Naramdaman ko ang paghawak ni Hugo sa aking kanang braso. Nang lingunin ko siya ay madilim ang kanyang ekspresyon. "Anong oras na, you should be sleeping by now. May pasok ka pa mamaya."


"Nakatulog naman siya nang mahimbing kagabi."


Napasinghap ako at napabaling na naman ang nanlalaking mga mata kay Arkanghel.


Nabitiw sa akin si Hugo. Parang iyon na ang pagkapatid ng pisi niya. "What the fuck are you saying?"


"Hugo, nasaan iyong pandesal na binili mo?" Naalala ko. Nang mapatingin ako sa lupa ay naroon na ang plastic ng pandesal.


"Bakit alam mo kung mahimbing ang tulog ni Sussie?!"


"Because she's in my room?" kalmante ang pagkakasabi ni Arkanghel pero tanga lang ang hindi makakaramdam ng panunuya roon.


Namilog ang mga mata ko nang gawing dalawang hakbang lang ni Hugo ang pagitan nila. Bago pa ako makahabol ay hawak niya sa kwelyo si Arkanghel.


"What did you just say, man?"


Parang balewala lang naman kay Arkanghel na hawak ni Hugo ang kwelyo ng shirt niya. Maangas at walang takot ang kanyang kulay abong mga mata habang nakataas ang gilid ng mga labi niya.


"Hugo, ano ba?" Mabilis naman akong humabol para awatin si Hugo. Tinabig ko ang mga kamay niya na nakahawak kay Arkanghel at pilit na pinaglayo silang dalawa.


Hugo was breathing heavily. Pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg kaya alam kong kaunti na lang, mapipigtal na ang pasensiya niya. Even his eyes were now blazing with anger.


"Saan siya natulog?!" sigaw niya.


Kalmante pa rin ang pagsagot ni Arkanghel. "In my room. In my bed."


"Hugo!" Niyakap ko ang kaliwang braso niya para kaladkarin siya palayo dahil gusto niya nang sugurin si Arkanghel. "Halika na, iyong pandesal nahulog na sa lupa!"


Sa pagkakayapos ko sa braso niya ay napadikit ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya.


"Hugo, tama na..." Hinaplos ko ang kanyang likod para pakalmahin siya.


Nang bumaba ang tingin ni Hugo sa akin ay kumalma ang kanyang ekspresyon. Sinamantala ko iyon para mahila siya palayo.


Masama naman ang tingin ko kay Arkanghel na hindi ko malaman kung anong problema sa buhay. Bakit kailangan niya pang sabihin kay Hugo ang mga bagay na iyon?


"Umuwi ka na baka hinahanap ka na ng mommy mo," mahina lang pero sinigurado kong mariin ang bigkas ko sa mga salita.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Where stories live. Discover now