Save Him

131 5 11
                                    

Chapter 9

Diana's POV

Hindi ako maaaring magkamali, ito ang lugar na iyon. Dito nangyari ang digmaan, ito ang Relicta Orginem.

Pero bakit ganito? Nilibot ko ang aking paningin. Ibang iba ang lugar na ito sa lugar na pinagdausan ng digmaan. Higit pa sa wasak ang magagamit na paglalarawan sa nakita ko dati. Ngayon ay tila mga dyosa ang nakatira dahil sa ganda nito.

Dahan dahan akong naglakad at pinagmasdan ang lugar. Nakabuka ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Nagagagndahan ang mga bulaklak dahil sa mga matitingkad na kulay nito. Ang mga bato sa lupa ay may iba't ibang kulay at bumubuo ito ng isang sining. Napakalinaw at linis din ang ilog na may iba't ibang isda na masayang lumalangoy.

Inangat ko ang aking paningin. Nakita ko ang isang napakalaking puting gusali. Nakita ko na ang gusaling ito noong panahon ng digmaan ngunit wasak ito. Hindi ko alam na ganito pala ito kaganda.

Mukha itong palasyo na may mga disenyong pangtemplo. at sa gitna nito ay isang malaking pinto na kulay ginto.

Dahil sa kuryosidad ay lumapit ako at pumasok. Nalaglag ang panga ko sa nakita.

Kung napakaganda na sa labas ay triple nito ang ganda sa loob. Napakalawak nito na halos mapagod ka kung lilibutin mo. Kitang kita ang mga naglalakihang chandelier sa kisame na nagbibigay ng liwanag sa loob. May dalawang malaking hagdan sa magkabilang gilid na patungo sa ikalawang palapag.

Napansin ko ang maraming pintuan na nakapalibot. Sa labas nito ay mga balkonahe kung saan maaari mong pagmasdan ang mga magagandang tanawin.

Sa akong pagmamasid ay napansin ko ang isang pigura sa labas ng isang pintuan. Dahan dahan akong lumapit dito at sumilip. Nang tuluyan akong makalapit dito ay nakita ko ang isang babaeng nakatalikod.

Napakahaba ng puting buhok nito dahil halos abot na nito ang kaniyang talampakan. Ang kulay rosas bistida nito ay lumalayad sa sahig. Bigla naman itong humarap kaya't nataranta ako. Agad agad akong tumalikod at nilapat ang likuran sa pader. Muntikan akong mapasigaw nang makita ang isang aso na palapit sa gawi ko. Nilapat ko ang aking palad sa bibig dahil sa takot na kagatin ako nito. Napapikit ako, katapusan ko na.

Ngunit ilang sandali ay wala akong naramdamang lumapit. Minulat ko ang aking isang mata at nakitang wala na ang aso. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ito. Bigla na lamang ako nakarinig ng isang kahol.

Tinignan ko ito at nakita ang aso kasama ang babaeng nakita ko kanina. Hinahagod nito ang balahibo nito. Kulay golden brown ang makapal na balahibo nito. Muli akong napatingin sa babae.

Nalaglag ang panga ko sa nakita. Napakaganda niya. Para siyang isang dyosa! Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa aso. Perpekto ang hugis ng bawat parte ng mukha nito. Hindi rin ito masyadong maputi at maitim. Tamang tama lang ang kulay.

Bigla naman lumingon ang babae sa gawi ko kaya muli akong nagtago. Bahagya akong sumilip at nakita itong nililibot ang paningin habang hawak hawak pa rin ang aso. Muli itong tinignan ang aso at pilit na ngumiti. Malungkot ba siya?

"Napakalungkot kapag mag-isa ka lang sa buhay. Mabuti na lamang at nandito ka Alvis. I'm not alone.", malungkot na sabi nito saka yinakap ang alaga.

Nalungkot ako sa sinabi nito. Mahirap mamuhay nang mag-isa. Mahirap mamuhay ng walang kaibigan, pamilya na makakasama mo sa buhay. Na tipong kahit hawak mo ang lahat ng yaman sa mundo, kung wala kang kaibigan, walang silbi ang mga yaman na iyon.

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng hilo. Natigilan ako nang mapansing umikot ang paligid. Napapikit at ilang sandali nagtagal iyon. Nang nawala na ang pagkahilo ko ay dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nagtaka ako dahil nasa ibang lugar na ako. Nasa tapat ako ng isang pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NAMELESS 2: SAY MY NAME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now