Once in a Lifetime (Valdemora...

anchoraigee által

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... Több

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 16

72 4 0
anchoraigee által

I sniffed, only to smell the familiar scent of the hospital. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang kamay na nakahawak din sa kamay ko. A warm hand is on top of it. Doon ko napansin si Jacob na nakayuko habang tumataas baba ang kanyang balikat dahil sa paghinga.

He's sleeping. Wala si Mama at hindi ko alam kung nasaan ba siya.

I passed out. Nahimatay ako sa sobrang bigat ng naramdaman at ako naman ngayon ang nakahiga sa kama na hindi ko pinangarap mahigaan.

Akala ko ay wala na ang sakit. Akala ko ay sa pamamagitan ng paggising ko ulit, mababalitaan kong hindi namatay si Papa, na walang nangyaring masama sa kanya at puro panaginip lang lahat nang iyon.

Iginalaw ko ang kamay. Nagising si Jacob dahil doon kaya kaagad itong napakusot sa mata nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

Pagod na pagod na ang kanyang mukha. Halatang walang enerhiya na pero nagawang samahan ako rito. Wala akong ideya kung anong oras na o araw ba dahil ganoon pa rin naman ang kanyang suot noong una kong makita ito sa hospital. There is still a hint of not giving up on him. Na parang siya pa iyong namatayan.

"Kumusta pakiramdam mo? Makakalabas ka na pala maya-maya. May inaasikaso lang si Tita sa labas," saad niya nang mapansin ang pagtatanong sa mukha ko.

I blinked a few times. Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ulit ang sarili.

His eyes were on me. Hindi naaalis at mas lalong pinakatitigan ang mukha ko. He's like seeing every details on my face, even the smallest one.

"Jake? Pwedeng huwag mo muna akong iwan?" I asked him. I can't be strong now. Hindi ko kakayaning mag-isa itong nangyari sa akin.

I recently had a break-up with Alonzo and now, my father died. Dobleng sakit at mas gusto kong may masandalan sa ganitong oras. Magmukha man akong duwag, ayos lang kasi gusto kong may makausap.

Though it is hard for me to accept what's happening, I need to let myself feel the courage to face another day, and lifetime in this world. Kailangan kong maging matatag.

He held my hands tightly and then embraced me. Sa ganoong punto ay naramdaman ko ang tibok ng kanyang puso, ng aking puso na tila nag-iisa sa mga ganitong oras. Naroon din ang marahang pagsuklay niya ng buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Nandito naman ako palagi para sa'yo. I won't leave you, Phoebe. Kailanganin mo ako hangga't kailan mo gusto kasi handa naman akong narito para sa'yo palagi," he used his soft voice.

My best friend. The only friend who has been there through my ups and downs. Napakaswerteng magkaroon ng isang Jacob Valdemora sa isang buhay. Laging handa sa tuwing kakailanganin mo.

The idea of having him on my side is good. Dahil pagkatapos ng ilang oras na pananatili sa hospital ay nakalabas ako, bitbit ang lahat ng lungkot at pighati.

We left the hospital with all of the sadness. May inayos pa si Mama tungkol sa bangkay ni Papa kaya pinahatid niya ako kay Jacob sa bahay.

Buong byahe ay hindi ako nakapagsalita. Maski si Jacob ay ganoon din kaya mas ginusto na rin niyang huwag magsimula ng kung anong topic.

Kahit ganoon man ay hindi ko mapigilang hindi maluha sa tuwing maaalala ko ang huling yakap ko kay Papa. Sinubukan ko namang hindi isipin pero sadyang sumasagi sa isipan ko.

I am not a daddy's girl. Sa katunayan ay malapit lang ang loob ko kay Papa kaya kahit na ilang taon naman kaming hindi nagkasama, hindi ko magawang kalimutan na lang siya sa buhay.

Now that I've got no choice to see him alive and have a chance to spend most of my time with him, siguro ay talagang ganito na ang mangyayari. Wala na.

Hindi ko alam kung paano ba tatakbo ang buhay ko nang hindi na siya nakikita pa. I don't know if my life will still be the same.

Pinagbuksan ako ni Jacob ng pinto. He let me entered our house. Binalot na naman ng kadiliman ang paningin ko nang mapansin ang ilang mga gamit ni Papa na nasa sofa.

"Bakit nandito lahat 'to?" mahinahon kong tanong. Nadinig ko pa ang tunog ng pagkakasarado ng pinto bago ako nasagot ni Jacob.

"Dinala lang ni Tita siguro 'yan dito. Maybe she has a purpose on that? Hindi ko lang sure," sagot niya. Tumango ako saka inilihis ang paningin doon bago dumiretso sa kusina.

Sumunod ito ng mabilisan sa akin saka imbes na ako ang magluto ng makakain, siya na ang nagpresinta. I let him cook some food for us. Siguro ay nag-aalala lang din ito sa naging kondisyon ko kanina.

"Nga pala. Saan si Alonzo? Hindi niya ba alam na nasa hospital ka? Hindi ba nag-aalala iyon sa'yo?" he asked in the middle of cooking. Nahihimigan ko sa kanyang tono ang kaunting inis.

Napahigpit ang kapit ko sa upuan nang madinig ang kanyang pangalan. He has no any idea of what happened to us. Na bago ako makarating sa hospital ay nagkahiwalay kaming dalawa.

I cleared my throat. Pinigilan kong maging emosyonal na naman.

Masyadong masakit ang idinulot sa akin ng araw na ito. Hindi inisa-isa. Talagang itinaon pareho sa isang araw.

"We broke up earlier. He decided to leave me and go abroad for his studies," kaswal kong tugon na nakapagpatigil sa kanya. His brows furrowed. Naroon na rin ang kaunting inis sa kanyang mukha na biglang lumitaw lang.

Itinuloy niya ang kanyang pagluluto, tinapos at pinaghain ako bago ako hinarap at binato ng mga nagtatanong niyang mga tingin. His jaw clenched. Mas lalo lang nadepina ang kanyang panga sa ginawa niyang iyon.

"Hiniwalayan ka niya? Ano bang tingin niya sa'yo? Makakaistorbo ng tuluyan sa kanya?" I shook my head. Pinahiran ko ang munting luhang tumulo sa akin.

"No, Jake. I supported his decision. Wala naman kaming bigat ng loob sa isa't isa bago naghiwalay. Ayos na iyon sa akin," pampalubag loob ko sa kanya.

"Wala kayong bigat ng loob? Eh bakit napapaiyak ka sa kanya? Is that the consequence of having a future doctor boyfriend? Ganyan ba ang nadadala?" inis pa niyang natanong sa akin, napasubo ng matigas bago iniwas ang tingin.

I bit my lip and then slowly ate my food together with him. Handa ko namang kalimutan iyon.

"Hindi ka ba naglugaw?"

I rolled my eyes and wiped another tear. "Please don't say some jokes, Jake. Alam mo kung anong pinagdadaanan ko ngayon," suway ko.

"Tsk. Hindi. Kaya pala lately ang lamig na ng relasyon niyo. Ang gagong iyon, mukhang sinayang lang ang pinangsorpresa mo sa kanya, ah? Hindi ba niya nagustuhan ang sunflower na choice ko?"

I ignored what he said. Itinuloy ko ang kain saka hindi na nakinig sa kanyang mga pinagsasabi. Patuloy lang akong nababalutan ng lungkot sa ngayon.

When we finished eating, he decided to join me until my mother finally arrived. Jacob helped her to sit first and take some rest. Maski ako ay nararamdaman ang lahat ng kanyang pagod.

Kung mayroon mang mas nasasaktan sa amin ngayon, si Mama iyon. Kahit naman naghiwalay silang dalawa, alam kong malaki ang naging parte ni Papa sa buhay ni Mama. They're my parents.

Hinayaan kong mayakap lang si Mama upang kahit papaano ay maibsan naman ang kanyang lungkot. He held me tight. Napahinga ng malalim, indikasyon na tila pagod na sa lahat.

"Ma, take some rest. I'm here, okay? Matulog na po muna kayo." I think that's the only way for her to refresh her mind. I kissed her forehead and then accompanied her to her room.

Gabi na at kahit ganoon ay mukhang walang balak na umalis si Jacob sa bahay. I joined him outside of the house. Nakaupo ito sa bench habang pinapapak iyong heart shaped cookies na galing sa ref.

He tapped the other side of the bench and I sat there. Pansin kong magulo na ang kanyang buhok tapos hindi man lang siya nag-abalang ayusin iyon.

"Nakapagpahinga na ba si Tita?" tumango ako. He drank the water beside him and yawned.

"Napagod ba kita, Jake?" I asked him. Natawa ito sa naging tanong ko.

"Kahit kailan naman, hindi mo ako napagod. Pagdating sa'yo, ewan, lagi akong may enerhiya. I can do anything for you," he answered. Napatitig ako sa kanya ng matagal.

Iyong anggulo ng kanyang mukha ay naka side view mula sa akin. Nakatingin siya sa labas habang ako naman ay sa kanya.

"Alam mo bang gusto kong magalit kay Alonzo? Sa ginawa niya sa'yo?" I didn't say a word. Nakinig lang ako sa kanya. "Alam mo bang gusto ko siyang gulpihin at ipamukha sa kanya ang iniwan niya? You're not worth leaving, Phoebe. Malaki ang sinayang niya."

Looking from his angle, I can see his sincerity and his protectiveness over me. Handang laging nasa side ko basta't malaman lang na nasaktan ako.

I've never seen him hurting someone before in front of me. Hangga't maaari ay wala siyang ginagawang kabulastugan hangga't nasa tabi niya ako.

But his tone now is way different. Matinding galit dahil lang sa nalamang balitang isiniwalat ko sa kanya.

"I know that you can't do that. Hindi ka marunong manakit, 'di ba?" Natawa siya ng bahagya.

"Ganoon na ba ako kabait sa'yo? But honestly, hindi naman talaga ako marunong manakit lalo na kapag mahal mo iyong isang tao. Natatakot akong manakit ng isang tao kapag ang taong iyon ay minsan nang nagpasaya sa'yo. I don't have any courage to see you crying just because I hurt the person you love."

Hearing that from him made me have a tiny smile on my face. Hindi niya iyon nakita dahil mabilisan niyang tinungga iyong tubig. He ate the last piece of cookies before giving me his attention.

"Pero minsan, alam mo bang ang sarap manakit ng mga taong nanakit din sa'yo? Kaso naalala kong, baka pati ako, madamay sa mga taong kamuhian mo. Ayokong mangyari iyon. Kaibigan kita, eh," he added. "Basta kapag kailangan mo ako, hindi naman ako tatakbo. I will be here for you, baby."

Ako naman ang nangunot ang noo. I was surprised by what I've heard.

"What? Did you just called me 'baby'?" tanong ko na nagpalaki sa kanyang mata.

"Ano? Hindi, ah. Phoebe sabi ko, hindi baby. Maglinis ka nga muna ng tenga mo. Kung ano-ano na ang naririnig mo."

"No. I clearly heard you, Jacob. You called me 'baby'!" I argued.

Ilang beses itong napailing, hindi tinatanggap ang naging paratang ko sa kanya. He clicked his tongue, making a sound before standing up. Iniiwasan niyang madinig ang katagang 'baby' mula sa akin.

He mentioned it earlier so why ignore while hearing it from me now? Bakit parang naiilang itong marinig sa akin?

"You heard it wrong. Alam mo, matulog ka na muna. Lumalalim na ang gabi. I need to go home then by tomorrow, I will be here to help you. Parating na rin iyong mga pinsan mo bukas kaya sige na, magpahinga ka na rin," he said. Hindi na ako nakapagreklamo kaagad dahil kaagad niya akong dinala sa kwarto.

Inayos niya ang higaan ko saka ako iniwan doon.

I felt alone again. Kahit papaano ay sa pamamagitan ng kanyang presensya, napagaan ng kaunti ang kalooban ko. Now that he left me, everything suddenly came back.

I woke up the next morning feeling the heaviness of my heart. Knowing that this day will bring some sadness to me again. Naroon din ang kaunting pagod kahit na wala pa man akong ginagawa.

My cousins arrived and they gave me a hug. Ramdam na ramdam ko rin ang kanilang pakikiramay sa amin at pagdadalamhati. My grandparents are with them. Ganoon din ang kanilang ibinigay sa akin.

Then my father's body inside the coffin arrived. Pinigilan kong huwag humagulhol sa tulong ng suporta sa akin nina lolo't lola. My cousins helped to set up everything.

Hinayaan ko ang sariling masanay sa pagpipigil ng iyak, huwag ko lang maipakita kay Mama na masyado akong mahina sa ngayon. I refused to look what he looked like from the inside. Nakuntento na lang sa pagtitingin ng kung ano.

Nilapitan ako ni Jha saka hinawakan sa balikat. He gave me a small smile and then decided to comfort me.

"Condolence, cous. Hayaan mo, dito kami matutulog hangga't sa maging okay ka." I like his idea. Gusto ko rin naming may kaunting ingay dito kahit papaano sa bahay.

My other cousins joined us. Mga malulungkot ang kanilang mga mukha habang sinasabi ang 'condolence'. They brought their bags and some other things. Naka-prepare na rin naman iyong guest room para sa kanila.

"Salamat sa inyo. You know that I can't always be the Phoebe you're all seeing. Mahal ko kayo," I assured them with a smile. They can't make a joke in front of me because they know what I'm feeling. Mas pinairal nila ang kanilang kaseryosohan sa ngayon.

"Always mind that we are all here for you. Pamilya mo kami kaya sana, huwag ka nang malungkot. You lost your father but that doesn't mean that you'll give up. Nandirito kami. Maraming nagmamahal sa'yo," Sam said seriously. I can sense that they really made a practice for this dialogue. Pero kahit ganoon naman, ramdam ko ang sinseridad.

"Syempre, lalo na iyong isang nagmamahal sa'yo. For sure, he did his part in your life. Kaya kung ako sa'yo, magpapakatatag ako kasi lahat ng nagmamahal sa'yo, nasa paligid mo lang," Chance assured me and tapped my shoulder.

They're the best cousins after all.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

3.9K 74 25
Come one come all to read curated lists of all my Drarry fanfiction favorites, both on and off Wattpad. This collection currently has 22 rec lists p...
5K 487 25
បើថ្ងៃនោះខ្ញុំមិនដាក់សំបុត្រខុសទូរទេជីវិតខ្ញុំក៏មិនមានអ្នកមករញ៉េរញ៉ៃដែរមនុស្សឆ្កួតអំណាចKim sunoo!!!!
355K 21.7K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...