My Bipolar (Forbidden Love Se...

By MauR13S

107K 5.5K 518

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 35

1.3K 68 0
By MauR13S

"Hello Astrin?"


[“Hello Michael”]


"Napa tawag ka?" tanong ni Michael sa kabilang linya.


[“ano kasi...may tugtog ang banda bukas ng gabi, punta ka ha?”]


"Teka, hindi ako sure ha"


[“ehh? Hindi ka na nga naka punta nung unang beses kitang inimbita eh”]


Napakamot naman si Michael at medyo na konsensiya sa sinabi ni Astrin. Hindi kasi niya na alala ang sinabi ni Astrin noon kaya naka limutan niya. "Ano..."


[“please? Okay lang na mag sama ka ng iba basta pumunta ka.”]


"Hindi kasi ako sure kung makaka punta ako, kasi gabi na yun at wala ng dadaan na jeep"


[“hmm, sunduin na lang kita naka motor ako.”]


"Ehhh, Edi naka abala pa ako, tiyaka di ba busy kayo nun kasi mag aayos pa kayo ng mga instrument?"


[“oo nga, kaso gusto ko nga sana maka punta ka.”]



"Sus may pag seselosin ka lang e"


Narinig naman niya ang pag halakhak ni Astrin sa kabilang linya. [“please?”]

Napabuntong hininga si Michael. "I ta-try ko"



Nang matapos ang usapan nila ay napasandal na lang si Michael sa pader sa likod ng kama. Biyernes na na ngayon at bukas syempre ay Sabado kung kailan pinapapunta siya ni Astrin sa bar. Ni wala nga siyang idea kung paano siya makaka punta roon. Nahihiya naman siyang tanggapin ang alok ni Astrin dahil sigurado siyang magiging busy ito. Baka tuluyan naman mag tampo si Astrin sa kanya kung hindi siya sisipot kaso hindi rin naman niya alam kung paano ito sasabihin kay Allen.


"Wah, paano ba 'to..."



KINAGABIHAN ay namomroblema pa rin si Michael kung ano ba ang gagawin para maka punta sa bar.


"Hey what are you thinking?"


Napalingon si Michael kay Allen sa tabi niya. Nasa kwarto sila ngayon ni Allen at kumakain ng dinner.


"Ano..."


Hindi natuloy ni Michael ang sasabihin nang tumunog ang cellphone niya at nakitang tumatawag si Clark. Nag katinginan naman silang dalawa at sinagot na ang tawag.


"Turn on the loud speaker." sambit ni Allen at ginawa naman ito ni Michael.


[“hello Michael?”]


"Hello, napatawag ka Clark?"


[“Just wanna ask , if you guys wanna come with us”]


"Saan?" tanong ni Michael at napatingin kay Allen na nakatingin rin sa kanya at nakikinig sa usapan.


[“Jack's Bar, on Saturday night.”]


Napaisip naman si Michael at na alala na ito rin ang nakalagay na pangalan ng bar na pinag dalhan sa kanya ni Astrin nung nakaraan at ang parehong lugar kung saan inimbitahan siya ni Allen sa kaparehong araw. Napangisi si Michael.


[“susunduin namin kayo. Ano game?”]


Tumingin naman si Michael kay Allen para tingnan kung ano ang sagot nito at tumango lang ito sa kanya.

"Papayagan ka ba Kian?"

"Maybe."

"Sige Clark game kami."

[“nice, see you tomm.”] at binaba na ang tawag.

"Sure ka Kian? Bar yun baka hindi ka payagan"


"Yeah, unless I will tell them we'll go to bar." ngising sambit ni Allen.


"Eh? Mag sisinungaling ka?"

"Of course. Unless you wanna go with out me?"


Napakamot naman si Michael, "sige na nga."




KINABUKASAN kagaya ng nakasanayan ay maagang nagising si Michael. Ginawa na niya ang morning routine niya at nag tungo sa garden para mag dilig ng halaman. He is humming silently with his earphones.


Hindi pa rin nabanggit ni Michael kay Allen ang tungkol sa nalaman niya noong nakinig siya sa usapan nila Kurt at Hazel. Sa tingin niya kasi ay wala pang alam si Allen dahil kung may alam na yun ay siguradong mag wawala ito na ayaw na ayaw mangyari ni Michael. Sa tingin niya din ay mas mabuting kina Ma'am Christine niya na malaman ito. Syempre nasasaktan si Michael na maisip na ikakasal ang dalawa ni Hazel. Pero ano bang magagawa niya? Isa lamang siyang hamak na hardinero.


Hindi na naman rin niya kayang lumayo kay Allen, hindi ngayon kung kailan hulog na hulog na siya. Pero, inihahanda na niya ang sarili sa mga posibleng mangyari. Napa tawa siya ng mapait.


Magiging handa pa ba ako?


Maya-maya ay napalingon si Michael sa gilid niya nang may mag tanggal ng earphones niya. Pag ka kita niya ay naroon si Mira naka ngisi lang sa kanya.


"Morning" bati ni Michael.


"Good morning!" bati pabalik ni Mira. "Malapit na November 1, uuwi ka sa inyo?"


Napaisip naman si Michael. Sa Lunes na iyon. Umiling naman siya. "Hindi ko pa alam"


"Bakit? Sa Myerkules pa naman simula ng klase niyo ah?"


"Oo nga, pero titingnan ko. Kung uuwi si Tiya Aning edi sasabay ako."


"Ganun, ako kasi uuwi eh"


"Ahhh"


NANG  matapos sa pag didilig si Michael ay pumasok na siya sa mansion at hinanap ang kanyang Tiya. Nakita naman niya itong nag wawalis sa may sala.

"Tiya?" napahinto naman si Aning at napalingon kay Michael. "Uuwi ho ba kayo ng November 1?"


"Oo, ika 10 taon ng kamatayan ng Lolo mo diba?" sambit nito at tinutukoy ang lolo niya na ama ng Tiya at Ama niya.


"Sasama po ako."


"Sige, Lingo ang alis natin para hindi masyadong madami ang mga nag sisiuwian." tumango naman si Michael at nag pa alam na sa kanyang Tiya.


***



"Oh Michael, pasaan ka at bihis ka ata?" tanong ni Mira kay Michael nang lumabas siya sa kwarto.


"May pupuntahan lang"


Sumingkit naman ang mata sa kanya ni Mira. "Ng alas syete ng gabi?"

Napalunok naman si Michael. Hindi niya pwedeng sabihin na sa bar siya pupunta. "Oo, susunduin kami ng mga kaibigan namin."

"Kasama si Sir?" tanong ni Mira. Tumango tango naman si Michael.


Hindi na naman muling nag tanong si Mira kaya umalis na si Michael at nag punta na sa labas at hinihintay si Allen.


"Hey" napalingon si Michael ng dumating na si Allen, nakasuot ito ng polo at maong jeans.

"Pinayagan ka?"


"Obviously" pamimilosopo ng binata dahilan para mapa irap si Michael. Makalipas ang ilang minuto ay may huminto ng sasakyan sa harap ng gate. Lumabas naman ang dalawa at lumapit roon.

Bumaba ang isang bintana ng kotse at nakita nila si Clark na driver.

"Hop in"


Binuksan na ni Michael ang pinto ng kotse at pumasok na silang dalawa. Nakita nila si Keith na nasa backseat rin, si Axcel naman ay nasa shot gun.


"Ey guys! Buti pinayagan kayo?" bungad ni Keith.


"Ewan ko kay Kian kung ano sinabi niya kay Ma'am Christine." sambit ni Michael at bumaling sa katabi niyang si Allen. Pero hindi ito nag salita at tumingin lang sa bintana.

"Si Afro ba?"

"Hindi ma contact eh, mula nung dumating tayo galing Tagaytay" sagot ni Clark.

"Baka busy?" sambit naman ni Axcel. Hindi naman maiwasan ni Michael na mag alala para sa isang kaibigan.

"Let's think positive, I'm sure he's fine" sambit ni Allen nakatingin pa rin sa labas. Nag sitanguan lamang sila.



MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Bar. Tinext naman ni Michael si Astrin na dumating na siya kasama ang mga kaibigan niya.


"Tutugtog yung pinsan ko rito, kaya inimbita niya ako." sambit ni Clark.

"Sino?"


"Jin Rey"


Napatango-tango naman si Michael, sa pag kakatanda niya ay isa ito sa mga kabanda ni Astrin.

"Michael!!" isang malakas na sigaw ang umagaw sa attention nila pag kapasok nila sa Bar. Agad naman niyang nakita si Astrin na nag lalakad na papunta sa kanya. Ramdam niya ang pag hawak ni Allen sa laylayan ng damit niya kaya napatingin siya rito. Para itong batang naka pout.


"Michael, akala ko hindi ka darating!" sambit ni Astrin pag ka lapit sa kanila.


"Sakto kasi na nag yakag si Clark na pupunta rito. Teka mga kaibigan ko nga pala, Si Clark...Axcel, Keith tyaka si Kian. Guys si Astrin"

"Hi guys! Pwede ko bang mahiram muna si Michael? Thank you!" hindi naman hinintay ni Astrin na sumagot ang mga ito at hinila na palayo.


NAPAMUROT si Allen habang pinag mamasdan ang papalayong bulto ni Michael na hila-hila ni Astrin. Medyo nainis siya kay Michael nang hindi manlang ito lumaban.

"Tsk."

"Ayos lang yan Allen, sure namang babalik din mamaya si Michael." sambit ni Keith sa gilid niya at tinapik pa ang balikat niya.


"Dun tayo sa bakanteng pwesto" pag aya ni Clark at nauna ng mag lakad. Silang tatlo naman ay sumunod , nang maka upo na sila ay agad na may lumapit na waiter para itanong kung anong drink nila.

"Tequila nalang" sambit ni Clark at tumingin sa mga kasama. Si Allen at Keith ang inorder samantalang beer naman ang kay Axcel.



Habang hinihintay ang inorder na alak, pinag mamasdan lamang ni Allen ang paligid. Ito ang unang beses niyang makapasok sa isang bar. Totoo pala talaga ang mga nababasa niya na sayawan at puro tugtugan ang makikita at maririnig rito.

"Andito lang pala kayo" sambit ni Michael na kararating lang. Si Allen naman ay umirap lamang sa binata dahil nag tatampo pa rin sa pag iwan nito. Kita niya na pina usod ng konti ni Michael si Keith saka ito umupo sa tabi niya. "Tampo ka? Sorry na."

"Psh, just go back to him."

"Loh, sorry na nga. Bigla ako hinila eh"


"Nag pahila ka naman"

"Ehh sorry naaaaa"

Pag susuyuan ng dalawa, samantlang ang mga kasama ay natatawa na lamang.

"Sorry naaa Kian..."


Natigil ang dalawa nang biglang mawala ang music at umilaw ang stage saka naman namatay ang ilaw sa dance floor. Nakita nila ang banda nila Astrin na nakahanda ng tumugtog.

"Hi guys! We are the A4 band and we're here to sing a songs for you." panimula ni Astrin at nag palakpakan naman sila, maliban kay Allen na lalong napairap. Napangiwi naman si Michael at tinigil ang pag palakpak.

Nang mag umpisa ng tumugtog ang banda ay nakatuon na ang lahat ng atensiyon ng mga naroon sa kanila. Sadyang napakaganda ng boses ni Asrtin at nang pag tugtog ng banda na tipong oras na mag simula na sila ay hindi mo na gugustuhin pang alisin ang tingin sa kanila.

Ginamit ni Michael ang pag kakataon na iyon para ipaling sa kanya ang mukha ni Allen. Dahil nasa likod naman sila ay hindi sila makikita ng mga kaibigan na naka tutok sa unahan.

Inalapit na nga niya ang mukha niya kay Allen at dinampian ng halik ang mga labi nito. Dampi lamang sana kaso hinawakan ni Allen ang batok niya para ipag patuloy ang halik.

Tila ang bawat galaw ng mga labi nila ay sumasabay sa ritmo ng kanta...




****
































Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 82K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
16.4K 739 21
Daphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happ...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
16.7M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...