ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.7K 1.2K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko

735 28 101
By BenificentGirl

Napatawa na rin ng bahagya si Ybrahim ng makita nya na masaya ang mga pinakamamahal nya. Nang humupa ang tawanan ng lahat nagsalita si Ybrahim.


Ybrahim: Ngayon lamang ito nangyari sa atin, at sanay ganito na lamang tayo kasaya palagi.*smiles*

Lira: Oo nga po itay, sana ganito nalang po tayo lagi noh? Yung magkakasama at laging masaya, kung pwede ko nga lang magic-in yung mga war freak na yun dito sa Encantadia, nako matagal ko na ginawa, nakaka imbyerna kasi sila.

Cassandra: oo nga po ina, gigil nila ako. Lalong lalo na yung ice lola na yun, sarap ibabad sa tubig ng matunaw! Ginawa pa akong dakilang punching bag ng matandang yun, lalagariin ko na sana yung korona nya kaso naalala kong wala palang lagari dito.*crossed arms*

Amihan: Hindi mo pa dapat iniisip yung mga problema namin dito sa Encantadia apo, pagkat ang iyong sarili muna ang iyong dapat pagtuunan ng pansin at ang iyong pagiging bata. Sa ngayon kami muna ng iyong ina at Ilo ang bahala doon.*smiles then pats Cassandra's head*

Cassandra: Alam mo po Ila, inay, Ilo, gusto ko na nga pong tumanda agad.

Ybrahim: Bakit mo naman nais ng tumanda apo, ayaw mo bang sulitin ang iyong pagkabata?

Cassandra: Gusto naman po, Ilo. Kaso nga lang hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong kapangyarihan ko bukod po sa maglaho. Ang aastig po kasi ng mga powers nyo eh, kagaya nyo Ila Amihan, dahil naikwento po sa amin ni nunong Imaw na kaya mo raw utusan ang hangin at ilipad ka nito kung saan mo nais, at ikaw naman po inay ang dami mong kayang gawin. Gusto ko na pong magkapowers para po makatulong na ako sa inyong ipagtanggol ang Encantadia, at maipagtanggol ko si inay kasi mamaya shushunga shunga pa po kasi sya dahil di nya papo kayang gamitin ang mga powers nya dahil memory gap is real.*laughs*

Lira: Ay grabe sya oh, okay na eh nafifeel ko na yung concern mo sa akin kaso nawala nung narinig ko yung shushunga shunga.*crossed her arms*

Cassandra: Eh inay, kahit naman po ganyan ka love na love pa rin po kita kahit anong mangyari.*hugs Lira*

Amihan: Apo, alam kong nais mo lamang tumulong sa amin ngunit huwag mong madaliin ang iyong sarili upang lumabas ang iyong kapangyarihan sapagkat darating rin naman ang takdang panahon upang mangyari iyan.

Ybrahim: Tama ang iyong Ila, apo. At kapag nangyari iyon, natitiyak kong magiging isang makapangyarihang Diwata ka rin na magtatayong muli ng bandera ng kapayapaan at kaayusan dito sa Encantadia. Magiging malaya rin ito at wala ng magaganap na gulo at digmaan, at kasama ang lahat ng nais bumuo ng katahimikan dito.*smiles*

Cassandra: Susubukan ko po, Ilo, Ila. Pero sana all po kasi matiyagang maghintay.*scratches her head*

Ybrahim:*di not understand* S-sana o-ll?

Lira: Anak, mukhang hindi mo pa yata na-update yung "Makatao Dictionary" nila.*laughs*

Cassandra: Ikaw kasi Ilo, lagi kang abala kaya hindi na tuloy kita na tututor ng madalas. Anyways, sinasabi po kasi ng mga tao ito kapag kunwari gusto nila yung meron kayo, o di kaya humihiling na sana lahat ganern. Halimbawa, sana all talaga may powers.*frowns*

Lira: Maliwanag po ba class?*laughs* Charooott!

Tinawanan lamang nina Amihan at Ybrahim ang kakulitan ng dalawang mag-ina, maya-maya ay humikab na si Cassandra at nakaramdam na ng antok.

Cassandra:*yawns*

Amihan:*laughs* Siguro kailangan na nating lahat magpahinga, masyado na ring malalim ang gabi.

Ybrahim: Panibagong araw na naman ang tatahakin natin bukas, babalik na sa dati ang lahat.

Amihan: Huwag kang mag-alala Ybrahim, hindi lang naman sa gabing ito natatapos ang ating mga pagsasaya. May takdang panahon muli para dito.*smiles*

Pagtapos mag-usap nina Ybrahim at Amihan ay matagal silang nagtitigan hanggang sa pumagitna si Lira sa kanila.

Lira:*pumameywang* Aba'y Starring game ba ito, at napakalagkit ng mga tinginan nyo? Inay ang suggestion mo po matulog, hindi po magtitigan.

Agad naman nilang iniwas ang mga mata nila sa isa't-isa sabay na ngumiti pareho.

Cassandra: Kinikilig si Ilo kasi lumalabas yung dimple nya inay oh!*teases Ybrahim*

Ybrahim: Ssheda Cassandra, magsitulog na tayo.

Lira: Inay, pwede po bang dito nalang po tayo matulog lahat sa kwarto ko?Eh ang laki laki naman po ng kama ko kasya tayo. Ang lungkot naman kung wala akong katabi.*pouts*

Amihan:*touches Lira's chin* Sige anak, sasamahan ka naming lahat rito.*smiles* halika na matulog na tayo.

Naglakad naman silang lahat patungo sa higaan ni Lira at tsaka nagsi-ayusan at kanya-kanya sila ng pwesto. Tatabihan sana ni Ybrahim si Amihan ng pagitnaan silang dalawa ni Cassandra at Lira, kita naman sa reaksyon ni Ybrahim ang gulat sa mukha nito kasabay ng kanyang panghihinayang dahil sabik itong makatabi ang kanyang mahal na reyna. Nakita ni Amihan ang kanyang reaksyon at tinawanan lamang sya nito. Nasa magkabilang dulo ng kama sina Amihan at Ybrahim. Katabi naman ni Amihan si Lira habang si Ybrahim naman ay nakatabi kay Cassandra, at nang makahiga na ang dalawang makukulit na mag-ina, binati ni Ybrahim ang kanyang pinakamamahal na reyna.

Ybrahim: Masne Sera(mapayapang gabi), mahal kong reyna.*smiles*

Amihan: Masne Sera rin sa iyo, Ybrahim.*smiles*

Hindi pa natigil ang dalawa sa pagtititigan ng hindi na nila namalayang malapit na pala ang kanilang mukha sa isa't-isa. Hawak na ni Ybrahim ang kanang bahagi ng mukha ni Amihan, at hawak naman ni Amihan ang nakapatong na kamay ng kanyang Rama. Ilang dangkal na lamang ang pagitang ng kanilang mukha at magkakadapuan na sila ng mga labi ng biglang napatingkayad si Lira sa kanyang pagkakahigang nakapikit ang mga mata ngunit hindi nakasarado ng maigi kaya naaninag nya kung anong ginagawa ng dalawa, na tila pang-asar ang dating sa dalawa sapagkat naudlot ang dapat na matamis nilang sandali kaya naman mabilis na inilayo nina Ybrahim at Amihan ang kanilang mukha at tumingin tingin na lamang sa paligid na parang walang nangyayari. Kinusot kusot ni Lira ang mata nya at tumingin sa dalawa bago nagsalita.

Lira: Inay, Itay, ano pong ginagawa nyo bat di pa kayo humihiga?*patay malisya sa nakita at pakamot-kamot pa ng mukha*

Ybrahim:*clears throat* Wala naman, anak. Sige na humiga ka nalang muli at susunod na kami sa iyo.

Lira: Ah, okay po. Good night-este Masne Sera po sa inyo.*small laugh then whispers to herself* Sus! Kunwari pa, eh magtutukaan na nga.*teases her parents as she gently laugh*

Amihan: May sinasabi ka ba anak?

Lira: Wala po inay. Nanaginip lang po kasi ako, mayroon daw akong nakitang malapit ng magtukaan, buti nalang di pa nagsabungan.*kinikilig* Sige po, balik nako sa pagtulog ko ng matuloy na yung tukaan-este yung panaginip ko.*nakangisi at parang sasabog sa tawa sabay talukbong ng kumot*

Hindi naunawaan nina Amihan at Ybrahim ang nais ipahatid ng anak sa kanila ngunit napangiti na lamang sila sa reaksyon nito. Hihiga na sana si Amihan ng tahimik ng kinuha ni Ybrahim ang kaliwang kamay nito at marahang hinaplos haplos.

Ybrahim: Muli, Masne Sera sa iyo... Mahal kong Hara...*smiles then gently kisses the back of Amihan's hand*

Amihan: Maging sa iyo man, mahal kong Rama.*smiles*

At sabay na silang nahiga at niyakap nalang ang dalawang nasa pagitan nila. Nakahiga na si Amihan ng bigla nyang mapansin ang kumot na gamit gamit ng anak.


Naalala nya ang kumot na iyon. Nasa kuta pa lamang sila noon ng ibinigay iyon sa kanya ni Ybrahim bago ito umalis para sana kay Lira na kahit kailan ay hindi nya nagawang maibigay sa anak. Ngunit natuwa sya ng makita nito na gamit gamit na ni Lira ngayon.

Amihan: Kahit pala nakalimutan ko itong ibigay sa iyo bago ako mawala sa iyong tabi anak, ginawan pa rin talaga ng tadhana ng paraan upang ito'y iyong makita para ipaalala sa inyo na hindi ako nawala. Na binabantayan ko pa rin kayo maging sa Devas, at hindi ko inilihis ang aking paningin kahit na sandali pa. E correi diu Lira, hindi na kita iiwan pa.*smiles then kisses Lira's head*

Tuluyan ng humiga si Amihan at niyakap ang anak at nagsimula ng ipikit ang kanyang mga mata.


♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎♥︎♡︎

= SA CAPADE NA ISLA NI CASSIOPEIA =

Nagpunta si Cassiopeia sa kanyang isla sapagkat naandon ang kanyang mahiwagang kubul na syang gamit nya noon upang makita ang hinaharap na kahit isa na syang Bathaluman ay ginagamit nya pa rin ito. Nang mag Ivictus sya sa Capade na kanyang isla, nilapitan nya ang kanyang kubul upang humanap ng pangitain sa hinaharap na tungkol sa kanyang kakambal. Hindi kasi lahat ng tungkol kay Casilda ay kanyang nalalaman pagkat kahit isa na syang Bathaluman ay napapantayan ng kapatid ang kakayahan nito, dahil matagal na panahon man silang hindi nagsama ay kilalang kilala sya nito. Inikot-ikot nya ang kanyang kamay sa bukana ng kanyang kubul at bigla itong naglabas ng usok na sumusunod sa paghahawi nito. Hindi pa man sya nagtatanong ay bigla ng umilaw ang kanyang mga mata pahiwatig na mayroon ng pangitain ang nais ipabatid sa kanya.

Boses ng Pangitain: Isang nilalang ang iyong napamanahan ng iyong pagiging Bunggaitan, magtataglay ng lakas na kagaya mong isa ng Bathaluman. Isang paslit na isinilang sa pamamagitan ng tatlong bagay na pinagsama ng kapangyarihan. Ngunit paunti-unti nya lamang itong malalaman, mga kakayahan na siyang tutulong sa lahat na mapuksa ang mga kalaban.

Nang marinig ni Cassiopeia ang tinuran sa kanya ng pangitain, ay nagkaroon sya ng pag-asang magtatagumpay sila sa laban. At ng maisip nya kung sinong paslit ang tinutukoy ng pangitain ay kilala na nya kung sino ang nasa propesiyang minana ang lakas ng kapangyarihan nya bilang isang Bunggaitan at ang kapangyarihan ng pagiging Bathaluman nya.

Cassiopeia:*speaks* Cassandra.

Ngunit sa pagkakataon ring iyon ay nagsimulang umilaw muli ang kanyang mga mata ngunit kakaiba na ang kanyang naramdaman, mabigat ang pangitaing ipinapahiwatig sa kanya ng kanyang mahiwagang kubol.

Boses ng Pangitain: Ibalik sa Luntaie(savior) ang mga ala-alang kinuha, sapagkat kailangan na syang muling ihanda at makiisa sa iyong mga magiging tagapangalaga. Lunas ay agad ng ibigay sa anak ng isa sa mga dakilang ina ng Encantadia, upang magampanan na ang tungkulin na sa kanya'y itinakda.

Tumango si Cassiopeia ng mayroong determinasyon sa kanyang mga mata na imaibalik na ang lahat ng mga ala-alang ipinakalimot ng kanyang kakambal sa anak ng Hara Duri-e, ang Sang'gre nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay at maagang inialay ang kanyang sariling buhay ara sa lahat na ngayo'y isinuko ni Emre at kabababa lamang mula sa Devas.

Cassiopeia:*looking at her kubol**wisdom symbol lights up on her forehead* Magagamit ko ang aking pagiging Bathaluman upang aking maibalik ang ala-ala ni Lira.

Boses ng Pangitain: Hindi maibabalik kahit pa ng isang Bathalumang kagaya mo ang mga ala-alang hindi naman sya ang kumuha. Tanging ang iyong kakambal lamang ang makapagbabalik noon.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Na syang hindi naman gagawin ni Casilda. Mayroon pa bang ibang paraan?*worried*

Boses ng Pangitain: Lahat ay mayroong paraan Bathaluman, ngunit sa daang tatahakin ay tiyak na mapapalaban. Mapapalaban sapagkat sila ay nais pigilan, patungo sa isang batis na malalaman ang lahat ng mga nakalilimutan sa iyong nakaraan. Isang batis na makapangyarihan na pinupuntahan ng mga Encantadong may nais matuklasan na kanilang nalimutan, ito ang Batis ng Katotohanan.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Magtatagumpay ba sila?

Boses ng Pangitain: Makakamit ang inaasam, ngunit sa kanilang pagbabalik ay magkakaroon ng pag-aagam agam.

Cassiopeia: *wisdom symbol lights up on her forehead* Anong ibig mong ipahiwatig sa akin at tila napakasama ng aking nararamdaman?*worried*

Boses ng Pangitain: Isang nilalang ang mayroong maitim na balak na nais pagtagumpayan,
ang kuhain ang buhay ng isa sa mga Sang'greng minamahal ng mga mamamayan. Kung hindi ito mapigilan, ibabalik na syang muli sa kanyang pinagmulan, at tuluyan ng lulukubin ng pangalawang kamatayan.

Ang puting liwanag sa mata ni Cassiopeia ay biglang naging itim na tanda ng masamang mangyayari sa pangitain.

Boses ng Pangitain: Mag-ingat at magmatyag sa lahat ng makakasamang nilalang, sapagkat maari'y sa pagbabalat-kayo nila ay malinlang. Isang wangis ang gagamitin na maaari makapagpaniwala sa mga mangmang, upang makamit ang nais at mapagtagumpayan ang kanyang panlalamang.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Sasamahan ko sila sa kanilang paglalakbay ng sa gayon ay hindi pagtangkaan ni Casilda na guluhin sila sa papunta sa batis.

Boses ng Pangitain: Pilit mo mang naisin, ngunit kakailaganin ka rin ng mga kaharian sa magdaraan na suliranin.

Pagkatapos noon ay natigil na ang pagliwanag ng kubol at ng kanyang mga mata at kinurap-kurap ni Cassiopeia na ito kita rito ang pangamba sa kanyang mata dahil natakot itong mayroon na namang masaktang mga nilalang ng Encantadia ng dahil lmang sa kanyang kakambal. Sa kanyang nalaman, ay aghanda na syang umalis sa kanyang isla at magtungo na sa kaharian ng Lireo kapag sumapi na ang liwanag.

*KINABUKASAN*

= SA SILID NI ADAMUS SA KAHARIAN NG LIREO =

Kasisikat pa lamang ng araw ay nagising na si Adamus sa kanyang pagkakatulog dahil naramdaman na nyang mayroon syang katabi sa kanyang higaan, ngunit hindi pa man nya ito nakikita ay napangiti na sya dahil kilala nya naman sa kanyang isip kung sino-sino ang mga ito. Ng kanyang ibinagon ang kanyang ulo sa pagkakahiga ay hindi sya binigo nito sapagkat tama ang kutob at hinala niya, ang nakahiga kasama nya ay walang iba kundi ang kayang Ada(ina) at Adto(kuya) na sya namang ikinasaya ng kanyang umaga. Marahan nyang hinagkan si Khalil upang hindi ito magising at dahan-dahan nya ring nilapitan ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Nakangiti pa rin si Adamus sa kanyang ina, tila nagpapasalamat na kahit hindi man natuloy ang kanilang masaya sanang pagsasama-sama at paglalaro ay lumigaya naman ito dahil hindi sya iniwang mag-isa at sinamahan pa sya sa pagtulog. Naramdaman ni Alena ang paghalik sa kanya ni Adamus kaya ito napagalaw, dinilat at kanyang mata at ng makita si Adamus na pinagmamasdan sya at napangiti ito sa anak.

Alena: Dese Avisala(magandang umaga), E correi.*smiles as she trace Adamus's nose bridge*

Adamus: Dese Avisala rin ina! Avisala Eshma po pala sa pagsama sa akin dito ah, at kay Adto rin po.*smiles as ge hugs his mother*

Alena: Walang anuman iyon anak. Ako nga itong nahihiya sa iyo pagkat pinaghintay na naman kita..*brushes Adamus's hair using her hand*

Adamus: Ayos lamang iyon ina, nauunawaan ko namang abala ka sapagkat kahit hindi pa ako kasapi sa konseho ay naririnig ko ang mga pinag-uusapan ng mga Encantado rito sa palasyo dahil sa aking pamamatyag. Alam kong hindi po ito basta basta kaya hindi ko na muna hiningi ang iyong oras, sapagkat alam kong may mas importante pa itong pag-lalaanan kaysa sa kagustuhan ko lamang na makipagsaya at makipaglaro sa inyo ni Adto Khalil.*smiles*

Alena: Nagpapasalamat ako na biniyayaan ako ng Bathalang Emre ng napakabait at maunawaing anak kagaya mo, kaya nababatid ko na magiging mahusay kang Hari at pinuno sa kaharian na pinagmulan ng iyong ama.*smiles*

Adamus: Ang Adamya, ina?*smiles*

Alena: Ang Adamya, anak. Hindi lamang ito nakadikit sa iyong ngalan, ngunit alam kong karugtong na ito ng iyong puso't lahi.*smiles*

Adamus: Kaya kahit hindi ko pa man ito nakikita sa personal noon, mahal ko na ito.*smiles*

Habang nag-uusap sina Alena at Adamus ay nagising na rin si Khalil at ngumiti sa kanila at binati silang dalawa.

Khalil: Dese Avisala, Ina, Adamus. Napakaaga nyo namang gumising.*smiles*

Adamus: Sadyang nahuli ka lamang Adto.*laughs*

Khalil: Ah ganon ah. Nararamdaman kong napaka sigla mo ngayong araw kaya halika rito.*kinuha si Adamus at sabay na kiniliti*

Adamus: Adto wag dyan!*laughs*

Napuno naman ng tawanan ang silid na iyon pati si Alena ay nasisiyahan at natutuwa sa nakikita nya ngayon, na masaya ang kanyang mga anak. Maya maya ay may mga Dama kasama si Paopao na pumasok sa silid kaya napatigil silang dalawa sa kanilang harutan at tumingin sa mga dumating.

Paopao: HI ATE HARA ALENA, GOOD MORNING!!*masigla nyang sabi*

Alena: Paopao, magandang umaga rin sa iyo, ano't tila napakasigla mo ngayon?*smiles*

Paopao: Ate Hara, nakalimutan nyo na po ba yung tradition na sini celebrate na natin every year galing sa mundo namin?

Adamus: Ang pasko kuya Paopao!! Kaya naman po pala napakaganda ng gising ko ina!*laughs*

Paopao: Correct ka dyan Diwan Adamus! Eh since wala pong naaalala ngayon si ate Lira na lagi ko pong kasabwat every Christmas, eh ako nalang po lahat ang nag asikaso. Kahit naman po may problema tayo ngayon hindi naman po siguro hadlang ang magdiwang pa rin po ng pasko?*smiles*

Alena: Tama ka Paopao, hindi hadlang ang suliranin upang tayo ay magdiwang. Kaya Avisala Eshma sa iyong matiyagang paghahanda.*smiles*

Paopao: Kayo nalang po ang hindi ko napuntahan dito sa Lireo, maliban nalang po yung mga nasa Hathoria at Sapiro. Nagpatulong po kasi ako sa mga Dama na maghanda ng masasarap na almusal para sa lahat. Pero di ko po alam kung paano tatawagin sina kuya Ybrahim at Hara Pirena sa kaharian nila.

Khalil: Wag kang mag-alala Paopao, ako nalamang ang susundo sa kanilang lahat.*smiles*

Paopao: Avisala Eshma Rehav Khalil.*smiles* Kaya halina po kayo at mag celebrate ng Pasko!*excited*

Alena: Susunod kami ng aking mga anak Paopao, mag-aayos lamang kami.*smiles*

Paopao: Salamat po Ate Hara Alena. Wag nyo po akong indian-in huh? Masakit po kasi yun.*paninigurado nito* Sige po bye, sunod kayo ah?*sabay talikod*


Pagkatapos ipaalam ni Paopao sa kanina iyon ay madali na silang nag-ayos ng kanilang sarili upang pumunta na sa silid kainan para maipagdiwang nila ang Pasko na magkakasama. Pagkatapos namang mag-ayos ni Khalil ay agad na nyang sinundo ang mga nasa kabilang kaharian upang sabay-sabay silang kumain ng agahan na inihanda ni Paopao para sa Pasko.



= SA SILID KAINAN NG LIREO =

Nagsisidatingan na ang lahat sa silid kung nasaan nakahanda ang mga masasarap na putahe sa hapag. Dumating na ang sina Wantuk, Apitong, Mashna Maicah, Ybrahim, Amihan, Lira at Cassanda na galing sa kaharian ng Sapiro at sina Azulan, Pirena, Fauna at Mira naman sa kaharian ng Hathoria. Namangha sila sa dami ng pagkain at garbo ng silid pagkat nilagyan ni Paopao ito ng mga palamuti na kagaya sa ginagawa sa mundo ng mga tao. At pinakuha nya pa ng puno ang mga kawal at nilagyan rin ito ng mga palamiti na tinulungan rin ng mga lambana sa pagkakabit sa mga matataas na bahagi ng puno lalo na ang bituin sa tuktok na gawa sa mga gintong tasa na ipinahulma nya noon kay Mira upang magamit tuwing sasapit ang pasko. Natuwa naman ang mga batang Sang'gre sa ganda ng silid atp sa dami ng handang nakahilera sa mahabang lamesa.

Aliyah: Ang dami namang pagkain! Ang saya talaga kapag sasapit ang araw na ito!*clap her hands together*

Fauna: At napakaganda ng mga palamuti! Kay tagal ko itong hindi muli nakita.*smiles as she touches the clothes shining with glitters wrapped around the Christmas Tree*

Adamus: Oo nga eh tsaka yung magkakasama-sama tayong lahat.*smiles*

Cassandra: Actually yung pagkain lang talaga namiss ko tuwing Christmas.*nakatingin lang sa mga handa na mukhang patulo na ang laway*

Napatingin naman ang tatlo sa kanya at sabay sabay na itiniklop ang kanilang mga braso, kaya nung nakita ni Cassandra ang reaksyon ng kanyang mga Ashti at Aldo, napangisi na lamang sya at humanap ng alternatibong sagot bukod sa pagkain.

Cassandra: Hanash(joke) lang. Syempre namiss ko yung buong pagdiriwang noh, at lalo na tong masaya kasi nandito na sina Aldo(tito) Khalil at Ila Amihan.*smiles then looks at Amihan brushing her hair using her hand*

Amihan: Oo nga apo, sapagkat pangalawang beses ko pa lamang itong mararanasang muli.*smiles*

Ybrahim: Kaya nasisiguro akong masisiyahan ka mahal ko.*smiles*

Habang sila ay naghahanda at nag-uusap usap na, simula ng pagkarating sa Lireo ay nakatulala pa rin si Lira at ngumingiti at kinikilig mag-isa dahil nasa kanyabg isipan nya parin ang nakita nya sa kanyang mga magulang kagabi. Ng lumapit roon sina Mira, Azulan at Pirena ay napansin naman ito ng kanyang pinsan at Ashti.

Mira: Bes ayos ka lang?*tinatapik si Lira*

Lira:*nakatingin sa malayo habang nakangiti at tulala*

Mira: Bessy?*winawagayway ang kamay sa mukha ng tulalang kaibigan*

Pirena: Ako ng bahala Mira, tiyak akong magigising ang kanyang tulog na diwa sa aking gagawin.

Azulan: Mahal, anong gagawin mo sa iyong Hadia(pamangkin)?

Mira: Ama, manood na lamang po kayo, alam ni ina ang gagawin nya.*laughs*

Lumapit si Pirena at tinapatan ang mukha ni Lira na kahit nasa harap nya ay tulala pa rin. Ngunit ng pailawin ni Pirena ng kulay pula ang kanyang mga mata, nanlaki ang mga mata ni Lira at natakot sa kanyang ginawa sabay na napaupo at sumigaw.

Lira: MAY MANOK NA PULA-AY PALONG-ESTE MATA!!!*scared as she looks up at Pirena* Ashti naman eh, sinira mo pagde-day dreaming ko! Ang ganda na eh nakataya nako magsisimula na sana yung sabong eh.*scratches her head*

Mira: Eh kasi naman Bessy mukha kang ewan habang nakatayo ka dyan na ngumingiti mag-isa, ayan tuloy nagising ka dahil kay ina.*laughs*

Pirena: Oh ano Lira, makakausap ka na ba namin ng matino?

Lira: Ito na po Ashti gising na gising na po.*frowns then looks around* Teka, anong meron bat ang daming handa?

Cassandra: Hayyy, Coke float ngayon si inay.*laughs* Inay hindi po ba obvious?

Paopao: Oo nga po ate Lira, nakakatampo po ah. Pati ba naman yung Christmas na format na jan sa utak mo?*pouts* Nakakapagtampo, ako na nga lang naghanda nito kasi wala kang maalala.*frowns*

Lira: Uy sorry na Paopao, hindi ko naman nakalimutan yung Pasko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na pati pala ang Encantadia meron nito.*looks around smiling*

Paopao: Kung naaalala nyo lang po ate Lira, tayo po ang pasimuno kung bakit may Christmas sa Encantadia.*smiles*

Lumapit si nunong Imaw sa kanila na dala ang kanyang mahiwagang tungkod, at balak na ipakita kay Lira ang unang Pasko sa Encantadia na nawaglit sa kanyang isipan.

Imaw: Tama ang sinabi ni Paopao, Lira. Kayo ang dahilan kung pabit nagkaroon ng ganito kasayang pagdiriwang ang Encantadia. Halika at ipapakita ko sa iyo.*iniangat ang kanyang balintataw*

Lumapit si Lira sa harapan ng ilaw na gawa ng balintataw ng ninunong Adamyan sapagkat nais nyang makita kung ano ang itsura ng unang Paskong sila ang may pakana, ang unang Paskong ginunita sa mundo ng Encantadia.

Masayang pinanood ng lahat ang mga pangyayari sa balintataw ni nu nong Imaw na pagdating naman sa dulo ay bigla kinilig ang lahat at nagtinginan kina Amihan at Ybrahim na pakiramdam nila ay sasabog na sa hiya na magkatabing nakayuko na lamang at pinakikiramdaman ang isa't-isa. Tinawanan naman ni Lira ang sarili sa kanyang nakitang ginawa nya noon.

Lira: Alam nyo guys, nagpapasalamat talaga ako na naging loka-loka at naging "Krung-Krung Diva with a heart" ako sa balat ng Encantadia dahil ang dami ko na palang kalokohang ginawa sa inyo dito.*laughs*

Paopao: Hindi lang yan ate Lira, isama mo pa yung ginawa mo kina Hafte Aquil at kay ate Sang'gre Danaya noon.*laughs*

Lira:*looks at Danaya and Aquil starring at her with their arms crossed* Bakit ano bang ginawa ko?*curious*

Paopao: Nunong Imaw?*looks at Imaw as he raises his Balintataw once more*

Umilaw muli ang Balintataw nagpakita muli ng isa sa kalokohan noon ni Lira kina Danaya at Aquil.

Nang makita at malaman na ni Lira ang ginawa nya sa dating Mashna(heneral) at sa kanyang Ashti ay napatawa sya ng mahinahon at tila nahihiya noon sa kanyang ginawa ngunit masaya syang npagtripan nya ang dalawa.

Lira:*laughs* Ashti Danaya, alam ko namang wala ka ng hard feelings sa ginawa ko noh pero buti nalang at ginawa ko iyon sa inyo ni kuya Aquil.

Danaya: At bakit mo pa ikinatuwa ang iyong pang-iisa mo sa amin?*arms crossed*

Lira: kasi Ashti baka kung hindi ko yun ginawa eh hanggang ngayon si kuya Aquil totorpe-torpe pa rin yan. At ikaw naman po baka single lady ka pa rin ng dahil jan sa kasungitan at pa hard to get nyo.*laughs*

Mira: May punto ka Bessy. At isa pa, alam mo bang sa ibang Encantado ay hindi nila basta bastang mapapaniwala si Ashti ng ganon ganon lang?*laughs*

Amihan: May katotohanan ang sinasabi ni Mira, anak. Sa aming magkakapatid ay ang iyong Ashti Danaya mo ang pinakamahirap na paniwalain sa amin sa kahit anumang bagay. At natawa ako na hindi ka nya pinagdudahan kahit na kaunti.*laughs*

Cassandra: In short inay, uto-uto si Ila Danaya sa iyo. Nabubudol mo sya kaagad eh.*laughs*

Azulan: Mas mainam pa siguro na magsikain na tayong lahat, hindi naman natin nais na paghintayin ang mga nakahaing pagkain hindi ba? Lalo na't tila naririnig ko na na kumakalam ang ang sikmura ng aking katabi ngayon*smiles as he looks at Pirena*

Pirena: Baka ikaw ang sikmuraan ko?*looks at Azulan irritated readying her fist to punch Azulan*

Azulan:*points at Fauna and Mira laughing at them* Mahal ko, nakatingin sa atin yung mga anak mo. Parang awa mo na wag mo ng ituloy.*creating a shield using his hand at Pirena*

Ybrahim: Tama na ang asaran, halina kayong lahat at simulan na ang pagkain sa hapag.*smiles*

Habang ang lahat ay papunta na sa kani kanilang pwesto sa hapag habang nagkakatuwaan at naghahalakhakan, ay bigla namang sumulpot roon ang kanilang Bathalumang Cassiopeia na hindi mo maipinta ang mukha. nung una'y hindi sya napansin agad ng mga nagkakasiyahang mga diwata ngunit ng magsalita ang kasalukuyang Mashna ng Lireo ay agad silang natahimik at nagbigay-pugay sa Bathaluman.

Muros: Ang Bathalumang Cassiopeia.*nagbigay-pugay kasama ang lahat*

Alena: Avisala Bathalumang Cassiopeia, tamang tama ang iyong dating sa pagsasalong magaganap. Ngunit bakit tila napakaproblemado mo ngayon, Mata? Ayos ka lang ba?

Cassiopeia: *wisdom symbol lights up on her forehead* Huwag nyo muna akong intindihin mga Diwata. Pagtuunan nyo muna ng pansin ang inyong kasiyahan ngayon, at tsaka na tayo mag-uusap usap sa Bulwagan.*speaks* Dese avisala via enma alsha.(magandang umaga da inyong lahat)*sad smile then uses her Ivictus and dissappears*

Nagtataka naman ang lahat kung bakit ganon kabigat ang bungad sa kanila ng Bathaluman ngunit sa ngayon ay pinagpatuloy na muna nila ang kanilang salo-salo.

Lira: Bago po tayo magsimula, mag pray muna tayo.*nag sign of the cross then closes her eyes* Lord, Emre, maraming salamat po sa araw na ito. Salamat po dahil magkakasama kami ngayon, sana po maalala ko na po ang lahat ng mga nalimot ko.*opens one eye then looks at her daughter* At sana rin po hindi maubos ni Cassandra yung mga handa ngayon.*small laughs*

Cassandra: Inay naman, magdadasal na nga lang aasarin pa ako. Dali na tumu Tom Jones na rin ako.

Lira: AMEN!*nagsign of the cross at minulat ang mga mata at umupo na katabi si Cassandra*

Nagsisimula ng kumain ang lahat at kukuha na rin si Cassandra ng kanyang kakainin. Nakita nyang isang tangkay nalang ubas ang kanyang nakita sa isang lalagyan. Kukunin nya na sana ito ng sabay nilang mahawakan ni Wantuk iyon kaya nagtinginan sila ng masama ngunit mayroong halong biro.

Cassandra:*inuusog ang ubas papunta sa kanya* Kuya Wantuk ako nauna dito sa ubas na ito, kaya akin to.

Wantuk: Mahal na Diwani Cassandra, mawalang galang na sa iyo ngunit nauna akong humawak ng ubas na ito, kaya akin na ito.*inusog ang ubas sa kanya*

Cassandra: Pero ako ang unang nakakita.

Wantuk:*laughs* Diwani Cassandra, ako ang unang nakakita nito, nakapikit palang ako nakita ko na to.

Cassandra:*smirks* Adik ka po ba kuya Wantuk? Eh paano mo makikita kung nakapiki ka. yung totoo? Mang bubudol ka na nga lang hindi pa kapani-paniwala.*inuso ulit ang ubas sa kanya*

Maya maya ay nakaisip si Wantuk upang maisahan nya si Cassandra ng makuha nya rito ang ubas.

Wantuk: Mahal na Diwani, kinuha ng iyong mga Ashti(tita) at Aldo(tito) ang iyong paneya(bread)*sabay turo sa upuan kahit hindi naman talaga nila ito kinukuha*

Cassandra:*lumingon sa kanyang upuan* Saan?*nabitawan ang ubas at kinuha ni Watuk ang ubas sabay na itinakbo ito**lumingon na kay Wantuk* Wala naman--HOYY KUYA WANTUK ANG DAYA MO TALAGA!!! MADULAS KA SANA!!

Maya maya habang tumatakbo ay nakalingon si Wantuk kay Cassandra kaya hindi nya namalayang nabangga nya na pala si Amarro at tsaka natumba. Nabitawan nya ang ubas na kinuha nya kay Cassandra at sa kanyang pagbagsak ay naupuan nya ito at napisat ng hindi nya simasadya. Inangat nya ang tingin nya kay Amarro na tinulungan syang tumayo.

Amarro: Wantuk, ayos ka lang ba?*itinayo si Wantuk*

Wantuk:*childish cry* Ayos lamang ako Ginoong Amarro, ngunit...*kinuha ang napigang ubas sa pwetan nya* Ngunit yung ubas ko hindi.*cries*

Cassandra:*laughs* GUSTO MO PA BA KUYA WANTUK?

Wantuk:*wipes his childish tears* HINDI NA, BUSOG NA AKO.*hawak hawak ang ubas at umalis para itapon ito*

Adamus:*tinapik si Cassandra* Cassandra wag mong tawanan si kuya Wantuk mamaya baka ikaw na naman ang madulas.*laughs*

Cassandra:*laughs* As if naman mangyayari iyon.*walks*

Maya-maya ay biglang bumalentong si Cassandra sa sahig ng may maapakan syang balat ng saging na pinagkainan nina Banak at Nakba na dulot ng kanyang pagkadulas sa sahig. Agad naman syang tinawanan ng mga makukulit na Adamyan at dinuduro duro pa sya. Tiningnan naman sila ni Cassandra ng masama na may konting pagkapikon.

Cassandra: Oh happy?*looks at Banak and Nakba laughing at her**glanced at Adamus* Ikaw okay na ba, masaya na ba? Mukhang effective nga talaga yung salitang "karma".*crossed her arms*

Adamus:*helping Cassandra get up* Ikaw naman kasi sabi ko sa'yo wag mo ng tawanan eh.*laughs* Yan tuloy bumalik sa'yo.*pinagpagan ang damit ni Cassandra*

Cassandra: Well in fact, mas masakit pa rin ang nangyari kay kuya Wantuk dahil hindi naman ako ang napisaan ng ubas sa pwet.*laughs*

Adamus:*laughs* Hayy Cassandra, napaka Ashtaddi(pasaway) mo talaga.

Sa araw ng Pasko, sabay sabay silang nagsaya at nagdiwang ng isang tradisyong dinala nila Lira at Paopao doon. Ngunit pagkatapos naman noon ay sasabak na sila sa mga suliranin sa Encantadia dala ng kakambal ni Cassiopeia. Kaya sinusulit na nila ag pagdiriwang ng Pasko sa kanilang hapag bago pag-usapan ang mga balitang hatid ng Bathaluman.

*********************************************

= SA MUNDO NG MGA TAO SA BAHAY NINA AUBREY =

Naghahanda na ang mag-ina ng kanilang Nche Buena at handa sa Pasko at tinutulungan nila ang kanilang mga katulog sa bahay.

Aubrey: Merry Christmas mom!*kisses Maricel's cheek*

Maricel: Merry Christmas my dear.

Aubrey: As usual, tayong dalawa na naman po ang magcecelebrate ng Christmas. Wala na po ba talaga kayong relatives dito na possible na mainvite natin?

Maricel: Simula kasi ng mamatay ang mga magulang ko ay wala na akong kakilalang kamag-anak ko eh. Bakit mo naman natanong, ayaw mo na bang lagi nalang tayong dalawa ang magkasama?

Aubrey: No mommy that's not what I meant, mas masaya po kasi kapag marami sana tayong relatives eh.*frowns*

Maricel: Hayaan mo na anak, ang importante ay magkasama tayo ngayong Pasko.*smiles*

Aubrey: Tama po kayo.*smiles*

Maricel: Oh hurry up na and then we'll eat na.

Nag-aayos si Abubrey ng mga platoat kutsara sa lamesa na gagamitin nila ng biglang may mag doorbell sa labas ng bahay nila, pupuntahan na sana ng isa sa mga katulong nilang pigilan nya.

Aubrey: Ate ako na po, thank you. Patuloy nalang po ng arrangement sa table.*smiles then gets out of their house*

Nang makalabas ito, unti-unti nyang binuksan ang gate ng bahay nila. Kahit hindi nya pa man nakikita ang wangis nito, sa tindig pa lang ng isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na may hoodie na nakatabing sa kanyang ulo at itim na maskara naman na nakatakip sa kanyang ilong at bibig. Ng tuluyang buksan ni Aubrey ang gate nila para malaman kung sino ang lalaking nasa harapan nya. Ng makita sya nito agad nitong iniangat ang kanyang ulo at sabay na tinanggal ang lahat ng akatakip sa mukha nito at laking gulat naman ni Aubrey ng makita sya.

Aubrey: Azriel(played by Aljur Abrenica)?

Azriel:*wicked smile* Avisala sa iyo, mahal--*tinakpan na agad ni Aubrey ang bibig nito*

Aubrey:*barely whispering* Aubrey ang ngalan ko!*tinanggal na ang takip sa bibig ni Azriel*

Azriel:*smirks* Bakit ba natatakot kang sambitin ko ang iyong tunay na ngalan, "AUBREY".*pagdidiin nya rito*

Aubrey:*irritated and still whispering* HINDI NA MAHALAGA IYON!

Azriel:*small laughs* Wag kang mag-alala, maging ako rin naman ay mayroong ngalang pang tao dito sa mundong kinalalagyan natin pareho. Kung hindi mo pa ako kailangan dito ay hindi na sana ako magtatagal. Nakakaasiwang tingnan ang mga walang kalaban-labang mga mortal.*smirks*

Aubrey: Ssheda Azriel!*naiinis* Kung wala ka ng kailangan pa rito ay umalis ka na! Iwanan mo nakami ng aking ina--

Azriel: Ina? Hindi mo dapat itinuturing na kapanalig ang mga mortal, sapagkat sila'y walang silbi at kakayahan--

Aubrey: Pwes sa akin mayroon! Ang kakayahan nilang magpahalaga at magmahal ng isang nilalang ay wala ng mas sisilbi pa sa kaisa sa inyo.

Azriel: Kung makapagsalita kay parang hindi ka na isang Encantado. Tila nag-iba na ang nilalang na kaharap ko.*cold voice*

Aubrey: Oo tama ka, hindi na ako ang nilalang na kilala nyo Azriel. Kaya umalis ka na!*tinulak si Azriel*

Sa mukha ni Azriel ay tila mauubusan na ito ng pasensya kay Aubrey ngunit pinigilan pa rin nya ang kanyang sarilig mawala ito. May kinuha syang isang maliit na lalagyan sa kanyang bulsa at ibinigay sa kanya.

Azriel: Ito nga pala, kunin mo na bago pa ako mawalan ng pasensya sa iyo.*gives a small pouch* Magsama kayo ng mortal mong ina-inahan.*sabay na naglakad papalayo*

Sinundan naman nya ng tingin si Azriel na sinuot ang kanyang itim nahoodie habang naglalakad papalayo sa kanilang bahay, at mahigpit nya namang hawak ang isang maliit na lalagyang ibinigay nito. Nang maglaho na sa daan si Azriel ay tiningnan nya muna ang laman ng lalagyang iyon. Ng sinilip nya'y puro mamalaking pitak ng ginto ang nakapaloob roon, kaya itinago nya muna ito sa kanyang bulsa bago pumasok sa kanilang bahay. Ng makita nya ang kanyang ina ay mag-isa ng kumakain doon sa lamesa nila at ng makita sya nito ay agad na itong ngumiti.\

Maricel: Aubrey anak, come on let's eat. Sorry anuna na ako huh, nagutom na kasi ako.*looking at her food while chewing*

Aubrey: It's okay mom.*smiles as she sits down on her chair beside her mother*

Maricel: Oh sya nga pala, sino nga pala ang nag-doorbell sa labas at ang tagal mo?*wiping her mouth with table napkin*

Aubrey:*sigh*

Maricel: Oh bakit anak is there any problem?

Aubrey: K-kind of.

Maricel: Eh sino ba kasi yun?

Aubrey: S-si Azriel, mommy.*worried*

Nang marinig naman ng kanyang ina ang ngalang sinambit nya ay agad itong natigilan at gulat na tiningnan ang kanyang anak.







AVISALA MGA MINAMAHAL KONG READERS!! DECEMBER 25 KO PA SANA TO I POPOST KASO HINDI KINAYA HAHAHAHA. ANYWAYS SANA NAENJOY NYO TONG CHAPTER NA ITO, MERRY CHRISTMAS PA RIN AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR! E CORREI DIU EVERYONE!!!

PUBLISHED: DECEMBER 27, 2020

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...