Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 14

233 27 7
By sobercatnip

Nakatingin lamang si Alena sa labas ng sasakyan habang walang imik na nagmamaneho si Vice. Matapos ang ilang oras na paikot-ikot sa Manila Ocean Park kanina ay nag-aya ng bumalik sa condo ni Anne ang sang'gre upang paghandaan ang gaganaping event mamayang gabi, kung saan dadalo rin ang taong pinanghihinalaan nilang may hawak ng kanyang brilyante na si Mr. Kim. Ilang sandali nalang at maibabalik na sa ilalim ng pangangalaga ni Alena ang brilyante ng tubig, at babalik na rin muli sa normal ang kanilang mga buhay.

Habang bumabiyahe ay napakunot naman ang noo ni Alena nang madaanang muli ang istrakturang dalawang beses niya ng nakita. "Hindi ba't dumaan na tayo rito kanina pa?" nagtataka ngunit seryoso niyang tanong kay Vice na hindi na ngayon makatingin ng diretso sa kanya. "Tapatin mo nga ako, tagalupa. Sinasadya mo bang linlangin ako?"

Napalunok at tila biglang pinawisan si Vice nang marinig ang nakakasindak na tono ng pananalita ng mahal na sang'gre. Ngunit gayunpaman ay nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pagmamaneho at kunwari wala itong narinig.

Inis naman siyang tinignan ni Alena, "Sasagutin mo ba ako o sisipain kita palabas ng sarili mong sasakyan?" walang emosyong pagbabanta nito dahilan para pansinin na siya ni Vice.

"A-Ano ka ba, kamahalan. Hindi kita nililinlang no! May hinahanap lang ako," sagot nito nang mabilis siyang nakaisip ng palusot. "Yung mga batang nakasama natin noon sa park. Naaalala mo pa ba sila? Sila yung hinahanap ko," dugtong ni Vice nang makitang hindi kumbinsido ang kanyang kausap.

"At bakit mo naman sila hinahanap?" tanong ulit ni Alena na bahagyang lumambot na ang ekspresyon nang maalala ang mga batang tinutukoy nito.

"Gusto ko lang sana silang kamustahin. Ilang linggo ko na rin kasi silang hindi nakikita at nakakausap," giit ni Vice na sinsero naman ang nararamdaman sa kanyang mga sinabi, kahit pa ito ay bahagi lamang ng kanyang palusot. "Ayos lang naman sayo kung hanapin muna natin sila, diba? Mahaba pa naman ang araw, kaya madami pa tayong oras upang maghanda para mamaya."

Dahil dito ay sumang-ayon at napatango nalang si Alena kahit pa ramdam niyang may hindi sinasabi sa kanya si Vice. "Ngunit kanina pa tayo pabalik-balik dito sa ating dinadaanan. Wala ka bang alam na ibang lugar kung saan natin sila maaring mahanap?"

Napaisip si Vice sa sinabi ng mahal na sang'gre. At ilang sandali lang ay nagkaroon na siya ng ideya kung saan nila baka sakaling matagpuan ang mga batang kanyang nais makita. "Mukhang alam ko na kung nasaan sila," sambit nito at lihim na napangiti.












Tunog ng kampana mula sa kampanarya ng simbahan ang sumalubong sa dalawa nang makarating sila sa tapat ng Manila Cathedral. Maliban sa pagtunog nito ay nangingibabaw rin ang ingay ng mga tao at sasakyan sa buong paligid.

Naunang bumaba si Alena at nilibot ang kanyang paningin sa mga taong pumapasok at lumalabas ng simbahan. Maging ang mga taong naglalakad lang, kasama ang mga tindero at tinderang naglalako ng pagkain, tubig, kandila, lobo, at ng kung anu-ano pa ay abala sa kani-kanilang ginagawa. May mga bata ring naglalaro ng habulan at tagu-taguan sa labas habang ang iba naman ay naghahanda lamang upang makinig sa gaganaping misa.

Nilibot rin ni Vice ang kanyang mga mata upang hanapin ang mga batang kanyang madalas nakakasama at tinutulungan. Napakamot nalang siya ng ulo dahil mukhang wala pa rin sila doon.

"Nakita mo na ba ang mga batang iyong hinahanap?" tanong ni Alena habang panaka-nakang ring nagmamasid sa palibot.

"Hindi pa nga eh," sagot ni Vice na tila labis ang panghihinayang. "Sayang. Gusto ko pa naman sana silang ilibre ngayon. At pagkatapos, paniguradong mag-aaya yung mga yon na maglaro kasama tayo."

Bahagya rin namang nakaramdam ng panghinayang si Alena dahil ibig niya rin sanang makasama ang mga ito bago siya bumalik sa kanyang pinanggalingan. Akmang maglalakad siya pabalik sa sasakyan nang magsimula ang pagtugtog ng musika mula sa simbahan. Napalingon si Alena dito at nakitang napahinto rin si Vice habang nakatingin sa parehong direksyon.

"Gusto mo bang pumasok muna?" tanong sa kanya ni Vice dahilan para tignan niya ito at tila nakaramdam ng pag-alinlangan. "Wag kang mag-alala, kahit sino naman pwedeng pumasok diyan."

Naglakad silang dalawa patungo sa loob at tumayo lamang sa bandang likuran. Bahagyang namangha si Alena sa ganda ng disenyo sa taas at sa mismong altar ng simbahan, bago muling pagmasdan ang mga taong nandoon. "Ano sa tingin mo ang laman ng kanilang mga panalangin?" inosente niyang tanong kay Vice habang nakatingin sa mga taong taimtim na nagdadasal at nagsisindi ng kandila.

"Marami. Maaring pera, bahay, trabaho, sasakyan, pamilya, o makakasama sa panghabang-buhay."

"Makakasama sa panghabang-buhay?" muling tanong ni Alena at nilingon niya si Vice. "Maging iyon ay pinapanalangin ninyong mga taga lupa, kahit pa alam ninyong lahat ng bagay sa mundo ay mayroong hangganan?"

Napaisip naman si Vice bago tumango at muling sumagot, "Di makakaila na may mga tao talagang hinihiling iyon kahit pa alam nilang imposible," panimula niya habang nakatingin sa altar. "At isa pa, kamahalan, hindi naman yata literal na panghabang buhay ang kanilang pinapanalangin."

"At ano ang iyong ibig sabihin?" muling tanong ni Alena at napaharap na rin sa tapat ng altar.

"Madalas, may mga tao tayong gustong nating makasama kahit sa kabilang buhay. Mga taong handa tayong hintayin sa kabila upang ipagpatuloy ang anumang naudlot na pagsasamahan noong nabubuhay pa," pagpapaliwanag ni Vice kay Alena na para bang silang dalawa lamang ang naroroon.

Habang nagsasalita ang katabi ay hindi maiwasan ni Alena na balikan ang mga pangyayari simula nang makatungtong siyang muli sa mundo ng mga tao. Sa paglipas ng mga araw ay marami rin siyang bagong nalaman tungkol sa mga ito. Para sa mga tulad niyang makapangyarihan ay maituturing lamang ang mga tao na mahihina at ordinaryong mga nilalang. Ngunit napagtanto ni Alena na sa kabila ng kanilang tinaguriang kahinaan ay nakakahanga ang kanilang kakaibang kakayahan upang magmahal.

Napatingin si Alena sa kanyang paligid. Pinagmasdan niya ang mga babae at lalaking nakaluhod at taimtim na nagdadasal. Pati na rin ang mga taong nagsisindi ng kandila at umiiyak habang nananalangin. Sa kaunting panahon ng kanyang pananatili sa lupa ay nag-iba ang tingin niya sa mga ito. Lalong-lalo na sa kanyang kasalukuyang katabi.

"Kaya sa tingin ko, ang pinapanalangin nilang makakasama sa panghabangbuhay ay katumbas sa panalanging magkaroon ng pag-ibig na magpapatuloy pa rin hanggang sa kamatayan —"

"At pagmamahalang maituturing na walang hangganan," pagdugtong ni Alena sa mga sinabi ni Vice dahil unti-unti na rin niyang naunawaan ang isa sa mga taimtim na pinapanalangin ng mga tao.


















Nakatanaw si Vice sa mga nagtataasang gusali sa labas ng condo unit ni Anne. Maya-maya lamang ay aalis na sila ni Alena upang magtungo sa venue ng gaganaping Chinese Business Circle event, kung saan naroroon ang nawawalang brilyante.

Habang nakatingin lamang sa labas ay hindi niya maiwasang isipin na maaring ito na ang huling gabing makakasama nila ang mahal na sang'gre, bago ito bumalik sa kanilang sariling mundo.

Tila lumalalim na ang gabi at unti-unti na ring lumalalim ang naaabot ng kanyang mga naiisip.

"Is everything ready? Handa na ba talaga ang lahat?" bungad na tanong ni Anne dahilan para bumalik si Vice sa kanyang ulirat. Abala ito sa dala niyang mga gamit mula sa lobby ng building, kabilang na ang imbitasyong kakailanganin nina ni Vice at Alena.

"Oh. My. Gosh," di makapaniwalang bigkas ni Anne at muntik pang mahulog ang mga dala niyang gamit nang makita ang kabuuang ayos ng kaibigan. Agad na inayos ni Anne ang suot niyang salamin at nilapitan ito. "Hoy, Viceral! Ikaw na ba talaga yan?"

Napairap naman si Vice at mahinang sinabunutan ang kaharap, "Gaga. Eh sino pa ba?" bwelta nito at kunwaring inis na inayos ang suot nitong necktie.

Bahagyang napanga-nga si Anne dahil sa ayos ni Vice ngayong gabi. Taliwas kasi sa tila pambabae niyang awra tuwing may party siyang dinadaluhan ay mukhang lalaking-lalaki talaga ito ngayon.

Suot ang itim na suit and tie, at mamahaling itim na sapatos ay hindi makapaniwala si Anne na si Vice ang kanyang kaharap. "Kabisado ko na yang iniisip mo! Kaya wag ka ng magcomment! Sinadya ko talaga na ganito ang ayos ko ngayong gabi kasi sigurado akong ganito rin ang suot ng mga negosyanteng dadalo don, kaya mas nakakabuti na yung ganito kesa naman yung sobrang agaw-pansin."

"Pero bakit ganun, baks? Kahit anong suot mo, mukhang agaw pansin ka pa rin eh. Lalong-lalo na ngayon na nagmukha ka talagang poging lalaki."

"Well, hindi ko na kasalanan yon no! Nasa genes yan," labis na pagmamalaki ni Vice dahilan para si Anne naman ang mapairap.

Bago paman tuluyang mag-asaran ay unti-unti silang nakarinig ng tili at palakpak mula sa isa sa mga silid ng condo unit. Lumabas mula dito ang mga kaibigan nilang bakla na hindi maalis alis ang ngiti at mga mata sa loob ng kwarto. Napalingon naman sa kanila si Vice dahil mukhang tapos na sila sa pag-aayos kay Alena.

"Bilisan niyo na diyan, baka wala na kaming maabutang party dahil sa kabagalan ninyo—" hindi na natapos pa ni Vice ang mga sasabihin nito nang dahan-dahang lumabas si Alena mula sa parehong silid. Nakasuot ito ngayon ng kulay berdeng damit na kasing kulay ng kanyang mga mata. Kitang-kita rin ang magandang hubog at kurba ng kanyang katawan na mas lalong nagpatulala kay Vice. Ang dati nitong makintab at kulot na buhok ay tuwid na. Maging ang konting palamuting inilagay sa kanyang mukha ay mas nagbigay ng dagdag na kagandahan.

Tila bumagal ang takbo ng paligid nang magtapat ang kanilang mga mata, hanggang sa unti-unting naglakad si Alena patungo sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Vice ngunit ramdam niya ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso.

"Wala akong masabi, mahal na sang'gre. Sobrang ganda mo po ngayong gabi," komento ni Anne na sinang-ayunan naman ng mga kasamang bakla. "At dahil diyan mukhang mahihirapan kayong hindi pagtinginan ng mga tao mamaya don sa event."

Tanging tango at impit na ngiti lamang ang naging tugon ni Alena. Hindi niya rin naman kasi alam ang isasagot sa mga papuring natatanggap mula sa kanila. Simula nang lumabas siya mula sa silid ay si Vice lamang ang halos niyang tignan. Walang imik itong nakatingin sa kanya kaya hindi niya malaman kung nagagandahan o napapangitan ba ito sa kanyang ayos at kasuotan.

Nakatulala lang si Vice sa sang'gre hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatayo na pala ito sa kanyang kaharapan. "Akala ko ba ay ayaw mo ng mabagal? Ano pang hinihintay mo diyan? Hindi pa ba tayo aalis?" giit ni Alena kay Vice dahilan para bumalik ulit ito sa realidad.

Sandali pa silang nagkatinginan hanggang marinig nito ang mapang-asar na tili at bulong ng mga kasama nila. At dahil iniiwasan ni Vice ang pang-aalaska ng mga kaibigan ay nagsalita na ito at nagpasalamat sa ginawa nilang maayos na trabaho. Sandali siyang nakinig sa mga bilin ni Anne patungkol kay Mr. Kim bago muling humarap sa sang'gre. "T-Tara na. Male-late na tayo," malamig niyang utos kay Alena at agad na lumabas ng condo nang hindi manlang ito hinihintay. Habang naiwan namang nagtataka ang sang'gre sa biglang pag-iwas ni Vice sa kanya.

















Pasimpleng pinagmamasdan ni Alena si Vice habang nagmamaneho ito. Seryoso ang mukha nito ngayon kumpara kaninang umaga na panay ang ngiti sa kanya. Napatingin si Alena sa labas at napagtantong mabagal lamang ang takbo ng sasakyan. Hindi niya maiwasang maisip ang kakaibang kilos ni Vice simula nang makauwi na sila mula sa simbahan.

Nang mapansin ni Alena na nauunahan na sila ng iilang nagbibisekleta sa daan ay naglakas loob na siyang magsalita upang basagin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Hindi ba tayo mahuhuli dahil sa ginagawa mong ito?" matapang niyang tanong kahit na ayos lang naman sa kanya na bahagya silang mahuli. Ang hindi niya lang matiis ay ang pagiging tahimik ni Vice na madalas namang madaldal at maraming naikukuwento. "Gusto mo bang ako nalang ang magneho?"

"Paano? Eh hindi ka naman marunong," sagot ni Vice na nakatingin lamang sa daan. Inis siyang tinignan ni Alena bago ito umupo ng tuwid at diretso nalang ding tumingin sa kanilang dinadaanan.

Palihim naman siyang sinulyapan ni Vice na hindi rin maintindihan kung bakit nagkakaganun ang sarili. Sa tuwing naiisip niya kasing malapit na nilang maibalik ang brilyante ng tubig ay hindi siya mapakali at tila ba gusto nalang niyang ipagpaliban na muna ito dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Viceral naman! Ano bang nangyayari sayo? Ito na yon oh! Malapit ng bumalik sa normal ang buhay mo," pakikipag-usap ni Vice sa kanyang sarili habang mahigpit na nakahawak sa manibela.

"Isipin mo, konti nalang at matatapos na ang lahat ng to. Makakapasok ka na ulit sa trabaho. Makakapagrampa ka na. At higit sa lahat, wala ka ng poproblemahin pang bruhang gugulo sa buhay mo," dagdag niya at lihim na napasulyap muli sa kanyang katabi. At sa pagkakataong iyon, sa hindi malamang rason ay unti-unti siyang napangiti.

Dahil mabagal rin naman ang pagpapatakbo niya ng sasakyan ay pinagmasdan niyang mabuti si Alena. Sa isang iglap ay bumalik kay Vice ang mga naranasan niya simula nang pumasok ang sang'gre sa kanyang buhay. Mula sa gabing una silang nagkita hanggang sa naging malapit na sila sa isa't isa. Napag-alaman rin niyang marami na ang nagbago sa kanyang sarili simula nang makilala niya si Alena. Mula sa pagiging arogante at masungit ay natuto siyang magpakumbaba at maging maunawain. Dahil kay Alena ay tila bumalik siya sa pagbibiro at pagiging masayahin. Madalas man siyang naiinis sa sang'gre ay hindi makakaila na palagi rin siya nitong napapangiti. Napagtanto ni Vice na sa mga panahong magkasama sila ay tila nagkaroon na si Alena ng espesyal na espasyo o lugar sa kanyang buhay.

Ilang sandali lang ay napahinto na sila sa tapat ng magarang hotel kung saan gaganapin ang event ng mga kilalang negosyante na kinabibilangan ni Mr. Kim. Sabay na pumasok sina Alena at Vice sa hotel kung saan agad naman nilang inabot ang kanilang opisyal na imbitasyon.

Nang tuluyang makapasok sa venue ay agad silang sinalubong ng musika at pinagtitinginan ng mga tao. Mukha namang walang nakakilala agad kay Vice bilang apo ng negosyanteng si Don Gonzalo dahil mukha talaga itong lalaki ngayon. Sa kabilang banda ay hindi maalis-alis ng ibang mga binata ang kanilang mga mata kay Alena na siyang pinakamaganda sa gabing iyon.

Bahagya namang nagulat si Alena nang kunin ni Vice ang kanyang kamay at inangkla ito sa kanyang braso. "Anong ginagawa mo?" seryoso niyang tanong kay Vice dahil naiinis pa rin ito sa pagiging mailap niya sa kanya kanina.

"Pinagtitinginan ka na nila at ayoko lang na may manggulo sayo dito habang hinahanap natin si Mr. Kim at ang nawawala mong brilyante," sagot ni Vice at hindi siya nito magawang tignan.

"At sa tingin mo, makakaiwas ako sa gulo sa pamamagitan ng pag-angkla ko sa patpatin mong braso?" taas kilay na banat ni Alena dahilan para lingonin siya ng kanyang katabi.

Nagtapat ang kanilang mga mata at sandali silang nagkasukatan ng tingin. Napabulong naman ang iilang may edad na kababaihan na tila kinikilig sa kanilang natutunghayan. "B-Basta sumunod ka na lang," pasukong saad ni Vice at nagsimula na silang maghanap kay Mr. Kim.

Paglipas ng ilang minuto ay napagdesisyunan muna nila Vice at Alena ang maghiwalay upang mas madali ang paghahanap nila. Wala imik lamang na nagmamasid ang sang'gre habang si Vice naman ay pasimpleng nakikipag-usap sa mga bisita doon. Nalaman niya mula sa kanyang mga nakausap na madalas daw nagpapahuli sa mga ganoong event si Mr. Kim kaya baka mayamaya pa ang dating nito.

Sa kabilang banda ay nanatili munang nakatayo sa isang sulok si Alena habang nililibot ang kanyang paningin. Pilit niyang inaalala ang mukha ni Mr. Kim na ipinakita rin naman sa kanya ni Anne bago sila tuluyang makaalis kanina sa condo nito.

Tahimik niyang pinagmasdan ang mga tao doon, ang mga suot nitong magagarang damit, ang mga ginto at pilak na palamuti nila sa katawan, at ang eleganteng paraan ng kanilang pagkilos.

Kung ikukumpara sila sa mga tagalupang nakasalamuha na ni Alena ay labis na mas mataas ang estado ng pamumuhay ng mga taong ito. Naisip ni Alena na napakalayo ng kanilang katayuan, at ang karangyaang kanilang tinatamasa kumpara sa buhay nila Virgilio, Lola Delia, at ng mga batang lansangang kailangan pang dumaan sa matinding hirap upang makaraos sa araw-araw.

Maya-maya ay naudlot ang kanyang pagninilay-nilay nang maramdamang may biglang humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at bahagyang napaatras nang mapagtantong hindi niya ito kilala. Nakangising nakatingin sa kanya ang lalaki habang inaalok siya nito ng isang baso ng alak. "A lady like you should not be spending the night alone," giit nito nang mapabitaw siya sa braso ni Alena.

"Hindi ako umiinom," mabilis na pagtanggi ng mahal na sang'gre at seryoso itong tinignan. Mas lumawak naman ang ngisi ng lalaki dahil mukhang prangka at palaban ang babaeng kanyang kaharap.

"Very well, then. If I cannot offer you a drink. Pwede bang isayaw na lamang kita?" pursigidong giit nito at inalok ang kanyang kamay kay Alena.

Taliwas sa pagngisi ng lalaki ay walang emosyon naman siyang kinikilatis ng sang'gre. Akmang magsasalita muli ang estranghero nang may bigla namang humawak sa kamay ni Alena. Napalingon siya dito at tila ba nakaramdam siya ng kakaibang ginhawa at kapanatagan.

"I'm sure that she appreciates your kind offer but I think my girlfriend prefers dancing with me," seryosong sambit ni Vice at tinapunan ng nakakasindak na tingin ang lalaking kaharap.

Hindi naman nakapagsalita pa ang huli at kusa nalang umalis sa presensiya ng dalawa. "Ayos ka lang ba?" bahagyang nag-aalalang tanong ni Vice kay Alena at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

Napatango nalang ang sang'gre kahit pa wala namang naging epekto sa kanya ang ginawa ng lalaki kanina. Mas nagitla pa nga ito sa biglaang paghawak ni Vice sa kanyang kamay.

"Kaya nga ayoko sanang maghiwalay tayo dito kasi paniguradong may asungot na manggugulo sayo," panenermon ni Vice dahilan para bahagyang tumaas ang kilay ng makapangyarihang sang'gre.

"Kaya ko namang ipagtanggol ang aking sarili."

"Alam ko, pero hindi mo pa rin maalis sa akin ang mag-alala," diretsong sagot ni Vice na tila ikinagulat ni Alena dahil hindi niya inaasahang marinig iyon galing sa kanya.

Nang mapagtanto ni Vice ang kanyang sinabi ay agad naman siyang napaiwas ng tingin, "Ibig kong sabihin, hindi mo maalis sa akin ang mag-alala para sa kanila. Alam ko ang kayang mong gawin at sobrang kawawa talaga sila kapag nagkataon."

Nawala naman ang kakaibang kinang sa mga mata ni Alena nang marinig ito. Inakala niya kasing tunay na nag-aalala para sa kanya ang kaharap. "Hindi mo pa rin ba nakikita ang taong ating hinahanap?"

"Hindi pa," pag-iling ni Vice at napaiwas ng tingin. "Sabi ng mga nakausap ko kanina ay baka maya-maya pa ang dating ni Mr. Kim. Kaya mabuti sigurong maghintay nalang muna tayo."

Sa pagkakataong iyon ay bigla namang nag-iba ang tugtog at bagal ng musika. Iilan sa mga bisitang nandoon ay nagtungo sa gitna habang hawak kamay ang kanilang mga kasama sa gabing iyon. Dahan-dahang naging malamlam ang mga ilaw at nagsimula na silang sumayaw.

Pinagmasdan ni Alena ang mga ito at biglang bumalik sa kanya ang naging una nilang sayaw ni Vice noong nagsisimula pa lamang sila sa paghahanap ng brilyante. Unti-unti siyang napangiti nang maalalang iyon ang unang pagkakataon na nakatikim siya ng alak. Palihim rin siyang natawa dahil naalala niya ang mga sinabi niya noon sa babaeng nagaka-interes kay Vice.

Napailing nalang siya sa kanyang sarili at akmang uupo na lamang muna nang biglang ialok ni Vice ang kanyang kamay. Sandaling natuod si Alena sa kanyang kinatatayuan nang masilayan ang sinserong ngiti ng kanyang kaharap. Iyon ang klase ng ngiti na tila nagpapakabog sa kanyang puso at damdamin.

"Dahil mukhang ito na ang huling gabi mo dito sa mundo naming mga tao, maari bang turuan ulit kita kung paano sumayaw?"

Hindi naman agad nakasagot at nakalapit si Alena. Natatakot siya na sa pagkakataong iyon ay baka marinig na ni Vice ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ngunit nang maalala ni Alena na baka ito na nga ang huling gabi niya sa lupa ay unti-unti niyang tinanggap ang kanyang kamay.

Nagtungo sila sa gitna ng mga nagsasayawang magkasintahan. Dahan-dahang inabot ni Vice ang kamay ni Alena at ipinatong ito sa kanyang mga balikat. Hindi naman umalma ang sang'gre nang hawakan ni Vice ang kanyang baywang. Halos walang kurap silang nakatitig sa isa't isa habang sumasabay sa mabagal na tugtog ng musika.

"Ngayong malapit na talagang maibalik sa'yo ang brilyante mo," panimula ni Vice na tila kinakabahan at may halong lungkot. "Gusto ko sanang humingi ulit ng tawad kasi kung hindi dahil sa akin, hindi naman ito mawawala sayo. Hindi ka na sana nahihirapan pang pagtakpan ang mga nangyayari mula sa iyong Ina at maging sa mga kapatid mo."

Bahagyang natuod naman si Vice nang ngitian siya ni Alena. Ito kasi ang unang pagkakataong ngumiti ang sang'gre sa kanya ng tuwiran at hindi palihim.

"Hindi mo na kailangang humingi pa ng tawad ng paulit-ulit. Nauunawaan kong nagawa mo lamang iyon dahil sa labis mong pagmamahal sa iyong lolo. Dahil ramdam ko kung gaano kahalaga sayo ang iyong pamilya, at kahit hindi mo tahasang sinasabi, nakikita ko ito sa iyong mga mata," giit ni Alena na nagpagaan naman ng pakiramdam ni Vice. "At kung makuha ko man ngayon ang aking brilyante ay babaunin ko sa aking pagbabalik sa karagatan ang aking mga masasayang karanasan at alaala kasama ka dito sa iyong mundo."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na mapigilan pa ni Vice ang kanyang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Alena at diretsong tumingin sa berdeng niyang mga mata.

Akmang magsasalita na si Vice nang biglang nagpalakpakan ang mga bisita. Hindi niya pala namalayan na tapos na ang kanilang sayawan. Kasabay naman nito ay ang pagdating ng taong kanina pa nila hinihintay.

Sandaling napatulala si Vice kay Mr. Kim na sinasalubong na ngayon ng kanyang mga kumpadre at kasosyo sa negosyo. Ang kaninang malawak niyang ngiti ay biglang napalitan ng lungkot dahil mukhang matutuloy na ang paglisan ni Alena.

Napahinga siya ng malalim at buong tapang na lamang na hinarap ang katotohanan, sabay lingon sa katabi, "Kamahalan, mukhang makakabalik ka na—" hindi natapos ni Vice ang kanyang sasabihin nang mapansing nakatulala ang sang'gre sa itaas ng hagdanan. Maliban pala kay Mr. Kim ay may isa pang panauhing dumating at isa ito sa mga taong hindi niya inaasahan.

Sinundan ni Vice ang tingin ni Alena at natigilan siya nang makita ang isang lalaki na minsan niya na ring nakita noong nasa Tuguegarao sila. Muling tinignan ni Vice si Alena at makikita sa mga mata ng sang'gre ang kakaibang emosyong nasilayan niya na rin noon.

Sa pagkakataong iyon ay biglang nakaramdam si Vice nang di maipaliwanag na lungkot sa kanyang puso. Sa isang iglap ay tila nagkaroon ng kasagutan ang iilan sa kanyang mga tanong at agad siyang napaisip — posible kaya na ang lalaking tinititigan ngayon ni Alena ay ang lalaking una at kaisa-isa niyang iniibig?






Aahon by JMKO


















itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 323 22
"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe
4.8K 310 10
Paano kapag nagtagpo ang hindi kasikatang writer na si Gypsy at ang 'wattpad legend' na si Lloyd? Magkakasundo kaya sila lalo pa at puno ng kabittera...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.3K 302 55
"That night seems so magical." Kie--a simple girl with a simple life simply wished nothing but to be liked by her guy bestfriend, Stanley. As she was...