When You Smile (Engineering S...

By eraeyxxi

74.6K 2.6K 458

Trust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasak... More

When You Smile
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Thirty Two

1.7K 56 8
By eraeyxxi

Chapter 32


May mga ilang pagkakataon pa na nakakasalubong namin sina Casper at ayun, dedma lang kami... ako. Si Cody nga lang ata pinapansin niya eh, tungkol pa ata sa acads and some extracurricular activities. Active kasi ang dalawang ito sa mga ganyang bagay. Should I join the school's org too? Man, I don't like that kind of stuff.


Hindi ko rin siya nakikitang may kasamang ibang tao bukod kay Atasha. Buti naman. Gusto ko nga siyang tanungin kung man-hater ba siya kaso hindi naman kami close.


"Nanalo kayo?" tanong ni Sarah habang nasa quadrangle kami at nagf-flag ceremony. Katatapos lang ng exercise at announcement na lang ng Principal.


"Oo," si Cody.


"Ia-announce ata ngayon na nanalo sila," singit ni Zion.


Tinawag sa harap sina Cody at Casper. They won first place in the quiz bee. Duo pala iyon akala ko individual contest. Tangina, swerte naman ni Cody.


"Madali lang ba questions doon, Cods?" tanong ko kay Cody nang makapasok na kami sa classroom.


"Mahirap pero nareview naman namin iyong ibang tanong."


"'Di ba makiki-contest ka rin next month pero Math Quiz Bee naman?" singit-singit talaga si Sarah. Tsk.


"Oo."


"Sino kasama mo?" though parang may ideya na ako kung sino.


"Individual na iyon, pero tatlo ata ang kukunin na quizzer. Baka si Casper ulit 'yong isa," ani Cody. Parang nabuhayan ako ng dugo nang marinig ang pangalan niya. I was about to speak when Sarah spoke again.


"Kai, sali ka na! Magaling ka sa Math 'di ba?" tiningnan niya si Kai. Umiling si Kai.


"Eh?! Tinuruan mo ako dati eh..."


"Mas magaling ako sa kanya sa Math..." mayabang kong sabi. Kai rolled his eyes but later on he agreed.


"Baka ka-klase rin nila Casper ang magiging isang quizzer."


"Gago, ano bang utak meron kayo? Bakit ang unfair? Magaling na nga kayo sa Science pati sa Math easy lang sa inyo! Siguro no'ng nagpaulan ng katalinuhan ang Diyos nag-swi-swimming kayo ano?" si Thirdy.


"Si Thirdy kasi busy nakikipaglandian kaya 'di nabiyayaan," natatawa kong sabi.


"Tama! 'Di siya nainform na may biyaya. Puro kalandian kasi nasa isip!" Sarah added. Thirdy didn't comment anymore. He just smirked and shrugged.


There are times I really wanted to talk to her kahit na Hi o Hello man lang. Sabi ng mga kaklase ko nakakatakot daw siya kasi palagi nakasimangot... at mukhang masungit. Eh ano naman ngayon kung masungit siya? Bakit ako matatakot? Hindi naman ako takot kaso nahihiya lang at baka... iwasan niya ako.


I admit I am attracted to her a bit. I found her so attractive every time I saw her reading a book. Hindi ko nga rin alam bakit ko siya crush eh ayoko naman sa mga babaeng matatalino. I always find them so serious and nerd, which I really don't like. Iniisip ko kasi na baka hindi rin lang kami magkakaintindihan sa maraming bagay kasi nga matalino sila at marami silang alam. Wala na atang ibang ginawa kung hindi ang mag-aral nang mag-aral. May social life pa ba ang mga iyan? Buti sina Cody at Kai meron.


Isinawalang-bahala ko ang attraction ko sa kanya. I said to myself that it's just a simple attraction. Lilipas din 'yan. Mawawala din 'yan. It's just a puppy love. Damn... ilang taon pa lang naman ako eh, 14? Sus, bata pa.


15 years old when I got into a relationship. Andrea, was my first ever girlfriend. She's beautiful and she's friends with Thirdy. Pinakilala siya sa akin ni Thirdy then I tried courting her. I courted her for just a week then we became boyfriend-girlfriend for almost two months. We didn't work out kasi taga-ibang school siya, private school siya though magkalapit lang naman ang school namin.


Sa sumunod na girlfriend ko naging kaklase ko na. Why not I try a classmate, right? Hindi kami nag-workout ng taga-ibang school kong jowa noon baka sa kaklase magwork out na kami. Rason ng unang girlfriend ko hindi raw siya sure kung loyal ako sa kanya. Hindi naman daw niya ako nakikita, malay daw niya kung may iba pa akong nilalandi. Lecheng buhay 'to oh. Magjo-jowa pero wala namang tiwala sa jowa?


Jane is my classmate. She's our muse, actually. Sabi kasi ni Thirdy crush daw ako nun kaya ayun niligawan ko then naging mag-jowa naman kami. Tumagal naman kami ng limang buwan and then after that we broke up again. Ano na dahilan ng break up namin? Ah, summer break ata nun, wala raw kasi akong time sa kanya. Damn, we always text and chat every minute! Ano pa bang kulang? Date ata.


Tamad kasi akong gumala nang hindi kasama sila Cody. Hindi pa naman kasi kami p'wedeng mag-drive, minor pa lang kami. Kung mag-di-date kami, magco-commute pa ako? Hindi ako nagco-commute. Hindi rin naman palaging available ang driver namin.


Buti na lang no'ng mag-grade 10 kami nagtransfer siya sa ibang school. Kapag ka-klase pa namin iyon malamang tutuksuhin kami.


"King anong plano mo sa Valentine's day?" tanong ni Thirdy. Ito na naman si Thirdy eh. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako nagkaka-girlfriend eh! Kung sino sino pinapakilala tapos agad-agad naman akong na-bri-brainwash niyan.


"Wala," naiirita kong sabi.


"Iyong binigay ko sa iyong number, na-text mo na?"


"Hindi. Binigay ko 'yong number kay Cody."


"Ti-ne-text naman niya?"


"Ewan, tanong mo," simangot ko.


"Hoy, Cody! Ka-text mo ba ngayon si Anne?" Anne huh.


"Kagabi," si Cody.


"Ano, kumusta?" kuryusong tanong ni Thirdy.


"Anong kagabi?! May ka-text ka kanina eh nakita ko Anne ang pangalan," si Sarah. "Sinungaling. Nag-I love you'han na nga kayo eh." muntik ko na maibuga ang iniinom kong tubig. Tangina, Cody?!


Cody's face heated but then he managed to give us smirk.


"Oh, ngayon?" malamig na sabi ni Cody


"That's my boy!" inakbayan ni Thirdy si Cody. "Marami ring nagkakagusto rito kay Cody eh. Akala ng karamihan puro aral lang ito aral pero kita niyo naman..."


Tss...


"Pakilala mo naman ako kay Casper kung ganoon," hirit ni Thirdy. Parang napantig ang tainga ko nang banggitin ni Thirdy 'yang pangalan niya.


"O 'di kaya baka may number ka niya," dagdag niya.


"Wala kang pag-asa dun," sabi ni Cody.


"Ite-text ko lang nama—"


"Tumigil ka nga Thirdy," I cut him off. My brows furrowed while looking at him. Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kaibigan ko. Doon ko napagtanto na sobrang seryoso pala pagkakasabi ko.


I cleared my throat first before I speak again.


"May klase na." iwas ko sa mga tingin nila. Mabuti na lang at dumating na si Ma'am.


Valentine's Day came and my friends were really busy preparing for the surprises. Tsk, surprise surprise pa eh mababasted din lang, magb-break din lang.


"Bakit nasaan ba sila Zion?" tanong ni Sarah. Nandito kami nakatambay sa harap ng room namin sa Statistics. Wala raw klase ngayong umaga, tsk, kung alam ko lang sana natulog na lang ako.


"Ewan. Nandiyan lang 'yan," I lied. Alam ko kung nasaan sila ngayon. Pinaiwan nila ako rito para may kasama si Sarah. Zion is preparing something for her. I-su-surprise niya si Sam. Tss.


I looked at Sarah.


"Tapang naman..." she mumbled.


Tiningnan ko rin kung saan siya nakatingin at nakita ko ang isang lalaki na nagco-confess sa isang babae. Pinagmasdan ko nang maigi kung kilala ko ba sila. Naningkit ang mata ko nang mapagtantong si Casper iyong babae. What the—?


"Sa tingin mo, papayag kaya siya?" tanong ni Sarah. Hindi... Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin.


"Hindi."


"Ano kayang feeling ma-surprise ng ganyan ano?" tanong niya. Mamaya malalaman mo...


"Bakit gusto mo?" nagtaas ako ng kilay pero hindi ko pa rin naiwas ang tingin ko sa harap. Umalis ka na diyan. Bastedin mo na agad.


"Bawal pa," aniya. "Kapag 18 na raw ako," dagdag niya.


Tangina, Zion...


"Paano kapag may nanligaw na sa iyo ngayon?" bakit ang tagal nila mag-usap? Don't tell me pumayag siya?!


"Then I'll tell him to wait... and that... if he can wait for me. Ayos lang kung hindi at makahanap na siya ng iba."


Walang malay akong tumango at nakatingin lang kila Casper. Umalis na si Casper. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki at nakita na bagsak ang kanyang balikat. I smirked inwardly... Basted.


Tuwang-tuwa ako nang malaman kong basted nga iyong lalaki kay Casper. Halata naman kay Casper na study first pa iyon. Tangina, study first huh.


We completed Junior High and now we're in Senior High already. Lumipat kami ng school na magkakaibigan samantalang nanatili sa dati naming school si Casper. Tangina, bakit ba kasi kami lumipat? Alangan namang maiwan ako rito at sila Kai ay nasa ibang school? Wala akong nagawa kaya nag-enrol na lang din ako sa school na kung saan sila.


Nagkaroon ako ng iilang romantic relationship noong senior high ako at mas nagkaroon ako ng time sa ganyan nang mag-18 na kami. Of course, we're on legal age already kaya may kanya-kanya na kaming sasakyan. P'wede na rin kaming gumala kahit saan namin gusto at ang pinakamasaya sa lahat... p'wede na kaming mag-inuman.


Pero habang tumatagal, parang nauumay na ako sa ganitong set up ko. Magkakaroon ng ka-relasyon pero sa huli mag-bre-break din lang kasi hindi kayo nag-work out. Nakakasawa na. Kaya naman natigil muna ako sa paghahanap ng girlfriend. Kapag may pinapakilala sa akin si Thirdy agad-agad kong tinatanggihan at pinapasa kay Cody na lang para naman may pagkaabalahan siya at hindi lang nag-aaral. Ang gago, um-oo naman.


"Ihatid mo na si Steffany, lasing na," utos ni Thirdy sa akin. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. I tried to wake her up but I think she's in deep sleep. I have no choice but to carry her. Mabait naman ako at hinatid siya sa kanyang apartment. Mabuti na lang nandoon ang mga kasama niya at tinulungan ako.


"Pa-fall," Sarah commented


"Ano na naman?" asik ko sa kanya.


"Bawasan mo minsan pagiging mabait at matulungin mo sa babae. Nami-misinterpret nila eh. Akala nila may gusto ka sa kanila," aniya.


"Huh? Nagiging gentleman lang ako," simangot ko. Inilabas ko ang notebook at ballpen saka nag-sketch ng kung anu-ano. Tagal naman ng teacher namin...


"Iyon na nga eh. Nami-misinterpret nila. Akala nila may gusto ka sa kanila tapos ti-ne-text mo pa! Talagang mag-iisip sila ng kung anu-ano. Tapos malalaman na lang nila na you're not into relationship anymore then feeling broken naman sila. Then they will rant on facebook na pa-fall ka. Gumagamit pa sila ng code name eh halata namang ikaw ang pinapatamaan! Moygosh!" sunod-sunod na sabi ni Sam.


Tss...


"Kasalanan na nila iyon. Hindi ko naman sinabing liligawan ko sila at hindi ko rin sinabing gusto ko sila."


"Nagbigay ka kasi ng motibo."


"Hindi ako nagbibigay ng motibo."


"You did!" she hissed. "Nag-te-text ka sa kanila—"


"Sila unang nag-te-text, nag-re-reply lang ako," I cut her off. "Ayoko namang magmukhang snob."


"Ugh. Basta huwag mo na lang silang replyan!"


"Sarah..." I sighed and looked at her. "I didn't do anything wrong. Nagiging gentleman at matulungin lang naman ako. See? Wala nga akong girlfriend eh. That was just all friendly acts. Problema na nila iyon kung mamisinterpret nila. It's not my fault anymore..."


"Jerk."


Tss... wala na nga akong girlfriend masasabihan pa akong jerk?


I didn't get into any relationship anymore until we get into college. Sabay-sabay kaming nagtake ng entrance exam at pare-parehas din kami ng school. I didn't expect Sarah to take Engineering course... at mas lalong hindi ako makapaniwala na gusto pala ni Kai ang Chemical Engineering course.


Noon pa lang bata kami napapansin ko na walang hilig si Kai sa field ng pamilya namin. Mostly in our family, business and civil engineering ang field namin. Well, I can't blame him in fact, I agree with him, that he was just chasing his dreams. That's where his happiness is. Iyon nga lang... feeling ko lahat ng burden napunta sa akin. Lahat ng pressure napunta sa akin... kasi ako na lang ang inaasahan ng pamilya and it was so hard for me.


I tried myself to be positive person even though I am really pressured inside. I act like I am okay, well, I am still okay. Nakikipagbiruan pa rin naman ako kila Sam. Masiyahin pa rin naman ako. Nakangiti at tumatawa. I always lighten up the mood in the group. I like to lighten up the mood because I don't like gloomy atmosphere. Alam iyan nila Kai at ng mga kaibigan ko. As much as possible, dapat masaya lang... dapat nakangiti lang.


Pero may mga pagkakataon talaga na mare-realize mong pagod ka na lang magpanggap. Kailan kaya mare-realize ng mga tao sa paligid mo na malungkot ka at ngumingiti ka lang kasi iyon ang tingin nila sa iyo, na matatag kang tao?


May gano'ng tao ba na kahit hindi mo sabihin ang tunay mong nararamdaman malalaman nila na malungkot ka kasi ramdam ka nila?


"Boy, may sasabihin ako," si Thirdy. Nagka-ayaan muli kaming magkakaibigan sa bistro. Pauwi na kami ngayon. Himala, hindi kami lasing ngayon ah?


"May girlfriend na ako," aniya.


"Gago ka ba? Hindi ka naman nawawalan ng girlfriend eh." muntik ko na siyang nasapak, akala ko naman kung ano sasabihin niya.


He chuckled before he put his hand on his pocket and then he smirked at me.


"Si Atasha ang bagong girlfriend ko," sabi niya. Ano raw?


Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Gago seryoso?


"Electrical Engineering course nila ni... Casper." ngumisi siya nang banggitin niya ang pangalan ni Casper.


"Baka gusto mo sumama sa date namin?" mas lumawak ang ngisi niya.


"Gago ka ba?" gawin mo pa akong third wheel, gago!


"Baka lang naman isama niya rin si Casper," makahulugan niyang sabi.


"Oh, ano ngayon?" naiinis kong sabi. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at akmang papasok na nang magsalita siya.


"'Di ba gusto mo siya?" I was a bit stilled when he mentioned that but managed to shook my head.


"Hindi."


"Ulooool!" he teased then he laughed. "Lokohin mo pa akong gago ka."


"Noon 'yon," mabilis kong sabi at pumasok na sa loob ng sasakyan pero bago ko maisara ang pinto nagsalita siya ulit.


"Hahatid ko pauwi bukas si Atasha, sabay tayong punta ng EE building kung gusto mo."


"Ano pa bang bago diyan kay Thirdy? Hindi naman nawawalan ng girlfriend 'yan eh." Kalat na buong campus na may relasyon sila ni Atasha. Sikat silang pareho kaya talagang kakalat at kakalat iyan.


"Boy ayusin mo. Lagot ka kay Casper kapag sinaktan mo iyon," sabi ni Cody. I wonder what her reaction is. Gago talaga 'tong si Thirdy eh. Seryoso ba ito kay Atasha?


"King, mamaya ah?" ngisi ni Thirdy. Sinamaan ko siya ng tingin at kumain na lang.


"Ano meron?" singit ni Sam.


"Wala," sabay naming sabi ni Thirdy.


Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sumama nga kay Thirdy. Gago, magmumukha akong third wheel nito eh.


Eksaktong alas singko nang makarating kami sa building nila at maghihintay. Sakto rin tapos na sila sa kanilang panghuling subject. Hindi ko alam bakit ako kinabahan. I was just standing behind Thirdy.


Lumabas si Lei kasama si... Casper. Damn, when was the last time I saw her again? High school pa lang ata? Hindi ko alam na nag-aaral pala siya rito. Kung alam ko lang edi sana... fool! Nabalitaan ko na parte rin pala siya ng student's org. Edi sana kinampanya ko siya. Tangina ka, King!


She didn't change a lot. Ganoon pa rin naman siya... maganda. Nakalugay pa rin ang mahaba niyang buhok pero tingin ko nagpagupit siya. Dati kasi hanggang bewyang iyong haba ng buhok pero parang umiksi ngayon tapos wala na rin siyang bangs. Pero maganda pa rin siya... sobra.


Nagtagal ang titig ko sa kanya hanggang sa napansin niya ako. Nagtaas siya ng kilay at sinungitan ako.


I chuckled because of her reaction. Sabi ko nga masungit pa rin.



"May number ka ba ni Casper?"


"Akala ko ba hindi mo siya gusto?" Thirdy smirked.


"Tsk." hindi na ako nagsalita pa at pumasok na lang.


Thirdy found a way for us on a double date. Double date? Gago third wheel kamo! Kahit hindi  date ang labas nito ipipilit kong isisiksik sa utak ko na nag-date kami ni Casper.


As usual, she still love books. Nagpunta siya agad sa NBS at sinundan ko siya doon. Kahit sinungitan lang niya ako buong pag-uusap namin hindi ko maiwasang mapangiti. Damn, I am really so smitten when it comes to her. Anong nangyayari sa akin? Kahit pag-irap niya parang may lumilipad na paru-paru sa tiyan ko.


Akala ko makaka-score ako nang pauwi na siya. I offered her a ride but he rejected me. It hurts, of course. First time ko ata ma-reject eh. Pero kahit ganoon umuwi pa rin akong nakangisi at tuwang-tuwa.


Ti-next ko si Thirdy.



Me:

May number ka ba ni Casper?



Thirdy:

Wala.



Putangina!



Ilang segundo pa nag-reply ulit si Thirdy.



Thirdy:

Saglit. I'll ask Atasha.



Thirdy:

09xxxxxxxxx. Huwag mong sabihin na si Atasha ang nagbigay ng numero niya.



Bingo!

~~

:>

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 372 60
Travesia Series #2 "Please don't leave me. Stay, Love..." Astley Shane Gomez grew up being tied down by misfortune. In her past, she was left alone b...
1.1M 28.5K 88
Resurrecting the King of the Dark : The beginning (Book 1 of Dark Series) Sya ang huling tagapagmana ng Elafry Vasileio. Ang natitirang Glasiever at...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
90.4K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...