Crashed On You

By IamMsEl

63.2K 2K 194

Frisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021 More

Crashed On You
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 22

1.1K 52 8
By IamMsEl

I am grounded.

They locked the door at my veranda, confiscated my phone and television. There are two men guarding my door. I am sitting on my bed staring at these pictures, hopeless.

Napahinto ako ng may kumatok sa aking pinto, at binaba ang letrato na hawak ko.

Inutusan din ni mama si Perla na dito na ako pakainin. Kumunot ang noo ko ng makita si Diane na yumuko bago ko pa makita ang mukha nito ngunit dahil pamilyar na sa akin ang katawan niya ay kilala ko na siya.

" Magandang hapon po, Senyora Abella. Ako po ang inatasan ni Donya Angelita na katulong niyo." Kumunot ang noo ko.

" Nasaan si Katya?" Matabang na tanong ko.

Napansin ko ang panginginig ng mga kamay nito habang nakayuko. Suot nito ang kulay asul na uniporme.

" A-Ah, inatasan po siya sa ibang bagay ni Don-Donya Angelita." Kinakabahang sagot nito.

Nagbuntong hininga ako at ubos na ang pasensya sa kanyang ginagawa sa akin.

" I want her! Bring her back!" Utos ko sa kanya.

" Sen-Senyora Abella, pa-pasensya na ho. Pe-Pero ako po ang inatasan ng iyong ina upang makatulong mo!" Kumunot ang noo ko at marahas na tumayo.

" Didn't you hear me? Where is she?" Nanggagalaiting tanong ko.

Hindi ito makatingin sa akin ng diretso,  nanginginig ang mga labi nito ng tumayo ito ng maayos.

" Hi-Hindi muna po siya pinapasok ni Donya A-Angelita. Da-Dahil ba-baka---" Hindi pa ito natatapos sa kanyang eksplanasyon ay alam ko na ang gusto nitong iparating.

Padabog akong tumungo sa aking pintuan at akmang bubuksan ko ito ay nakalock. Mas lalo akong nainis at pinalo ko ito gamit ang aking kanang palad sa sobrang inis!

" Ano ba! Bakit niyo ba ako kinukulong!" Pasigaw na saad ko at inis na inis. " I just want to talk to my mom!" I shouted while slapping at the door.

" The hell with them!" Inis na saad ko sabay padyak sa pintuan.

Nagpupuyos ako sa galit  at nanginginig ang kamay ko. Malalim ang paghinga ko dahil sa pagsigaw.

" Senyora, oras na po para kayo ay makaligo." Nanlilisik ang mga mata kong tinignan ito at nagbuntong hininga, pinipigilan na mapag-buntungan siya ng galit ko.

" I can take a bath on my own, Diane." I reminded sarcastically and went on my walk in closet to get clothes.

I spent my whole afternoon on the bath, ano naman gagawin ko after this? Kahit television ay inalis niya.

" Senyora Abella, pinapaabot po ito ni Perla upang malibang daw ho kayo." Ipinagdiin ko ang aking labi habang nakaupo sa sofa at naghihintay ng oras.

" Libro?" Natatawang saad ko habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

I rolled my eyes in frustration. I hate books! Naiinis kong tinignan ang dala nitong mga libro at kunot na tumingin sa kanya. " Get me a magazine, instead."

Anas ko at hinilot ang sentido ko. Pinatong ko ang dalawang paa ko sa center table at sinandal ang ulo ko sa malaking sofa. Boredom was killing me, and just by staying here for a day was making me  insane! Kahit gusto ko man magisip ng plano, I am already fuck up!

" I-Ito lang po ang pi-pinadala, Senyora." Ramdam ko ang kaba nito at nagbuntong hininga nalamang ako, pinipigilan ang inis ko.

" Iwan mo nalang dyan, and you can leave." I said calming myself.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising ako ng marinig ang pag-bukas ng pintuan ko. Mabilis akong napatayo at nakita si Perla na inuutusan ang dalawa naming kasambahay na ipasok ang trolley na may lamang pagkain.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila.

" Senyora Bella!" Perla warned me when I got closer to them.

Tamad ko itong tinignan at naglakad patungo sa nakabukas na pintuan ng may dalawang nakaunipormeng malalaki ang katawan na lalake na nakasuot ng itim ang tumayo sa amba ng pinto upang hindi ako makalabas.

" I want to go out of this room." Malumanay pero may diin na wika ko sa kanila.

Calm down Bella! You need to calm down.

" Ang utos ni Donya Angelita, ay dito ka lamang sa kwarto mo." Sagot naman ni Perla na nasa aking likuran. Nasa tinig nito ang pagpipigil.

Nagbuntong hininga ako at tumingin sa kanya na nakangisi. " I am stuck here the whole day!" I muttered, pointing every word I said.

She smiled at me sarcastically. " Utos din ni Donya Angelita, na pwede kitang saktan kapag naging agresibo ka."

Tumawa ako ng pagak at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Sinasagad ni Mama ang pasensya ko at hindi ko nagugustuhan ito!

" I wanna talk to my mom!" Giit ko, at halos hindi na bumubuka ang aking bibig.

" Wala siya ngayon dito, Senyora!" Pasigaw na sagot nito na mukhang nawalan na din ng pasensya.

" Ako mismo ang magkukumpirma noon, at hindi ikaw!" Anas ko at padabog na tumalikod sa kanya.

Hindi pa ako nakakalabas ng hinawakan ang  magkabilang braso ko ng dalawang bantay ko at halos hindi ako makagalaw dahil sa mahigpit na hawak ng mga ito.

" Wag kang pasaway, Senyora Abella! Hindi ka pwedeng lumabas hanggat wala pang inuutos ang Mama mo." Galit na saad nito.

Pinipilit kong alisin ang mga hawak nila ngunit mas lalo nila itong hinihigpitan. Mas malakas sila  sa akin at wala akong laban.

" Bitiwan niyo ako!" Naiinis na saad ko. Ngunit wala man lang mga emosyon ang mga ito.

" Ano ba!" Inis na wika ko. Pinasok nila ako sa loob ng silid at mabilis nilang sinara ang pintuan. Padabog kong hinampas ang pinto sa kanilang ginawa.

Habol ko ang hininga kong tumingin kay Perla na nakahalukipkip ang mga kamay habang nakataas ang kaliwang kilay na nakatingin sa akin.

" Maghanda ka para bukas, dahil marami kang gagawin. Bukas ng maaga ay sasamahan kayo ni Donya Helena para sa pinal na plano ng inyong kasal." Humalukipkip ako sa kanyang harapan

" Sinabi ni Don Herman na isasama ka sa mga pagtitipon kasama si Senyor Esteban para mapagtakpan ang nangyare noong nakaraang gabi. Pinagpaliban muna ang inyong kasal sa susunod na araw, at maaaring ililipat ito sa susunod na linggo." Pag-papaalala nito at sumulyap sa trolley na puno ng pagkain. " Kumain ka." Utos nito.

Huminga ako ng malalim at nawalan ng ganang tumingin sa kanya. " Stop commanding me, I know what to do!"

Naiinis ako! Kung hindi ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom ay hindi dapat ako kakain. Nakakagigil! Maging ang dalawang kasambahay namin ay hindi nakaligtas sa init ng ulo ko. I don't want to be rude, but I can't help it.

Ginagawa nila akong hayop! Hindi na bago sa akin ang ganito, ngunit mas malala lamang ito dahil may in-aassign pa itong mag-bantay sa akin para hindi ako makatakas. Seriously!

Hindi ako makatulog buong gabi, I wanted to sleep so I can rest but my mind didn't let me. Kahit na binago ang araw ng kasal namin at mas tumagal pa ito, ay hindi pa rin ako makakawala sa buhay na ito.

I've been thinking the whole night about Rad. Asking the ceiling, kung kamusta na siya. Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha.

Is he even thinking of me? Cause I miss him so much. I've been longing for him for so long. So long that my heart was aching in pain.

Napahinto ako ng maalala si Rafaella.

Ugh! This is so wrong! Stop thinking about them Bella! I must thinking about myself.

.

" Bilisan mo ang pagkain mo ng almusal, kailangan mong maghanda dahil baka nandito na si Senyor Esteban." Tamad akong tumingin kay Perla na maaga akong ginising para lang dito.

I hissed at walang ganang kumain. " Saan ba kasi kami pupunta?" Anas ko habang padabog na sinusubo ang oatmeal na inihanda nila.

" Pagkatapos niyong makipag-usap kay Donya Helena, ay inaasahan kayo ni Don Herman na dadalo sa isang pagtitipon." Sagot nito. " Sa Valencia Hotel and Casino, gusto ni Don Herman na makita kayo ng mga tao na magkasama." I rolled my eyes again and bit the dried strawberry on top of my oatmeal.

" Really?" Halos masukang tanong ko. Iniisip ko palang na makakasama ko si Esteban ay namumuo nanaman ang pagkamuhi ko sa kanya. " Kailangan pa ba namin gawin iyon? Kahit naman hindi nila kami makita na magkasama ay matutuloy pa din naman ang kasal. Hindi ba?" Inis na tanong ko at tumingin sa kanya.

Nagbuntong hininga ito. " Kailangan mong magmadali Señorita." Giit nito at tinalikuran ako.

Nagbuntong hininga ako at padabog na binitiwan ang kutsarang hawak ko. Tumingin ako kay Diane na mabilis na yumuko.

" Nawalan na ako ng gana!" Anas ko at tumalikod at nagtungo sa walk in closet upang makaligo na.

Tahimik ako habang hinahayaan ang dalawang kasambahay namin na hindi pamilyar ang pangalan na bihisan ako. Ayaw ko nalang makipagtalo, pagod na pagod na ako. Kung si Katya lang sana ang kasama ko ay hahayaan ako nito sa gusto kong gawin. I sighed, maging siya ay pinagdududahan na ni Mama

I looked at my self at the mirror, I wore my wine ombre knee-legth semi  formal dress, with the slit at the middle. Showing some of my skin because of the deep v shape. I wore my white ankle strap heels and my pearl rosary style necklace that defining my collarbone. While my hair was half braided.

" Napakaganda niyo po, Señorita." Maanghang saad ng isa sa mga nagayos sa akin. Halos kasing tanda lamang ito ni Katya ngunit hindi ko siya kilala.

Napansin ko ang pagsiko sa kanya ng kasama niya at pinagbawalan ito na mabilis namang yumuko.

" Pasensya na ho, hindi ko po mapigilan na humanga sa inyo!" Nag-aalangang saad nito.

Tipid akong ngumiti sa kanila at umayos ng tayo. " Hindi mo kailangang humingi ng tawad." Sagot ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Diane.

" Nandito na po si Senyor Esteban." Anunsiyo nito na nag-pangiwi sa akin.

" Bakit kailangan pang sabihin ang pagdating niya!" Bulong ko at umiling.

Inilibot ko ang mga mata ko sa pagbaba ng hagdan. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng excitement na makita ang loob ng mansyon, at makalabas ng silid. Hinahanap ko si Katya ngunit hindi ko ito makita. Nakasunod sa akin ang dalawamg security na nakakulay itim.

Kumabog ang dibdib ko ng makita ko si Esteban na sumalubong sa akin. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay kumukulo na ang dugo ko. He was wearing a wine ombre coat, with a white shirt underneath. Tumingin ako sa damit ko at muling tumingin sa kanya.

I rolled my eyes, when our eyes met. Gusto pa nila na ipakita na terno kami?!

Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at pinandilatan ko ito ng tingin ng makalapit ako sa kanya. Kahit anong gawin niya, hindi pa rin mawawala ang galit at pagkasuklam ko sa kanya.

" Wala pa tayo sa main event, please wag tayong magplastikan dito. Nasusuka ako!" Naaasar kong pahayag.

Mas kumulo ang dugo ko, ng inangat nito ang sulok ng labi niya at hinintay akong pumasok. Kinakabahan man ay nilalakasan ko ang loob ko na wag matakot sa kanya, ngunit naiisip ko palang iyong ginawa niya kahapon ay hindi ko maiwasan makaramdam ng takot.

Noong nakaupo na ako ay padabog nitong sinara ang pinto ng kotse. Sumulyap ako sa side mirror at maging ang security ay sumunod sa amin. Mariin kong hinawakan ang seat belt ko ng umupo ito sa driver seat.

I want to ask him about the pictures he gave to my mom. Sumulyap ako sa kanya at muli itong ngumisi ng pinagana nito ang sasakyan.

" Stop smirking! You look like a jerk!" Hindi mapigilang anas ko.

Tumawa ito sa sinabi ko at napailing. " How's your lover?" Tukso nito pagandar ng sasakyan.

Tumingin ako sa labas ng bintana upang pigilin ang sarili ko na magalit. Nagbuntong hininga ako at mas dumiin ang hawak sa aking seat belt.

" Saan mo nakuha iyon?" Kalmado ngunit may galit na tanong ko.

" You seem so inlove with him!" Halakhak nito. " I should notice that earlier." He said on his low tone.

Umirap ako sa kanya. " Really? How's Thalia then? Did she abort the innocent baby?" Matabang na tanong ko at tumingin sa kanya.

Dumilim ang mukha nito at dumiin ang hawak sa kanyang manibela. " Oh, of course. How can the baby live if his father was a monster!" I said sarcastically.

" Abella!" He warned and I smirked when I saw how he change his mood quickly.

" Thalia deserves better! Leaving was a good choice." Dugtong ko at umayos ng upo.

" Don't ever think that I forgot what you did." Wika nito sa mapanganib na tono.

" Sabi ng wala akong ginagawa e!" Nawawalan ng pasensyang saad ko. Nanlilisik ang aking mga matang tumingin sa kanya. " Why don't you accept the fact that you just used her?!"

I heard him muttered a curse. Umigting ang panga nito at nagkasalubong ang mga kilay. Binilisan pa nito ang pagpapatakbo niya kaya napailing ako.

" Really? How about your man Bella?! Did she abandoned you?" Ngisi nito.

Kumunot ang noo ko, at bumigat ang paghinga ng maalala si Rad. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

" Do you think he can do something to help you?!" Natatawang saad nito.

Naninikip ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya. I don't have any idea on what happened to Rad. Kinakabahan ako, baka kaya hindi na nito ako pinuntuhan dahil baka naalala na niya ang lahat, kaya hindi na nito naisipan na magpakita sa akin. Oh baka, maaaring nagsisisi na ito, dahil kapag nalaman ni Ella ang namagitan sa amin ni Rad ay magdudulot ito ng sugat sa kanya.

Sumalubong si Donya Helena sa amin, kung saan nagtungo kami sa isang shop ng mga wedding organizer. Maging ang nakasunod na security sa akin ay pumasok sa loob.

Tahimik kami pareho ni Esteban habang hinahayaan nalang si Donya Helena na pumili ng mga diseniyo ng mga kubyertos na gagamitin sa kasal.

" Bella, what do you think of this one?" Tanong nito at tumaas ang tingin ko sa kanya na may hawak na isang magazine at pinapakita sa akin ang isang diseniyo naman ng bouquet of flowers.

Lahat ng diseniyo ng mga ito ay magaganda. Tipid akong tumango kay Donya Helena. " Maganda po."

Ngumiti ito sa akin at humarap sa babaeng organizer na katabi nito. Nagsuwestiyon ito ng mas magandang diseniyo at tumango nalamang ako.

Tumayo si Esteban sa tabi ko kaya napahinto si Donya Helena sa pagtingin sa magazine. " Where are you going?" Malambing na tanong nito sa kanyang anak.

" Wash room Mom." Tipid naman na sagot nito bago naglakad palayo sa amin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Donya Helena at nakalukot ang magandang mukhang tumingin sa akin. Ibinaba nito ang magazine na hawak niya.

Inabot nito ang kamay ko na nakapatong sa magazine na tinitignan ko.

" Hija... Are you mad at him?" Nagaalalang tanong nito. " I'm sorry about what happened last time." Kumunot ang noo nito at ngumiti ng pilit. " I hope you handle him, he was just so hard to please. Hm?" Tango nito na hinihintay ang sagot ko.

Kahit galit ako kay Esteban ay hindi ko kayang magalit sa Mama nito, she's too soft and sweet. Pilit akong ngumiti. " Hi-Hindi naman po ako galit."

Pagsisinungaling ko. She heaved a sighed. " You don't have to pretend, I understand Hija. Pag-pasensyahan mo na." Ngiti nito sa akin.

I sighed. Hindi ako galit dahil hindi siya nagpakita noong gabing iyon, galit ako dahil nandito siya ngayon. Halos buong araw kaming nag-finalize ng mga kakailanganin sa kasal.

Hindi na kailangan ng suwestiyon ko dahil kahit anong ipakita nila ay tumatango lamang ako. Lahat naman kasi ay maganda, kung sana ay si Esteban lang ang pwedeng palitan ay ginawa ko na.

Akala ko ay hindi kami magtatagal ngunit umabot kami dito ng tanghalian. Inilatag nila ang mga mamahaling putahe na originated pa sa Europe ang mga recipe ng mga ito. Napangiwi ako sa sobrang dami ng pagkain.

" Okay this is the last, just tell the food that you like so we add it on the list." Wika ni Donya Helena.

Habang isa isa itong ipinakilala sa amin. Even the tiniest part of the food was discussed by the chef. Hindi ako makahabol sa pinaguusapan nila, all I knew was that these food was taste so good. Kailangan pa ba namin mamili for the wedding?

The discussion went so long, na umabot na kami ng hapon. The food and all of the stuff that was needed on the event was now settled and finalized. Hindi ko alam na ganito pala ka-busisi ang pagpaplano sa event. Napailing nalamang ako, gusto nila itong engrande at magarbo dahil mga kilalang tao ang dadalo.

Isa na sa dahilan na iyon ay unang apo ng gobernador ang ikakasal. Pagod na ang aking katawan ngunit kailangan pa naming pumunta sa isang gathering na sinasabi ni Perla kanina.

" Thank you for this day Hija." Paalam ni Donya Helena na pumasok sa chevrolet na sundo nito na kulay rosas.

" Maraming salamat din po Donya Helena, mag-iingat po kayo." Paalam ko sa kanya at kumaway ng makaalis na ang kanyang sasakyan.

Nawala ang ngiti ko ng makalayo na ito at tumingin kay Esteban na nakapamulsa sa aking tabi.

" Can I go home?" Tanong ko sa kanya at nararamdaman ang antok dahil hindi man lang ako nakatulog ng maayos kagabe at kahit na maghapon kaming nakaupo ay nakaramdam pa din ako ng pagod.

Sumulyap ito sa akin at naglakad patungo sa sasakyan nito.

" Stop making a fuss! Hop in!" Nagbuntong hininga ako at hindi na ako nakipagtalo at ako na ang kusang nagbukas ng pintuan ko.

Nagbuntong hininga ako ng mapansin ang nakabuntot na sasakyan sa amin. Akala ko ay umalis na sila sa sobrang tagal namin. Mukhang seryoso si Mama sa paghigpit na pagbabantay sa akin.

Hindi naman malayo dito ang hotel na pupuntahan namin, nasa bayan din ito at isa ito sa malaking hotel sa amin. Gusto kong tanungin si Esteban kung anong pagtitipon ang pupuntahan namin ngunit baka magtalo lamang kami kaya nanahimik nalamang ako.

Sumalubong sa amin ang mga receptionist sa hotel, naging aligaga ang mga ito ng nakita nila si Esteban. Napangiwi ako ng may iilang mga guest pa na nanlabas ng phone nila at pa-simple kaming kinuhanan ng letrato noong tuluyan akong makababa.

Sumunod ang security ko sa amin habang ginigiya kami ng baling-kinitang babae patungo sa venue.

Naramdaman ko ang hawak ni Esteban sa aking bewang, akmang tututol ako ng lumapit ang mukha nito sa aking kaliwang tenga.

" Wag mong sisimulan Bella, kung ayaw mong magalit ako." Banta nito sa mapanganib na tinig.

I bit my lower lip to refrain myself. I sighed and just let him, sa bawat paglakad namin ay pinagtitinginan kami ng iilang mga guest dito sa hotel. Maging ang mga stuff ng mga ito, may iba na nagbubulong bulungan at may iba naman na kinukuhanan kami ng letrato. Seryoso lamang ang tingin ni Esteban at mukhang ito talaga ang pinaplano niya, na gustong ipakita na maayos kaming dalawa.

Kahit pa sinabi ni Mama na hindi makakalabas ang nangyareng iyon noong gabi ng pagtitipon, mukhang naging laman pa rin ito ng balita. Nagulat pa ako noong sa entrance ng gathering ay may mga photographer na kumukuha sa mga guest na pumapasok sa venue. Mas hinapit ako ni Esteban papalapit sa kanya at hindi ko alam kung saan ako titingin sa dami ng kumukuha sa amin. Itinakpan ko ang aking mga mata sa aking kamay dahil halos hindi na huminto ang flash ng camera sa aming dalawa.

" That's enough." Utos ni Esteban at naglakad na kami papasok ng venue.

It was a private party gathering dahil pili lamang ang mga bisita na narito. Halos mga foreigner ang mga ito at hindi pamilyar ang mukha ng iilan. May mga nagkukumpulan ng wari ko ay naguusap ukol sa negosyo.

May iilan na bumati sa aming dalawa ni Esteban, napansin ko din ang mga pinsan niya na nandito.

" Magandang Hapon po, Don Herman." Nakangitimg bati ko sa matanda na sumalubong sa amin habang may hawak na glass of wine.

Ngumiti ito at tumango. " Esteban." Makahulugan nitong tinignan ang nasa tabi ko. " Take good care of your woman." Payo nito at ngumiti sa akin.

" Yes Lolo." Sagot nito.

Napahinto ako sa pag-ngiti at napakunot ang noo ng mapansin ang isang pamilyar na mukha na seryosong lalaki sa hindi kalayuan na nakikipagusap sa isang dayuhan.

" Maiwan ko muna kayo Hija, Esteban don't forget what I said!" Saad pa nito at kinausap ang matandang lalaking nasa tabi nito.

Napaawang ang labi ko at hindi mawala ang tingin ko sa mukha nito, nilagok nito ang hawak nitong wine.

May sumalubong kay Esteban na kakilala nito habang ako ay parang tuod na nakatayo lamang.

Nagsalubong ang kilay ko. He was wearing a black suit, mukhang hindi pa ito nakapagshave ng balbas. My heart skipped a bit when I saw how his adam's apple bobbled up.

" Rad..." I murmured.

I glanced at his body, at sumikip ang dibdib ko ng hindi ito ang Rad na nakilala ko. Ibang iba ito, ang pananamit niya at ang pagkilos niya. Alam kong nagbago, in a day or two he changed a lot. Akmang tutungo ako sa kinaroroonan nito upang kumpirmahin ng maramdaman ang kamay ni Esteban sa aking bewang.

Inilapit nito ang mukha niya sa aking tenga, kumabog ang dibdib ko ng lumipat ang tingin ni Rad sa amin. Nanlaki ang mata ko at kabadong kabado ako ng magtama ang paningin naming dalawa. His paired of eyes was proof  that it was really him.

" Let's find a seat." Bulong ni Esteban sa akin.

Napaawang ang labi ko ng hindi man lang ito nagbago ng ekspresyon noong makita ako. Hindi ko nakita sa kanya ang pagkagulat o kasabikan. Kumirot ang dibdib ko ng ibinaling muli nito ang kanyang tingin sa kausap niya at tumango na parang walang nakita.

Naramdaman ko ang pagluwang at pagalis ng kamay ni Esteban sa aking bewang habang ang tingin ko ay hindi pa rin nawawala sa kanya.

" Rad..." I muttered.

I bit my lower lip, when I felt like someone was stabbing my heart that I couldn't breath. Begging him to glance at me again, baka hindi niya lang ako nakita.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.3M 90.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
953K 30.5K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...