Billionaire Diaries #1: Gray...

By remixxzz

1M 28K 2.3K

Gray Pereira doesn't believe in the word love. Eversince his mother died, he already kick his self out of the... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

33.3K 898 167
By remixxzz

NAHIGIT ni Agape ang hininga dahil sa kakaibang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

First time ko lang maging secretary, ganito ba talaga 'yun?

"Nevermind.. " agap nito kaya't taka siyang napatingin sa lalaki.

Nakita niya itong hinawakan ang kubyertos at inumpisahang kainin ang lunch na binili niya. Napakurap pa siya nang wala itong reklamong ngumuya.

Ang sabi ay hindi raw siya kumakain kapag hindi luto ng personal chef niya?

Nagkibit-balikat na lamang siya at iniwas na lang ang paningin sa lalaki. Siguro nga ay ganito lamang siya sa lahat. Hindi lang sa kanya.

HINDI siya umimik nang sabay silang natapos sa pagkain at ngayo'y magkatabi na sa private elevator nito. Ayos lang naman sa kanya kung nasa normal na elevator lang dahil doon naman siya madalas. Ngunit ang sabi ng boss niya ay marami pa siyang gagawin sa opisina. At kung sa public ay masyado lang siyang matatagalan.

"Agape!" rinig niyang tawag ni Kiko, isa sa mga empleyado sa marketing na naging kausap niya na rin sa mga nagdaang araw nang pamamalagi niya rito.

"May kailangan ka sa floor dito?" turan niya nang makalapit na ito sa gawi niya.

"Hinihintay talaga kita. Ang sabi ay galing ka raw sa cafeteria? Kaya't dito na lang ako naghintay. " sambit nito at tumango-tango naman siya.

Nakita niya ang boss niya na palapit na rin sa gawi nila matapos kausapin ng isang board member. Ibinalik niya na lang rin ang tingin kay Kiko na may iniabot na invitation sa kanya.

"Pumunta ka mamaya ha? Sila Clara rin ay pupunta. " anyaya niya at ngumiti naman siya.

"Sure! Yung bunso yung may birthday diba?"

"Oo, isang taon. Kaya't effort na effort si misis. " natatawa nitong sagot.

Natawa rin siya at bago pa man makapagpasalamat Kay Kiko dahil sa imbitasyon nito ay agad niyang natanaw ang boss niya na madilim ang mukha at walang bahid ng emosyon. Naglalakad ito papunta sa gawi nila ni Kiko kaya't agad niyang inayos ang tayo.

"S-Sir-

"I'm not allowing public display of affection in my company, Ms. Montrez.. " sabay tingin nito kay Kiko na katulad niya ay bakas na rin ang takot sa mukha.

"What are you doing here, Mr. Francisco?" usal nito habang nakatingin sa ID na suot ni Kiko.

"M-May ibinigay lang po ako kay Aga-

"Call her Ms. Montrez. " agap ng boss niya kaya't napapahiya namang napayuko si Kiko. Tumikhim siya para maagaw ang atensyon nila ngunit hindi man lang natinag ang boss niyang seryoso paring nakatingin sa kaibigan.

"Sige, pupunta ako Kiko-

"Mr. Francisco.. " singit nanaman ng boss niya kaya't napabuntung-hininga na lang siya.

"Pupunta ako sa birthday ng anak mo, Mr. Francisco.. " pagdidiin niya pa sa huling salita. Ramdam niya ang pagtingin ng boss niya nguni't hindi niya iyon pinansin at tinapik lang ang balikat ng kaibigan. "Sasabay na lang ako kila Clara mamaya. " dugtong niya pa.

"Aasahan ko yan ha, Ms. Montrez?" pagdidiin rin nito sa pangalan niya kaya't palihim siyang natawa.

Nang makaalis si Kiko ay mahinahon naman siyang tumingin sa boss niya.

"Pasensya na sa nangyari, Mr. Pereira.. " sinadya niyang gamitin ang pangalang iyon. "Hindi na po iyon mauulit.. "

The man just shrugged and put his sight to the sideways. Natahimik na lang rin siya at kunwaring may kinalikot sa phone niya.

"And sir, you have an appointment with Mr. Carles at 3pm. I'll prepare for his arrival sir.. " kalmado niyang dugtong at pinipigilan ang sariling mautal.

There is something wrong with her. And she knows, it was bad.

She badly needs to stop.

MAINIT ang ulo ni Gray kahit na-approved na ang business deal nila ng kasosyo. Hindi niya maintindihan kung bakit.

He's not allowing PDA. Strikto niya iyong ipinapatupad kaya't agad na nag-init ang ulo niya ng makita ang sekretaryang nakikipag-usap sa isang empleyado.

The truth is, there was nothing 'touchy' with them. Sa totoo lang ay nakikita niyang kaswal lang sila kung makapag-usap.

But the sight of his secretary talking to other guy really pissed him off. Hindi ba puwedeng sa tago sila mag-usap? Hindi sa hallway?

No! They don't have to talk!

His secretary have lots of work. And dating in a workplace will just be a distraction. He's not tolerating any form of romance in his company.

Do I have to put a rule of no talking to opposite sex in working hours?

Of course, he will be an exception.

His forehead creased when he saw his secretary fixing her table. Napatingin siya sa relo sa pulsuhan at nakitang ala-sais na ng gabi. Her shift ended.

"Sir, here's the hard copy of the paper you requested. I already sent the soft copy in your email if you prefer it that way. " she said as she handed the printed copies.

He just stared at the papers blankly and just nodded his head.

"And sir, mauuna po akong umalis sa inyo. I already finished all the tasks in my hand. " she added making him grit his teeth in annoyance.

She finished all of her works just to attend that birthday party. Why would she attends anyway? The child was the celebrant, not that Kiko or who the hell is his name. I think that the visitors should be children too.

"What about the schedule in Baguio in the next days? Are you done fixing it? The hotel, flight and all of other employees' accomodation?"

Her secretary proudly smiled.

"All settled, sir. I've prepared an itinerary too. If you suddenly plan to stay for days. "

He took off his eye glasses as he put his both elbow in the table.

"The board meeting next week? All good?"

"Yes sir. I'm just waiting for the copy of the presentation so I can review it and will not messed up in technical. "

She was really hands on. Did she finished all her works so she can attend that birthday invitation of Kiko?

But he smirked. He will not let her secretary have fun in that Kiko's house when she should be resting!

"Did you already found a venue for the photoshoot of our sponsored models?"

"We picked three choices, sir. I already sent it to the team so they can properly decide for it. "

He was really losing his patience. That party is for kids! Does that Francisco likes her? Is he cheating behind his wife's back?

Her secretary is not that kind of woman but maybe Kiko is cheating emotionally?

And here he is, having thoughts of being against cheating when he has a lots of girls too.

"Then what about our company's scholars? Did you already take care of their internship next month?"

"Yes, sir. I also talked with the head per department to inform them about the interns. "

"The charity ball? It was my grandma's foundation so my presence is badly needed. "

"Also that, sir. I officially talked to them about your arrival. And I already take care of your donations. "

"The opening of hotel in Bacolod, is everything ready?"

"It was already settled by the Bacolod branch management, sir. "

"What about the wedding of one of my business partner, Logan Brandon?"

"They just need your presence, sir. Nothing to prepare. "

"The company's 50th anniversary?"

"We still have 6 months to prepare, sir. But the team is already preparing for the venue, guest lists, catering and such. "

"What about my sister's 20th birthday?"

Kunot-noo siyang tiningnan ng sekretarya na tila nagtataka sa sinabi niya.

"Next year pa ulit ang birthday ng kapatid mo, sir. Isang beses lang naman po sa isang taon kung magbirthday. She just turned 19 last month. "

He suddenly forgot that fact.

"I think it's better to prepare for it early?" He said to save his ego. The girl just nodded. "Okay, you may go.. " he added.

Fine, let her go to that children party. But if she will be drunk and late tomorrow, don't blame him.

He's just doing this so he can have a sane secretary tomorrow. Wala siyang pakialam kung mag-iinuman man sila roon. Iniisip niya lang na maraming trabaho ang hindi magagawa kung malasing ang sekretarya niya.

Kung malasing lahat ng empleyado niya. Lalo na't may business trip pa sila sa Baguio sa ilang araw.

"Sige sir, mauna na po ako. " muling sagot ng sekretarya niya at doon niya lang napansin na nakasuot na ito ng asul na dress. Debut ba ang aattendan niya?

"Where are you going?" maang tanong niya sa dalaga na kunwari ay hindi niya alam kung saan pupunta.

Would she lie?

"Uh.. " tila takang usal niya. "I'm going to a birthday party, sir. "

"That Mr. Francisco's invitation?"

"Yes, sir.. "

So she's really serious about attending it.

"Who's with you?"

"I'm with the team, sir. At ang iba ay nasa marketing department din. "

"It's like a team dinner, then.. " usal niya at kumunot naman ang noo ng dalaga. "He didn't invite me. Do you think it's unfair?"

Kitang-kita niya ang pagkataranta ng sekretarya na tila naghahanap pa ng mas maayos na salitang sasabihin.

"U-Uh sir.. medyo malayo po-

"It's far but you're still going?"

Napakurap ang dalaga at napayuko.

"Maybe I should go with all of you?"

Nanlalaki ang matang tumingin si Agape sa kanya na tila nag-aalangan pa sa kung anong sasabihin niya.

"S-Sir, as far as I remember, Mr. Pereira is coming home today. You said that you're going to the welcome party.. "

"I can welcome him tomorrow. "

"Y-You're Ms. Red's date to that party, sir. " giit pa niya.

"I will send someone to accompany my sister. "

There's Lucas who's crazily smitten by her sister. And he owe him a date with Red when he helps him to find information about the one who bump his Lamborghini, turns out to be his secretary.

"Don't you want to invite me?" turan niya sa mas seryosong tono kaya't napalunok ang dalaga.

"S-Sige sir.. pwede naman po kayo 'dun. "

He smirked.

Ngunit napawi ang ngisi niya nang maalala kung bakit niya 'yun ginagawa.

He doesn't want to have a drunk employees tomorrow. He will just avoid future consequences of that party.

He can't believe he will attend a goddamn children party tonight.

MAHIGPIT na nakahawak sa cellphone si Agape habang tahimik silang naglalakad ng boss niya pababa ng floor. Hindi niya talaga ito maintindihan kung bakit kailangan pa nitong sumama. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya ang tipo na aattend sa mga simpleng handaan.

Nagkibit-balikat na lamang siya hanggang sa matanaw niya ang mga kasamahan na nasa parking lot na.

"Aakyatin ka na sana namin Agape! Natagalan ka yata?" ani ni Sia nang matanaw rin siya ng mga kasamahan.

"Marami nanaman bang pinagawa ang boss mo? Naku, kaya't hindi tumatagal ang mga sekretarya niyan! Ang sabi ay madalas daw ma-

Hindi na nito natuloy ang mga hinaing ng makita ang boss niyang nasa gilid niya lang at wala namang galit sa mukha, ngunit bakas parin ang pagiging seryoso.

"S-Sir.. " kunwari natatawang sambit ni Sia. "M-Maaga po yata kayo ngayon sir?" nauutal niyang turan.

Ang ibang kasamahan namin ay tila biglang umamo dahil sa presensya ng boss niya.

"I'm coming with all of you.. " diretsong sagot ng boss niya na kahit siya ay bigla namang napayuko.

Nakita pa niya si Clara na biglang naihulog ang bag dahil sa labis na gulat. Walang nagsasalita. Mga mabibigat na paghinga lang ang naririnig.

"What's with the reaction? Am I not invited?" sagot nito at isa-isa kaming tiningnan at natigil ang titig nito kay Kiko.

"I-Invited po kayo s-sir... m-maganda nga po kung m-makasama kayo.. " may pilit na ngiti sa labi ni Kiko at nag-umpisa na rin silang maglabas ng mga pekeng ngiti sa labi.

"Mas e-enjoy nga po sir kung s-sasama kayo.. " sabat ni Clara at halatang napipilitan lang ang pagngiti nito.

"O-Oo nga sir. Magandang idea po yung pagsama niyo. " turan naman ni Laura.

Napasapo na lang siya sa noo at katulad nang mga kasamahan niya ay pilit na rin lang siyang ngumiti.

"So, should we go now?" ani nito at napabalikwas naman ang lahat.

"S-Sasabay po ba kayo sir sa van o sa sarili niyong sasakyan?" imik ni Sia

"I think it's better if I should go with all of you?"

Narinig niya ang pagsinghap ni Clara. "Oo nga po sir, mas b-better.. "

"Mas b-better po talaga sir. Sobrang b-better.. " turan naman ni Laura na buong labi na ngayon ang pilit na pagkangiti.

May kalakihan ang van na inarkila at si Kiko ang nagmananeho 'nun habang nasa tabi naman nito si Laura. Magkatabi sa sunod na row si Clara at Sia samantalang solo naman nila ng boss niya ang likuran.

Nagkaroon naman ng munting pag-uusap sa loob ng van lalo na nang mag-umpisa na silang magkwentuhan tungkol sa mga regalo nila. Akala nga niya ay tuluyan nang matatahimik ang buong biyahe. Buti na lang talaga at naroon si Sia.

"I was thinking of a dress sana! Kaso 1 year-old palang pala! I don't know kung sasakto yung sukat!" pagkuwento niya.

"Simpleng mga baby toys sa sakin. Para naman mashare pa niya sa ate niya. " sabat naman ni Clara

Pera lang siguro ang ibibigay niya sa bata. Hindi niya aman napaghandaan ang gabing 'to.

"Ilang taon na nga ang panganay mo Kiko?" usal ni Laura na naggigiftwrap ng regalo niya dahil wala daw siyang time kanina. Ayaw daw niya ng paper bag lang dahil mas gusto daw ng mga bata yung nag-eenjoy sila sa pagbukas.

"Limang taon na sa susunod na buwan naman. " nakangiti niyang sagot.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon at aaminin niyang nakaramdam siya ng kaunting inggit. Sa edad na 28 ay gusto na rin niyang magkaanak. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala paring nagiging interesado sa kanya. Madalas naman siyang masabihan noon na maganda siya.

"Ikaw palang ang pamilyado rito Kiko! Dapat siguro ay sayo ako humingi ng advice dahil gusto ko na ring mag-asawa!" bulalas ni Sia na labis niya ring ikinatawa. Parehas pala sila.

"Si Laura na ang susunod sayo, Kiko. Ikakasal na yan sa jowa niya sa sunod na taon. " ani ni Clara

Lahat sila ay masasaya na sa buhay may relasyon. Si Sia at Clara rin ay may mga kasintahan na.

"Ikaw Agape? Siguro naman ay may jowa ka? Ang mga ganyang mukha ay habulin!" kantyaw ni Sia at natawa naman siya ngunit napawi rin nang makitang nakatitig sa kanya ang boss niya.

"W-Wala pa nga, eh. Walang o-oras.. " sambit niya kahit ang totoo naman ay wala talagang naging interesado sa kanya. Noong nag-aaral naman siya ay meron pero dahil sa pagiging busy sa pag-aaral ay hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Ngayon lang siya nagsisi na kahit isa lang sana ay sinagot niya. Para naman hindi siya matawag na NBSB sa edad na dalawampu't walo.

"Pero diba publisher ka dati? Hectic ba schedule mo?" kuryosong tanong ni Laura na hilaw naman niyang ikinangiti.

"Medyo hectic siya, actually. Lalo na't tumutulong rin ako sa flower shop namin. " sagot niya. She was being honest to that part. Totoong hindi lang basta-basta ang pagsusulat. At totoo ring abala siya sa flower shop lalo na't madalas na nag-aasikaso ang ina niya sa kapatid niyang si Kid.

"No worries, girl! Sigurado namang may gwapo kang pinsan, Kiko? O kapatid?" natatawang tanong ni Sia.

Bigla naman siyang nahiya dahil sa mga pang-aasar nila.

"Nasa Iloilo ang pamilya ko, e. Pero yung misis ko, may dalawang lalaking kapatid. " pagpatol naman ni Kiko dahilan para mapayuko talaga siya. "Ipapakila kita Agape! Single na-

"Are we near?" biglang singit nang boss niya kaya't natahimik ang dating maingay na usapan.

"M-Malapit na, sir. Ipapasok ko lang po yung sasakyan sa sunod na kanto. " bakas ang pag-aalala sa tono ni Kiko.

Agad nilang narating ang medyo maingay na dalawang palapag na bahay na sa tingin niya ay dahil sa nagkakasayahan na ang ibang mga bisita sa loob.

Namamangha siya dahil sa magiliw na presensya ng handaan. Matagal na rin nang makadalo siya sa mga ganito.

"Tara, pasok kayo.. " nakangiting ani ni Kiko na nasa gilid nito ang nakangiti ring asawa.

"Sir, mauna na po kayo. " turan niya sa boss niyang nasa gilid niya na lumilinga-linga na tila may hinahanap.

"Sir?" pukaw niya sa atensyon ng boss niya ngunit tumitig lang ito sa kanya bago balingan ng tingin si Kiko.

"Let's talk first, Mr. Francisco.. " seryosong sambit ng boss niya. Agad silang napabaling kay Kiko na may labis na pag-aalala. "It's not that serious. I'll just talk to you regarding my birthday gift to your daughter. " dugtong nito kaya't magaan silang nakahinga.

Sa labas nag-usap ang dalawa at inasikaso naman sila ng asawa ni Kiko. Ang bunsong anak nila ay karga-karga ni Clara at nakakagiliw tingnan iyon.

"Anong pangalan mo?" malambing niyang tanong sa panganay ni Kiko na kumakain ng lumpia sa tapat niya.

"Ella po, ate. Payb po ako.. " bibo nitong sagot at dahil sa may lumpia pa ito sa magkabilang kamay ay nahirapan itong isenyas ang edad niya sa daliri.

"U-Uh sir, dito po kayo!" aligagang turan ni Laura at bahagya pang pinagpag ang malaking espasyo ng sofa.

Umupo naman ito doon kaya't agad siyang napabaling sa boss niya.

"Kukunan ko na po kayo ng pagkain, sir.. " ani niya.

"No, ako nang kukuha.. " biglang agaw nito sa bitbit niyang plato at agad na tumungo sa mahabang pasimano kung saan naroon ang mga nakahilerang mga pagkain.

Agad silang nagkatinginan at bakas ang pagtataka sa mukha ng isa't isa.

"Anong nangyari kay sir?" tulalang sambit ni Sia.

"Mas natatakot yata ako sa ganito.. " kumikibot ang labing turan naman ni Clara. Rinig nila ang mahinang pagtawa ni Kiko at binalingan siya ng tingin.

"Hindi na pala kita maipapakilala sa mga bayaw ko, Agape. Bawal... may magagalit.. "










------

I'll start with this story now. I will finish this as soon as possible. Mas mabilis na update compare sa previous novel ko. Nagstock na ko ng maraming drafts :)






-

You can see me here :
Facebook: Remianah WP








Continue Reading

You'll Also Like

14K 279 33
Governor Alejandro Jemenia has it all. The Fame. The Glory. The Respect. The Love. Name everything materials everyone wants to possess, he has it...
997K 14.7K 33
Six years ago, I married the most wonderful man my eyes ever laid on. He's a tycoon. A businessman that everyone wants to work with. A man that every...
7.1K 644 34
Isang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sa...
486K 18K 40
Tereesa is in trouble. Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng kaniyang buong angkan. In order...