"Wag kang umasta na parang nasasaktan ka!" Rinig kong sigaw niya mula sa likuran ko. Naluha ako ngunit namamanhid ako. Naluha ako kahit bato na ang puso ko.
Unti unti ko siyang hinarap at pinanatili ko ang kawalan ng emosyon ng mukha ko. Hindi ko tinagpo ang paningin niya at nakatingin lang ako sa mga halamang nakapalibot saming dalawa. Sarkastiko akong napangiti.
"Unti unting natatabunan ang mga sugat sa puso ko, baka kaya kahit kaakibat ng pag-ibig ang sakit, hindi na ako nasasaktan ng mga katulad mo." Tiningnan ko na ang mga kulay abo niyang mga mata na minsan nang napuno ng pagmamahal sakin.
Nagsimula na akong maglakad paalis at bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat papunta sa kotse kung nasaan ang anak ko. Patawad anak, hindi na talaga kaya ni Mama na manatili sa puder ng Papa mo. Ayaw kong lumaki ka sa pamilya na pilit ang pagmamahal na ibinibigay ng mga magulang mo.
Sinusumpa ko, Yaziel Atreus Hendrix, na hindi kailanman ako magpapaloko muli sa mga gagong katulad mo.
______________
Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang at base sa aking imahinasyon. Ang pangalan ng mga tao, pangyayari at lugar na may katulad o kapareho ay nagkataon lamang.
Ako po si atchii_ ang author ng kuwentong ito at unang libro ko po ito. Nawa'y mapasaya ko kayo at maiparamdam ko sa inyo ang mga emosyon na inilapat ko sa aking pagsusulat dito. Maraming salamat po at God Bless.
P.S. Hindi po ako propesyonal na manunulat at may pagkakataon po na mali mali ang aking mga spelling at grammar. Pagpasensyahan niyo na po.
YOU ARE READING
Scintilla of Pain
RomanceElixir Scintilla Martin Villareal's ________________________ "Namamanhid na puso ko pero bakit nahahanapan mo parin ng paraan para saktan ako?"
