FIGHT TWENTY FOUR

Start from the beginning
                                    

"Pwe!" biglang dura ko at tumalsik sa gilid ang bawang na nakain ko.

"Bawang na lang ayaw mo pang kainin!" singhal sa akin ni Queen na pinupunasan ang braso niya. Doon ko lang napagtantong dumikit sa braso niya ang dinura kong bawang.

"Hindi masarap!" angal ko at inilabas ang dila at nanginig. Uminom ako ng tubig at iminumog iyon sa aking bibig para mawala ang lasa ng bawang na naiwan sabay lunok ng tubig.

"Kadiri ka talaga," saad ni Queen at napapailing na lang.

"Ang lalaki ng hiwa ng bawang," bulong ko habang pinipili ang bawang sa ginisang cornbeef. Inilalagay ko iyon sa gilid ng aking plato.

Napaangat ako ng tingin nang may platong dumikit sa aking pinggan at inililipat doon ang mga bawang na itinabi ko.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko kay Archer at bahagyang sumulyap kay Avery na ngayon ay mukhang sasabog na sa galit dahil sa namumulang mukha.

Sa puntong ito sigurado akong hindi ako ang may kasalanan.

"Ako ang kakain," simpleng sagot ni Archer na agad ding umayos ng pwesto nang makuha na lahat ng bawang sa aking pinggan.

Ano bang ginagawa niya? Gusto niya bang mag-kana kami ng girlfriend niya ngayon din? Sa itsura pa lang ni Avery ay mukhang hindi na ito makapagtimpi. Hindi lang siguro makakilos dahil nasa tabi ko si Queen.

"Ehem," isang tikhim mula kay Queen.

"Bilisan mong kumain, Jelly. May ikukuwento pa si Zia," saad ni Queen at inabot ang baso ng tubig na binigay rito ni Niall.

Pasimple akong sumulyap kay Archer na taimtim lang na kumakain ngayon. Tila ba walang nangyari.

"Nawalan na ako ng gana," biglang saad ni Avery at padabog na tumayo.

"Avery," tawag dito ni Archer pero tila walang narinig ang babae at dire-diretso lang ito sa paglabas sa kusina.

"Hayaan niyo siya, ang arte-arte. Siya naman ang magugutom hindi tayo," saad ni Agatha na umirap pa.

"I'm sorry," hinging paumanhin ni Archer. Tumayo ito at hawak ang plato nilang parehas ni Avery at sinundan nito ang kasintahan.

Napalunok ako ng laway dahil parang may bumara sa aking lalamunan na kung ano.

"Pabebe masyado, alam niya kasing hahabulin siya ni Kuya. Sarap sakalin ng babaeng 'yon," naiinis na saad ni Agatha na mahigpit ang pagkakahawak sa kutsara at tinidor.

"Naku! Kung hindi lang ako anghel, matagal ko nang pinatay ang bruhildanh 'yon! Mula pagkabata sinasakal na niya ang Kuya ko!" warla ni Agatha na pinagkiskis ang kutsara't tinidor kaya lumikha iyon ng ingay na nakangingilo sa ngipin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Queen kay Agatha.

Ako man ay nacucurious kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinasakal.

"Depressed ang gagang 'yon kasi namatay sa harap niya ang Mama at Papa niya. Tapos kinupkop siya ni Daddy, hanggang ayon. Hindi naman talaga siya gusto ni Kuya eh, pinagpilitan lang niya ang sarili niya at napilitan lang rin si Kuya dahil laging sinasabi ni Avery na magpapakamatay siya," paliwanag ni Agatha na nagpabilog ng aking bibig sa gulat.

"Bakit 'di na lang niya ituloy ang pagpapakamatay niya nang maranasan naman ni Kuya mamuhay ng tahimik! Punyetang babae 'yon," dagdag pa ni Agatha at galit na sumubo ng kanin na nasa harap niya.

"Nawalan na rin ako ng gana, punyeta!" biglang saad ni Zia na nakigaya pa.

Nawalan daw ng gana pero panay pa rin ang subo ng pagkain.

"Oo, wala ka ngang gana," asar ni Queen na nakataas ang kilay at dinampot ang plato ni Zia na wala nang laman. Simot na simot, ni isang butil ng kanin ay wala kang makikita. Pwede na ngang hindi hugasan sa sobrang linis.

"NAPANSIN niyo ba? Yung zombies noon kulay itim ang mata 'di ba?" panimula ni Zia.

Nasa harap kami ng malaking bintana nitong grocery store habang pinagmamasdan ang mga zombie na may ilang metro ang layo sa lugar namin dahil sa mga ilaw na nakabukas.

"Oo, bakit? Anong meron sa mata nila?" tanong ni Queen.

"Kasi yung nakita kong zombie kanina na nakalalabas sa umaga ay kulay gray ang mata. Hindi ko alam kung tama ang naiisip ko pero parang paunti-unti ay nagiging white ang mata nila," paliwanag ni Zia na kay Queen nakatingin.

Tumango si Queen at saglit na nag-isip.
"Pwedeng tama ka. Siguro ay kapag naging puti ang mata nila hindi na sila makakikita sa gabi," paliwanag din ni Queen na nagpalingon sa akin.

Naalala ko ang palabas na Train To Busan 2 noong 2020, yung Peninsula.

Sana nga ay katulad ng zombie na naroon ang mga zombie rito. Hindi maaaring makalabas ang zombie sa umaga at gabi. Kapag nangyari iyon ay talagang wala na kaming pag-asa.

"Sa ngayon ay kailangan lang nating mag doble ingat," dagdag ni Queen at nagbuntong hininga.

senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now