Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 18

79 4 0
By anchoraigee

Na-guilty ako. Hindi ko naman alam na ganoon na pala ang kanyang nararamdaman sa akin.

Now that I've heard his rants, his confession, nothing changed. Wala akong naramdamang kahit na anong galit o pagpaplanong huwag siyang kausapin pagkatapos marinig ang kanyang mga sinabi.

Umusog ako ng kaunti sa kanya. Our skin touched. Muntik pa niyang mailayo sa akin ang braso nang sandaling lumapat ang balat ko sa kanya.

His hands are trembling. Panay din ang pagkamot niya sa kanyang ilong bawat segundo. Naiilang sa akin ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang dami mong panahon tapos hindi ka man lang nagkaroon ng tapang na umamin sa akin?" tanong ko pa ulit.

"Tss. Akala mo naman, madali? Hirap kayang umamin kasi hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman mo."

"So takot kang baka hindi rin kita gusto? Kailan ka pa naging duwag?"

Mula sa hindi mapakaling itsura ay nauwi sa tila nanghihina na. Hindi niya pinilit ang sariling lingunin ako at nakuntento na lang na nakatingin ang mga mata sa kalangitan.

For me, he is not that kind of guy that has any potential of getting scared. Lagi naman kasi itong matapang tapos parang walang kinatatakutan pagdating sa akin.

I once doubted him about having feelings for me. Hindi ako nagpadala sa naging hinala ko dahil kahit minsan, hindi ko napansin na may pagtingin pala siya sa akin.

Ngayong alam ko na, wala namang dahilan para umiwas ako sa kanya. Dala na rin siguro sa pagkakaroon ko ng boyfriend, mas pinili na lang niyang tumahimik kaysa aminin ang nararamdaman.

"Sa nararamdaman ko lang naman ako nagiging duwag. Iba ang napaparamdam mo sa akin, eh," sagot niya. Napangiti ito ng bahagya.

Si Jacob iyong tao na kahit mukhang kinakabahan, nagmumukhang parang inosente pa rin ang mukha. Hindi nakakasawang titigan tapos parang hindi mo na maialis sa kanya iyong mga tingin mo.

"Bakit? Ano bang napaparamdam ko sa'yo?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Magtatanong ba ako kung hindi?" pagtataray ko sa kanya.

Natawa siya roon saka tila nag-isip pa ng pwedeng isagot sa akin. Iyong daliri niya ay nasa kanyang baba, hinihimas at mukhang marami-rami ang mga ideyang nasa isipan. Tapos ay napapahiyang napayuko at naabutan na naman ng matinding hiya.

"Tangina. Nakakahiya naman, Phoebe. Sinakto mo talaga kung saan solong-solo mo ako. 'Di tuloy ako makapag-isip ng maayos," he whined and then frowned a bit.

I smirked and then pinched his cheek. Napaaray siya sa ginawa ko at nakabusangot na naman ngayon.

"Gago. Nakikinig na nga ako, 'di ba?"

"Eh kasi naman..."

"Eh kasi ano? Matanda ka na! Hindi ka na bata para maging duwag," singhal ko. He scratched his head continuously.

"Eh kasi kinikilig ako. Bwisit naman. Umaamin ako rito tapos nakikisawsaw ka naman, eh! Ngayon na nga lang ang tamang oras tapos..."

I arched my brow. Mahina kong binatukan ito tapos sadyang nakinig na lang sa kanyang naging hinaing.

"Baka nakakalimutan mong biro ko lang iyong naging tanong ko kanina? Umamin ka naman bigla, eh sadyang hinuhuli lang kitang gago ka."

And he got a chance to finally face me. Nanatili lang sa kanya ang mga titig ko tapos nang mapansin na nanlalalim iyon ay napatingin ito sa itaas ulit.

"You know that I don't always make anything as a joke. Kung biro iyong mga naging tanong mo sa akin, pwes, iyong mga sagot ko ay pawang katotohanan lang. Final na 'yon."

I nodded my head. Pinilit kong tumingin siya sa akin ng diretso sa pamamagitan ng paghila ng kanyang mukha palapit sa akin. Nagmatigas pa ito kaya inabot ng ilang segundo bago ko tuluyang napaharap siya ng tuluyan sa akin.

"So, is this the end of our friendship?" I teased him. Seryoso iyong mukha ko habang siya ay parang nabagsakan kaagad ng langit at lupa ang itsura.

Nanamlay iyon at mukhang nanghina na lang bigla. I felt the sudden sadness inside him.

Grabe. Alam kong mapagbiro itong lalaking ito pero hindi ko naman alam na naniniwala na kaagad sa nagiging biro ko.

"Kahit anong pilit mong tapusin, nandirito pa rin naman ako, handang maging laging nandyan sa tabi mo. If that's what you want—"

"Hoy. Joke lang. Ito naman, hindi ka na mabiro?" I grinned at that. Hinayaan kong dumako sa akin ang kanyang mga titig.

Kahit kailan, hindi naman naging ganito ang kanyang pagtitig sa akin. Hindi ganito ang uri na parang ako lang iyong nag-iisang babae sa kanyang paningin.

Ganito ba siya kung ma-in love sa akin? Ganito ba kapag mahal niya ako?

"Even if you'll end our friendship, hindi magiging dahilan iyon upang hindi ko tuparin ang naging bilin ni Tito sa akin. Gusto kitang alagaan kaya kahit hindi naman na tayo magkaibigan, lagi naman akong handa para sa'yo."

"Kaya pala hindi mo masabi-sabi sa akin kung sino ang gusto mo, tapos ako lang pala? Hanep, ah?"

He shyly smiled and then pulled me for a hug. Hindi ako pumalag dahil ayokong maramdaman niyang nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. Ayoko rin naman kasing maging awkward siya pagkatapos nung naging confession niya.

As long as he's breathing and alive, he'll be my best friend. I can grow my feelings for him. Sa ngayon, makukuntento na lang muna sa kung anong mayroon kaming dalawa.

"Can we stay like this for a while? Kahit ngayong gabi lang muna, mayakap lang kita." Hindi ako sumagot. Mas lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin.

I can feel the warmth and his sincerity. Hindi naman ako maarte. And as his friend, I don't have rights to not let him do what he wants. Basta kung saan siya komportable, hahayaan kong gawin niya.

We both saw ourselves grew. Mula high school hanggang sa ngayong papatapos na kami, naging saksi kami ng isa't isa kung paano naging ganap na tuluyan.

He witnessed some of my failures, even saw my weaknesses and knew what I fear the most. Ganoon din ako sa kanya pero ang kaibahan nga lang, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siyang iniiyakan ang isang babae. Not once. Kung mayroon man, siguro ay patago niyang ginagawa.

I wanted us both to grow old being together. Ayokong mawalay o mawala siya sa buhay ko. That would be one of the biggest nightmare in my life. Gusto kong mauna sa kanya kung sakali kasi pagdating sa mga ganoong bagay, sadyang napakahina ko.

Hindi ako makakaluwas sa isang bagay na nagdala sa akin ng matinding kalungkutan kapag wala siya. He's the one who's making me comfortable. I can't think the possible happenings if he'll go first.

Madudurog ako ng tuluyan kapag nangyari iyon. He's part of my life. At bilang parte ng buhay ko, isa siyang malaking kawalan sa akin.

Kahit minsan na hindi ko nagugustuhan ang kanyang mga nagiging kilos, I admit, if the time comes, I'll be finding it again and again. Hindi na mawawala sa akin ang tila pagka-miss sa kanyang mga magiging banat sakali.

Days passed, he became the real Jacob. Walang halong pagtatago at tila nakuntento na sa naging pag-amin sa akin. My cousins eyed him suspiciously one morning while having a coffee. Halos lima silang nakahilera sa isang mesa at nagtitinginan na animo'y tinutukso si Jacob.

"I confessed already. Stop eyeing me. Hindi niyo na ako maaasar," sambit niya na dinig na dinig ko pa.

Naglikha ng ingay iyon. Napasigaw ang mga pinsan ko at halos hindi magkamayaw sa naging sagot sa kanila ni Jake. I shook my head and then never listened to them.

Habang patagal ng patagal ang araw, pansin kong medyo naging confident na masyado ito. He's always here in our house to help us. Narito palagi at minsan kong nakikitang naglilinis ng bahay kahit na hindi ko naman inuutusan.

He's also washing the dishes. Nakailang suway na ako sa kanya na huwag dahil narito naman ang mga pinsan ko para gumawa niyon pero hindi nagpatinag.

As usual, parang nakatyamba naman ang mga pinsan ko dahil inaabuso iyong pagmamagandang loob ni Jake. Masyadong malaking bagay na sa akin iyong mga trabahong kanyang ginagawa rito sa bahay kahit na hindi naman na dapat niya ginagawa.

For him, it's his way to show what he can really do. Hindi na ako nakapigil pa sa kanya.

Hanggang sa mailibing na si Papa ay pinanindigan nitong naroon na yata halos araw-araw sa tabi ko. He was there when I mourned and witnessed my father being buried. Naroon siya sa lahat kung saan kinakailangan ko siya ng lubusan. And he's like the friend that everyone could wish for. Nasa kanya lahat ang katangiang hahanapin mo sa isang kaibigan.

"Are we expecting a future wedding to both of you? Magiging ninong ba kami ng mga anak ninyo sakali?" We're staying at the balcony together with my cousins. Katatapos lang naming gumawa ng pwedeng gawin sa bahay bago naisipang magpahinga rito.

And as usual, Jacob's here again. Ang mga bwisit na 'to. Kaya pala mukhang ang lakas ng loob na tahimik na mang-asar sa amin iyon pala, alam nang may gusto sa akin si Jacob. And they supported him! Talagang botong-boto ang mga ito sa kanya.

They just got the news of that. Nalamang nagtapat na ng tuluyan sa akin si Jake kaya ngayon, ang dami nang plano kahit na ako nga mismo ay hindi na makayanan ang kanilang mga imahinasyon.

"Shut up. Binibigyang ideya niyo lang si Jake kahit na wala namang plano," saad ko. I eyed Jacob with my curious look. Nang dumako ang mga tingin ko sa kanya ay naroon ang bahid ng kasiyahan sa kanyang mga mata.

His brows moved up and down. Nakangisi at tila nagugustuhan ang ideyang narinig mula sa mga pinsan ko.

"Kita mo na. Walang hiya talaga 'to. Iba ang tinginan! Samantalang noong torpe, panay kaba at takot ang nararamdaman. Pakyu boi!" Chance raised his middle finger at him. Napailing ako saka hindi na ibinaling ang aking tingin pa sa kanya ulit.

Jha's smiling. Saktong pagharap ko sa kanya ay malapad ang kanyang nagiging ngiti.

I shook my head because after what had happened, their smiles comforted me. Kahit na alam naman nila kung anong napagdaanan ko, isa iyong kanilang mga ngiti na minsang nagpagaan din naman ng loob ko.

Aaminin kong kahit na minsang alam nila na may kaunting pagkamataray ako, iniinda lang nila kasi ganoon nila ako kamahal bilang pinsan nila. We have lots of differences but that differences cannot set us apart. The bond that we have cannot be replaced by something.

Na kahit sa kabila ng lahat, kahit na ano man ang mangyari, sigurado akong palagi silang nasa likuran ko na handang makiramay sa akin.

"Bagay kayo. Only if you're allowed to have a relationship with him. Hindi ba, kayo pa rin ni Alonzo?" I halted. Hindi pa nga pala nila alam ang tungkol sa amin. Only Jacob has the idea. Paano ba naman kasi, nilamon na ako ng kalungkutan, dagdagan pa ng ayokong makaistorbo sa kanila tapos ako na lang ang iisipin ng tuluyan.

"We're done. He's now studying abroad. We broke up when my father died," tugon ko sa kanila. They awed upon hearing that. Bakas na kaagad sa kanilang mga mukha ang pagtataka at tila panghihinayang na rin.

I smiled a bit to assure them. Gustuhin ko mang umiyak, wala nang magagawa pa iyon kasi kahit ilang balde naman ang iiyak ko, wala nang pag-asa pa para bumalik ng tuluyan si Alonzo.

I respect his decision. Ayoko nang makaistorbo pa. It's his father's want for him. Sino ba naman siya para hindi sundin ang kanyang magulang?

"Edi mas maganda tyempo ni Jacob niyan. Boto kami sa inyong dalawa!" Bryan suggested. Agad siyang binatukan ni Jacob na ikinaaray niya.

Napairap ako ng bahagya.

"Tigil ka nga. Hindi yata pamilyar sa'yo ang salitang hiya," suway sa kanya ni Jake. He mumbled something which I didn't understand.

"Paayaw-ayaw ka pa. Gusto mo naman yata, eh."

Inignora ko iyon saka napalaghok sa tubig na nasa harapan ko. Sam's smirked gave so much feeling of having a bit of nervousness inside me. Ramdam na ramdam ko ang buong suporta nilang lima sa aming dalawa ni Jacob kahit na pareho kami mismong hindi pa naman siniseryoso ang bagay na kanilang gusto.

Jacob likes me and I still see him as my friend. Kung tutuusin, maswerte siya kasi hindi ako iyong tulad ng iba na pagkatapos umamin, hindi na kaagad nagkausap. As much as I want, I like to see how he do his actions whenever I'm around. Lalo na ngayong alam ko na nga iyong nararamdaman niya sa akin.

"Stop it. Kayo na nga muna maghatid kina lola mamaya. Hindi naman siguro kayo busy?" I diverted the topic away. Kaagad silang nagsitanguan saka pumayag sa naging gusto ko.

Bukod sa maglilinis ng bahay mamaya, marami pa akong aasikasuhin. Isa pa, mukhang madalas silang magiging nandito. Hindi ko lang alam kung dito rin ba sila matutulog ng ilang gabi ulit.

Tumayo ako saka binitbit iyong basong napag-inuman. Jacob followed my move. Sinundan niya ako hanggang sa makarating sa pinto, hindi kalayuan sa pwesto ng mga pinsan ko.

Napatigil ako sa paglakad. My eyes diverted to him. Naningkit iyong mga mata ko saka tila ininspeksyon ang kanyang kinikilos.

Kaiser called him. Napatingin siya sa likuran.

"Oh? Ba't nakasunod ka? Saan ka pupunta?"

"Tsk. Mag-uusap kami," he answered. Naroon na kaagad iyong mapanuri nilang mga tingin sa aming dalawa.

"Anong pag-uusapan at bakit malayo sa amin? Ikaw Jacob, ha. Moves mo na ba iyan?"

He smirked at them. Habang ako naman ay tumalikod na saka naglakad na ulit.

"Gago, pag-uusapan namin iyong tungkol sa kasal. Bakit?"

My feet automatically halted. My jaw clenched upon hearing that. 

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
2.5K 228 54
Engr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how...
444K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.5K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...