Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 7

5.4K 165 15
By _Isabelle_

Napangiti ako dahil sa tawag na nakuha ko. Pinapapunta ulit ako sa art gallery noon HR na naginterview sa akin. Akala ko hindi na ako tatawagan dahil tatlong linggo na ang nakakalipas at wala pa akong narinig na balita. Akala ko pa nga ay hindi ako pumasa sa interview dahil sa totoo lang pre-occupied pa rin ako ng thoughts tungkol kay Gracie pero nakakatuwa na pinapabalik nila ako sa opisina para pumirma ng kontrata.




Napatingin na naman ako sa celphone ko ng magring ulit ito. Si Apol.




"Apol..." Iyon lang ang nasabi ko. Nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kay Gracie. Sa kanya ako nakikibalita sa kalagayan ni Gracie.




"Maayos na si Gracie, Rachel. Huwag ka ng mag-alala. Isang linggo na siyang nakauwi sa bahay." Nakahinga na rin ako ng malalim. "Huwag ka na rin mag-isip tungkol sa sinasabi ni Kuya Sac na demanda. Hindi naman allergy ang sakit ni Gracie. Na-dengue siya. Kaya ayun pinalinis ni kuya ang buong bahay at pinausukan bago umuwi si Gracie."




"De-dengue?" Hindi allergy pero dengue. "Okey na ba talaga si Gracie? Ayos na ba talaga siya?"





"Opo. Parang anak mo si Gracie kung makapag-alala ka ha."




"Apol naman... gusto ko lang makasiguro. Napalapit na rin sa akin si Gracie."



"Mukha nga. Wala na ba talagang pag-asa na maging kayo ni kuya?" Napairap na lang ako sa sinabi ni Apol.




"Apol, kung ayaw mong magkaworld war 3 huwag mo ng ipilit. Hinding-hindi kami magkakasundo ni Sac. Di ba sinabi ko na sa'yo ang natural na pagkaayaw namin sa isa't isa."




"Bakit? Dahil ba doon sa nangyari kay Gracie? Pagpasensiyahan mo na si kuya...alam mo naman kakamatay palang ni Uncle Paeng tapos fresh pa iyon pagkamatay ni Ate Hannah. Palagay ko takot ng mawalan si Kuya Sac. Nakakawa nga eh. Patawarin mo na." Natawa na lang ako sa sinabi ni Apol.



"Wala naman akong sama ng loob sa kanya Apol dahil sa nangyari. Naiintidihan ko kung bakit ganoon siya. Si Gracie na lang ang meroon siya at kahit ako kung ako ang nasa kalagayan niya baka naghurumentado rin ako. Ang mabuti niyan maayos na si Gracie. Salamat talaga sa Diyos maayos na siya." Napangiti ako.




"Iyon naman pala...wala na ba talagang pag-asa si kuya?" Napailing na lang ako. Makulit din itong si Apol. "Rach...mabait si kuya kung makikilala mo lang talaga siya." Natawa na lang ako. 




"Siguro nga mabait siya pero hindi sa akin. Tama na Apol. Bakit ba pinipilit mo sa akin ang pinsan mo? Ireto mo naman sa iba." Napatingin naman ako sa tabi ko at nakita kong dumilat si Andrei. "Tulog pa baby ko." Tinapik-tapik ko pa ito at pumikit ito ulit.




"Wala naman akong makitang iba na mahilig at pasensyosa sa bata maliban sa'yo. Package kasi si kuya at Gracie at maraming may ayaw. Atsaka alam mo naman ang ugali ni Gracie. Walang tatagal."




"Kung ieendorse mo kasi magpakita ka ng picture. Gwapo ang pinsan mo wala akong di pagsang-ayon doon. Sinasabi ko sa'yo magkukumahog ang mga babae diyan." Natawa si Apol. "Atsaka iyan na ba ang purpose mo sa buhay? Ang hanapan ng babae si Sac?" Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Apol.





"Naawa kasi ako sa mag-ama...Lalo na kay Gracie. She needs a mom."




"Maybe God has a plan for them, Apol. Hayaan mo na lang mag-unfold ang plan ni God sa kanila."




"Sige na nga sister Rach." Napairap naman ako sa sinabi ni Apol. "Ay, Rach nasa akin si Milky. Binigay sa akin ni kuya at pinapabalik sa'yo. Makakapunta ka ba sa bahay ngayon?"



"O sige...sige, after ng pagpirma ko ng kontrata sa bagong work dadaan ako." Mas nakahinga ako ng malalim. Akala ko ay kung saan na lang nila pinatapon si Milky. Nakakaawa ang tuta kapag nagkataon. Buti na lang.



...

First day ko sa trabaho at inayos ko ang postura ko. Humiram ako ng disenteng dress sa kapatid ko dahil wala akong dress. Iyon kasi ang dress code sa gallery nakabestida ang babae.


Tumuloy ako sa opisina. Sa ilang beses ko na pagpunta sa art gallery ay wala pa akong nakikita art na kung ano. Lagi kasi akong deretso sa fourth floor kung saan nandoon ang opisina.



"Hi! Good Morning! Ako nga po pala si Rachel Castillo, first day ko po ngayon." Bungad ko sa magandang receptionist ng opisina. Ngumiti siya sa akin.




"This way, Rachel. Gusto kang makausap ni Sir Aaron." Tumango ako at sumunod sa magandang receptionist. Hindi ganoon kalaki ang opisina. Sa pangatlong beses na pagdalaw ko rito ay nalaman ko na may apat na kwarto ito na gawa sa salamin. Meroon lang blinds na nakalagay para hindi makita ang loob at medyo tinted ang salamin. Isang kwarto ay sa HR at Accounts at ang isa sa tatlo siguro ang opisina ni Mr. Aaron. Hindi ko lang alam ang dalawang umookupa ng dalawang kwarto.



"Please come in." Narinig ko mula sa awang ng pintuan na kinatok at sinilip ng receptionist. Ngumiti ulit ito sa akin.



"Pasok na. Goodluck." Hindi naman ako negative pero para bang may halong banta ang pagkakasabi sa akin ng receptionist. Bakit kaya? Ang alam ko si Mr. Aaron ang manager ng art gallery. Hindi ko pa siya namimeet sa makailang beses na pagpunta ko rito.




Tumuloy na ako sa kwarto at medyo madilim ito. Tumingin ako sa may mesa at wala doon si Mr. Aaron.




"Hi! Rachel right?" Napalingon ako sa kung nasaan ang boses at nakita ko siyang nakatayo habang nakadungaw sa may bintanang salamin din ng kwarto. Nakatalikod ito at nakajeans ngunit meroon itong itim na coat. Mula sa likod ay alam ko na ang style ng buhok nito. Mohawk. Hindi ko inakala na bata pa pala si Mr. Aaron.





"Yes, Sir, Rachel Castillo po." Humarap sa akin si Mr. Aaron at ngumiti. Malaki ang bilugan mga mata nito na slanted ang dulo at ang pula-pula ng labi niya. Guwapo pero not my type. Mukha siyang isang korean na bida sa koreanovela na paboritong pinapanuod ni ate.




"Aaron, Aaron Robles." Lumapit ito sa akin at nakipagkamay. "Pasensiya na kung medyo madilim takot kasi ako sa liwanag. May sakit kasi akong vampirism."




"Vampirism?" Odd. Hindi ko pa iyon narinig.



"Oo...minsan din umiinom ako ng dugo ng tao."




Nakatitig lang ako kay Mr. Aaron. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Nakatingin lang ito sa akin na tila ginagauge ang maari kong gawin. Pinagtitripan ba ako nito? Kaya ba ganoon na lang ang receptionist kanina?




"So ang una ko po bang trabaho ihanap kayo ng taong iinuman niyo ng dugo o pumunta sa ospital at bumili ng dugo?" Ngumiti lang ako sa kanya pero nagseryoso ito ng tingin sa akin. Teka, seryoso ba talaga siya sa sinabi niya na disorder niya?




Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kanya. Maya-maya ay tumawa ito matapos ay binuksan niya ang ilaw habang tawa ng tawa papunta sa mesa niya.




"Nakakatuwa ka naman Rachel. Please have a seat." Naupo na ako sa may mesa niya at hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari. "Hindi ka man lang natakot?  You must be something." Nagsalamin pa ito ng pang-nerd at mukhang bagay naman ito sa kanya. Attractive na nerd.



"Hindi naman po. Insured naman po ako sa kumpanya na ito base sa kontratang pinirmahan ko so kung anuman ang mangyari sigurado akong may makukuha ang ate ko." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin at tumango.



"I like that in you. Very practical. Anyway, to give you an overview of your work---you are going to work closely with me. Meaning, laging tayong magkasama,  magkausap at kahit na anupaman yan magkasama tayo. Is that okay with you?"




"Yes, Mr. Aaron I don't see any problem with that. I'll do my best to catch up."




"Teka, ganoon lang iyon?" Nakatingin lang sa akin si Mr. Aaron na parang takang-taka. Hindi ko maintindihan ang itsura niya.




"Ang alin pong ganun?"




"Wala ka man lang objections? Teka base sa interview mo wala kang boyfriend 'di ba?"




"O-opo." Hindi ko makuha ang kaugnayan ng sinasabi niya.




"So...wala ka man lang qualms to work with me? I mean, hindi ka man lang ba hindi magiging uncomfortable na makatrabaho ako?" Napapaisip ako sa weirdong manager ko.




"Wala naman po. You seem like a nice person Mr. Aaron and I think you are easy to work with." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.




"C'mon, Rachel... I am this good-looking and yet you won't feel uncomfortable or intimidated in some way?" Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Mr. Aaron.



"Sorry Mr. Aaron but no, you are my boss and as much as possible I want to build rapport with you. And I know and I can see that you are really good looking sir and that is your asset but I don't really get intimadated by good looking men. I'm sorry if that statement offended you." Tiningnan lang ako nito at tumango-tango.




"Wala man lang intimidation kahit konti? C'mon! My ego is badly wounded you know." Natawa na ako ng tuluyan.




"I don't want to lie to you sir just to please you. I don't want to build our relationship in a lie. You are indeed handsome, Sir that is really true but I am not intimidated, sorry."




"Hay...ikaw lang ata ang babae na hindi tatalab ang charms ko. Buti na lang at tama ang pagpili ng HR sa'yo." Natawa na talaga ako. "Maiba tayo, anong gusto mo sa lalake kung ayaw mo ng kasing gwapo ko?" Too much confidence talaga meroon ang boss ko pero hindi ako offended ng confidence niya. More of natutuwa ako sa pagiging kampante niya sa sarili.




"Hindi ko naman po sinabi na ayoko sa gwapo...sino po bang may ayaw nu'n pero mas pipiliin ko na po ang karaniwan itsura na mabait kesa naman po gwapo pero masama ang ugali." Para naman may naalala ako sa sinambit ko.




Tumango-tango lang ulit ito at tiningnan akong mabuti. Bakit naman naging personal ang pag-uusap namin na dapat ay overview ng trabaho ko?




"Well...ayoko ng pilitin ka kaya halika na. I will give you a tour of this building and how your day will start and finish."




...

Naglakad kami mula sa first floor hanggang sa third floor ng building. Ang first floor ay meroon lobby area at ang receptionist na bumati sa akin kanina ay doon nakaduty pagpatak ng alas-diyes ng umaga.



Pumasok kami sa isang malaking hall at doon nakadisplay ang iba't ibang art pieces. May mga paintings, sculpture, mosaic at iba't iba pang art. Nakahalera sila sa category na meroon sila at may descriptions kung ano ang title ng likha at kung anong method or medium ang ginamit para sa paggawa ng art pieces. Sabi ni Mr. Aaron na tawagin ko na lang daw na Aaron ang nasa first floor ay mga baguhan artist na sumubok magmainstream ng gawa nila. Tinutulungan ng art gallery na mapush o makilala ang mga baguhang artist sa kani-kanilang kategorya. Maraming sinabing paraan si Aaron gaya ng pagpost sa website ng gawa nila, pagconduct ng site show/exhibit at ang pag-imbita ng press para masulat at macover ang gawa ng mga bagong artist. At iyon ang gagawin ko. Kailangan namin makipagcoordinate sa iba't ibang organization at events para mapakilala namin ang mga baguhang artist. Tulungan daw kami ni Aaron.



Sa pangalawang palapag naman ay iba't ibang hall kung saan ginagawa ang events ng solo artist na ishoshowcase ang kanyang mga gawa. Malalaki ang mga hall pero bare lang ang kondisyon. Puti lang ang wall pati na ang ceiling. Sabi ni Aaron kapag may events ay kumukuha ng contractor para ayusin ang hall. Ang pagshoshowcase kasi ng gawa ng isang solo artist ay may mahabang duration. Pinakamahaba na raw ang three months kung talagang maganda ang review at pumatok sa mga buyer ang mga gawa nila. Pinapaarkila din raw ang mga hall sa ibang functions pero mas pinipili nila ang art related exhibits kesa ibang events.



Ang pangatlong palapag naman ay nakakandado pero binuksan iyon ni Aaron para ipakita sa akin ang mga artwork ng mga tanyag na artist. Iyon daw kasi ang prized-possession ng gallery at sa iilang elite na buyer lamang pinapakita ang mga artwork. Pinakita sa akin ni Aaron ang mga gawa ni Amorsolo, Kiukok, Abad, Gorospe, Joya at Garcia.  Wala akong kilala sa kanila maliban kay Amorsolo pero hanga naman ako sa mga gawa ng mga magagaling na pintor na ito. Puro paintings kasi ang nasa third floor hindi kagaya ng first floor na haluan ang kategorya.




"Maiwan muna kita. I need to answer this call. Tumingin-tingin ka muna at humanga sa mga paintings ng mga magagaling na pintor. Balikan kita." Tumango ako.




Pinagmasdan ko ng malapitan ang mga pinta. Pansin ko na iba-iba ang klase ng istilo, tema at tono ng kulay ng mga paintings. Ang bawat painter ay may malaking kaibahan sa isa't isa.




Inisa-isa ko ang bawat painting hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. Ang nakatawag sa akin ng pansin ay ang painting ni Garcia. Tinitigan ko ang pinakamalaking painting niya. Parang bukirin ng bulaklak ang background at sa pinakagitna ay may babaeng nakalingon na akala mo ay tinatawag. Nakangiti ito, habang ang buhok nito ay tinatangay ng hangin pero bukod doon lutang ang ganda ng babae. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko ang ibig sabihin ng tingin ng magandang babae iyon. Inlove siya. Iyon ang pakiramdam ko sa pagtingin ko sa kanya. She was so much inlove. Nakakatuwa at iyon ang vibe na binibigay sa akin ng painting. Mukhang nakakaappreciate na ata ako ng art. Napangiti na lang ako.



Tiningnan ko ang description ng painting at hindi ko inaasahan ang nakalagay rito. 'Her annoying smile.' What is annoying with her smile? Ang ganda ng babae sa painting at ang ganda ng pagngiti niya. Hindi ko lubos maisip na may maiinis sa ganoong kagandang pagngiti. Halatang-halata pa nga na inlove ang babae. Kaagad kong tiningnan ang buong pangalan ng pintor para maresearch ko ito dahil naintriga ako sa description ng painting.




"Jacob Garcia." Pamilyar ang pangalan niya. Parang narinig ko na minsan ang pangalan niya kung saan hindi ko matandaan. Pero pamilyar mukhang kilala ang pangalan niya.





"Oh so you are hypnotized by that bastard's work?" Napalingon naman ako ng marinig ko si Aaron. Nakangiti ito sa akin.




"Hindi naman hypnotized more of intrigue. Sino siya? Parang pamilyar ang pangalan niya."




"They say he is a genius...a prodigy! For me he is a bastard who just got lucky." Natawa ako sa sinabi ni Aaron. May galit ba siya sa pintor?





"Me-may galit ka ba kay Jacob Garcia, Aaron?" Tumawa lang si Aaron.





"Wala naman. Napakaswerte lang talaga iyan hinayupak na 'yan." Tatawa-tawa pa si Aaron. Hindi ko alam kung galit ba siya o talagang natutuwa siya.





"Ah...kilala mo siya personally?" Tinaasan ako ng kilay ni Aaron.





"Lahat naman ng mag artist dito Rachel kilala ko. Ako nagpapalakad ng art gallery na 'to." Kinindatan pa ako nito. Tumango na lang ako. "Bakit mo naman natanong? Interesado ka sa kanya?" Nakangiti ngunit nakataas ang kilay ni Aaron sa akin.





"Bukod sa maganda kasi ang painting niya...pakiramdam ko nararamdaman ko rin ang nararamdaman ng babae sa pininta niya. May ganoon epekto sa akin. Ang weird lang. Pasensiya ka na ang weirdo ko." Tumawa na lang ako. Mukhang hindi maganda ang sinabi ko sa manager ko.





"Talaga? Ano naman palagay mo ang nararamdaman ng babae at naramdaman mo rin?" Natigilan ako sa sinabi ni Aaron. Nakatingin lang ito sa akin at seryoso ito.





"Ano...ahm...palagay ko inlove iyon babae. Para bang nakatingin siya sa lalake kung sa lalake nga siya nakatingin at halata sa mga mata niya at ngiti niya na inlove siya sa tinitingnan niya."





"Inlove?" Hinawakan pa ni Aaron ang baba niya at tiningnan ang description ng painting. "Nakita mo ba ang title? 'Her annoying smile.' Parang hindi naman ganon ang gustong ipahiwatig ni Jacob." Ngumiti sa akin si Aaron.





"Kaya nga naintriga ako sa title. Her annoying smile...pwedeng he was annoyed by her loving smile because he can't help but fall for her? Wala lang, Aaron. First time ko lang sa art gallery na ito kaya kung anu-ano ang sinasabi ko. Hindi kasi ako marunong mag-appreciate." Nakangiti lang sa akin si Aaron and I find it weird again. Gaya ng pagngiti niya noon about sa pagiging bampira niya at sinagot ko siya. Weird.




"Maybe...Rachel...maybe." Ngiting-ngiti pa ito aa akin. "Let's go back to the office. We have a lot of work to do. So one last look to Jacob's work." Tumango ako tiningnan muli ang gawa ni Jacob Garcia. Tinitigan ko ang magandang mukha ng babae sa painting. She is really beautiful and her smile is lovely. I wonder kung sino ang inspirasyon ni Jacob Garcia dito. Isa ba ito sa babaeng minahal niya?





"Rachel, let's go." Nagmadali na ako ng lakad.




Jacob Garcia...his name seems familiar. Jacob Garcia...Hindi siya mawala sa isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.9K 453 31
Maya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya...
112K 796 7
Si Raine, ang dalagang walang alaala sa kanyang madilim na nakaraan at ang tanging pangarap lang ay magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Subalit...
4.5K 232 11
"Little things would turn out to be the best things with the one you love." Dear Diary, Once upon a time, I became a stupid bitch for almost ruining...