Unknown number calling

By HeartOfWisdom

18.3K 237 419

Isang gabi. Mga nakakatakot na experience. Ma-experience mo rin kaya? More

Unknown number calling
Tawag. (another story)
Under the mango tree (another story)
Sa Banyo (another story)
Lola (another story)
Magbabasa ka pa? (another story)
Ang Kamay

Via's Room (another story)

1.6K 34 37
By HeartOfWisdom

Dedicated sa kanya :) First commentor kasi sa last episode :) Ganun din ngayon =)

Pabas ng a.n mamaya =)

-

Via's Room (another story)

by HeartOfWisdom

-

"Bakit ka ba umo-o?! Nahihibang ka na ba, Eliza?!" Bulong ko kay Eliza.

Pumayag kasi siyang mag-sleep over kami sa bahay nila Via.

"Ikaw ang nahihibang, Jen. Birthday nung tao! Pagbigyan mo naman." Sabi ni Eliza habang nililigpit ang gamit niya.

Napagbuntong hininga na lang ako.

Pinag-paalam na ko ni Eliza sa parents ko. For sure, kapag tumakas ako... Magsusumbong yun. Ayokong mapagalitan na naman.

Tinignan ko si Via.

Naka-ngiti siya sakin na parang aso.

'Wag na wag mo siyang titignan. Wag na wag kang sumama... Lalong lalo na... sa kwarto niya...'

Naririnig ko na naman ang boses na yun...

Ang unknown number na tumawag sa akin kagabi..

 May koneksyon ba yun...

KAY VIA?!

Hindi, hindi pwede.

Kung ano ano na naman ang mga naiisip ko.

Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon.

Ang mga tingin niyaa...

Nakakakilabot.

Nakakatakot.

Hindi naman siya pangit eh. Sa katunayan, para siyang manika, barbie parang ganun. Maputi, matangos ang ilong, tyaka sexy.

Tapos, ang hinhin pa tumawa. Pag sumisigaw parang nagsasalita lang.

Ideal girl na talaga siya.

Pero, may something talaga sa kanya eh.

Sabi nga saakin ni Sharaine, isang friend ko. Na may something daw kay Via na hindi maintindihan. May something sa mukha niya na kakaiba. 

I wonder kung ano yun.

Tapos nag-smirk siya.

Iniwas niya ang tingin niya sakin at tumingin kay Eliza.

"Tara na??" Excited na tanong niya.

"Taraletssss!" -Eliza

Naiinis ako kay Eliza. 

Bakit ba bigla biglang pumapayag to?

Paborito pa niya naman ako pagtripan :(

Naalala ko noon, nag-sleep over din kami sa isa sa mga weird naming classmates, tapos pagkadating dun, biglang nawala si Eliza. Nalaman kong mahirap lang pala yung classmate namin na yun. Nagtiis ako sa kahoy na higaan at hindi aircon na kwarto. Juskoooo, feeling ko gusto ko na mag-backout ngayon.

Sabi ni Via, Susunduin daw kami ng driver nila. Aba, may kaya naman pala. So hindi ako magtitiis.

Sige na nga, pwede na.

Pagkadating sa bahay nila, I'm surprised.

Mas malaki pa sa bahay namin.

Okay hindi ako insecure :(

Magpapabili nga ako kay mommy ng bagong bahay!!!!!

Nakapasok na kami sa bahay.

Pagkapasok palang namin sa bahay nila Via.

Ibang iba na ang naramdaman ko. Parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Ang hirap huminga. Sa gilid ng mata ko, parang may nakita akong itim. Agad agad akong lumingon dun, pero wala akong nakita.

Hindi normal sa akin ang nararamdaman ko.

Hangin. Hangin.

Magpapa-alam sana ako kay Via para lumabas muna ng maka-langhap ng simoy ng hangin ng mapansin kong....

Ako na lang ang tao dito.

N-n-nasaan n-na sila?

Pinagpapawisan ang mga kamay ko. Pinahid ko sa pants ko.

Pinagpapawisan na ako.

"V-v-ia? E--eliza? Nasan na k-kayo?"

"Jen! Halika ditoooo!" Boses ng bata.

Sinundan ko lang yung boses.

Nagha-hum siya.

"Jeen~~Jenn~Jenn~"

SInundan ko ang boses.

Kahit namamawis at takot na takot na ako.

Nakita ko si Via at Eliza na nandoon sa kwarto.

Akala ko, mawawala na ang kaba na nararamdaman ko once na nakita ko na sila pero hindi.

Pagkapasok na pagkapasok ko, mas bumigat ang nararamdaman ko.

mas bumigat ang nasa likuran ko. 

parang.......

may nakasandal.......

"toot~tooot" Nabalik ako sa katinuan nang tumunog ang phone ni Eliza.

Lumabas muna siya...

Natakot ako nung umalis si Eliza.

Imbes na kausapin si Via, iginala ko na lang ang tingin ko sa kwarto niya.

Malaki....

pero hindi siya isang typical na girl room.

puro itim ang mga gamit niya.

Ngayon ko lang narealize, punong puno ng manika ang kwarto ni Via.

Nakakatakot ang mga manika... Ang mga itsura...

Nakita kong...

Nakita kong ngumiti sa kin ang isa sa mga manika.

Gusto kong ibuka ang bibig ko para sabihin kay Via ang nakita ko....

Pero linagay ng manika ang kamay niya sa bibig niya... 'shhhhhhhh' sabi niya. Kinikilabutan na ako sa nakikita ko. Gusto ko ng lumabas.

agad agad kong kinuha ang bag ko para lumabas na ng pinto ng biglang may humawak ng kamay ko.

Isang manika.

Puti ang damt niya at may dugo sa bandang ulo. Pulang pula ang mata niya. At tumatawa siya.

"At san ka pupunta? hahahahaha" Gusto ko ng mahimatay sa takot na nararamdaman ko. Unti unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko.

"b-b-b" magsasalita sana ako pero hindi ko na kaya.

Gusto ko ng umalis sa kwartong to.

biglang may mga manikang pumalibot sa akin.......

mga nakakatakot na  manika.

pero isa lang ang mukha nila.

isa lang ang mga damit nila....

mga naka-ngiti sakin.

At sa isang iglap, naalala ko ang ngiti nila.  isang ngiti.. na nakakatakot. isang tingin na nakakakilabot.

Ang tingin ni Via.

Unti unti akong nilalapitan ng mga manika na nasa harap ko.  May mga hawak silang... kutsilyo......

Hindi ako makapaniwalang.... sa pag-punta ko dito....

Dito na matatapos ang buhay ko....

tinakbo ko ang pinto. pero naka-lock.

pumatak na ang mga luha ko.

Akala ko ba, bukas na ang end of the world? Pero bakit napa-aga yung akin?

Pinihit ko ulit ang pinto.

Nang bumukas, napangiti ako.

Makakatakas na ako.

Tatakbo na sana ako ng..

may humawak sa balikat ko.

Isang malamig na kamay.

Nakita kong may dugo ang kamay niya.

Sa lamig nito, hindi ako maka-galawa sa puwesto ko. Unti unti ko siyang hinarap.

"V-v-v-ia..."

Unti unting nagbabago ang anyo niya....

Nagiging....

manika..

Sa isang iglap, suot niya na ang suot ng mga manikang nakapalibot sa akin kanina.

"Nagulat ba kita? HAHAHAHAH" Tumawa siya ng pagka-lakas lakas at tinuttok sa akin ang kutsilyo.

Bumwelo na siya para saksakin ako ng......

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"Anyare sayo Jen?" -Eliza

Nagising ako sa classroom ng pawis na pawis.

Panaginip lang pala. Wooooh!

"Sabi ko na sayong wag matutulog habang nasa school eh. Tara na, mag si-sleep over kami kila Via."  

 "Sama ka na, Jen!"

Kinakabahan ako. Sasama ba ko o hindi?

Tinignan ko si Via...

Naka-tingin siya sakin..............

"Tara." -ako.

-

Okay, i know biitin. Pero vote naman oh :( And comment. Anyway guys, i just want to advertise my friend's story, We Meet Again by prestidigation =) Pagbigyan niyo na, kuwento yang ng buhay niya. Diyan niya lang nailalabas yung bitterness niya :( oh well papel. hahajoke lang edlene labya!

VOTE COMMENT AND BE A FAN!! <3333333

Continue Reading