Chapter 1: The Reason Behind

14 6 0
                                    

Tapos na akong maghanda para sa tanghalian nang lumapit siya at umupo sa mesa.

"Hindi pa ba dumadating ang bisita?" tanong niya sa isang lalaki na madalas ding magpunta dito sa bahay niya.

"Papunta na po siya master, malamang ay malapit na siya"

"Good. Siguraduhin niyong mag-eenjoy siya" at nakita ko ang saglit na pag ngisi. Tumingin siya sa akin kaya naman napaayos ako ng tayo at itinuon ang atensyon sa labas. "Pumasok ka sa kwarto mo at 'wag kang lalabas"

"Opo, master" tumalikod ako at naglakad. Diring-diri talaga ako sa tuwing sasabihin ko ang salitang 'master' sa kanya. Nakakainis. Nakakairita!

"Maawa kayo!" sigaw ng isang lalaki kaya agad ko itong tinignan. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40+ na ang edad nito. Maputla ang kanyang buong mukha at nanghihinang naglalakad papunta kay Arky. "Maawa ka sa akin, iligtas mo akoooo" hinawakan niya ang kamay nito at hinila kaya naman agad tumayo si Arky at hinawakan sa leeg ang lalaki paangat.

Napatakip na lamang ako ng bibig sa aking nakita. Halos malagutan ng hininga ang lalaki at pilit na kumakalas ito sa kamay ni Arky. "Ma...ma...awa....ka... Sasa---sabihin ko... ang...lahat--" pagkatapos ay ibinagsak na niya ito sa sahig.

Tumakbo ako sa loob ng kwarto at pinapakalma ang sarili. Pakiramdam ko ay ako ang sinasakal kanina. Ramdam ko ang paghihirap ng lalaki sa kamay ni Arky.

"Ang sama mo, wala kang kasing sama" nanginginig na sabi ko sa pintuan. Itinapon ko ang sarili sa kama at doon umiyak. "Ayoko na dito"

Hapon nang lumabas ako sa kwarto. Wala na ang mga tao sa labas, nagpunta ako sa garden pero walang tao. Sinunod kong puntahan ang kwarto ni Arky at kumatok pero walang sumasagot.

Malamang umalis siya kasama si Manong at.... ang lalaking nagmamakaawa kanina. Sana buhay pa siya at walang ginawang masama si Arky sa kanya kahit ano pang kasalanang nagawa niya.

"Andy~" napalingon ako sa isang kwarto at kung saan nang-galing ang isang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Sino 'yan?" dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto na laging pinupuntahan ni Arky. Ang misteryosong kwarto. "Sino 'yan?" tanong ko nang makarating na ako sa harap ng pinto.

"Andy~"

"Sino ka sabi?" tanong ko nang muling tawagin ang pangalan ko ng isang boses ng matandang babae.

Ngunit hindi na ako nakarinig ng anumang boses mula sa loob. Gusto kong hawakan ang gintong doorknob nito at pumasok sa loob kahit bawal. Muli kong tinignan ang paligid baka sakaling dumating si Arky at makita ako. Tiyak na paparusahan niya ako kung makita niyang susuwayin ko ang mahigpit na utos niya.

Wala naman siya. Siguro ay hindi niya malalaman kung pumasok ako sa loob kahit na saglit lang.

Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay na handang hawakan ang doorknob. Malalim na paghinga at saka ko hinawakan ito.

Saglit lang akong papasok sa loob, titignan ko na din kung sinong tao ang nasa loob ng kwarto na 'to.

Pinihit ko ang doorknob at handang pasukin ang nasa loob nang tumunog ang phone ko. Nag flash sa screen ang isang unknown number at may isang mensahe.

*You need to know what's inside* - unknown number

Tumayo ang balahibo ko at napalunok. Tumingin ako sa buong paligid baka sakaling may nakamasid sa akin. Ibinalik ko sa bulsa ang phone na hawak ko at muling pinihit ang doorknob.

Maybe In Our Next Life AgainWhere stories live. Discover now