CHAPTER 19

4.3K 225 11
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

"Announcement! Magkakaroon po tayo ng sport fest, next week. Before our Party next month. Please, be prepared! Thank you, everyone." Announce ng dean mula sa bawat speaker sa loob ng room. Ang dami namang activity, mag rereklamo na talaga ako.

"Everybody! Class Dismissed!." Dagdag pa nyang muli bago kami tuluyang magdismissed. Inayos ko na lang ang notebook na nasa table ko bago isinakbit ang bag ko.

"Mae! Gala tayo." Aya ni Kenzo na ikinalingon ko rito. Tinanguhan ko lang ito bago lumabas. Sumunod sa amin ang buong Section. Nakasalubong pa namin ang buong Section Hell.

"San punta nyo!?" Tanong nya.

"Gagala, sama kayo?" Anang Lysander. Nagliwanag ang muka nya.

"Tara! Game ako dyan!" Napailing lang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse ko.

"Oyyy! Pasakay ako!" Sabay namang pumasok sina Charles, Calliber, Kenzo at idamay mo na din ang Alien kong si Vince.

"Hoy! Ano ba yan!" Maktol ko ng lahat sila nagsiksikan sa loob ng kotse ko. Apat lang ang pwede sa kotse ko at lima kami.

"Hoy! Apat lang ang pwede, Kenzo!" Tinulak tulak pa nila si Kenzo palabas pero ako na ang kusang lumabas.

"Dyan na kayo, kay Andrew na lang ako!" Agad naman silang nagsilabasang lahat bago ngumuso sa akin.

"Oyyy! Walang ganyanan, Dito ka na lang. Mae!" Nakangusong maktol ni Calliber na tinaasan ko lang ng kilay.

"Tsk! Doon na lang ako kila Kuya! Bahala na kayo dyan!." Inis na wika ko bago pumasok sa loob ng Van. Rinig ko pa ang sari saring reklamo ng apat na inirapan ko lang. Bahala sila don.

"Kala ko ba sasabay ka sa kanila!" Inirapan ko lang si Kuya. Kasama pala nito si ate Mae.

"May sinabi ako?." Inirapan lang din ako nito bago nagmaneho.

"Ang bagal mo! Alis ka nga dyan!" Nakipagpalitan ako ng pwesto rito, Napakunot ang noo nito at nagkibit balikat.

"Anong gagawin mo!?." Ngumisi lang ako rito na ikinalunok nya.

"Lil sis!! Walang ganyanan!!" Ngumisi lang ako dito bago pinaharurot ang Van.

"Ready to fly?." Nakangising tanong ko sa likod na ikinakunot ng mga noo nila.

"Lil sis I'm beggin--- ahhhhh!!" Di ko na sya pinatapos at pinaharurot ko na kaagad ang Van'ng sina sakyan namin.

"Kyaghhhh!!"

"F*ck! Lower your speed!!"

"Mae!!.. ayoko pang mamatay!"

"Mae naman!! Wag kang ganyan!."

Sari saring mga sigaw nila saka ko mas binilisan ang takbo ng Van'ng minaneho ko.

Nakangisi akong bumaba ng kotse at sakto din ang pagdating ng iba, nakakunot noo sila bago tumingin sa loob.

"Asan na sila!?." Bumaba naman ang iba na halos mahihimatay na.

"Pwe!."

"Y*ck's!" Nagsitalikuran ang iba ng sari sari silang nagsisukahan. "Ka-kainis ka Mae!." Anang Andrew na syang isa sa kasama ko sa van.

"Ngina! Huhuhuhu, mas gugustuhin ko pang sa bugbugan mamatay, kesa sumakay sa Van na yan habang kasana yang pandak na yan!" Humagalpak naman ako ng tawa na ikinasama nila ng tingin sa akin.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now