Third Address

5 0 0
                                    

Sorry for late update , alam niyo naman na siguro na mahirap ang sitwasyon ngayon. Online class na nga may modules at thesis pa, so I'm trying my very best to keep an update here. Here's my chapter for this time hope you like it Jacks 😙

GENEVIEVE POV

LAUGHING is the first thing I heard from the kitchen.

When I entered the kitchen, there, I saw my teenage English teacher and nanay Rhia laughing their heart out.

"Looks like you're having fun. Can I join you?"

"Ija oo naman, bakit hindi. Halika, tikman mo itong pinabili mo sa akin. Saglit lang at ikukuha kita ng plato, maupo ka na dyan." Nanay Rhia said.

Naupo naman ako sa tapat na upuan ni sir----errrr what is his name again? Tsk, never mind.

Tinitignan ko siya, pinagmamasdan lahat ng galaw. Ang muka niyang gwapo--masama pong magsinungaling-- ang paggalaw ng kamay, ang pagsubo, ang pagnguya. Napanuod at napagmasdan ko iyon na parang naka slow motion.

"Naturuan ka naman siguro ng mabuting asal diba? And I know that you know that staring is bad, right?" He stopped eating and drink the juice before talking to me again.

"What? Hindi ka ba magsasalita? " He asked me.

I shrugged. "Well uhmm, I'm just wondering. Ilang taon ka na ba? You looked too young as a teacher, baka nga nag aaral ka pa eh." I frankly said. Hindi naman talaga iyon ang itatanong ko, nahihiya lang ako dun sa naisip at nais kong sabihin. Well kanina pa naman din sumagi sa isip ko iyon.

"And also, do you like ube flavour? I saw kase on how you close your eyes when you eating and savouring the cake." Ube or purple is my favourite flavour and color of my belongings so I'm just bit excited to know.

"18 years old, first year college, BSBA Major in Business Management. I don't like nor like ube or purple thingy. There, satisfied? " He said. And base on his tone, it sounds like he's irritated or something.

"Tsk, whatever." The thing I said. What now?! Tinanong ko siya nang maayos, sumagot naman. Pero naiinis ako sa sagot niya!! Tsk!!!

"Ano bang prob---" Nanay Rhia cut his words.

"Ito na iyong plato mo Ija. Pasensiya ka na't natagalan. Iyon kasing si Belinda ay nako, tsk." Nanay said habang papalapit, nang makalapit ito ay nagslice na ng cake at binigay sa akin.

"It's okay nanay nasanay na rin ako dun." I reply. Ito namang nasa tapat kumakain lang, walang paki alam.

Wala nang nagsalita sa amin sa kusina, we just ate until our tummy is full. Except nanay Rhia ofcourse. Matapos nun sinamahan ko siyang ihatid ang teacher ko kuno sa gate.

"Salamat sa pagpunta hijo." Paalam ni nanay Rhia. Nilingon ko naman itong teacher kuno ko.

"Oh ano pang hinihintay mo? Makakaalis ka na." Pake ko sa kaniya. Gusto niya magpaalam din ako? Manigas siya diyan.

Hindi na siya nagsalita at umalis na sa haraapan namin ni nanay. Bakit ko siya titignan ano ko ba siya?

Days pass so fast and hindi na rin kami nagkita nang mokong na iyon. Buti nga at iyong tatay na niya ang nagtuturo sa akin.

It's Sunday morning at sobrang aga pa dahil alas singko pa lang. Kaya naisipan kong mag jogging muna sa buong village. Wearing my black sports bra na pinatungan ko nang black hoodie jacket pero hindi naka sara ang zipper. Pinaresan ko naman nang jog-pants na kulay purple at kulay purple din na shoes.

Medyo malayo na ako sa bahay. Habang nag ja-jogging sa gilid ng kalye may nakita akong dog leash na kulay asul.

Ano naman ginagawa nito dito? Pinagmasdan ko ang paligid. Mamaya may nakatakas na aso tapos matapang pala kawawa naman ako. Kahit mahahaba ito biyas ko kung mabagal naman ako tumakbo useless pa din.

Addressing Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon