TIBC 6 - THE UNTAMED CUPID

By maricardizonwrites

68.7K 3.4K 297

Pasaway na anak si Janis. Panay sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang. Tuloy ay palagi siy... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Epilogue

PROLOGUE

11.2K 269 10
By maricardizonwrites


"HINDI ko talaga maintindihan ang tumatakbo diyan sa utak mo Janis! Birthday na birthday ng kapatid mo ito ang ibibigay mong balita sa amin hindi pa man sumisikat ang araw? Kung hindi ka lang babae ay hahayaan kita dito sa police station para magtanda ka!" nanggagalit ang mga litid sa leeg na sermon ng kaniyang ama kay Janis.

Himbis na yumuko at mapahiya ay nakataas ang mukha niya at deretsong nakatingin dito. Ang mga braso niya ay nakahalukipkip sa tapat ng dibdib niyang hindi naman masyadong natatakpan ng tube blouse na suot niya.

"Sinabi ko na sa iyo papa na aksidente lang ang nangyari. Ihahatid na ako nila Nelson pauwi nang may mag-cut na isa pang sasakyan sa kotseng gamit namin kaya kami nabangga. Hndi kami ang may kasalanan. Most of all it was not my fault," defiant na sagot niya.

Namula ang mukha nito sa galit. "It is your fault! Hindi kita pinayagang pumunta sa party na iyan ng kaklase mo pero matigas ang ulo mo at tumakas ka. Ayon pa sa mga pulis na rumespunde sa inyo nakainom ang nagmamaneho ng sasakyan niyo. Kahit ikaw amoy alak ka! You're just fourteen for God's sake! Puro lalaki pa ang mga kasama mo. Gusto mo talagang mapahamak na bata ka?" sermon pa rin nito.

Napasimangot siya. Taliwas sa iniisip nito hindi naman talaga siya uminom. Tumikim lang siya ng kaunti sa iniinom nila Nelson sa kabila ng pagsaway ng mga ito sa kaniya dala ng curiousity. Pero dahil hindi niya nagustuhan ang mapait na lasa niyon ay hindi na siya umulit. Malay ba niyang ganoon katapang ang amoy niyon at hanggang sa mga oras na iyon ay nasa kaniya pa? Pero alam niyang sa galit na nakikita niya sa mukha ng papa niya ay wala ring silbi kahit na magpaliwanag siya. Siguradong hindi naman ito maniniwala at magmumukha lang siyang nagpapalusot.

Napaubo ang pulis na nakikinig sa kanila. Nang sulyapan siya nito ay hindi nakaligtas sa kaniya ang paghagod nito ng tingin sa katawan niya. Nang umangat sa mukha niya ang tingin nito ay inismiran niya ito at tinaasan ng kilay. Alam niyang hindi ito makapaniwalang katorse lang siya. Kumpara kasi sa mga kaedad niya ay mas developed na ang katawan niya. Mas matangkad din siya kaysa karaniwan at maipagmamalaki niyang mas mature siya kaysa sa ibang kaedad niya.

"Darling, tama na. Walang mangyayari kung dito mo siya pagagalitan ng husto. Kailangan na nating umuwi. Hindi pa tapos ang preparations para sa birthday ni Jessie hindi ba? Gusto mong hands on ka sa pagkain right? Umuwi na tayo at ng makapagpahinga na rin si Janis," saway ng mama niya sa papa niya.

Mukhang nakalma naman ang kaniyang ama. Nagpatiuna na ito sa paglabas ng police station. Ang mama naman niya ay inakay na siya. Hindi niya naiwasang makaramdam ng pait habang nakasunod siya ng tingin sa kaniyang ama. Mula noon ay palaging kay Jessie lang umiikot ang mundo nito. Napapansin lang siya nito kapag nasasangkot siya sa gulo o kaya ay tuwing ikinokompara siya ng lahat sa kapatid niyang ubod ng bait.

Dahil lang mas outgoing siya at may pagkapranka ay palagi na lamang niyang naririnig ang "Mabuti pa si Jessie mabait. Ang ate niya naku ubod ng maldita." o kaya ay "Sana man lang makuha ni Janis kahit kaunting kabaitan ni Jessie."

Ah! Isipin pa lang niya iyon ang naiinis na siya. Siya ay siya at si Jessie ay si Jessie. Masyado itong mabait? Fine. Pero nabubuwiset siya na dahil ganoon ito ay inaasahan na ng mga tao na dapat ganoon din siya. Besides, di hamak na mas gusto niya ang sarili niya kaysa sa kapatid niyang masyadong uptight. Ayaw niyang maging kasing boring nito.

Sa totoo lang kaya siya sumama sa birthday ng kaklase niya ay dahil gusto niyang mapuyat at magkaroon ng excuse na huwag umattend sa birthday party ng kapatid niya. Hindi kasi malabong maikumpara na naman siya rito.

Nilingon niya sila Nelson na naroon pa rin at hinihintay ang mga magulang ng mga ito. Ngumiti siya sa mga ito at kumaway. "Mauuna na ako sa inyo," aniya sa mga ito.

Gumanti ng kaway ang mga ito. "Sorry sa nangyari Janis. I'll make it up to you," hinging paumanhin ni Nelson.

Umiling siya at muling sumenyas bago siya tumalikod sa mga ito. Alam niya na talagang nag-aalala ang mga ito sa kaniya. Alam din niya na wala iyong halong malisya. Madali siyang makaramdam kung may hidden motive sa kaniya ang isang lalaki o wala.

"Dapat ay matuto kang pumili ng mga kaibigan Janis. Lalo lamang nagagalit sa iyo ang papa mo sa ginagawa mo," malumanay na sermon ng mama niya.

Hindi na lamang siya umimik para wala ng argumento pa. Kahit naman ganoon sila Nelson ay mapagkakatiwalaan niya ang mga ito. Dahil kasi wala siyang kasundong babae na karibal ang palaging tiningin sa kaniya ay puro mga lalaki ang kaibigan niya na binibigyan naman ng malisya ng iba kabilang na ng papa niya.

Nang nasa sasakyan na sila ay hindi na nagsalita ang papa niya. Hanggang sa makauwi na sila sa bahay nila ay hindi na siya kinausap nito.

Gising na ang mga tao sa bahay nila at abala sa paghahanda para sa kaarawan ni Jessie pagkarating nila sa bahay. Kung tama ang pagkakatanda niya ay before lunch gaganapin ang party nito. Bago siya magpunta sa kuwarto niya ay nagtungo muna siya sa kusina upang uminom man lang ng tubig bago matulog.

Napatigil siya sa bungad ng kusina nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Jessie at ni yaya Saling.

"Mukhang pinasakit na naman ng ate mo ang ulo ng mga magulang mo Jessie. Galit na galit ang papa mo kanina nang masilip ko. Ang ate mo talaga walang pinipiling araw. Birthday mo pa naman," narinig niyang sabi ni yaya Saling.

"Yaya sigurado namang hindi iyon intensyon ni ate," sagot ni Jessie. Ngunit himbis na matuwa siya sa pagtatanggol nito sa kaniya ay lalo lamang siyang nakaramdam ng iritasyon. Sa pag-akto kasi nitong mabait na gaya niyon ay lalo lamang siyang nagmumukhang masama. Naikuyom niya ang mga kamao dahil nakikinita na niya ang susunod na sasabihin ng kausap nito.

"Naku Jessie palagi ka na nga lang binubully ng kapatid mo pinagtatanggol mo pa. Masyado ka talagang mabait. Kung mapunta lang sana sa ate mo kahit kaunti ng kabaitan mo ay mas maganda sana."

Mariin niyang naitikom ang mga labi at kumilos na upang lumayo sa kusina nang muling magsalita si yaya Saling. "Oo nga pala. Baka parating na si Yuuji. Hindi ba nangako siya sa papa mo na tutulong sa pagdedecorate ng cake at dessert para sa party mo mamaya. Crush na crush mo siya hindi ba?" tudyo nito sa kapatid niya.

Narinig niya ang paghagikhik ni Jessie. "Inimbitahan ko rin siya sa birthday ko yaya. Pumayag siya. Ang bait bait niya talaga."

"At ubod pa ng guwapo. Pero hindi ka pa pwedeng mag boyfriend ha? Bata ka pa. Hindi ka pa nga teenager," biro dito ng matanda.

May ideyang nabuo ang malditang bahagi ng utak niyang gumagana kapag naiinis at pagod siya habang pinapakinggan ang pag-uusap ng mga ito. Kung sa kaniya magkakagusto ang lalaking gusto nito ano kaya ang magiging reaksyon nito? Ha, maybe for the first time, she could finally get away fron her younger sister's shadow and win against her.

Bigla rin siyang nacurious sa lalaking tinutukoy ng mga ito. Sanay siyang makakita at makasalamuha ng guwapo dahil ang mga kaibigan niya ay magagandang lalaki lahat kaya sigurado siyang hindi na siya magugulat sa kung ano man ang itsura ng lalaking iyon. Pero interesado siyang malaman kung anong klaseng lalaki ang gusto ng kapatid niya. I change my mind. Pupunta ako sa party niya mamaya para mabistayan ang lalaking iyon.

Sapat na sa kaniya ang impormasyong nakalap niya kaya tuluyan na siyang umakyat sa second floor ng bahay nila patungo sa kuwarto niya na pinakamalapit sa terrace. Papasok na lamang siya ng silid niya nang makarinig siya ng tunog ng makina ng motorsiklo. Curiosity got her. Lumapit siya sa terrace at sumilip sa gate nila.

Ang nakita niya ay isang lalaking nakasakay sa isang pulang motorsiklo na huminto sa tapat ng bahay nila. Hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit may kung ano rito na tila magneto. Hindi niya maalis ang tingin dito.

Tinitigan niya ito habang pinapatay nito ang makina ng motorsiklo nito hanggang sa umibis ito roon. Mas matangkad ito sa karaniwan at mas malapad ang pangangatawan. Napaisip tuloy siya kung ilang taon na ito. Malamang malabong high school lang ito na gaya niya. Malakas din ang pakiramdam niya na guwapo ito.

Nanatili itong nakatayo sa tapat ng gate nila habang bahagyang hinahawi patalikod ang buhok nito na ginulo ng hangin. She could not help but follow his every move. Maya-maya pa ay may isa nang kasambahay nila ang lumapit at binuksan ang gate para dito. Nakita niyang ngumiti ito sa kasambahay at tila may sinabi bago pumasok. Nakakailang hakbang na ito nang bigla itong tumingala sa panig niya. Nagsalubong ang mga mata nila dahilan upang bahagya siyang mapaatras sa pagkagulat. Maging ito ay tila nabigla sa nangyari.

Napamaang siya nang bumilis ang tibok ng puso niya. Tama ang hinala niya na guwapo ito. Maganda ang maliliit na mga mata nito na pinaresan ng magandang hugis na mga kilay. Matangos ang ilong nito at makurba ang manipis na mga labi. Sigurado siyang hindi ito purong pilipino.

Nang tila makabawi ito ay ngumiti ito sa kaniya. Pakiramdam niya nahulog ang puso niya sa ngiting iyon. Weird. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon dahil lamang sa isang lalaki. At sa unang beses sa buong buhay niya, tila hinalukay ang sikmura niya nang dahil lamang sa isang ngiti ng lalaki.

"Yuuji!" tinig iyon ng kapatid niya. Napakurap siya habang ang lalaki naman ay naalis ang tingin sa kaniya. Sinalubong nito ang kapatid niya na yumakap dito. May kurot siyang nadama sa dibdib niya. Iba iyon sa madalas niyang madama tuwing nakikita niya ang kapatid niyang masaya at pinapamper ng mga tao sa paligid nila. Mas malalim iyon at hindi niya mabigyan ng pangalan. Pagkuwa'y tumitig siya sa lalaking gusto ng kapatid niya.

Yuuji. Siya si Yuuji? Deep inside her, a strong urge to make him hers enveloped her heart. At hindi lang iyon dahil gusto niyang inisin o makalamang sa kapatid niya. Little did she know then, that for the first time she fell in love.

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...