CHAPTER 7

28 0 0
                                    

CHAPTER 7

Nagising ako at natagpuan ko nanaman ang sarili kong nakahiga sa isang malaking kama at nasa kwartong malaki nanaman ako.

This time, alam ko na yung buong nangyari.

Dito talaga ako natulog dahil baka alam na nila mama at kuya ang issue tungkol sa confession ko kay Tenong.

Pagbaba ko, naamoy ko yung hotdog.

Pumunta agad ako ng kusina.

Naroon si Drake.

Pero..

O______O

"Goodmorning Tenang. Breakfast is ready." At ngumiti siya nang nakakaloko.

Bumungad ba naman sayo ang half naked with 6 pack abs!?

Ilang beses din akong lumunok.

Oh my gosh! Papalapit saakin yung abs!

Ayan na! Malapit na!

Malapit na'

Ma...

La...

Pit..

I died.

__________

"Huy! Ano't balisa ka diyan?" Natatawang tanong niya saakin.

"Ah eh ano. Mag t-shirt ka nga! nakakairita." Palusot ko. Pero sa totoo lang, gustung gusto ko nang hawakan yung abs niya.

"May mali ba sa pangangatawan ko?" He smirked.

"Oo! Lakas mong mag half naked, p-pangit n-naman ng abs mo."

Tinignan niya naman yung abs niya.

"Hahahaha! Really? Sige. Mag t-tshirt na ako." Sabi niya.

"Wait lang!" Pigil ko.

"Bakit?" Tanong niya.

Di ko sinasadya. Nasabi ko yata unintentionally, "one last glance."

"What?" He laughed.

Kaya natauhan ako.

And I found myself drooling all over his abs!

"Huh? M-mag t-shirt ka na nga!" Sigaw ko. Parang nang-init yung pagmumukha ko.

Idinaan ko nalang sa pagkain.

Bumaba na siya with a plain white t-shirt, medyo halata parin yung abs niya.

He

Looks

So

Hot.

Teka!!!! Tenang! Ano bang nangyayari sayo!? Nagiging pervert ka na aba! Pinagnanasaan mo na so Drake! Nakakaloka!

"Aalis na ako." Paalam ko kay Drake

"Teka. Di ka pa tapos kumain." Pigil niya saakin.

"Baka hinahanap na rin ako sa bahay. Tsaka may class pa ako mamaya." Sagot ko.

"Hindi mo na tatapusin pagkain mo?"

"Hindi na."

"Hatid na kita "

"Wag na! Kumain ka nalang!" Napasigaw ako.

"Ba't ka ba sumisigaw?"

"Ha?" Biglang bumaba yung boses ko.

Sa totoo lang, i'm out of control. Tila nawawala ako sa sarili ko dahil sa abs ni Drake. Tapos may hangover pa ako, plus ang pervert ko ngayon! Kailangan ko muna siyang iwasan.

Pinipilit niya akong ihatid pero todo tanggi ako. Hanggang sa napapayag naman siya na ako nalang ang umuwi mag-isa.

--

Bahay.

Ito nanaman. Balik normal nanaman buhay ko....

Pagpasok ko palang ng bahay..

"Nandi--"

Naudlot yung sigaw ko dahil nasa may living room namin si Tenong.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Bawal na ba ako dito?" Asar niya.

I can't believe this. Parang wala lang yung confession ko sakanya kahapon.

"San ka nanggaling? Bakit hindi ka dito natulog?" Sunod sunod na tanong niya.

"Why do you care?" Naaasar na tanong ko sakanya.

"Sungit. Malamang bestfriend kita! Parang kapatid na rin kita kaya natural, mag-aalala ako."

That 'parang kapatid na rin kita' line! It's pissing me off!

"Nakarating na ako ng maayos. No need to worry. Pwede ka nang umuwi."

"Agad? Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.

"Hindi ka ba naiilang sa confession ko sayo kahapon!?" Sigaw ko na parang maiiyak nanaman. Nakakaasar! Iyak nanaman! Nakakasawa!

"Aa! Yun ba? It's no big deal. Di naman kita masisisi. Pero Tenang.." Huminga siya ng malalim at tsaka ako niyakap "alam ko nasasaktan ka ngayon sa nangyari. Kung nahihirapan ka, nahihirapan rin ako. Pasensya na kung hindi ko masuklian yung nararamdaman mo saakin, pasensya na kung nangyayari ito sayo ngayon, pasensya na kung hanggang pasensya lang ako." Bigla niya akong tinignan.

Pinunasan niya yung luhang umaagos sa mukha ko. Shet! Umiiyak nanaman ako.

"Mag bestfriend tayo at ayokong mawala lang iyon dahil dito. Kaya nga hindi ko na pinapalaki eh. Nandito parin naman ako pag kailangan mo ako." Tsaka siya ngumiti.

Yung galit ko sakanya nawala. Pero naiiyak parin ako. Hindi dahil sa nasasaktan ako, dahil natutuwa akong kahit nagtapat ako sakanya eh hindi parin siya nawala.

"S-salamat Tenong! The best bestfriend ka talaga." Pinilit kong ngumiti.

"Huwag ka nang umiyak. Papangit ka lalo." At natatawa niyang pinupunasan yung mga luha ko.

"Sabi ko naman sayo eh, kahit may lovelife na ako, di ako mawawala sayo. Bestfriends tayo diba?"

Gumaan loob ko.

Tumango nalang ako.

Unti-unti ay naintindihan ko rin lahat. Naging selfish lang talaga ako.

"Pasensya na kung napaka-selfish ko ha?" Umiiyak parin na tawad ko.

"Hindi ka naging selfish okay? Masyado ka lang honest. Tsaka ayos na yun, Wag na nating palakihin to ha? Tahan na! Di bagay ang drama saatin oy! " at tumawa siya.

Pinunasan ko naman yung mga luha ko.

Inakbayan niya ako.

"Okay ka na?"

"Okay na."

"Isang matamis na ngiti naman diyan!"

Ngumiti naman ako.

"Iyan! Mas maganda iyan."

"Bolero!" Suntok ko sa dibdib niya

"Aray!" Saad niya pero tumatawa naman.

"Bestfriends?" At nakaabang ang bro fist niya

"Bestfriends." At nag bro fist kami.

Hindi ako nasasaktan na bestfriends lang kami.

Masaya ako dahil despite everything, bestfriends parin kami.

END.

Copyright © 2015 by TheWriterZoned

All Rights Reserved.

A/N: SALAMAT PO SA PAGBABASA :* MWAMWA!

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon