II

207 11 0
                                    

CHARLOTTE CAMILLE HEMSEY



"Taylor is mysterious person." saad naman niya. "You need to gain her trust."

Napalunok naman ako. Ako nga, hindi ko magawang magtiwala agad sa mga taong hindi ko naman lubos na kilala tapos ngayon, pagtitiyagaan kong kunin ang tiwala ng babaeng  ni minsan hindi ko pa nagagawang kausapin kahit saglit lang.

"Pano kung hindi ko magawa?" alanganin kong tanong sa kanya. Malay niyo naman hindi ko talaga magawa diba. Tss.

"Kailangan mong gawin."

I mentally rolled my eyes. As if I have a choice. Bwisit na yan.

"Remember Chammy, always take a record clip." paalala pa ni Yvonne.

Napailing na lang ako bago sila tuluyang iwan dun. Siguraduhin lang nila na hindi ako mapapahamak sa gagawin naming 'to. Nako talaga.


-------------------

Napahinga naman ako ng malalim ng maalala ko ang usapan namin ng mga kaibigan ko kani-kanina lang. At gaya nga ng napag-usapan, nandito ako sa gym. Hawak ang cellphone ko, naghahanda na baka may makita akong ebidensiya laban sa babaeng pinababantayan nila.

Sa pagkakaalam ko, Business student ako at hindi Criminology student. Kaya paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Anak talaga ng tinapa. Jusmiyo santisima. Aguy!

At sa pangalawang pagkakataon, napahinga ulit ako ng malalim. Mabuti na lang talaga at mamaya pa ang klase ko kaya hindi ako mag-aalala na baka ma-late ba ako dahil dito sa pinaggagawa ko.

Kung hindi ko lang mahal ang kaibigan kong iyon, wala talaga ako sa  sitwasyong ito.

At saka, hindi ako magtitiis na bant-..

"Chammy?"

Nabalik naman ako sa ulirat ko at agad na binalingan ang taong nagmamay-ari ng boses na yun. "Hey, Joy."

Isang malaking ngiti lang ang tinugon niya sa'kin bago siya naupo dito sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Napalunok ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tss. "Ah ano. Tumatambay lang." mukha naman talaga akong natambay dito ee. Kaya hayaan niyo na. "Ikaw? Bakit ka nandito?"

She chuckled. "Yearbook." then she raised her camera. Napatango na lang ako. Oo nga pala. Nakalimutan ko.

Imbes na makipag daldalan pa sa kanya, binalik ko na lang ang atensiyon ko sa taong dahilan kung bakit ba ako nandito.

Sa ilang taon na pamamalagi ko dito sa University na 'to, ngayon ko lang napansin na may angking ganda pala itong si Taylor.

Akalain mong may kakabog pala sa kagandahang mayroon ako. Charing lang.

"Ngayon lang kita napansin dito." biglang sabi naman nitong kasama ko.

Napatuwid tuloy ako ng pagkakaupo at saglit na sinulyapan siya bago ibalik ang tingin sa talagang pakay ko dito. "Ngayon ko lang naisipan na pumunta dito ee." pagsisinungaling ko. "Hindi naman siguro masama, hindi ba?"

Mahinhin naman niya kong tinawanan na akala mo'y may nakakatawa sa sinabi ko. "Hindi naman. Nakakagulat lang." she looked at me. "Kamusta ka pala?"

My brows furrowed. "I'm fine Joy."

She nodded slowly. "I'm sorry about what happened to Hanny." walang kagatol-gatol na saad niya.

LIACHISBWhere stories live. Discover now