one great love

By MaceciliaVCruz

41.9K 574 154

Kilig Kimxi More

one great love
Chapter 2 Reunion
Chapter 3 My Drunken Ex- Girlfriend
Chapter 4 One Rainy Night
Chapter 5 Chance
Chapter 6 One Night With Him
Chapter 8 Surprise Destiny
Chapter 9 My Better half
Chapter 10 Honeymooners
Chapter 11 Christmas Gift
Chapter 12 Happy Ending

Chapter 7 Sebastian Emmanuel

2.6K 43 18
By MaceciliaVCruz


**Kim's pOv**

Sa nakalipas na siyam na buwan, napaniwala ko ang sarili ko na walang kulang sa buhay ko. Na masaya ako sa naging desisyon kong paglayo. Sa loob nang mga buwan na hindi ko siya nakikita, wala akong ibang inisip kundi kamusta na siya.

Alam ko din na maaring galit siya sa akin pero ginawa ko lang kung ano yung tama.

May mga araw na I'm longing for his love, pero pilit kong kinakaya ang lungkot. When I decided to work sa Cebu kasama naman yun sa plano ko. Naisip kong iyon ang paraan para totally maka-moved on na sa kanya

Pero distance is not enough para makalimutan ko siya.

Nung malaman ko na nagbunga ang isang gabing iyon, naisip kong napaka-swerte ko, hindi man napunta sa akin ang lalaking pinakamamahal ko binigyan naman ako nang pagkakataong maging ina nang anak niya. I know unfair ako nang hindi ko ipinaalam sa kanya na buntis ako in the first place hindi kasama sa plano ko ang malaman niyang buntis ako.

Nung first tri- mester nang paglilihi ko, unliked other expected mother may mga asawa silang mapaglalambingan.

Sa tuwing magsusuka ako, walang humahagod sa likod ko.

Everytime na may check up ako, walang asawa na naka-alalay

At sa mga gabing pinupulikat ang paa ko wala siya para hagudin ang mga paa ko.

At sa tuwing sisipa ang baby ko wala si Xian to share with him the moment

"You're baby is okey, eto yung head nya, yung kamay niya, eto yung paa, ani ni Dra. Lim habang ini-explain ang structure nang baby ko sa ultrasound result. Parang gusto kong maiyak. In a few days, isisilang ko na ang anak namin ni Xian.

I know madaming magtatanong sa naging desisyon ko, walang normal na babae ang gugustuhing magpabuntis sa taong mahal niya pagkatapos ay lalayo.

Pero wala akong pakialam sa sasabihin nang ibang tao all I know ginawa ko yung bagay na makakapagbigay sa akin nang life time happiness.

Hindi ko alam kung coincidence lang pero sa dami nang apelyido sa mundo bakit Lim pa ang naging apelyedo nang ob-gyne nirekomenda sa akin. Kunsabagay apelyedo lang naman.

"Haays huwag naman sana" piping dasal nang puso ko. Natatakot kasi talaga akong magkaroon ng dahilan si tadhana na paglapitin ulit kami ni Xian. I'm afraid somehow na kahit madami namang LIM sa mundo  baka related siya kay Xian.

"If there's any problem you can always text me" sabi pa ni Dra. Lim

"I will po" magalang ko pang sabi. Nang may biglang kumatok.

"Dumating na siguro si Ate"narinig ko pang sabi nang mid fourties na ob-gyne. Bago excited na tumayo.

"I'll go ahead na po, ako na din ang nagbukas nang pinto. Para lang magulat. Ang ate na tinutukoy ni Dra. Lim ay ang Mama ni Xian. Nagkagulatan pa kami sa may pinto.

"What are you doing here"? tanong pa nito, hindi siguro niya napansin na malaki ang tiyan ko.

"Magkakilala kayo"? Nagtatawang sabi ni Dra. Sino nga ba ang mag-aakalang magkakilala kami

Ang liit talaga nang mundo

"Siya yung dahilan na sinasabi ko sa'yo"?

"You mean sya yung ex ni Xian that you loved so much"! Biglang na-excite si Dra. Tila naman napapahiya namang nagbaba ako nang tingin. Hindi ko kayang salubungin ang nagtatanong na tingin ni Mama.

"Nag-asawa ka na"? May lungkot sa tinig na sabi ni Mama habang iginigiya ako sa pag-upo sa sofa.

Bigla hindi ko alam ang isasagot, Paano ko sasabihin na magkakaroon ako nang anak nang walang ama. Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin na si Xian ang ama.

"Yes po" maikli kong sagot.

"Bakit hindi ko nabalitaan"?

"And who's the lucky guy"? Desidido ang Mama ni Xian na malaman kung sino ang napangasawa ko.

"Ka-trabaho ko po"nasabi ko na lang

"Yang pamangkin mo kasi Liza napaka bagal, sabi ko naman kasi sa kanya huwag syang manaya eh,yan tuloy" tila naiinis na sabi pa nito.

"That's life ate, hindi lahat nang love story kagaya ng sa inyo nang sa kuya ko, hindi lahat nang love story may happy ending" natatawang sabi pa ni doktora.

"Kahit na, Si Kim sana ang gusto ko for my son" may panghihinayang na sabi pa nang Mama ni Xian.

What a small world indeed, kung sino yung mga taong pilit kong iniiwasan heto at tila inilalapit sa akin nang tadhana. Pinili ko ang buhay na malayo sa pamilya ko dahil gusto kong maka-iwas sa sasabihin nang mga taong kakilala ko. Ayaw kong magpaliwanag sa mga tao kung sino ang ama nang anak ko gayong I never had a boyfriend. Sa umpisa itinago ko sa mga magulang ko ang totoo but in the end I end up telling them the truth. Wala din akong choice kundi sabihin sa kanila kung sino ang ama.

"Don't you think karapatang malaman ni Xian ang totoo"? Tanong sa akin ni Mama noon.

"Para ano pa Mama, ikaw na din ang nagsabing engaged na siya. Natatandaan kong sagot ko noon. Nang biglang natigilan si Mama.

"Ang totoo, sinabi ko lang yun kahit wala akong idea about that. Tiningnan ko lang ang reaction mo. Confess ni Mama.

Bigla gusto kong magsisi na hindi ko tinanong si Xian tungkol sa engagement issue, hindi sana ako lumayo. Sinagot ko sana ang pag-ibig na sinasabi niya, pero sa huli wala akong karapatan na magtanong kung bakit ginawa ni Mama yun, inisip ko na lang na siguro iyon ang nakatakdang mangyari. In the first place kung gusto ko talaga siyang ilaban kahit pa engaged na siya, inilaban ko siya. Natakot din siguro ako.

"Hanggang kelan mo balak itago yan"? Finally nagtanong si Papa. Kung may dapat akong ipagpasalamat iyon ay ang binigyan ako ni Lord nang mababait at supportive na magulang.

"Hindi niya malalaman",

"Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ilaban"? Tanong pa noon ni Papa.

"Please don't tell him about this, ayaw kong maging dahilan ang ipinagbubuntis ko para pakasalan niya ako, hinging paki-usap ko pa sa mga magulang.

'Karapatan nang anak mo ang magkaroon nang kumpletong pamilya, pero kung iyan ang desisyon mo, wala siguro kaming magagawa kundi ang suportahan ka', si Papa uli ang nagsalita habang yakap niya ako.

"Mahal ka niya, ilang beses siyang nagpunta sa bahay para alamin kung asan ka. si Mama naman ang nagsalita

"If we really meant for each other, god will find ways para kami maging masaya, natatandaan kong sabi ko noon kila Mama.

Alam kong hindi sila kumbinsido sa ginawa ko, pero sinuportahan nila ako sa naging desisyon ko. Ayaw pa nga sana nila akong iwan pero I told them na kaya ko namang mag-isa. From time to time they checked on me kung kamusta na ako.

Bahagya pa akong napaigtad nang bumukas uli ang pinto nang clinic. At iniluwa doon ang gwapong si Xian. Tulad ko, nagulat din siya. Parehas kaming hindi agad nakapagsalita.Pero mas nagulat siya sa laki ng tiyan ko.

Ramdam na ramdam ko ang eratikong tibok nang puso ko. Bigla parang gusto kong maglaho sa harap niya. Gusto kong umalis na lang, pero alam kong kabastusan yun.

"Look who's here iho" excited na sabi nang Mama niya, pero hindi siya pinansin nang anak.

"Hi Tita, it's good to see you again, Sabi pa niya sa tiyahing doktora bago hinalikan sa pisngi. Binalewala niya ang sinabi nang ina. Ni hindi niya ako matingnan.

" Magtatampo na nga ako, ilang araw ka na sa Pilipinas, hindi mo pa ako pinupuntahan"

So bumalik pala siya nang America. Pero bakit kaya siya bumalik?

"Aalis na po ako" kapag dakay paalam ko.

"Go ahead iha, see you again, magiliw pang sabi ni Mama. Bago ako niyakap.

Nakatingin lang si Xian sa akin.

Malapit na ako sa pinto nang magsalita siya.

"Ihahatid na kita" offer ni Xian.

"No, I'm okey"tanggi ko naman,

"Sa kalagayan mo mahihirapan kang magbyaheng mag-isa. Nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko napapansin.

"Don't bother, kaya ko" insist ko naman.

"Ikaw ang bahala, kahit kelan naman hindi ako nanalo sa'yo", may halong panunumbat pa niyang sabi. Pero hindi ko na lang siya pinatulan. Hahaba lang kasi ang usapan. It's a good thing na hindi niya ako sinundan.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating ako sa bahay nang walang kotseng nakasunod. I'm not ready para harapin at pakinggan ang mga sasabihin nya. Hindi niya dapat malaman ang katotohanan tungkol sa pinagbubuntis ko.

"Nakita ko ang Daddy mo, sana kasing gwapo mo siya, kasing bait at kasing talino"katulad nang madalas kong gawin, kinakausap ko si Baby na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko. Sana lang din nararamdaman niya na masaya ako.

Ewan ko ba sa puso ko, hindi ko mapigilang maging masaya after kong makita si Xian. Hindi ko din alam kung bakit pagdating kay Xian nawiwindang ako, hindi kayang kontrolin nang utak ko ang puso ko sa dapat kong maramdaman.

'Pagdating sa Daddy mo, nagugulo ang mundo nang Mommy mo, ang gwapo nya kasi" sabi ko pa uli habang hinihimas ang tiyan ko. At parang naintindihan niya ang sinabi ko, naramdaman kong gumalaw at sumipa siya.

Knowing Xian, alam kong magtatanong siya. Sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi naririnig ang mga kasagutan mula sa akin.

Kaya ina-anticipate ko nang isang araw darating siya para tanungin ako .

At ang bagay na iyon ang dapat kong paghandaan.



**Xian's Pov**

"Ilang buwan na yung tiyan nya tita"?

"Hinihintay na lang nya yung due date nya"

Sa isip ko, nagsimula akong magbilang.

Posible kayang ako ang ama nang pinagbubuntis nya? Kung bibilangin ang mga buwan na may nangyari sa amin posibleng ako ang ama, unless na may nangyari din sa kanila ni Roy.

Pero kung ako ang ama bakit hindi niya sinabi sa akin?

Andaming tanong na nagsasalimbayan sa utak ko. Hahayaan ko na lang bang ganito? Nung malaman kong may boyfriend na siya, tinanggap ko ang katotohanang iyon, masakit man. Ganun talaga eh, binigyan na ako nang pagkakataong maramdaman ang pagmamahal ni Kim pero pinakawalan ko yung chance na yun.

Pinipilit ko siyang bawiin pero siya mismo ayaw magpabawi.

Sa taas ba naman nang pride ko, nasabi ko sa sarili ko na never na akong gagawa nang paraan para magka-ayos kami. Pero ilang beses ko na ding nilunok ang pride ko para sa kanya.

Nung gabing may mangyari sa amin, umasa ako. Inisip ko hindi niya ibibigay ang sarili niya sa akin kung wala siyang feelings for me.

Binalak kong suyuin siya uli, pero lumalayo siya sa akin.

Hindi ako manhid para hindi mahalata na pinagtataguan niya ako.

Nung gabing huli akong pumunta sa kanila, Magpo-proposed sana ako, kahit na ayaw niya.

Pakiramdam ko kasi may dapat na akong panagutan sa kanya.

Pero lalaki ang nagbukas nang pinto .

Naibalik ko nga ang kahita nang singsing sa bulsa ko nang ipakilala niya sa akin na boyfriend ang lalaking iyon.

Gusto kong magwala noon, hindi ko maitatanggi na nasaktan ako nang sobra. Ilang gabi ko ding nilugmok ang sarili ko sa alak. Pero kahit na anong gawin ko, hindi siya mawala sa isip ko.

Dumating ako sa puntong tinanong ko ang sarili ko.

Ilalaban ko ba kahit na may boyfriend na siya, katwiran ko boyfriend pa lang naman.

O hahayaan ko siya sa lalaking iyon?

So I made some research regarding sa background nang Roy na yun. Only to find out na Bakla pala siya.

At hindi ko hahayaan na mapunta siya sa lalaking yun.

Ilang beses akong bumalik sa bahay nila, pero kahit parents nya walang alam sa where abouts nya.

Kaya bumalik ako nang America.

Pero hindi ko matagpuan ang kaligayahan ng puso ko doon. Palagi na lang may kulang.

Si Suzette? Ilang beses pang sinubukang maging kami pero hindi ko kayang dayain ang sarili ko.

Galit na galit siya sa akin at hindi daw niya ako hahayaang maging masaya sa piling nang iba.

Pero hindi ako natatakot, kaysa naman habang buhay kong lokohin ang sarili ko sa piling nya.

Bumalik ako nang Pilipinas para pagbigyan ang puso ko. Sabi nga ni Mama, go back where your heart is. Kaya heto kami sa Pilipinas.

Wala akong paki-alam kung boyfriend nya pa din ang baklang Roy na yun. Desperado na ako. Nung makita ko siya kanina, gusto ko siyang yakapin.

Nagulat ako nang makitang buntis siya, pero hindi ko naisip na magiging hadlang iyon para mahalin siya. Dalangin ko lang sana dalaga pa siya.

I really don't care at all kung may anak siya basta ba ilalaban niya din ako.

"Anong surname ang ginagamit ni Kim Tita"? Bigla kong naalalang itanong.

"Wait lang, tingnan ko sa records nya"

After a while she said

"Chiu"

Chiu, ibig sabihin hindi pa siya nagpapakasal. Bigla nakaramdam ako nang pag-asa.

"May kasama ba siya kapag nagpapa-check up sa'yo"?

"Palagi siyang mag-isa lang, hindi ko naman siya matanong at nahihiya ako."

"She's still single. Kung talagang mahal mo siya at gustong ilaban. I won't mind iho" nakaka-unawang sabi ni Mama.

"Kahit hindi ako ang ama nang magiging anak niya"? Gusto ko munang malaman ang nasa loob ni Mama bago ako magdesisyon para sa sarili ko.

Wala akong inilihim kay Mama about sa feelings ko kay Kim, she knew from the very beginning how much I love the girl. Alam din niya kung paano ko sinubukang kalimutan si Kim, pero palagi na lang akong bumabalik sa iisang conclusion, mahal ko talaga si Kim.

"If she can makes you happy, sino ako para tumutol" all smile pang sabi ni Mama. I'm lucky to have her as my parent. Never niyang ipinaramdam sa akin na kulang ako sa pagmamahal.

"Thanks Ma" at nayakap ko siya nang mahigpit.

**Kim's Pov**

Mali yata ako nang akala this time, inexpect ko kasing pupuntahan niya ako sa apartment nung araw na nagkita kami.

Akala ko kagaya pa rin siya nang dati na gagawa nang paraan para mag- effort para sa akin.

Wala na siguro syang feelings sa akin, nasabi ko na lang sa sarili ko para hindi na ako umasa.

Kunsabagay hindi ko siya masisisi. Ilang beses ko nang binalewala ang pag-ibig niya.

"Haays, bakit ba palaging bumabalik pa rin ako sa konseptong mahal ko talaga siya.

No matter how hard I tried.

Kahit yata pumunta ako sa Mars siya pa din ang hahanapin nang puso ko.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang magring ang cellphone ko , si Maja ang nasa kabilang linya.

"Bruha ka, huwag mong sabihin na affected ka pa din kay Xian" paunang sabi nito sa kabilang linya. Sandaling hindi ako nakasagot kaya nagsalita na ulit siya.

Itinext ko kasi siya na nagkita kami ni Xian, kaya napatawag ito.

"Akala ko, okey na ako pero after ko siyang makita lahat nang depensa ko biglang nawala" amin ko sa kaibigan.

"Well I guess ganyan talaga yata kapag great love, aba ginawa mo na ang lahat nang paraan eh till now mahal mo pa rin siya"

"Wala na nga yata akong magagawa para doon"

"Meron pa kung gusgustuhin mo"

"Ayoko nang magulo pa ang buhay ko" tama na sa akin na meron akong Sebastian Emmanuel"

"Don't you think he deserve a father" pangungulit ni Maja sa kabilang linya

"Kaya kong buhayin ang anak kong mag-isa"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Alam ko na kaya mong buhayin ang anak mo pero mas masaya ang magiging buhay nang anak mo kung magkakaroon siya nang kumpletong pamilya"

"Hey! You're being melo dramatic" saway ko na sa kaibigan. Alam ko kasing may katwiran siya,

"I'm just saying na may chance pa para magkaroon ka nang masayang pamilya, bakit mo hahayaang mawala yung chance"

"Matagal na kaming tapos"

"Don't you get it? Ilang beses mo nang sinubukan pero bakit till now hindi pa din tapos ang kwento niyo. Nagpunta ka pa nang Cebu para maka-iwas sa kanya pero tila pinaglalaruan kayo nang tadhana"

"Nagkataon lang yun"

"Pero naman Kim, baka tadhana na ang naglalapit sa inyo and yet palagi mong iniiwasan" Baka all you need to do is to fight for that love" iyon huling sinabi nito bago nawala sa kabilang linya.

In a way, totoo naman lahat nang sinabi ni Maja, My baby deserve to have the name of his father, pero ako yung kusang lumalayo.

He deserve to have a happy and complete family pero ako ang umaayaw.

He deserve to have a father pero pilit kong iniiwasan.

Sa huli, alam kong ang anak ko ang higit na maaapektuhan. Pero anong magagawa ko kung ganito ang sitwasyon na meron kami nang tatay niya?

Gustuhin ko mang sabihin na siya ang ama, maniniwala pa ba siya?

Paano kung sabihin kong siya nga ang ama, tapos itanggi niya?

Mas mahirap tanggapin na tinanggihan niya kami.

Mas masakit

"Basta Baby Baste, mommy will love you so much. I won't let you feel na wala kang father" nasabi ko sa sarili ko habang hinihimas ang aking tiyan. Namalayan ko na lang na umiiyak na ako. With all the decision I made si Sebastian Emmanuel ang never kong pagsisisihan.

"Mommy is excited too see you baby, huwag mo akong pahihirapan ha"Sabi ko uli habang hinihimas ang tiyan ko, habang walang tigil sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.

I know someday everything will fall into places yung hindi na ako masasaktan. Hindi man ako mabigyan nang partner sa buhay, meron naman akong anak na mag-aalaga sa akin sa

At Tulad nang sabi ko noon hindi ako mag-aasawa hangga't mahal ko pa si Xian dahil ayaw kong maging unfair sa kahit na sino.

Dahil sa  estado nang puso ko ngayon I don't think kaya ko pang magmamahal nang iba.

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...