Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 15

85 4 0
By anchoraigee

I sat helplessly, hoping that he'll come back and then join me here again. Ang mga tingin ko ay nanatili lang doon sa kung saan siya nakalabas kanina. I've been staring at it for the whole minute but Alonzo didn't appeared.

Nakatulala na ako at kung hindi pa dahil sa waiter na nagtanong kung ano bang order ko ay hindi ko nagawang maialis na ang tingin pa roon.

Mabagal kong nilisan ang lugar saka nagdesisyong hindi na muna umuwi. I have no things to do. Kahit na mayroon naman ay sigurado akong hindi ko magagawa ng maayos dahil sa sitwasyon. My mind will be occupied by what happened recently.

Sinubukan kong imaneho ang sasakyan papunta sa kung saan, walang patutunguhan kung ano bang lugar ang pupuntahan ko para maibsan ang lungkot. I wanted to go somewhere where I can feel the peace they called.

Our break-up happened peacefully. Ganoon ang kanyang rason para tuluyang makawala na sa akin. And I was not wrong of my speculations. Na sinasanay na nga niya pala talaga ako sa ganitong sitwasyon kung saan hindi ko na siya makakasama.

It's sad because after we parted our ways, we didn't have our special moment before he did that. Masakit naman iyong ginawa niya. Siguro noong nasabi na niya ang mga katagang mag-aaral na nga siya sa ibang lugar ay medyo nalungkot ako pero wala, eh. Alam kong wala akong laban sa kanyang pangarap. It's his first love so why would I not allow him to chase that?

Nakakalungkot na habang siya ay handa nang bumitaw, ako naman ay patuloy pa rin siyang minamahal. Bakit ganoon? The only person who accepted and loved me fully gave up? Dahil ba sa alam niyang wala akong kakayahang humawak ng isang relasyon kapag malayo siya? I bet that's one of the reasons but all I want for him is to finally see him slowly reaching his dream.

He left me while I didn't say my proper goodbye for him. Hindi niya ako hinayaang gawin iyon dahil sa tila importante ang kanyang oras.

My boyfriend left me. Kahit maikling panahon lang ang nangyari sa amin, malaki ang naging parte niya sa buhay ko. We have similarities and that is to focus on our goals. Hindi naman mali sa akin ang ganoong rason niya pero iyong hindi man lang sinabi sa aking sinasanay na pala ako para sa ganitong araw na iiwan niya ako? I think, that hurts the most.

Napahinga ako ng malalim saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan. I ended up going to the farm where we spent our morning before. Hininto ko ang sasakyan sa labas at nanatili sa loob ng sasakyan. I reminisced all our days being together in here.

Gusto kong magsumbong at sabihin lahat ng hinaing pero kanino? Ayoko namang pati ako ay problemahin pa nila. Ayokong makaistorbo nang dahil lang sa pinagdadaanan ko.

I watched how those animals go back and forth. Wala akong ibang maramdaman kundi puro lungkot at pag-iisa lang. Added by how broke I am today. Gusto ko na lang iiyak lahat pero bakit hindi ko magawa?

I licked my lip and remained sitting. Ilang linggong wala siyang text at paramdam sa akin tapos ito na pala ang huling araw na makikita ko siya. Nasorpresa naman ako. Didn't know that not all surprises can be happy and more meaningful. Itong akin ay masyadong masakit lang talaga.

Hindi ko na lang binilang ang oras dahil bawat segundo naman sa akin ay walang kahalagahan ngayon. Hinayaan kong magtagal ang sarili sa loob ng sasakyan na walang ginagawa.

My phone vibrated. Iyong puso ko ay lumundag na parang umaasang galing kay Alonzo iyon. But then it weakened again when I saw Jacob's message for me.

From: Jacob

Swerte nung isa dyan. Siya lang gusto ko.

I didn't reacted on that. Ewan ko kung trip niya lang ba o na-wrong send dahil alam kong nagsasaya ito ngayon. Hindi ko nagawang replyan iyon at tila naging tulala na naman ang paningin ko sa kawalan.

I was tied to Alonzo but then, he cut the rope. Basta pangarap ang pinag-uusapan, walang laban ang puso. And he proved that to me. Maski ako kapag nasa ganoong sitwasyon ay iyon din ang gagawin.

No matter how hard I will fight, I know that his dreams will win. Tapos ang laban kaagad. Hindi pa naman nagsisimula ay alam kong talo na ako.

My phone vibrated again and it was from Jacob.

From: Jacob

Sorry, wrong send sseb. Sa'n ka? Uwi na 'ko sana kasi 'di naman ako nag-eenjoy dito.

Pinatay ko ang phone, walang balak na mag-reply sa kanya.

I wanted to be alone and then forget everything just for today. Getting drunk is not the choice because I know that I will screw up. Wala akong kasama at ayoko pang mamatay pauwi mamaya.

Naghintay akong gumabi bago nakaalis doon. I drove again and occupied myself with the possibilities of places that I will go. Sa huli ay naisipan kong dumiretso na lang sa isang lugar.

I went straightly to Galleria de Asuncion. Sinubok ko ang sariling makapunta roon at mukhang mas magiging tahimik ang utak ko rito.

Kahit na madilim ay alam ko kung gaano kaganda ang lugar na 'to. From the green sceneries and all. Napunta ako sa gym ng lugar at inabala ang sarili sa pagpapanood ng mga pailaw doon.

Christmas is near. Pagbaba ng sasakyan ay malamig na simoy ng hangin kaagad ang sumalubong sa akin. Naroon din ang usok na nagmumula sa isang barbecue stand.

Maraming tao at tingin ko'y may misang nagaganap dahil sa mga upuang nakahilera para sa mga tao. This Christmas might be the saddest for me. Sana naman huwag nang masundan pa kasi ngayon, parang matapang pa ako. Nakakaya ko pa ang sarili.

I brought myself here alone. Isang achievement dahil nasa gitna ako ng matinding kalungkutan ngayon.

How ironic because in front of me are the Christmas lights, twinkling like a star at night. Baliktad sa kung ano man ang napagdadaanan ko ngayon kasi madilim ang naging mundo ko. There is no light that shines. No light as the resemblance of joy and happiness which I can't feel right now.

Ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga tao. I'm not a resident in here so they think, I am some stranger who's gatecrashing their event. I am standing and my eyes are on the lights. Hindi ko nabigyang pansin iyon dahil iisa lang naman ang nagiging laman ng isip ko.

Sana ang buhay ay puro na lang liwanag. Walang kadiliman, walang kalungkutan na nagpapabigat sa nararamdaman. I want to feel the happiness but how I can recover on that? Paano ko gagawing matatag ang sarili kung sa simpleng nangyari sa amin ni Alonzo ay sobrang naaapektuhan na ako?

I do not blame him about what happened to us. Pero kasi, naapektuhan naman ako. Biglaan na lang dumating iyong lungkot sa akin na hindi ko inasahan.

Though I have a hint already that he'll break-up with me, it still feels different lalo na kapag galing na mismo sa kanya. Mas masakit pala. Kahit na ilang buwan lang naman nagtagal, naapektuhan pa rin ako.

I stayed there for long. Pagkatapos din naman ng kaunting pagtitingin ko at pakikinig sa naging misa ay nagtungo na ako sa kotse at umuwi na lang sa bahay.

Sa gitna ng pagmamaneho ay naisipan kong buksan ulit ang phone at doon na nagsilabasan lahat ng mga naging tawag nila sa akin. Jacob and my cousins called me many times. Marami ang naging missed calls sa kanila at ganoon din kay Mama. And what caught me was the text message from Jacob.

From: Jacob

Sseb sa'n ka? Need ko info saka may emergency lang kasing nangyari. Reply back.

It was sent ten minutes ago. Mas binilisan ko ang pagmamaneho at sinubukang pakalmahin ang sarili kahit na may kaunting kabang namutawi sa akin. I replied to him where I am and in an instant, my phone vibrated. He's calling me.

"Sseb, kanina pa ako nagte-text sa'yo. Teka, pwedeng huwag ka munang dumiretso sa bahay niyo? Wala si tita do'n," bungad niya kaagad sa akin. My brows furrowed.

"Why? Saka anong emergency ang sinasabi mo?"

"Hirap i-explain basta diretso ka na lang muna rito sa hospital? Dito ko i-explain lahat sa'yo and please, don't panic. Drive safely, ha. Please, Phoebe. Mag-ingat ka papunta rito," paalala niya sa akin saka pinatay na kaagad ang tawag.

Kinabahan ako nang marinig iyon mula sa kanya. I drove fast but safe. Minadali ko at hinabol na ang oras dahil sa kaunting kaba.

I don't know what he's saying. Kung bakit siya nasa hospital ngayon at hindi sa beach kasama ang kanyang mga kaibigan. Kung bakit mas concern siya sa naging emergency at paano siya nakapunta kaagad?

I went to the said hospital. Pagod ang isip ko pati ang katawan nang makarating na roon. Pagpasok ko pa lang ay agad hinanap ng mga mata ko si Jacob. I saw him with my mother who's sitting  right in front of the morgue.

Kapwa sila pagod at mukhang si Jacob lang ang kahit na ganoon ang itsura ay halatang may enerhiya pa ito. Si Mama naman ay may malungkot na ngiting nakapaskil sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.

"Sinong na-hospital? May isinugod kayo?" Itinago ko ang lungkot na nararamdaman. I don't want them to suspect me about what's happening to me now. Kung anong kalungkutan ba ang napagdaanan ko bago makarating dito.

Kapwa sila napatingin sa isa't isa. My mother shook her head and my eyes followed them. Naguluhan kaagad ako dahil sa kanilang mga kilos.

"Sseb, ano kasi..." napakamot sa ulo si Jacob, tila nahihirapan sa sasabihin. Even me can feel what he feels. "I know this is hard for you to accept but I want you to stay calm, okay?"

"Ano ba kasi 'yon? Alam mo Jake, pagod ako tapos wala ako sa mood makipag-usap muna sa'yo ngayon. I need you to tell me what's going on. Anong nangyayari?"

Napabuntong hininga ito na tila pagod na pagod na kahit wala pang nasasabi. From his tired look, his eyes twinkled. May namuong luha roon at kahit ganoon ay nagawa pa nitong pagmukhaing kalmado ang itsura.

Si Mama naman ay hindi na napigilang maluha habang ako ay wala pa ring ideya sa kung anong nangyayari. She's silent and I don't know what they are crying for.

"Sseb, si tito kasi... wala na," Jacob said, almost whispering. Naroon na naman ang pagdating ng masakit na balita sa akin.

My knees trembled. Sa kawalan ng balanse sa katawan ay napaupo ako, hindi nakayanan ang narinig sa kanila ngayon. I was taken aback and all the sadness rushed through me. Hindi ko maiproseso ang nangyari at halos hindi ko na napigilan pa ang sariling mapahagulhol habang natutulala.

Dinaluhan ako ni Mama na ngayon ay napaluha na rin at hindi na napigilan ang sariling mayakap ako. I cried so hard, remembering that it took us only a day to meet before this happened. Na ang akala kong pagkikita ay masusundan pa ng mga susunod na taon.

Now, I got no courage to show the brave side of mine. Habang unti-unti akong bumibigay, natutupok na parang apoy, bumabalik sa isipan ko ang huling beses na kami ay nagkita. I remember how he did his best to have a moment with me.

Na kahit nagkahiwalay sila ni Mama ay narito pa rin ako na handang-handa siyang tanggapin ng buong-buo. I love my father so much and yet, he left me too early.

I can feel the sadness and agony between us. Iyong lungkot na tila walang kaayusan at walang posibilidad na maging masaya pa ulit. It took all my happiness, the strength and the courage that I earned.

My weakness finally entered me, ready to crush and torn me into pieces. Ang pangyayaring hindi ko inaasahan, ang pangyayaring kinatatakutan kong dumating sa buhay ko ay nagawa nang pabagsakin ang katawan ko. Wala na naman akong naging laban.

"Phoebe... I'm sorry, anak." I shook my head. Mahigpit ang nagiging yakap sa akin ni Mama na kahit iyon ay hindi magawang pakalmahin ang sarili ko.

I am used in fighting alone but I guess, this is the battle that I can't ever recover with. Kahit ilang pagsusumamo at pagmamakaawa ang gawin kong buhayin ulit ang Papa ko, hindi mangyayari ang nais kong hiling.

If wishes for Christmas can be fully commanded, I will wish that my father will live again for a lifetime with me together with my mother. For us to be a family again. That he'll spend his life again. Nang sa ganoon, wala akong magiging dahilan para maging mahina ulit.

My mother pulled me. Pati si Jacob ay ganoon din ang ginawa nang hindi na ako nakayanan pa ni Mama. They supported me until I fully stood up. Ganoon pa rin, umiiyak ako at walang tigil.

We were permissioned to go to the morgue and there, when I entered the room, I saw my father, lying lifeless and will never be awaken again. Nakasuporta si Jacob sa akin at nang makalapit na sa kanyang hinihigaan ay niyakap ko siya ng mahigpit, katulad ng gusto kong gawin kapag nagkita kami ngayon ng pangalawang beses.

But I didn't hugged him with full of happiness. I hugged his stone cold body with great sorrow and tears streaming down my face. Doon ako mas lalong napahagulhol dahil ang taong tiningala ko para sa mga pangarap na gusto kong abutin, nawala na.

My father is gone. I didn't got a chance to at least save him from what had happened to him. The man who became the reason why I am existing in this world, the man that stands as a good image as a father, the man who I will call 'Papa' until his last breath will be never be in my life anymore.

Mas masakit sa akin ang ganitong bungad pagkatapos ng pangyayaring gusto kong kalimutan at ibaon. There's nothing heavier than the heart of a daughter who's hugging the body of his dead father. Mabigat ang lahat sa akin ngayon. Wala akong magawa at walang nagawa.

My vision went black as I tried to hug him more. Felt like the world suddenly went down together with what I am feeling. 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 5K 21
A story in which two ex-lovers see if ten minutes can heal the damage caused by an all consuming love. 'when you spend time with the person you're in...
39.4K 203 22
No smut because he is a minor ye plz vote sorry for any spelling errors I'm Dyslexic
2.5K 228 54
Engr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how...
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...