PROLOGUE

11.1K 269 10
                                    


"HINDI ko talaga maintindihan ang tumatakbo diyan sa utak mo Janis! Birthday na birthday ng kapatid mo ito ang ibibigay mong balita sa amin hindi pa man sumisikat ang araw? Kung hindi ka lang babae ay hahayaan kita dito sa police station para magtanda ka!" nanggagalit ang mga litid sa leeg na sermon ng kaniyang ama kay Janis.

Himbis na yumuko at mapahiya ay nakataas ang mukha niya at deretsong nakatingin dito. Ang mga braso niya ay nakahalukipkip sa tapat ng dibdib niyang hindi naman masyadong natatakpan ng tube blouse na suot niya.

"Sinabi ko na sa iyo papa na aksidente lang ang nangyari. Ihahatid na ako nila Nelson pauwi nang may mag-cut na isa pang sasakyan sa kotseng gamit namin kaya kami nabangga. Hndi kami ang may kasalanan. Most of all it was not my fault," defiant na sagot niya.

Namula ang mukha nito sa galit. "It is your fault! Hindi kita pinayagang pumunta sa party na iyan ng kaklase mo pero matigas ang ulo mo at tumakas ka. Ayon pa sa mga pulis na rumespunde sa inyo nakainom ang nagmamaneho ng sasakyan niyo. Kahit ikaw amoy alak ka! You're just fourteen for God's sake! Puro lalaki pa ang mga kasama mo. Gusto mo talagang mapahamak na bata ka?" sermon pa rin nito.

Napasimangot siya. Taliwas sa iniisip nito hindi naman talaga siya uminom. Tumikim lang siya ng kaunti sa iniinom nila Nelson sa kabila ng pagsaway ng mga ito sa kaniya dala ng curiousity. Pero dahil hindi niya nagustuhan ang mapait na lasa niyon ay hindi na siya umulit. Malay ba niyang ganoon katapang ang amoy niyon at hanggang sa mga oras na iyon ay nasa kaniya pa? Pero alam niyang sa galit na nakikita niya sa mukha ng papa niya ay wala ring silbi kahit na magpaliwanag siya. Siguradong hindi naman ito maniniwala at magmumukha lang siyang nagpapalusot.

Napaubo ang pulis na nakikinig sa kanila. Nang sulyapan siya nito ay hindi nakaligtas sa kaniya ang paghagod nito ng tingin sa katawan niya. Nang umangat sa mukha niya ang tingin nito ay inismiran niya ito at tinaasan ng kilay. Alam niyang hindi ito makapaniwalang katorse lang siya. Kumpara kasi sa mga kaedad niya ay mas developed na ang katawan niya. Mas matangkad din siya kaysa karaniwan at maipagmamalaki niyang mas mature siya kaysa sa ibang kaedad niya.

"Darling, tama na. Walang mangyayari kung dito mo siya pagagalitan ng husto. Kailangan na nating umuwi. Hindi pa tapos ang preparations para sa birthday ni Jessie hindi ba? Gusto mong hands on ka sa pagkain right? Umuwi na tayo at ng makapagpahinga na rin si Janis," saway ng mama niya sa papa niya.

Mukhang nakalma naman ang kaniyang ama. Nagpatiuna na ito sa paglabas ng police station. Ang mama naman niya ay inakay na siya. Hindi niya naiwasang makaramdam ng pait habang nakasunod siya ng tingin sa kaniyang ama. Mula noon ay palaging kay Jessie lang umiikot ang mundo nito. Napapansin lang siya nito kapag nasasangkot siya sa gulo o kaya ay tuwing ikinokompara siya ng lahat sa kapatid niyang ubod ng bait.

Dahil lang mas outgoing siya at may pagkapranka ay palagi na lamang niyang naririnig ang "Mabuti pa si Jessie mabait. Ang ate niya naku ubod ng maldita." o kaya ay "Sana man lang makuha ni Janis kahit kaunting kabaitan ni Jessie."

Ah! Isipin pa lang niya iyon ang naiinis na siya. Siya ay siya at si Jessie ay si Jessie. Masyado itong mabait? Fine. Pero nabubuwiset siya na dahil ganoon ito ay inaasahan na ng mga tao na dapat ganoon din siya. Besides, di hamak na mas gusto niya ang sarili niya kaysa sa kapatid niyang masyadong uptight. Ayaw niyang maging kasing boring nito.

Sa totoo lang kaya siya sumama sa birthday ng kaklase niya ay dahil gusto niyang mapuyat at magkaroon ng excuse na huwag umattend sa birthday party ng kapatid niya. Hindi kasi malabong maikumpara na naman siya rito.

Nilingon niya sila Nelson na naroon pa rin at hinihintay ang mga magulang ng mga ito. Ngumiti siya sa mga ito at kumaway. "Mauuna na ako sa inyo," aniya sa mga ito.

TIBC 6 - THE UNTAMED CUPIDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum