Kabanata 14

1.1K 44 2
                                    

Nagbuntong hininga ako at tumayo. Hindi ko na kaya ang naririnig ko. I want to protest but I can't.

" Oh? Lalangoy ka?" Tanong sa akin ni Kat.

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ayoko itong nararamdaman kong ito.

" Oo." Tipid na sagot ko.

Sa pagtayo ko ay tumayo rin si Esteban. Nagkatinginan kami at iginiya niya ako patungo sa dagat. Mabibigat ang bawat hininga ko sa aking paghakbang.

Kailangan kong ituon ang pansin ko kay Esteban. Kailangan ko lang naman siyang bigyan ng panahon upang mahalin ko. Time, it takes time for me to love him and it takes time for me to forget Rad.

Napahinto ako sa paglalakad at nagulat ng maramdaman ang pagtama ng katawan ni Esteban sa aking likuran dahil sa biglaan kong paghinto. Naramdaman ko ang malaking kamay nito sa aking maliit na tyan upang hindi ako matumba.

" Okay ka lang?" Marahang tanong nito.

" O-Oo." Sagot ko at nabigla sa nangyare.

Mabilis nitong inalis ang kamay niya sa aking tyan.

" Ang sweet niyo naman!" Nagulat ako sa biro ni Karlo na ngayon ay na sa aming harapan at nakangisi.

Napahinto ako ng mapansin ang mga mata nila sa aming dalawa ni Esteban, seryoso lamang si Esteban at walang emosyon na dinaanan si Karlo upang magtungo sa dagat.

Hindi na ako tumuloy sa dagat at tumayo nalang doon. Napangiti ako ng lumapit si Thalia sa akin, habang si Angeline ay naglakad patungo sa tent.

" Bella, can we talk?" Tanong nito at sumulyap sa dagat kung saan nagtatalo ang tatlo at muling ibinaling sa akin ang mga tingin nito.

" Ano iyon?" Kuryosong tanong ko.

" Iyong tayo lang sana." Marahan nitong suwestiyon.

Tipid akong ngumiti sa kanya at marahan na tumango.

" Okay lang ba kapag nakauwi na sila?" Pakiusap nito.

Tumango ako muli, malaki ang kutob ko na tungkol ito kay Esteban. Sa nakikita kong reaksiyon ni Esteban kina Angeline at Kat ay ayoko ng umasa pa. Ngunit wala naman sigurong masama kung itatry ko hindi ba?

" Thalia! Bella! Come here, let's eat?" Tawag ni Angeline sa amin na kumakaway pa.

Nakita ko ang iilang mga kasambahay namin na naghanda pa ng iilang pagkain. Wala na doon si Rad kaya nakahinga na ako ng maluwag. Bago maggabi ay natapos na din kami. Maagang umuwi si Angeline dahil sinundo siya ng driver niya, habang si Esteban naman at mga kasama niya ay may dalang sasakyan kaya sumunod na rin. Nahuli si Kat dahil late dumating ang sundo niya.

Nasa kwarto kami ngayon ni Thalia at hinihintay ko siyang magbihis.

" Bella." Tawag nito sa akin habang ako ay nasa veranda ng kwarto ko.

Gabi na at punong puno na ng bituin ang langit.

" Hmm?" Tanging sagot ko sa kanya habang nakasalong baba sa railings.

" Hindi mo naman siya mahal hindi ba?" Pagkukumpirma muli nito. Nagbuntong hininga ako at humarap sa kanya.

Tipid itong ngumiti sa akin. " Kinakabahan ako, baka magustuhan mo siya." Nagaalalang saad nito.

" Ano bang klaseng tanong yan Thalia." Pabirong tugon ko.

" Nagseselos ako sa iyo Bella." Marahan nitong pahayag at napayuko. Umiling ito ng mabilis. " Malaki ang galit ni Don Herman sa Papa ko dahil hindi niya sinunod ang gusto niya. At ang mapasaakin si Esteban ay mas nagiging malabo." Iyon nga ang narinig ko noong nagkaroon sila ng family gathering.

Crashed On YouWhere stories live. Discover now