May pinindot siya sa phone niya kaya nawala na iyong Waze. Nang bumagal ang pagda-drive niya ay nakahinga ako ay naghanda na ako sa aking pagbaba. Nakahawak na ako sa lock ng seat bealt nang hindi siya huminto sa pagda-drive. Gulat akong napalingon sa kanya.


"Ihinto mo na riyan sa tabi," matabang na utos ko.


"Ayoko." Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa loob.


Pigil na pigil ang paghingal ko. Sinubukan ko pa ring maging kalmante. 


Kung gusto niya akong ihatid hanggang sa loob, e di sige. Okay, ihatid niya ako. Maraming tao at mga sasakyan na paroot-parito sa loob, bahala siyang mag-adjust.


Magpapahatid ako pero hanggang sa kanto lang ng street ko. Hindi na para papasukin ko pa siya hanggang sa mismong loob niyon. Wala namang dumaraang tricycle sa loob dahil malapit lang ito sa bukana ng Lifehomes pero masikip pa rin ang daan. Lalo na at alam kong nakaparada ngayon sa loob ang kotse ni Hugo.


Hindi sa ayaw kong magkita sila ni Hugo, kung hindi dahil ayaw ko ring makita niya ang apartment ko. Wala kasing sense kung makikita niya kung saan ako nakatira. Saka ang gusto ko, ito na sana iyong huling beses na magkikita kaming dalawa.


"Sabihin mo kung saan ka banda," sabi niya na alam kong nakalingon sa akin.


Nang matanaw ko na ang paliko sa street ko ay kinalas ko na agad ang aking seat belt. "Diyan na lang ako sa tabi."


Bahagyang umatras ang sasakyan pabwelo sa pagliko sa daang malaki lang nang kaunti sa eskinita.


"Diyan na nga lang sabi ako!" napataas na ang boses ko.


"I want to see your place," balewalang sagot niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.


"Baka mahirapan kang pumasok kasi masikip."


I heard his soft and sensuous chuckle. Nagtataka ako kung bakit. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi na ako kumibo.


"Baka kasi masabit sa loob itong kotse mo," naiiritang pagpapaliwanag ko. "Saka diyan lang ako sa bukana, hindi naman kailangang ihatid pa ako hanggang loob."


"It's fine."


Pero napaungol siya nang matanaw na may nakabarang kotse sa daan. Isang red na Audi. Isa sa mga kotseng ginagamit ni Hugo.


"Umatras ka na lang. Hindi ka na makakatuloy palabas sa dulo," halos pabulong na lang na sabi ko dahil bigla na lang akong kinabahan. Ang weird ng pakiramdam.


Ang akala ko ay aatras na si Arkanghel pero dumiretso pa rin siya.


"Dito na lang ako," awat ko sa kanya dahil palapit na kami sa pulang Audi. Naalala ko na hindi heavily tinted ang windshield ng sinasakyan naming kotse.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon