Once in a Lifetime (Valdemora...

Von anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... Mehr

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 17

71 4 0
Von anchoraigee

Katulad ng kanilang nasabi, nanatili sila sa bahay upang tulungan kami. My grandparents also stayed. Maski si Jacob ay halos araw-araw naririto at minsan ay dito na rin nakakatulog.

Pinili kong maging komportable dahil sa ayokong magmukhang malungkot na lang palagi. I'm trying to smile though I can still feel the bit of sadness inside me. Habang si Mama ay sinusubukang makalimot na rin sa lungkot.

I joined their small talks. Naupo ako sa upuang pahaba habang nasa harap nila ang tower ng iced tea. Wala akong sinabing bawal silang uminom dito pero dahil bilang respeto na rin, ginusto nilang iyon na muna ang pagsaluhan.

Nasa tabi ko si Jacob na mataman lang ding nakikinig sa kanilang mga usapan. Sam nodded at me when he saw me. Naroon sina Tita sa loob at sinamahan si Mama.

"Okay, sige. Since nandito na lang din naman si Phoebe, why not make a promise?" Bryan interrupted them. Dinig kong tungkol sa kanilang mga kursong kinukuha ang kanilang pinag-uusapan.

I noticed how Kaiser shook his head and punched him without force. Tunog corny sa kanila iyon.

"Promise ka dyan. Ulol! Iyong pinangako mo nga sa girlfriend mo dati, hindi mo natupad. Kaya mag-isa ka na ngayon!" Chance teased him. May halong katotohanan iyon.

"Gago. Past is past. Nakalimutan ko na iyon. Hilig mong bumalik sa nakaraan. Pakyu." And he raised his middle finger and laughed hard. Nakisabay ang ilang mga pinsan ko sa kanilang asaran na pinagkakatuwaan sila.

"Ewan ko sa'yo," he said and then silenced everyone first. "So guys, heto. We'll make a promise to each other. Tungkol sa maaabot natin sa huli o iyong mga pangarap natin ba. Kung sino ang hindi makatupad sa huli, manlilibre kapag naging professional na tayo!"

"Buraot! Hindi na nga natupad tapos magpapalibre ka pa? Takaw mo, ah?" untag ni Sam. Bryan smirked at him.

"Bakit? Alam mo na bang hindi ka magtatagumpay? Sus. Alam ko na baho mo sa mga guro mo, tsong!"

"Tss. Takaw mo. Bahala ka nga dyan!" Sam's lip is in a thin line now.

"Sige, akong mauuna. Sa huli, magiging isa akong matagumpay na chef! Tandaan niyo 'to! Magiging mayaman ako!" Bryan shouted and stood up.

"Laki ng ambisyon mo tol. Aabot ka ba dyan?" Kaiser laughed at him. Nakikitawa na rin ako sa kanilang mga pinagsasabi.

"Tsk. Mukhang 'to, pagdududahan mo? Magiging successful ako men!"

"Sige sige, ako naman. Mula ngayon, pinapangako kong magiging attorney ako! I will protect those people who has no power to fight for the justice that they deserve. Ako ang makikipaglaban para sa kanila," Kaiser said. Ramdam ko roon ang sinseridad.

"Well, I'll be a pilot in the future," Chance added.

"Driver amp. Pero ayos 'yan tol. Eroplano naman sinasakyan mo," hirit pa ni Bryan na natatawa. Inismiran siya ni Chance.

"I can be the most successful businessman," Sam said.

"Me? Marine engineer," Jha answered with full of sureness in his voice.

Sa akin naman sila napatingin ngayon, hinihintay ang magiging sagot ko. They are not complete without me. Iyong napag-uusapan pa lang ang mga pangarap namin sa buhay ngayon ay nakakatuwang pakinggan. Iisang pamilya kaming nagpaplano ng mga maaabot namin sa huli.

"I'll be a successful pilot and a woman working on a cruise. Susundan ko ang yapak ni Papa tapos tutuparin ko iyong kursong kanyang pinangarap," nakangiti kong tugon sa kanila. I saw some proud faces from them. Kabilang na roon ang mukha ni Jacob na nangingiti sa akin.

They clapped their hands as if supporting me. Nakailang segundo ang tagal niyon bago itinuon naman ang pansin kay Jacob. Naroon na ang kanilang mga mata sa kanyang gawi na nasa tabi ko lang ngayon.

"Ikaw? What can you promise us?" Jha asked him.

He breathed deeply and then started thinking for a moment. Maski ang atensyon ko ay nasa kanya na rin ngayon.

Dati, sinabi niya sa akin na gusto niya ring maging piloto. Gusto niya raw samahan ako tapos sabay kaming magpapalipad ng eroplano.

Weird mang marinig mula sa kanya pero maayos na ideya iyon para sa akin. Even me wanted to be with him when we already reached our dreams.

Iyong kapwa kami nakasuot ng uniporme ng piloto, nakangiti habang hila-hila iyong maletang dala namin. I imagined that scenario and it really looks good. Iyong kaibigan mong laging nakasunod at suporta sa'yo.

His eyes went on me. He slightly scratched his nose and combed his hair a bit. Nakikita ko ang kakaunting butil ng pawis sa kanyang ilong.

"I can only promise that maybe years from now, you'll see me having my own family to the only person I wanna spend my life with. Tapos syempre, isang dakilang ama sa mga magiging anak ko. Iyon lang," he smiled and then diverted his eyes somewhere after saying that.

Doon naman nagtuksuan ang mga pinsan ko. Ginawa nilang katuwaan si Jacob ngayon.

"Sinasabi ko na nga ba! Tindi ng pangarap mo, ah? Ninong kami sakali! Ilista mo kaagad mga pangalan namin nang 'di na magkalimutan," hirit pa ni Sam.

"Tapos kapag Pasko, bibigyan ko iyong inaanak ko ng pera. Kapag lumaki-laki na, doon ko na ibubuhos lahat! Bahay at lupa na!" Bryan shouted again. Mas napatawa ako sa kanyang sinaad.

Ni hindi pa nga nagkakaanak si Jacob tapos ganoon na lang kaagad ang kanilang mga plano. Masyadong excited.

"Ang hina mo naman! Bahay at lupa lang? Baka sa anak pa nga ni Jacob maipapamana ko lahat ng mga naipundar ko. Wala 'yang 'sayo," giit pa ni Sam na may tono ng pagmamalaki.

"Hoy mga gago! Ang hihina ninyo. Sa akin, isang barko na kaagad ang ibibigay ko pagkasilang niya. Taon-taon 'yan kung kakayanin!" Jha exaggerated. Hindi sila magkamayaw sa pagmamalaki ng kung anong ibibigay ba nila.

Tahimik lang akong nakikinig habang si Jacob ay mukhang tuwang-tuwa sa kanyang naririnig. Tignan mo nga 'to. Parang sarap na sarap pang nadidinig ang mga ibibigay nilang lahat kung sakali.

"Wala 'yan tol. Sa akin, papatayuan ko kaagad ng airport, hindi pa man napapanganak. Ganyan ako ka-asenso. Masyado akong nagiging mapagbigay na," dugtong ni Chance.

Kaiser caught their attention. Halos sabay silang lahat na nagtanong sa kanya kung ano bang maiaambag niya sa buhay ng magiging anak ni Jacob sakali.

"Iisa lang naman ang maiaambag ko. Kapag nagkaanak ako ng lalaki, tapos babae iyong anak ni Jake, malamang sa malamang, silang dalawa na kaagad ang pag-aasawahin ko. Hindi pa man napapanganak, mayroon nang isang taong para sa kanya." And they shouted on that idea. Si Kaiser ay mas malapad ang naging ngiti dahil tila napag-isipan niya ng maayos ang ideyang iyon.

Maski si Jacob ay hindi na napigilan pa ang sariling hindi mas lalong matawa dahil sa pagkakadinig niyon.

"Tangina. Hindi ko nga alam kung payag nga iyong gusto kong maging nanay. Hinay-hinay lang sa pangarap, baka hindi nga matupad, eh," sagot nito. Napakamot ito sa ulo dahil mukhang kahit hindi pa man nangyayari ay napahiya na siya.

Natahimik silang lahat. Napatakip sa bibig, napahimas sa baba saka hindi na nagkaroon ng ilang segundo na makapagsalita at ipaglaban ang bawat ideya.

They became silent for a minute. Samantala, si Jacob ay tinungga iyong isang baso ng iced tea saka napailing.

Maski nga ako ay walang ideya kung sino ba ang balak niyang pakasalan sa huli, kung sino ba ang ang nais niyang makasama sa buhay. Hindi ko naman alam na mas nauna pala iyong pagpaplano niya kaysa humanap ng girlfriend. Masyadong matalino itong kaibigan ko.

"Huwag kang mag-alala, magugustuhan ka rin niyon. Hindi ba, cous?" Sam asked me. Nagulantang ako sa kanyang pagtawag sa akin.

Anong connect ko doon sa tanong niya?

"Bakit?"

"Sumagot ka na lang ng oo. Suportahan mo nga itong torpe mong kaibigan. Masyadong duwag kasi," hirit niya pa saka tinanguan si Jake.

"Edi oo. Kung sino man 'yang gusto mo Jake, sure naman akong magugustuhan ka rin niya. Tiwala lang," I assured him. Napapailing ito saka tinungga ulit iyong iced tea.

Doon ko lang narinig ulit ang kanilang hagikhikan na walang katapusan. What's their problem? Bakit mukha naman yatang pinagkakatuwaan ako ng mga ito?

"Goods 'yan. Naks. Si Phoebe na nagsabi niyan, ah? Panigurado na 'yan!" Bryan said again. Napatawa na lang kaagad ang mga ito bago nagkasundo-sundo sa mga napagsabi kanina.

I joined their session. Naki-jam ako sa kanila dahil ayoko namang maging kill joy. Gusto kong maging masaya ngayon kahit papaano. Kasi syempre, wala namang dahilan para maging malungkot ako, bukod sa sitwasyon namin ngayon.

We only stopped when midnight came. Dumiretso silang lahat sa guest room habang naiwan kami ni Jacob na tinatanaw ang madilim na kalangitan sa labas.

We chose to be alone first. Nagpaalam daw siya kay Tita na dito na raw muna matutulog.

"Alam mo ba kung anong huling mensahe ni Tito sa akin bago siya nawala?" he asked me. Iyong mga mata niya ay wala sa akin.

Tahimik at halos wala nang tao rito sa bahay. Si Mama ay mukhang nagpahinga na rin.

Hindi ako nakasagot.

"Nag-aagaw buhay siya. Your mom called me. Akala niya kasi ay kasama mo ako kasi hindi ka niya ma-contact. Kaya pumunta ako sa hospital at naabutan siyang nag-aagaw buhay na."

Pinigilan kong lumunok. Hinihintay ko ang sandaling sabihin niya sa akin kung ano bang sinabi sa kanya ni Papa.

Alam niyang nakikinig lang ako at naghihintay.

My father knows him as my friend. Kaya nga lang, sa ganoong sitwasyon pa sila huling nagkita.

"Sabi niya, alagaan daw kita tapos huwag pabayaan kasi nag-iisa ka lang niyang anak tapos malapit din tayo sa isa't isa. Kung pwede nga lang daw, magpakasal na tayo, eh."

Napataas ang isang kilay ko. Seryoso iyong kanyang mukha habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"What?" he laughed.

"Joke lang. Gulat ka naman. Pero pumayag ako na aalagaan kita kasi iyon din naman ang gusto ko. Kung pwede na nga lang na itali na kita sa akin para hindi makawala, eh."

"May balak ka ba?" I jokingly asked him.

Saglit niya akong binigyan ng tingin bago iniwas na naman ulit. I keep on staring at him, waiting for his reaction.

Gusto kong matawa kasi syempre, biro ko lang iyong naging tanong pero sumeryoso naman masyado ang kanyang naging mukha. Dagdagan pa ng kanyang naging sabi kanina.

"Gusto mo pala ako?" dagdag ko na mas lalong nagpawindang sa kanya. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa upuan pero kaagad nagalaw iyon nang dahil sa narinig sa akin.

Napaubo ng kaunti at hindi na malaman kung ano ba ang dapat na gawin.

Again, it was my joke. Gusto kong sabihin pero gusto kong marinig muna kung ano ba talaga ang kanyang sagot na ibibigay sa akin.

Pinigilan ko ang matawa dahil namula kaagad iyong mukha niya. Napalayo siya kaagad sa akin at mukhang nailang na.

"Umamin ka nga. Gusto mo ba ako, Jake?" tanong ko ulit na nagpatahimik sa kanya.

Napabuga ito ng kanyang hininga saka natawa ng may halong kaba. Ramdam ko ang kanyang panginginig kahit na ganoon pa lang ang kanyang ginawa.

"G-grabe ka naman magtanong, Phoebe. Isasalang na ba ako sa pangmalakasang question and answer?"

"No. But I'm asking you seriously. Do you like me?" I asked once again, hoping for his answer this time. Napakamot ito sa ulo at mukhang hindi pa sigurado kung sasagutin ba ang naging tanong ko o hindi.

I patiently waited until he cleared his throat for a couple of times and then started looking up to the sky.

"I don't like you."

Napatango ako. Well, that answers all. "Okay—"

"Mahal kita, Phoebe. That's the exact term, actually."

Nahigit ko ang hininga. I was surprised for a moment. Hindi ko nagawang maging kalmado nang marinig iyon dahil pati ang puso ko ay naghuhuramentado. Parang kahit may kaunting ingay akong naririnig, sumasabay din iyong malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Ang akala ko, wala siyang gusto sa akin. Walang nararamdaman pero nang sandaling madinig na ang kanyang naging pag-amin, parang ang hirap paniwalaan.

Ni minsan, hindi ko naman nabahiran ng kahit na anong matatamis na salita iyong mga katagang nababanggit niya sa akin. Wala akong nakitang anong sign na ganoon na pala ang kanyang nararamdaman sa akin.

Ganoon ba siya kagaling magtago? Natatakot ba siyang umamin kasi alam niyang may boyfriend ako? O baka naman natatakot dahil kapag nalaman ko, iwawaksi ko iyong pagkakaibigan namin at tuluyan siyang iwasan?

"Sure ka ba dyan?" paninigurado ko.

"Kailan ba ako nagloko sa'yo? Kailan ko ginawang katawa-tawa ang pagkagusto ko sa'yo?"

"Well, I don't know? Totoo ba lahat iyan?"

He breathed once again. Mahaba ang naging pasensya ko ngayon sa pakikinig ng kung anong dapat niyang sabihin sa akin.

"Would you believe me if I say yes? Since we're high school?" he looked at me. Bakas sa kanyang mukha ang kaunting saya at lungkot.

Ako naman ang natahimik at nawalan ng boses. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

Since high school, gusto na pala niya ako. Bakit hindi siya nag-effort na umamin sa akin kung ganoon? Why he kept if from me? Talaga bang ganoon ang tingin niya sa akin? Akala niya ba, magiging katulad sa pelikula na kapag nalaman ko, kakamuhian ko siya?

I am not that kind of friend. Kahit kailan, hindi ko magagawa sa kanya ang bagay na iyon. He's special to me. Wala namang makakapalit sa kanya sa buhay ko.

"Hindi ko alam kung binabalewala mo lang ba ang minsang pagpaparamdam ko o sadyang manhid ka lang talaga. Masyadong bato ang puso mo, eh. Ako iyong mas malapit pero sa iba mo nagawang magkagusto. That shit hurts."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
39.4K 203 22
No smut because he is a minor ye plz vote sorry for any spelling errors I'm Dyslexic
5K 128 14
I'm horrible at stuff like this, read...you'll like it 😭
221K 16.3K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...