? Mag-uno? Ayan may cards ako diyan. O kaya mag-"

"You know, what? Green light na!" Singhal ko dahil wala yata siyang planong magmaneho pa.

Nakabalik naman kami ng Manila nang 'di ako inaatake sa puso. Mabuti at nakatulog lang ako sa biyahe.

"Do you wanna eat first? Lunch na." Suhestiyon niya nang magising ako at malapit na kami sa Taft.

"'Di na."

The heat is scorching. Nakakapanghina ang init ng panahon at gusto ko na lang umuwi at matulog. Dahil rin sa init ay dry na ang labi ko't nahawakan ko ang lalamunan dahil sa uhaw.

Napalingon ako kay Stav nang bigla siyang may inabot sa backseat habang eksperto pa ring nagmamaneho gamit ang isang kamay. Inabot niya ang bag at may kung ano'ng hinalughog roon.
Binalewala ko ito at yumuko sa sarili kong shoulder bag.

Saktong paglabas ko ng tumbler ko ay ang pag-angat niya ng kaniyang hydro flask. Parang iaabot niya pa sakin iyon ngunit bigla ring inilayo ang kamay nang makitang may sarili akong dala. He ended up drinking on it.

Tinignan ko siya ng parang matatawa.

"What? Nauuhaw rin ako." Depensa niya, masama ang tingin sa akin.
Napa-iling na lang ako at pinigil ang pagngisi.

"Saan ka uuwi?" Imik niya pagkatapos ng sandaling katahimikan.

"Kila Zach. Diyan ang daan." Tinuro ko ang lilikuan niyang highway.

"Alam ko."

"Alam na alam ha?"

Kung sa bagay, nakapunta na rin naman siya sa building namin ng isang beses. Noong sinundo niya ako noong isang linggo.

"Syempre, iniiwasan kong madaan diyan." He said coldly.

I glared at him. Tinipon ko ang pasensya at payapa kaming nakarating sa building namin.

I spent the day browsing and practicing beauty shots. Bukas na kasi ang shoot ko sa Missha.

I've done a lot of portraits before but of course, I still want to impress. Later that afternoon, I received a call from Elite and they wanted to set up a meeting with me. Of course, I agreed to meet and they immediately sent me the date.

Hanggang gabi ay hindi ako pinatulog ng excitement. I was over the moon that night. I was a mixture of scared and extremely happy. I was anxious too but anxious in a good way.

This is it. This is the judging moment. If I get accepted or not, it will dictate my modelling career.

Kinaumagahan tuloy ay halos wala akong tulog.

"May shoot ako ngayon, kuya." Paalam ko kay Zephaniah na siyang tanging laman ng dining area.

"Oo nga daw."

"What?"

"Sabi ng sundo mo."

"Ano'ng sundo?"

"Grab driver mo daw? Nandiyan sa sala. Pinapasok ko na-"

Hindi ko na pinatapos si Zeph at dinungaw ko na ang sala. Pormal na nakaupo roon si Stav.

He was dressed neatly in a white button-down and faded blue pants. Even from a distance, his cool scent of manly perfume and body wash was lingering subtly. Grab driver, my ass. Paano naman naniwala si Zephaniah rito?

Binalikan ko si Zephaniah na halos mapatigil sa pagnguya ng pancake nang pandilatan ko ng mga mata.

"Kuya! That is Stav Valerio!"

He gaped back at me innocently.

"So?"

"So? He's not a grab driver!"

"I know, Zhalia. Pero malay ko ba kung hinire mo siya bilang ganoon? You and your spoiled brat ways."

I eyed him confusely. Naalala kong kinampihan niya pa si Zach noon sa pagbabawal sa akin na makipagkita kay Stav. Now, what is this?

"I'm not a brat!" Hindi ko alam ang sasabihin kaya nagreklamo na lang ako.

Zeph glared at me.

"Sorry." Umalis na ako bago pa mapagalitan.

"What are you doing here?" Plastik akong ngumiti kay Stav.

Can I just say, even in the chandelier light of the living room, his brown eyes are illegally blinding. Iniwasan kong mapatitig roon.

"You have an ad shoot." Sabi niya na parang road manager ko.

"I know. Bakit ka nandito?"

"Ihahatid kita, ano pa? Trip ko lang bumisita rito?"

My nostrils flared impulsively.

"Go ahead. Malelate na tayo. Ako pa ba ang magbibihis sa'yo?-"

Umawang ang labi ko. Bubwelta na sana ako pero itinaas niya ang kamay sa ere.

"Fine, fine. Verbal harassment. Sorry." He zipped his mouth and pretended to behave like a little kid.

Mabuti na lang at nakapaligo na ako. Pero dahil may naghihintay sa akin, mas mabilis ng kaunti ang kilos ko.

Dinampot ko ang nakahanda ng Jacquemus black wide pants at le cardigan tordu. Puti iyon at low neck kaya tinernuhan ko lang ng Bvlgari necklace. Hinayaan kong nakababa ang bangs ko habang itinali ko ang buhok sa ponytail.

Pagbalik ko sa sala ay naabutan kong seryoso siyang kinakausap ni Zephaniah. He was as earnest and attentive before my brother too. Makikinig sana ako ngunit agad akong napansin ni Zephaniah. Dahil doon, iniwan niya na kami.

"Ano'ng sinabi sa'yo ni Zeph?" I questioned Stav soon as we settled in his car.

"Drive safely."

My forehead creased. Sa haba at seryoso ng usapan nila, drive safely lang? Hindi na ako namilit at baka ayaw niya lang ikwento ang kung ano anong pagbabanta ni Zephaniah. Ang kuya ko na lang ang tatanungin ko.

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid palagi."

"Alam ko."

"Alam mo naman pala bakit ginagawa mo pa-"

"Ginagawa ko dahil gusto ko."

Natigilan ako. Salubong ang kilay ko nang napatitig rito. Naramdaman niya agad iyon at nilingon ako. His deathly glare made me tear my eyes off him.

"Zeke's making you do it, right?"

Suplado itong umiling, nauubusan na ng pasensiya.

"I'll find a driver immediately para hindi ka na niya inuutusan."

"Bakit? Ayaw mo ba sa'kin?"

"What?" I tilted my head to his side. Nakatuon na ito sa pagmamaneho dahil na sa highway na kami ngayon.

"As your driver?" Dugtong niya.

"Of course."

"As your manager?"

"Are you kidding?"

"As your friend..?" Medyo mabagal niyang dugtong.

I rolled my eyes. Sa'n ba 'to patungo?

"No."

"Then as your-"

"I want you to shut up, okay?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, ikinukubli ang ngisi.

Kinabahan ako't baka saan pa mapunta ang mga walang kabuluhan niyang tanong. Napa-thank you ako kay Mama Mary nang manahimik rin ito sa wakas.

"Kumain ka na ba?" He asked half through the ride.

"Obviously, I didn't get to because you were already waiting for me."

Umawang ang labi niya na parang sobrang nagulat sa sinabi ko.

"Hihintayin naman kita." His low tone was irrationally mad.

"Bakit parang nagagalit ka pa?"

"Kumain ka muna."

"8 am ang call time ko!"

"9 am."

"Ano'ng 9? 8!" Oh my god. Nag-aaway na naman kami.

Tumataas ang dugo ko sa mga maliit na argumentong ito. Of course, his stupid ass wouldn't listen and he literally stopped by a nearby restaurant for a fucking breakfast.

Sobrang bilis ng bawat kagat ko sa croissant ng French breakfast na nakahanda sa amin. He even had a latte ready for me. Nakakapagtaka dahil saktong mga paborito ko ang inorder niya pero naisip kong baka coincidence lang 'yon.

"Will you slow down?" He sounded so irritable as he watched me munch on my food fast.

"I told you, 9 pa ang call time."

"What do you know, Stav?"

"I was there during the meeting." He argued so seriously, with no hint of sarcasm at all. I don't get why he's suddenly so aggravated.

Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng text mula kay JM Daza.

"Good morning Zhalia, hope you are ready for our shoot today! See you at 9."

Unti-unting bumagal ang pagnguya ko bago napaangat ang tingin kay Stav. He had the smug look ready on his face. Umirap na lang ako't hindi na sinabi ang natanggap na text. Sa halip, kumain ako ng walang pagmamadali.

Stav stopped by the studio. Binati agad siya ni JM at ng ilang bahagi ng set. JM's co-workers are also his colleagues and common friends. He's a photographer too, after all.

Nagmasid muna siya roon ng ilang sandali habang binibrief naman ako ng staff ng Missha. Magkalayo kami ngunit habang abala siya sa pakikipag-usap kina JM ay napansin kong nakapako ang mga mata niya sa akin.

His eyes were narrowed seriously as he watched me with the hair and makeup team. He even scanned the whole place with such keen and dubious eyes.

Kung makapagmasid naman ito, parang supervisor. Kailan ba siya aalis?

He had a few more words with JM. Napansin ko namang panay ang tango ni JM sa kung ano mang bilin niya. Hindi nagtagal ay nagpaalam rin si Stav. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay mawala ito sa studio.

Tumagal ng dalawang oras ang dalawang layout dahil hindi lang naman ako ang kinukuhanan. May kasama pa akong dalawang modelo. Habang inaayusan ako para sa huling layout ay may lumapit sa aking staff at nag-abot ng iced latte.

"Wala naman po akong pinabili."

"Pinapaabot lang ni JM, miss Zhalia."

Oh. Tinanggap ko iyon at pinaabot ang pasasalamat ko kay JM. Napansin ko rin na binigyan niya nga ng kape ang halos lahat sa set.

"Ano 'to? Pa-starbucks ng manager ni Mia?" JM's creative director, Vince asked.

Tinutukoy nito ang isa pang modelong kasama ko. Kadalasan kasi sa mga ganitong shoot, nanlilibre ang mga manager ng mga modelo upang bumango ang pangalan ng alaga nila at makakuha pa ng sponsorhip.

"Hindi. Galing raw kay mamang JM." Lui, the production designer answered.

"Siya ang nanlibre? Bakit Americano itong akin? Alam niya namang Macchiato ang paborito ko."

Luminga ako at napansin kong puro Americano nga ang hawak ng iba maliban sa akin.

"Ewan, inutos niya lang siguro sa assistant niya."

"Pero inferness ha? First time manlibre ni JM. Ano'ng meron at galante si mama?"

"Baka naka-booking kagabi."

The gays continued with their inside jokes while I drank happily on my latte. Iba talaga ang ginhawang nadudulot ng kape.

Because of it, I felt more alive to do the final layout. Dahil malapit na kaming matapos ay naisipan kong itext si Stav. Hindi ko natanong kanina kung hihintayin ako nito.

"Susunduin mo ba ako?"

Kasesend lang noon ay may reply agad. Ang dami niya namang time.

"Hindi. Ano'ng oras ka matatapos?"

Nagtatanong pa hindi naman pala susundo. Hindi ko na lang iyon sinagot.

Nagpatuloy ang shoot at dahil puro beauty shots lang naman, nakaupo lang ako habang nakatapat sa mga camera at reflectors. Pero kahit ganoon ay nakakangalay at nakapapagaod ang pag-iiba iba ng anggulo ng mukha. Maya't maya rin ang pagreretouch ng makeup dahil kailangan iyong madepina sa mga litrato.

By 12 pm, JM wrapped up the shoot. We talked of final arrangements with the representative from Missha and I was ready to go.

I finally booked a grab. Nagpaalam na ako kay JM dahil nagtext ang driver na hihintayin ako sa harap ng building. Hinanap ko ang Honda Civic na siyang dapat kong sasakyan ngunit tanging itim na Maserati ang natagpuan ko roon.

Bumaba ang bintana noon at hindi na ako nagulat sa mayabang na pagmumukha ni Stav.

"Bakit nandito ka?"

"I'm your grab driver." He announced in a flat tone.

I remained stoic. Hindi na ako natutuwa sa joke niyang 'yan. Napansin ko sa app na palayo na ang sasakyan imbes na papunta rito sa building ko. What the hell?

"Where is the goddamn grab that I booked, Stav?" Tanong ko nang labag sa loob akong sumampa sa passenger's seat.

"Pinaalis ko na." He said nonchalantly as he started to drive.

"Why would you do that?"

"Because I'm here?"

"Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Tumataas ang boses ko sa iritasyon.

"Wala." Habang ito, nanatiling walang emosyon.

Hindi ko mawari kung natutuwa ba ito sa pagkaubos ng pasensiya ko pero nasisiguro kong ganoon na nga.

"Bakit hindi ka na lang mag-online selling para may magawa ka?" Suhestiyon ko.

"Why would I do that if I'm already your grab driver?"

I gritted my teeth. He really won't be told. I'm sure this argument will go as long as EDSA if I don't stop it here. Para lang maging payapa ang biyahe ay nanahimik na ako.

While we were stuck in the traffic, I browsed for some condo units online. I was looking for rental units around QC. I figured I really need a new place to live now that I'm studying there and there's also the potential that I'll get accepted in Elite which again, is in QC.

Nang mag-stoplight ay walang pakundangang dinungaw ni Stav ang cellphone ko.

"Why are you looking for a condo?" His tone was crucial.

I feel like he'd be mad if I won't answer so I told him the truth.

"I'm moving out."

"What? Alam na ba ni Zeke?" He was both accusative and alarmed as if I'm doing something very wrong

Kinabahan ako. Kung sa reaksyon pa lang ni Stav ay parang hindi ko na kayang ipaglaban ang ideya ko, sa mga kuya ko pa kaya?

"No, so don't tell him yet."

"Paano ang dalawa mo pang kuya?"

"I'll tell them too soon."

"Bakit ba lilipat ka pa?"

"I need somewhere nearer at my university and in my management. Isa pa, naroon rin ang studio ni JM. I'm hoping I could get more collaborations with him."

"Are you serious about this?" He glanced at me, his thick meeting brows and narrowed eyes were weighing me critically. Even his lips were slightly parted.

Oh the two shades of him, if not sarcastic, plain mad and displeased at whatever I seem to do.

"Of course. You know how decisive I am Stav."

He bit his lip. I noticed the tic that jumped on his jaw, an impulse when he's tensed or angered. He held the steering wheel tight and drove on the green light.

Dahil natahimik na siya ay pinagpatuloy ko ang pagsesearch ng unit. Ilang sandali bago siya muling umimik.

"I have a condo in QC.." He announced.

"So?"

"You can stay there."

Continue Reading

You'll Also Like

181K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
379K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
39.2K 1.9K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
64.9K 52 41
R18