FIGHT EIGHTEEN

2.7K 214 30
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT EIGHTEEN

QUEEN

Lumapit ako kay Jelly at lumuhod sa harap nito. "Nakagat ka ba?" tanong ko sa kanya.

Bumuka ang labi niya ngunit walang boses na lumabas.

"Baka tayo pa ang kagatin niyan! Bakit kinakausap mo pa 'yan?"

Lumingon ako kay Avery na kanina pa dada nang dada.

"Pwede bang manahimik ka kahit sandali lang?" ani ko at tinaasan ito ng kilay.

"Avery is right. If she got bitten she needs to leave," malamig na saad nang lalaking Archer ang pangalan.

Bumalik ang tingin ko kay Jelly at nakatingala lamang ito sa lalaking nagsalita. Ang mukha ay nagpapakita ng emosyon na hindi makapaniwala sa mga narinig.

Nakita kong nakatingin rin ang lalaki kay Jelly ngunit walang emosyon sa mata ng lalaki.

"Q-Queen." Nanginginig ang labing tawag sa akin ni Jelly.

Napansin ko rin na mumula ang kanyang mata dahil sa pagpipigil na maiyak. Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang braso niyang dumudugo at tinignan iyon.

Pinilas ko ang dulo ng t-shirt na suot ni Jelly upang gamitin sa pag-aalis ng dugo sa braso niya.

"A-Ah," daing ni Jelly ng punasan ko ang dugo sa sugat niya.

"Baliw na ba siya? Paano kung biglang maging zombie 'yan? Hindi ba kayo nag-iisip?" rinig kong saad ni Avery.

Ang babaeng 'to kahit kailan feeling superior. Gusto na naman yatang makatikim ng sabunot.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko kay Jelly na tinanguan nito.

Nilingon ko si Zia at nang magtama ang mata namin ay agad siyang lumapit at tinulungang tumayo si Jelly.

"Maligo ka muna tapos dumiretso ka sa kusina pagtapos. Kakain na tayo," ani ko at ngumiti. Inayos ko buhok niyang nagulo at humaharang sa kanyang mukha.

"Pero, Queen," bulong ni Jelly at ininguso ang braso niyang patuloy pa rin sa pagdurugo.

"Mabubuhay ka pa," saad ko at itinaas baba ang aking kilay.

"What the heck? Papapasukin niyo siya rito?" reklamo ni Avery na nakaharang sa pinto na nagkokonektado sa loob ng grocery at ng garahe.

"We're not sure if she's safe," gatong ni Archer.

Bagay nga na magkarelasyon sila. Parehas makitid ang utak.

"Hindi ko siya hahayaang makapasok," mataray na saad ni Avery at hinarang ang sarili sa pinto.

Sino ito para sabihin iyon? Akala yata nito ay sila ang may-ari ng tinutuluyan namin.

Umismid si Agatha at lumapit sa amin.

"Okay ka lang, Ate Jelly?" tanong nito.

"Agatha, come here," seryosong tawag dito ng Kuya niya.

Hindi ito pinansin ni Agatha.

"Umalis ka riyan," rinig kong saad ni Jelly kay Avery na nakaharang sa pinto.

Umawang ang labi ko ng bigla nitong itulak sa balikat si Jelly.

"Aba't!" angil ko at handa na sanang sugudin si Avery ngunit maagap akong napigilan ni Niall.

"Bitawan mo ako, Niall! Patitikimin ko lang ng sakit 'yang bruhilda na 'yan!" ani ko na masama ang tingin kay Avery.

"Wala ka bang utang na loob?" tanong ni Jelly kay Avery. "Wala ba kayong utang na loob?" binalingan naman nito ang lalaki.

"Kung patuloy na ganyan ang ugali niyo, kung magiging makasarili kayo, umalis na kayo rito. Hindi namin kayo kailangan," saad ni Jelly.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now