When You Smile (Engineering S...

eraeyxxi által

74.3K 2.5K 458

Trust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasak... Több

When You Smile
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Epilogue

Chapter Thirty Five

1.9K 69 24
eraeyxxi által

Chapter 35


Bigla akong nakaramdam ng galit at inis sa kanya ng mga panahong iyon. Kung p'wede lang lumipad o magteleport sa Manila gagawin ko na. Paanong... akala ko ba... tangina naman oh! Napasabunot ako sa buhok ko habang mabilis na tinatapos ang trabaho. Hindi ko p'wedeng iwan ito eh. Tangina naman oh.


Kinabukasan naging abala ulit ako sa trabaho pero tatapusin ko ang trabaho agad-agad at pupunta na akong Manila mamayang hapon o gabi. Kakaladkarin ko si Casper pauwi rito sa Pangasinan. Babasagin ko mukha ng lalaking iyon!


Bakit ko gagawin iyon? Damn it, King! Wala na kayo!


Umuwi ako sa bahay para kumuha ng mga damit. Kagagaling ko lang sa trabaho kaya nakapambihis pang-trabaho pa rin ako. Nadatnan ko sa bahay ang pamilya ni Kai. Baka miss na ulit ni Mama si Key kaya pinapunta niya sila Kai rito.


Kai is in the kitchen counter while his wife and his son is in the living area. Binabantayan ni Zarah ang anak nila habang naglalaro ito ng niregalo kong Lego toys bricks.


Kai glanced at me. He smirked because of my look. I know I am look like a mess right now. Tumingin din sa akin si Zarah at nginitian ako.


"Nandito na si Tito Pogi..." sabi ni Zarah sa anak pero hindi ako pinansin ni Key at patuloy lang sa paglalaro. Walang pakialam sa akin. Putangina manang-mana sa Tatay.


Umakyat ako kaagad sa kuwarto ko at naghanap ng libro. Hindi na ako naligo, kumuha na ako ng mga damit ko. I will stay there with her. Hindi ako aalis doon hangga't hindi ko siya nakakausap.


Bumaba ako at inilagay na sa mga kotse ang gamit. Pumasok muli ako sa bahay para ibigay sa anak ni Kai ang isang libro. Tingnan natin ang galing mo, boy. Sakto, hindi na siya naglalaro. Nagdo-drawing at nagsusulat na siya ng kung anu-ano sa maliit na white board.


"Hi, big boy! You want book?" mahilig 'to sa libro eh. Sige nga, tingnan natin galing mo, boy. Aralin mo 'yan.


He nodded innocently. Inilapag ko sa harap ni Key ang makapal na libro ko noong college pa ako. Integral Calculus book.


Lumabas si Mommy sa kuwarto niya at nakita ang librong hawak-hawak ni Key. Mommy acted exaggeratedly nang makitang pang-kolehiyo ang librong binigay ko kay Key.


"Oh my gracious God, King!" si Mama. Tumayo na ako at akmang aalis nang sundan ako ng tingin ni Mama.


"May pupuntahan ka?" si Mama nang makabawi ito. Tumango ako.


"Punta akong Manila, Ma." Nag-iwas ako ng tingin. Nagtagal ang tingin sa akin ni Mama. Alam kong alam niya kung ano at sino ang pupuntahan ko roon. It's been five years... Oo nakikita ko siya tuwing umuuwi siya ng Pangasinan peor hindi ko siya nilalapitan. I respect her decision.


Mommy cupped my face and then slowly he caressed my hair. She smiled at me and then he kissed me in the cheek.


"Mag-ingat ka kung ganoon. Matatagalan ka ba doon?" tanong niya. Oo.


"Tingnan ko po, Ma."


Hinatid muna ako ni Mama sa kotse ko. I kissed her one more time before I can go inside my car.


"Magkaka-apo na ba ako ulit?" she teased. I smirked.


"Let's see, Mama." May boyfriend na nga ata eh.



Thirdy Vallejo:

Nasa bistro naman siya ngayon. Kasama niya ulit iyong lalaki kagabi.


Huminga ako nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Baka maibunggo pa ako rito. Mas humigpit ang hawak ko sa manibela. I told him that I will go to Manila tonight. Sinabi rin niya sa akin kung saang bistro ngayon si Casper.


I am glad that she's doing things out of her box. Hindi ko lang matanggap na... putangina!


Ilang saglit pa tumawag si Thirdy.


"Ano?" singhal ko sa kanya.


"Nasaan ka na, boy?" he chuckled.


"Malapit na."


"Biro lang, pre, wala siyang kasamang lalaki pero nasa bistro siya," tumawa si Thirdy.


Putangina, demonyo!


Pero hindi pa rin ako kumalma. Noong mga panahon na nalaman kong nagba-bar siya, hindi na ako makakalma, pero malaki ang tiwala ko sa kanya. Kaya hindi ko alam bakit na galit na galit ako ngayon. Tangina kasi ng gagong Thirdy na 'yan.


She was shocked when she saw me. All my irritation and frustration to her was all washed up the moment I saw her face. She changed a lot. Sa pananamit pa lang at kilos ang dami na nagbago sa kanya. At aminin ko takot na takot ako. Baka sa kasabay ng pagbabago niyang iyon, ay ang pagbabago rin ng tibok ng puso niya. Paano kung hindi na niya ako mahal? Paano kung may iba na siyang mahal? Paano kung nakalimutan na niya ako? Paano na ako?


All my worries and doubts were gone the moment I saw her smile. She smiled at me genuinely. Her smile assures me, her smile that I missed the most. Her smile that brings me to heaven and her smile that calms my heart.


Hindi na ako umalis pa sa Manila matapos ang paguusap namin. Si Mama at Papa muna ang bahala sa negosyo namin.


Aalis kami rito at magle-leave daw siya para ipaalam sa magulang namin na... ikakasal na kami.


This is not the proposal I planned to do. Pero wala eh, sabik na ako, hindi ko na kayang patagalin pa. Kung p'wede ngang ikasal na kami agad eh gagawin ko na kaso gusto ko ng magarbong kasal sa aming dalawa. I want everyone to know that I am marrying her.


Akala ko wala nang mas sasaya no'ng sinagot niya ako, pero ngayon, habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha kapag natutulog, punong-puno ang puso ko. My heart was filled with joy and happiness. Gusto ko ganito ang bawat araw at gabi ko. Kaya sisiguraduhin ko sa lalong madaling panahon na magiging akin na siya.


Umuwi kami ng Pangasinan para ipaalam sa mga magulang namin na kami na ulit at may balak na kaming magpakasal. But before that we attended my parent's wedding anniversary first. I gripped her hand when I saw his father. Agad ko siyang inilayo at pumasok sa loob ng bahay.


Hindi ko siya iniwan, saka lang ako umalis nang tawagin ako sa loob. Babalik din naman ako kaagad pero pagbalik ko wala na siya sa upuan niya. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya mahanap.


Namutla ako nang maalala ang nangyari noon. Damn... iniwan ko siya noon at pagbalik ko ganoon na ang nangyari. Simula rin ng gabing iyon nagkamalabuan kami at humantong na sa hiwalayan. I can't afford to happen that again. Not again.


I saw Celine walking towards me. She's fumingly mad.


"Anong ginagawa niya rito, King?"


"Where is she?" I asked back. I equaled her stares.


"I said what is she doing here?" she shouted. Mabuti na lang wala kami sa mga tao.


"I said where is she?!" I shouted. Celine was shocked. It was evident in her eyes; her eyes were about to pool when I passed her. Wala akong pakialam sa kanya. Damn it!


Hinanap ko siya hanggang sa makasalubong ko si Tito Chris. 


"She's in your garden," he said. Agad-agad akong pumunta roon at hinanap siya. Nakita ko siyang nakaupo at nakatingala sa kalangitan. Damn. Natatakot ako, baka umalis na naman ito. Baka iwan na naman niya ako. But I guess I belittled her...


Nakalimutan ko na mas matatag na pala siya ngayon, na hindi nangako siya sa akin na mas magiging matatag na siya sa susunod na makikita niya ang Papa niya.


I was expecting her to shout at me but she gave a smile instead. I am so proud of her... noon pa man. I was amazed how she can handle her emotions now. They talked... and she's already contented with that. The burden in her heart is now gone. The worries in me was now gone too. Now, I must say... everything's falling into right places between us.


Hindi ko na siya papakawalan pa.


"Umuwi raw dito si Cody, tara punta tayo sa bahay nila? Inuman? Nakaka-miss gago," si Thirdy. Umuwi siya rito sa Pangasinan dahil may kailangan siyang asikasuhin.


"Ang tagal ko nang hindi nakikita ang gagong iyon," he added.


"Busy."


"Tawagan mo sina Yuno at Zion," utos niya.


That night we go to Cody's place though we're incomplete. Zion is not here. I think he's busy.


"Kailan kasal niyo ni Casper?" Cody smirked.


"Next monthm" I said.


"Congratulations in advance, bro." he smiled. His smiles changed too... damn simula ata no'ng nakilala ko si Casper parang kaya ko na i-distinguish kung ano ang peke sa tunay na ngiti. I must say that Cody's smile is genuine. Alam ko rin kung bakit.


"Pupunta ba si Zion?" si Kai.


"I invited him and he said he will go."


"Pauwiin mo rin si Sam para mas masaya," halakhak ni Thirdy. Tanginang demonyo talaga 'to.


"Hindi pa iyon uuwi, next year na siguro iyon uuwi." o baka nga hindi na rin 'yon uuwi.


"Oh? Kumusta pala iyon? Tagal ko na hindi nakakausap si Sam kahit sa chat man lang sana."


"She deactivated all her social media accounts. Through telephone na lang kami nag-uusap minsan." That was true.


"Kasal na siya, 'di ba?"


I shrugged. Ata? Simula ng araw na iyon hindi ko na nakakausap si Sarah nang masinsinan. Puro kamustahan lang. It's like she's hiding something but then I realized maybe she already moved on. That she's just keeping things lowkey. Maybe next time we can hang out with us again like the usual. I miss them. I miss hanging out with them, like this.


"Invited ba ako sa kasal mo?" Thirdy joked. Babalik na ulit siya sa Manila.


"Hindi," mabilis kong sabi.


"Gago! Ang laki ng ambag ko sa relasyon niyong dalawa ha?" natatawa niyang sabi. He's right though. 


The next days became hectic days for us. Bumalik na rin si Casper sa Manila para sa kanyang trabaho. Gusto ko sana na dito na lang siya sa Pangasinan para makasama ko siya araw-araw kaso may trabaho siya. I was wondering kapag mag-asawa na kami magta-trabaho pa rin kaya siya? P'wede rin naman sanang hindi na, ako na lang ang magta-trabaho o 'di kaya siya na lang maghahandle ng business namin. Kaso ayoko naman diktahan ang buhay niya at ang mga gusto niya. Kung gusto niyang magtrabaho, susuportahan ko siya.


Umuuwi at sinusundo ko siya every weekends. Tapos na rin ang wedding photoshoot namin. Lahat nakaplano na rin. Iyong kasal na lang talaga.



Casper:

Babe, pababa na.



Friday at ito sinusundo ko siya ulit. Uuwi na kami ng Pangasinan para sa kasal namin. Our wedding will be on next Saturday already. Hindi na ako makapaghintay. Hindi na rin ako makapaghintay sa surpresa ko sa kanya.


I smirked. I am really that in love with her huh. Ilang saglit pa nakita ko siyang palabas ng building. She's wearing a formal dress. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad habang ako ay lumabas ng kotse para salubungin siya.


She automatically smiled when she saw me. Ang ganda talaga. I gave her a peck in the lips. She blushed. 


Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan ko, kinuha ko sa likod ang isang bouquet ng bulaklak. There, I saw her smiles again. Damn... hindi talaga ako nagsasawa sa mga ngiti niya. Ang saya-saya ko kapag nakikita ko mga ngiti niya. Buong-buo ang araw ko.


"You're so full of surprises!" she giggled. Tumawa ako at binigyan ulit siya ng isang halik. Our kisses were passionate. Tahimik sa loob ng sasakyan ko kaya tanging mga halikan lang namin ang naririnig naming dalawa.


Her hands traveled on my cheeks. Nagsitindigan ang balahibo ko dahil sa simpleng paghawak niya sa akin. Ganyan ang epekto sa akin ni Casper. My hands traveled on her nape too, deepening our kisses. Damn, I might die.


We stopped for us to breathe. She chuckled after that but our distance remained. Magkalapat ang noo namin habang ang labi ko ay nakaawang. She closed her eyes and pursed her lips. More likely she's controlling herself to smile.


"I have a surprise too," she whispered.


Hindi ako nagsalita, masyadong namamangha sa halikan naming dalawa. Lumayo siya at may kinuha sa kanyang bag. Pinapanood ko lang siya sa kung anong ginagawa niya. Nilabas niya ang isang papel.


My brows furrowed. She smiled.


"Open it," she said.


Kinuha ko mula sa kamay niya ang papel at binuksan. Nagtagal ang titig ko doon pagkabasa ko rito. What the? I looked at her.


"Resignation Form?"


"Hmm..." she nodded. Pirmado na rin ng boss niya, ibig sabihin...


Laglag panga kong binalik ang tingin sa kanya.


"You know I've already told you that I am already contented with my life. My heart was already full and filled with joy and happiness and that is very genuine. Wala naman na akong ibang pangarap pa bukod sa..." she paused, she pursed her lips more. "...bukod sa makasama ka at magkaroon ng pamilya."


"So I've decided to resign and para na rin makapag-focus ako sa... pagpapamilya."


Damn! 


"Naisip ko rin na kung gusto ko pang magtrabaho, p'wede namang iyong kasama kita at iyong mga magiging anak natin." she chuckled. "I want to be with you of course! Besides, nandoon din si Mama sa Pangasinan at malapit na iyong kasal natin. Kaya ayan..."


Hindi pa rin ako nagsalita, namamangha sa nangyayari, namamangha sa mga nagiging desisyon niya. I bit my lip to suppress my feeling. Sigurado na talaga ako sa kanya. Araw-araw ay punong-puno ng kasiguraduhan. Ang sarap magmahal kapag alam mong sigurado ka na.


"I can't wait for next week, King." me too, babe.


"Noon sabay nating inaabot ang mga pangarap natin na pansarili lang, ngayon sabay din ulit nating abutin ang pangarap nating dalawa at sa magiging pamilya natin. Mahal na mahal kita."


~~

:>

Olvasás folytatása

You'll Also Like

931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5M 29.8K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...