Kabanata 35

1.9K 81 11
                                    

Huling kabanata ng Rad, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ❤

Natawa ako ng dahil sa paggalaw ni Cloud ay nabasa ng tubig ang suot na tshirt nito. Ilang minuto ko na pala siyang pinagmamasdan.

Hinawakan ko ang mahabang buhok ko ng umihip ang hangin, ang pamilyar na hangin ng Valencia. My white sleeveless dress sway gracefully because of the wind.

Huminto ito sa pagpapaligo kay Cloud ng mapansin nito akong nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.

" Kanina ka pa ba?"

" Bakit hindi mo ako ginising?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

" You're so tired last night." Bulgar na paliwanag nito at nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya na parang walang sinabi.

Tumingin ako sa paligid namin at mabuti nalang ay walang trabahador na nakarinig.

" Señorita Abella!" Napalukso ako sa gulat ng marinig ang sigaw na tawag ni Mang Densiyo na lumabas ng kulungan.

" Magandang Umaga po sa inyo!" Bati ko sa kanya at tumango ito sa akin at binati din ako.

Sumulyap ako kay Rad na nagpatuloy sa pagliligo kay Cloud at hinayaang mabasa ang suot nito.

" Ano ba naman Rad? We have to go." Giit ko sa kanya at napahinto ito sa kanyang ginagawa at ibinigay ang buong atensiyon sa akin.

We just took a quick vacation bago siya magtungo sa US, para sa negosyo nito. Ang sabi niya ay baka isang linggo lamang ito magstay doon at babalik kaming muli dito paguwi niya dahil gusto ko pang manatili dito.

" Kasal ngayon ni Jackson at Sapphira! Malalagot ako doon kapag nalate tayo!" Bwisit na wika ko sa kanya at kunot na kunot ang noo ko.

Sapphira called us to make sure that we attend their wedding. She knew na pupunta kami, I'd promise her kahit na nandito kami ngayon sa Valencia.

" Ako na ang magpapatuloy niyan Hijo." Wika naman ni Mang Densiyo. " Upang makapaghanda kana."

" Hindi na po Tatay Densiyo, ipapaligo ko nalang siya kay Ben." Saad nito na tinutukoy ang bagong taga bantay sa mga kabayo.

" Pasensya na po Mang Densiyo, may hinahabol lang po kaming kasal." Giit ko at kunot ang noong nakatingin sa kanya.

" Ganoon ba? Kayo, kailan ba kayo magpapakasal?" Napahinto ako sa tanong ni Mang Densiyo dahil matagal na naming hindi napag-usapan ang bagay na iyon.

Tumikhim ako at sinulyan si Rad at umiwas din kaagad ng tingin ng hubarin nito ang basang t-shirt nito at pagharap ko sa kanya ay nasa harapan ko na pala ito.

" Rad!" Pinandilatan ko siya ng tingin at tumalikod upang makapasok na sa mansiyon.

" Mang Densiyo, mauuna na ho kami." Paalam ko sa kanya at hindi na sinagot ang tanong nito. Umirap ako kay Rad at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng mansiyon.

" Akala ko hindi na tayo tutuloy, mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising Señorita." Mariin ang pagdikit ko sa aking labi at sumulyap sa kanya na may multo ng ngiti sa kanyang mga labi.

Nainis tuloy ako lalo! Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi at umiling sa kanya.

" Hey!" Habol nito sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko upang pigilan ako.

" What?" Inis na tanong ko sa kanya at huminto upang sulyapan siya.

Nagbuntong hininga ito at seryosong tumingin sa akin. He licked his lower lip and clenched his jaw.

Crashed On YouDär berättelser lever. Upptäck nu