Feelings that can't Ignore [D...

Od nctwayzenkei

2.5K 130 89

Tagalog Fanfic of JaeYong (NCT rather) After 5 years of being together, Jaehyun and Taeyong broke up. Pero bu... Více

FOREWORD
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 8

106 7 5
Od nctwayzenkei

"Tingin nyo okay lang na iniwan natin si Taeyong don with Jaehyun?" Tanong ni Yuta sa kanila.

Kanina pa syang nag-iisip actually.

"Sus. Okay na okay." Bored na sagot ni Ten sa kanya habang pinagmamasdan yung kuko nya sa daliri.

"Pano kung malaman yun ng jowa ni Jaehyun?"- Yuta.

"Oh eh ano? Para namang may gagawin silang masama." -Johnny.

"Gago malay mo meron nga? Alam mo naman kung gano kahina yung kaibigan mo kay Taeyong noon. Hindi man lang ba kayo natrauma nung maabutan nyo silang nagchuchukchakan sa lounge?" - Yuta.

"Makapagsalita to parang magjowa yung dalawa ah." - Taeil.

"Sus, umaasa nga kayong magbalikan yung dalawa eh."- Yuta.

"Ipokrito ka Yuta alam mo ba yun? Parang hindi ka din umaasa ah?" Siniko naman sya ni Ten.

"Bakit kasi hindi ka kumatok?" - Doyoung.

"At bakit ako kakatok? Dun ako nakatira ah! May kwarto naman sila."

"Marunong ka pa ba eh hindi naman ikaw yung pinapapak eh." Sagot ulit ni Ten sa kanya kaya natahimik si Yuta. Oo nga naman.

"Pero baka nga malaman ni Autumn."-Hansol.

"Eh ano nga kung malaman? Wala naman silang maling ginagawa. Parang hindi nga alam nun na mag-ex sila eh."- Johnny.

"Sus duda ako. Imposibleng hindi nya alam no. Classmate nya si Taeyong, madalas syang sunduin ni Jaehyun noon."-Doyoung.

"Transfer yun tanga." - Taeil.

"Pero kahit na. Imposibleng walang magsabi sa kanya. Ikaw tinatanga mo ako ha." Doyoung pointed Taeil, kunwari pang nasaktan. Taeil only chuckles at him at mahinang pinisil si Doyoung.

"Masyado kayong nag-aalala alam nyo? Mukha ngang unbothered yung dalawa eh. I'm sure they're fine." Sabi pa ni Johnny at mabilis na sumang-ayon si Ten.

Nasa loob na sila ngayon ng bahay ni Doyoung at nanonood ng movie. Yung mother naman ni Doyoung ay nilulutuan sila ng pagkain. It's been awhile na din kasi nung huli silang pumunta kaya ayan, tuwang tuwa sya.

"Tara guys magbeach."- Doyoung.

"Yan din iniisip ko actually." Kinalabit sya ni Johnny.

"Sayang ang bakasyon. Tara magliwaliw. Minsan lang to sa isang taon."

"Tara. Dun tayo sa beach nung uncle ni Chenle para may discount." - Taeil.

"Gege. Gusto ko yan." Tumango-tango si Hansol at pasimpleng yumakap kay Yuta. Tiningnan naman sya nito ng nagtataka but he only winks at him.

---

Pinapanood lang ni Taeyong si Jaehyun magluto. Buti nalang at nagprisinta ito na magluto, if ever man na hindi, willing naman syang mag order nalang sa labas.

He wonders if napagluto na ni Jaehyun si Autumn?

Sus, eh ano naman? Labas na sya dun.

Pero hindi sya sanay na okay sila ngayon, medyo nasanay kasi sya na hindi sila nagpapansinan kaya naman medyo naninibago din sya. Bihira lang kasi silang mag-usap din, kung hindi pa sila aasarin oh kakausapin ng tropa eh hindi talaga mag-iimikan talaga.

After magluto ni Jaehyun, si Taeyong na ang naghanda ng table nila para kumain. Nagugutom na din kasi talaga sya, hindi na din nya itatanggi na namiss nya ang luto ni Jaehyun.

Yung luto lang ha.

After na makapagluto ni Jaehyun, nagsimula na syang kumain ng tahimik. Samantalang yung isa, ninanakawan lang sya ng tingin at ngumingiti pa. Pakiramdam kasi ni Jaehyun mukang kalmado na si Taeyong eh.

Hindi naman sa nagmamadali syang maging okay na sila. Syempre naiintindihan nya ang nararamdaman ni Taeyong, hindi lang kasi sya makapaghintay na maging okay sila at maging magkaibigan ulit gaya nung dati without being awkward to each other. Ang gago lang tuloy nang dating nya noong mga nakaraang araw.

Oo ang gago nga nun.

Pero pwede pa din naman nyang alagaan si Taeyong kahit may jowa na sya diba?

Anong klaseng mindset ba yan Jaehyun? Sabi mo hindi mo na mahal?

"How's the taste?" He asked the other.

"Okay lang, ganun pa din." Sagot nya at hindi tumitingin kay Jaehyun, though alam nyang nakatingin ito sa kanya.

Wala namang nagbago, namiss lang sadya ni Taeyong yung luto.

"May gagawin ka ba ngayong maghapon?"

"Matutulog." Simpleng sagot nya at focus pa din sa pagkain.

Pareho silang natahimik after that. Hindi naman gawain ni Taeyong dumaldal habang kumakain eh. Well unless anjan ang mga tropa nila at may pinag-uusapang importante.

After ng tahimik nilang lunch, si Taeyong na ang naghugas ng kanilang pinagkainan para hindi naman nakakahiya sa nagluto.

"Hello Autumn." Sabi ni Jaehyun, may kausap na pala sa phone. "Nasa dorm lang ako."

Sinilip naman sya saglit ni Taeyong at eksaktong tapos na din syang maghugas ng pinggan. Kaunti lang naman yun.

"Wala naman. Why? Do you want to go out?" Jaehyun bit his lip and brush his hair. "Okay. I'll pick you up. Bihis lang ako."

"Sabi wala daw date." Mahinang bulong ni Taeyong para sya lang ang makarinig. Syempre hindi dapat marinig ni Jaehyun at baka kung anong isipin sa kanya. Sabihin nakikinig sya kahit totoo naman.

Matapos nyang gawin ang dapat gawin, lumakad na sya papasok ng kwarto nya at sinundan lang sya ng tingin ni Jaehyun.

"Makipaglaro nalang kaya ako kay Joshua?" Taeyong said at napangiti.

Oo nga, mas maganda. Jan lang naman sa kabilang building ang dorm nun. Tutal nag-aaya naman yun makipaglaro.

Eksakto namang tumunog ang phone nya and meaning, may nagtext. Isang unknown number, pero malakas ang pakiramdam ni Taeyong na si Joshua na to.

Pero shuta san nya nakuha ang number ni Taeyong if ever na si Joshua nga to.

<Hi Taeyong! It's me Joshua. I got your number from Yuta. Sorry, I forgot to ask your number earlier. .>

Sabi na nga ba eh. Tama talaga always ang instinct nya. Nun nga na pakiramdam nya naf-fall out of love na si Jaehyun sa kanya eh ramdam na ramdam nya.

Kaagad namang sinave ni Taeyong ang number ni Joshua at tinawagan nya din agad ito.

"Hey!" Joshua greet him.

Wow ang saya nya naman?

"Woi. Free ako ngayong maghapon. Ano, duel na tayo?"

"Sure! I'd love that. Kung hindi pa pala kita nakita ngayon baka forever mo na makalimutan yun."

Taeyong chuckled. "Corny mo wala namang forever eh. Sige na. Abangan mo ako sa labas."

"Ayos! Okay, I'll wait you."

Pinatay na ni Taeyong ang tawag at kaagad na pumalit ng damit. Inayos nya ang buhok nya at nag-apply ng kaunting liptint. Maglalaro lang naman sya eh, pero kahit na ba. Dapat maganda sya kahit saan sya magpunta although maganda na sya sadya.

Pagkalabas nya ng kwarto nya, papaalis na din sy Jaehyun.

Nagtataka pa itong tiningnan sya.

"Aalis ka?"

"Malamang." Sagot nya habang nagsosoot ng sapatos.

"Sabi mo matutulog ka lang?"

"Bakit? Bawal magchange of plans? Ikaw na maglock nyan ah." Taeyong said saka dali-daling lumabas ng dorm.

Binilisan din naman ni Jaehyun ang kilos nya para makahabol kay Taeyong. Wala eh, curious kasi sya kung saan ito pupunta.

Pagkababang pagkababa ni Taeyong, nakita nya kaagad si Joshua sa harap ng dorm nila at kaagad din syang napansin nito.

"Sabi ko dun mo na ako abangan sa dorm nyo eh."

"Gusto nga kitang sunduin eh. Tara."

Pagkababang pagkababa ni Jaehyun, eksaktong nakita nya kaagad yung dalawa at paalis na.

---

"Asan si Taeyong? Malapit na magdinner oh, hindi pa umuuwe." Tanong Ten sa bagong dating na si Jaehyun. "Kita mo tong baklang to hindi sumasagot sa tawag ko."

"Ewan. Umalis din ako eh." Sagot naman ni Jaehyun at diredirechong umupo ng couch. Hindi nya talaga alam kahit naman nakita nya kanina. Malay ba nya kung saan sila pupunta nung Joshua na yun.

Close pala sila? Since when?

"Wag kang mag-alala. Safe naman si Taeyong." Sagot naman ni Yuta na ngayon ay nakahiga sa sahig at nakaunan sa lap ni Hansol.

"Pano mo nalaman?" Ten asked.

"Nagtext sakin si Joshua. Kasama daw nya ngayon. Naglaro pala sila eh."

"Joshua? As in Joshua Hong?"- gulat na tanong ni Johnny.

"Kilala mo yun babe?"- Ten.

"Oo, kilala ko yun. Ang laki ng pagkakagusto nun kay Taeyong eh. Wow. Close sila?" Takang tanong nya kay Yuta.

"Ewan ko. Basta mahilig yun mangulit kay Taeyong."

Nakikinig lang si Jaehyun, Doyoung at Taeil sa kanila. Hindi kilala nung dalawa si Joshua eh.

"AHHH! YAN YUNG KUMANTA NUNG VALENTINES DAY LAST YEAR TAS DINEDICATE NYA KAY TAEYONG TAMA?" Tanong naman ni Hansol at tumango si Yuta at Johnny.

Hindi nila makakalikutan ang araw na yun. Hindi gawain ni Jaehyun magyabang nun pero dahil nga sa Joshua na yun napilitan syang ilabas ang hidden talent nya at kinantahan din si Taeyong sa harap ng madla. Syempre nashocked ang barkada pati si Taeyong. Never nilang naiisip na gagawin ni Jaehyun yun.

"Joshua pala ha. Yari sakin yang baklang yan." Nakangising sabi ni Doyoung at tumawa naman si Ten sa tabi nya.

Saglit namang sinulyapan ni Taeil si Jaehyun sa tabi nya. Nakatanga lang ito doon sa table nila at walang imik na pinaglalaruan yung suot nyang singsing.

"Mukhang pagod ka Jae ah. Kumain ka na?" Taeil asked the younger.

Hindi sumagot si Jaehyun. Mukhang malalim ang iniisip kaya hindi nya narinig. Marahan naman syang kinalabit ni Taeil.

"Woi."

"Oh?"

"Kako kung kumain ka na? Mukha kang pagod eh."

Jaehyun sighs at sinandal ang katawan sa couch. Pano ba naman syang hindi mapapagod? Nagpasama yung jowa nya sa kanya na magshopping at nakakailang shop na silang pinuntahan eh hindi ito makapili ng gusto nyang damit. At sa huli, binalikan nila yung unang shop nilang pinuntahan at doon nalang namili.

Instant taga bitbit pa sya ng mga pinamili nito kaya naman pagod na pagod talaga si Jaehyun.

"Ah, oo. Pahinga na ako hyung."

"Sige."

Tumayo naman na si Jaehyun at pumunta ng kwarto nila ni Johnny para magpahinga. Napansin din naman ng kaibigan nya na pagod sya at alam din nila ang dahilan kung bakit. Hindi naman bago yun eh. eksaktong bumukas ang pinto nila at iniluwa nun si Taeyong. Kasama nya si Hendery at Xiaojun.

"Hinatid lang namin hyung!" Xiaojun said.

"Thank you babies!" Pinisil naman ni Taeyong yung pisngi nung dalawa bago sila umalis.

"Musta ang date?" Pang asar na tanong ni Ten sa kanya.

"Anong date? Tanga ka ba. Naglaro lang kami noh."

"Joshua pala ha. Akala ko hindi mo na papansinin yun." Sabi naman ni Hansol sa kanya.

Taeyong pouted at naupo sa tabi ni Taeil.

"Mabait naman sya eh. Surprisingly, mabilis kaming nagkasundo. Mababait din mga roommates nya." Casual namang sagot nya at naupo sa tabi ni Taeil hyung.

"Kumain ka na bading?" Ten asked at tumango naman si Taeyong.

"Mm. Shuta beks kilala mo yung matangkad na madalas nilang kasama kapag break? That's Mingyu, and sobrang sarap nyang magluto."

"Edi crush mo? Wala na talagang pag-asa si Joshua sayo? Taeyong nako!" Baling naman ni Yuta sa kanya.

Dahil sa sinabi nyang yun parang gusto syang batuhin ni Taeyong ng unan.

"Parang tanga. Di pwedeng na-amaze lang ako? Utak talaga nito!"

"Pero kamusta ang duel?"

"Ayon, masaya." Taeyong smiled and tumayo na para dumirecho sa kwarto nila ni Taeil at makapag palit na ng damit.

Little did they know, someone's there eavesdropping.

---

Kanina pang tingin ng tingin sa phone si Taeyong para icheck ang oras. Naiinip na kasi sya eh, ang tagal nung bus na sasakyan nila papunta sa beach na pagmamay-ari ng pamilya ni Chenle.

Isang linggo sila dun para naman sulit ang sem-break nila. Puro uwi na sila noong mga nakaraang taon kaya ngayon outing naman sila.

Excited lang talaga sya kaya ganun.

Tiningnan nya ang mga tropa nya, chill lang naman sila habang naghihintay pero sya kasi naiinip na. Gusto na nyang makaalis at makapunta agad sa beach as soon as possible.

Sila Jaemin, Jeno, Mark, Hyuck at Yangyang naman pinagtitripan si Shotaro at Renjun kaya malamang hindi sila naiinip.

Busy naman si Sungchan panoodin si Hyuck, gusto na nga syang sapakin ni Lucas eh.

Si Chenle at Jisung naman, ayon naglalaro ng ML.

"Agang-aga naka kunot-noo nanaman to. Ganyan ba talaga pag single?" Ten asked, he's wearing Johnny's shades.

"Wow, yabang ah." Sabat naman ni Winwin sa kanya.

"Manahimik ka. Naiinip na ako." Iritadong sagot ni Taeyong kay Ten. "Bakit ba ang tagal nung sasakyan natin? Mamaya nyan scam pala yun sayang inambag ko."

"OA naman, learn to wait kasi."

"Lagi naman akong naghihintay. Sana ako naman yung hintayin no?" Banat pa ni Taeyong kaya lumingon sa kanya si Winwin, Ten at Jungwoo. Sila yung mas malapit kay Taeyong eh.

"Oh loko nagparinig." - Jungwoo.

"Charot lang tanga."

"Parang di naman charot eh." - Winwin.

"Si Joshua willing to wait daw." - Ten.

"Luh gagi ka."

Inis namang sinamaan ni Taeyong ng tingin si Ten at lumipat ng ibang pwesto. Wala lang, nabbwisit sya sa mukha ni Ten eh, siguro dahil lang din sa inip nya tapos inaasar pa sya kay Joshua.

Maya-maya pa, dumating na din ang sasakyan nilang bus at mabilis pa sa alas kwatro nasa loob kaagad si Taeyong. Natawa naman silang lahat dahil doon.

"Cute mo talaga hyung." Hendery said while chuckling kasama si Xiaojun.

"Beh inborn." Taeyong winks.

Doon sa pinakalast na upuan umupo si Taeyong at apat ang kasya doon. Nang malapit na si Yuta sa kanya, mabilis nya itong hinila para tabi sa kanya.

"Pota, ginagawa mo?"

"Dito ka sa tabi ko. Baka kung sino nanaman ang paupuin dito eh."

"Sus, kunyari ka pa. Gusto mo naman eh."

"Itulak kaya kita jan?"

"Tch. Sol, dito tayo." Tawag naman nya kay Hansol sabay senyas pa. Parang gusto tuloy talaga syang tulakin ni Taeyong.

Taeyong looked at Yuta suspiciously at halos batukan sya nito because of the way he stares at him.

"Stop. Ang creepy."

"Jae, dito ka na din." Hinila naman ni Hansol si Jaehyun kahit na hindi pa ito sumasagot. Sumunod lang si Jaehyun sa kanya.

"Taeyong! Taena ka dito ka nga!" Tinawag naman sya ni Doyoung at kinawayan.

"Ano ba? Papababain pa ako eh. Ayoko jan, anjan ka eh." Pang-asar naman nya kaya dinuro sya ni Doyoung.

"Si Taeil hyung jan!"

"Ako nauna dito ah!"

Ginulo naman ni Doyoung ang buhok nya at sapilitang lumapit kay Taeyong para hilahin ito pababa. Nakiusap na kasi si Taeil sa kanila eh kung pwede syang maupo sa dulo. Ayaw namang malayo nyan ni Hansol kay Yuta for sure.

"Wag kang lumapit sabe. Sisipain na kita."

"Ikaw nalang dito, kami na mag-aadjust." Jaehyun said sabay hila kay Taeyong papunta doon sa unahan. Tinapik naman sya ni Doyoung para pasalamatan at ngumiting tagumpay pa ang shunga.

Tiningnan sya ni Taeyong saka inirapan.

"Woi bakit ka ba nanghihila. Nauna ako dun eh. Wala na tuloy!" Inis na kinuha ni Taeyong yung bag nya sa kamay ni Jaehyun at padabog na naupo malapit sa may bintana.

"He's obviously making a move to him. Can we just help him?"

"Bakit kailangang ako ang magsacrifice para makapagharutan sila? Bakit ako? Kakasura."

Jaehyun pressed his lips into thin line at may kung anong kinuha sa bulsa nya at dahan-dahang inabot kay Taeyong without looking at him.

Isang bar lang naman ng chocolate yun at limang candy na iba-iba ang flavor.

Mas lalong napakunot-noo si Taeyong, pero hindi maiitago ang liwanag sa mata the moment na makita nya yung hawak ni Jaehyun.

Lord grabe na to!

Parang noon lang nung sila pa, kada magagalit o maiinis sya kay Jaehyun, makikipag-ayos ito sa kanya gaya ng ginagawa ni Jaehyun ngayon tapos may kasamang kiss pa.

Pag tinanggap ko ba to, may kiss pa din ba na kasama?

Tangina Taeyong may jowa yan gago ka ba?

"Ayaw mo?"

"Bakit mo ba ginagawa to? Kala mo ba nakakatuwa?"

Jaehyun cleared his throat because of that. He knew what to do when it comes to Taeyong and Taeyong hates it. Kasi kada kilos ni Jaehyun, mas nahuhulog sya lalo eh. Ang unfair naman talaga oh, bakit ba sya ganyan mag-approach?

Wala na dapat eh, pero ano ngang magagawa nya kung hindi pa kaya ng puso nyang tanggapin na hindi na talaga?

Mali ito.

"Sorry."

Bago pa man maibaba ni Jaehyun ang kamay nya, mabilis namang hinila yun ni Taeyong at kinuha yung chocolate at candies.

"Last mo na to ha."

Wala, di nya matanggihan yung sweets eh.

"Kunwari pa tong pokpok na to eh." Biglang sumabat si Kun mula sa likod kaya tumayo si Taeyong para pisilin sya sa pisngi.

"Pota aray!"

"Masamang makinig ha Qian Kun. Ibalik kita sa China eh!" Sabi pa ni Taeyong saka bumalik sa pagkakaupo nito.

Pasimpleng ngumiti naman ni Jaehyun at naupo na din.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

130K 3.5K 74
Stray Kids is on tour! Ella wins a prize at the concert that ends up turning her entire life upside down. She uncovers the dark secrets to K-Pop and...
424K 17.2K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
110K 5.5K 53
(y/n) (l/n) a girl who was born in the modern world who somewhat ends up in the taisho era of demon slayer. Her sassiness and eccentric attitude capt...
242K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...