voice

0 1 0
                                    

( The voice that can shake the world )



Isang mainit na araw na buhay ang napakagandang bata na si Anju.

"Oha oha" iyak ng batang babae habang dala-dala ng doktor. Napangiti ang lahat sa taglay nitong ganda.

Si Anju ay parang Snow White, fairest in the kingdom, parang si Belle na prettiest in the entire village. In short para itong prinsesa.

Ngunit nagulat ang lahat ng bigla itong....

"La la la la la~~~" KUMANTA!!!???

Ang doktor, mga nurse pati ang mismong ina ay nagulat. Isang sanggol kumakanta na?

Napakaimposible!!!

"Magnifiko" bulalas ng doktor

Hindi inaasahan ng lahat ang susunod na mangyari, dahil biglang lumindol.

Nagkagulo ang lahat na nandon, niyakap ng ina ang kumakanta paring anak dahil sa takot dahilan Ito para matakpan ang bibig ng sanggol kaya napatigil Ito sa pagkanta.

Di umano'y tumigil din ang lindol. Gayon pa man na diskobrehan ng lahat na ang batang si Anju ay may boses na nakakapagpagalaw ng mundo.

Labing-limang taon na ang nakalipas at hindi hinayaan ni Mira ang ina ni Anju na kumanta ang dalagita.

Hinding-hindi papayag si Mira sa gusto ng anak dahil alam niyang nagdudulot Ito ng disgrasya sa buong mundo.

Sobrang lungkot naman ni Anju, gustong-gusto niya talagang kumanta. Passion niya ang maging singer. Kailangan niyang maipalabas ang kung ano mang boses ang meron sa loob niya.

May programa ang paaralang pinapasukan ni Anju. Sa araw'ng iyon nasa kanyang panig ang tadhana.

Walang estudyanteng kakanta para sa opening performance kasi raw nagkasakit bigla ang performer.

At nalaman iyon ni Anju, Ito na ang moment niya. Ang matagal niyang hinihintay.

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan at buong pusong tumakbo patungo sa stage.

Sa sobrang saya na nararamdaman napaiyak si Anju habang yakap ang microphone.

Nagsichismisan naman ang lahat

"Baliw ata yang Ali"

"Jusko nakakahiya naman siya"

Rinig iyon lahat ni Anju subalit ni isang insulto ay di niya pinansin.

Napakaemosyonal niyang kinanta ang mga katagang "dahil minahal mo ako~". Feel na feel ni Anju ang kanta.

Napapikit Ito habang may pa high pitch ang boses at may pina whistle pa.

Walang pakialam si Anju sa nangyayari sa paligid.

"Ahh!!!!" Sigaw ng mga Tao

Hindi dahil sa pagkanta nito kundi dahil napakalakas na ng lindol. Nagsitayuan na ang lahat dahil gusto ng makalabas ng gusali baka mahulugan pa ng kung ano.

"Bwaaa! Bwaaa!" Sigaw naman ng karamihan

"Tulong!!!"

"Jusko panginoon!"

Napakiingay na ngunit ni isang tunog ay hindi narinig ni Anju, magiliw lang itong bumibirit sa pagkanta.

"May ipo-ipo sa labas!" Sigaw ng estudyanteng naunang lumabas kanina

Muli namang napasigaw ang lahat.

Ang principal na ngayon lang ata nagpakita ay nahimatay na, mabilis namang nilapitan Ito ng mga guro.

Wala ng magawa ang mga taong naroon alam nilang katapusan na ng kanilang buhay.

Malapit ng gumuho ang taluktok ng gym ng di anaasahang huminto ang lindol, salamat sa Diyos.

Napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Anju at nakitang chandelier na ang nandon at ni anino ni Anju ay hindi makita.

May nagalala at may nagpapasalamat.

Dinala sa hospital si Anju matapos malamang nasa ilalim Ito ng stage.

Lumipas ang dalawang linggo.

"Ako po si Arnibeth Saso nagbabalitang ang 5.3 na lindol na naganap noong naka-" napatigil sa pagbabalita ang reporter ng gumalaw na naman ang lupa.

"Lindol na naman!!!" Sigawan ng mga Tao

Malungkot na umaawit si Anju na kasalukuyang nakahiga sa kanyang hospital bed.


FIN •


Tapos na mga kaibigan 🤪
So hehe loka-loka ako diba? Ay ewan! May mga panahon kasing hindi mo maiintindihan ang sarili.

The Voice that can shake the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon