“*pout* basta yun ang gusto ko!”  

>>>>> 

                Ang sarap pagmasdan ng asawa ko na tulog habang nagb-byahe kami papunta sa destination namin, kinuhaan ko lang sya ng picture pati ako nagselfie katabi nya at ni-post sa instagram ko with caption: Travelling with my handsome knight. #weloveyoudaddy #goingtohoneymoon. Ang daming naglike at saka may mga nagcomment pa mostly sina Spring.

               

                Spring: Take care! Gawing twins haha :P

 

                Iris: sleeping handsome ^_^

 

                Slate: Mas gwapo ako kay Kuya.

 

                Natawa ako kay Slate seloso masyado.

               

                Ella: Sexy at ang ganda kahit buntis na ^_^ pasalubong ah pinuri kita :P

 

                VInce: Sipsip! Haha pero ang sexy mo nga at ang ganda pasalubong haha.

 

                Renzo: Anong kaguluhan ‘to? hoy! Ako lang ang gwapo rito haha.

 

 

                At ang pinaka gusto ko sa lahat ng sinabi nila ang reply nila kay Renzo “…” yan lang ang sagot nila haha mga loko talaga kahit na kelan parang mga bata. As much as I wanted to reply to them kaso para na akong hinahatak papikit antok na antok na ako.

                “Honey, we’re here.” *yawn* nahimbing ata ako ng tulog, nag-ayos ako at saka tumayo at sumunod sa kanya pababa ng eroplano (private plane po nila kaya ganyan.)inalalayan nya ako habang naglalakad kami papunta sa reception area ng Bora bora hinayaan ko na lang sya ang makipag usap English eh haha.

                After ilang minutes ni guide kami at saka sinuutan ng bulaklak na kwintas, isa lang ang masasabi ko sa lugar SUPER GANDA! As in!worth it ang ilang oras na travel sa ganda ng lugar this is paradise. Ni-guide na kami kung saan ang Villa namin.

                “Don’t you dare make another step wearing that bikini Samantha.” Mariin pero mahina lang na sabi nya pero parang sigaw na sa tenga ko dahil magkalapit lang kami.

                Ano ba ang masama sa suot ko na two piece at bloody red lang naman ang ganda nga eh mas lalong lumabas ang kaputian ko at proud rin ako sa katawan ko dahil kahit 2 months preggy na ako sexy pa rin sinusulit ko lang ang time na pwede akong magsuot ng bikini kasi baka kapag panganak ko mahirapan na akong magpapayat ulit.

Missing Peace(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon