Chapter 17

22.2K 701 11
                                    

AGAPE sighed and calmed herself before she open the door. Tulad nga ng inaasahan niya ay iyon nga ang ina niya kasama ang dalawang kapatid.

"Ma.. " tipid niyang pagbati ng tuluyan niya nang mabuksan ang pinto.

Ngumiti ang ina. "Hindi ka na dumadalaw sa bahay kaya't kami na ang pumunta rito.. "

Nagbaba naman siya ng tingin. She's guilty. Oo nga naman, nakakalimutan na niyang kamustahin ang pamilya.

"Ako na mag-aayos nito, Ma, " she said and gently grab the plastic of grocery she's holding.

Nakasanayan iyon ng ina. Kahit sabihin niyang kaya naman niyang maggrocery mag-isa, at hindi naman talaga nauubusan ng supplies ang apartment niya, iginigiit ng ina na iba daw kung ang katulad nitong expert ang bibili. Hindi na lang siya umiimik. Kung iimik pa siya, siguradong papalitan nito ang laman ng ref niya ng puro gulay, isda, at karne. Tatanggalin nito ang mga pagkain na hindi kaaya-aya sa paningin nito.

Goodbye hotdogs na lang ang masasabi niya.

"Akala ko ay may trabaho ka ngayon, Agape. Kaya nga't dinala ko yung binigay mong susi ng apartment.. " ani nito at tinulungan na rin siyang maglabas ng pinamili nito sa plastic.

Nakahinga siya ng maluwag. Buti na lang talaga at nagdoorbell muna si Mama bago nito binuksan ang pinto gamit ang spare key na binigay niya sa ina para kung dadalaw ito at wala siya, makakapasok pa rin ito.

"Kakagaling pa lang kasi namin sa seminar, 'Ma. Pinagpahinga muna kami ng b-boss namin.. " aniya at tumikhim.

"Maayos naman pala ang pinagtratrabahuhan mo. Ang amo mo ay pinsan ni Claresta diba?"

Nanuyo ang lalamunan niya. Ayaw talaga niya na may tinatago sa ina. Ngunit hindi niya rin agad masabi na kasal na siya. Her mother was too religious. Ang pagpapakasal para sa kanya ay sagrado, at hindi minamadali.

"Oo, ma.. " tipid niyang sagot.

"Pinag-isipan mo na ba ang sinabi ko?" tanong nito. Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang bahay. Gusto ni Mama na hayaan na lang 'yun dahil mahal kung tutubusin.

"Hindi pa 'rin ako sigurado, Ma. Ang hirap para sa 'kin na bitawan yung bahay, " she said in a low voice. Ayaw lang niya na masyadong marinig iyon ng mga kapatid na nanonood sa sala. Oo nga't alam nila ang tungkol sa problemang iyon, hindi naman maganda kung araw-araw nilang mapapakinggan.

"Alam ko, 'nak. Pero ayoko lang na makitang sobra kang nagpapagod sa pagtratrabaho. Iniwan mo pa ang pagsusulat dahil.. " ramdam niya lungkot sa boses ng ina. But she will not regret what she did. She left her ideal career. She fully changed her path.

But then she realized, eversince she was a teen, when she's wondering what she wants in life when she grow up, she badly wanted to be a writer. She loves books. And it makes her feel alive when she's reading one. She thought that being a writer is a wholesome, and she made it as her ideal dream.

But she didn't realized that ideals is different from wants.

That just like with your typical ideal guy, it would suddenly change. Ang gusto mo noon pa ay lalaking palangiti. But ironic, you fell inlove to someone who rarely smile.

But she won't deny, in her years of writing, she was happy. Because she's living her ideal dream.

"Ayos lang, 'Ma. I successfully made a name in literature. Many are enjoying my books. That's enough for me. At least, I left something, " she forced a smile.

And who said that she will stop writing? Writing would just naturally come back to her. She may treat it as her career or not, it's still writing.

Billionaire Diaries #1: Gray PereiraWhere stories live. Discover now