BOOK 3 OF 'THE WALKERS TRILOGY'

PREQUEL OF 'THE PERVERTED VAMPIRE'

WARNING: MAY MGA VULGAR WORDS AT SPG SCENES NA MAKAKASAMA SA STORYA NA 'TO KAYA KUNG AYAW MO 'NON, TAPOS BINASA MO PA RIN, TAPOS NAGREKLAMO KA, ABA BAKA MAPEKTUSAN KO LANG FALLOPIAN TUBE MO KAYA MAGTIGIL KA. KAYA KUNG PABEBE KA ESTE SENSTIVE KA AT AYAW MO NG MGA GANOONG SCENE, 'WAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA.

AYAN, MAY WARNING, HA? CAPSLOCK PA. KAYA INTINDIHIN. SALAMAT! LABYU!

--

The Playful Vampire

Prologue

Nakasandal si Van sa headboard ng kanyang kama habang hawak ang Tales of the Unwanted Creature. Napapangiti at napapailing na lang siya habang binabasa ang impormasyon tungkol sa kanyang ama at ina. Ang buong kwento kasi ng kanyang mga magulang ay nandito - kung paano sila nagkakilala, kung paano sila nagkamabutihan, kung paano siya isinilang at kung paano sila namatay ng magkasama. Gusto niya kasing makilala ng lubusan ang kanyang mga magulang at alam niyang ang librong hawak niya ang makakatulong sa kanya.

"What are you doing?" nakangiting tanong ni Kisha habang tumatabi kay Van.

Ngumiti naman si Van. "Binabasa ko lang ang storya nina Mom at Dad." sagot niya.

Humilig si Kisha sa balikat ng asawa at tumingin sa libro. "Then, shall we read it together?"

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Kisha bago muling ibinalik ang atensyon sa libro. "Sure."

Binuklat niya ang pahina kung saan nagsimula ang lahat - ang pagbabalik ni Fenier Harrison Walker sa kanilang distrito galing sa Europa.

1875, the road heading to District 1

Nababalutan ng makapal na hamog ang kalsada at tanging ilaw lamang na nanggagaling sa buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag dito. Ang naririnig lamang na tunog sa paligid ay ang huni ng mga kulisap, takbo ng kabayo at gulong ng kalesa na gumagasgas sa malubak na kalsada.

Malalim na ang gabi ngunit tinatahak pa rin ng isang dalagang nagngangalang Paula ang daan patungo sa bayan sakay ang isang kalesa. Bagama't 'di alintana sa kanya ang oras at lamig ng panahon, hindi pa rin niya maiwasang magkaroon ng kakaibang pakiramdam. Niyakap niya ang kanyang sarili at sumandal sa upuan. Mukhang kahit na nakasuot siya ng makapal na saya, gwantes na umabot ang haba sa kanyang siko, makapal na sapatos at maliit na sumbrerong nakapatong sa kanyang ulo bilang dekorasyon ay hindi pa rin sapat para ibsan ang lamig na nararamdaman niya.

Napatingin siya sa maliit na bintana ng kalesa. Napasinghap siya at muling napasandal sa kanyang upuan nang makakita siya ng anino na mabilis na dumaan sa harapan niyon. Agad niyang itinaklob ang pulang maliit na tela na nagsisilbing kurtina nito.

"Malapit na ba tayo?" tanong niya sa kutsero.

"Opo, Binibining Paula." magalang na sagot na kutsero.

Napahinga naman siya ng maluwag sa narinig. Kundi dahil sa may sakit niyang tiya ay hindi naman talaga siya babalik sa bayan. Kasalukuyan siyang nagbabakasyon sa kabilang distrito pero dahil nga nabalitaan niyang malubha na ang sakit ng kanyang tiya ay kaagad siyang umuwi.

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang pagtakbo ng kalesa. Napakunot ang kanyang noo sa pagtataka.

"Bakit tayo tumigil?" tanong niya. Sumilip siya sa bintana ngunit nasa daan pa rin sila. Mukhang wala pa sila sa bayan.

Gumapang ang kaba sa kanyang puso nang hindi sumagot ang kutsero kaya naman naglakas-loob na siyang bumaba ng kalesa upang tingnan ito ngunit gayon na lamang ang kanyang pagtataka nang ang kabayo lamang ang tanging nakita niya doon. Lumakad siya ng ilang hakbang palayo sa kalesa at luminga-linga sa paligid.

"Saan siya nagpunta? Bakit niya ako iniwan dit-"

Hindi na niya naituloy ang pagbulong niya sa kanyang sarili nang makarinig siya ng parang may bumagsak kaya naman napatingin siya sa direksyon ng kalesa. Napasinghap siya nang makita ang duguang katawan ng kutsero sa bubong ng kalesa at sa tabi nito ay isang lalakeng may dalang bagahe sa kaliwa niyang kamay, ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa kanyang bibig upang punasan ang dugo dito na nakatayo naman sa ibabaw noon.

Nanginig siya sa takot. Hindi ordinaryong mamamatay tao lamang ang nasa harapan niya ngayon. Isa itong halimaw na may mapupulang mata at mahahabang pangil. Nakangisi ito sa kanya at madilim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

Hinawakan niya nang mahigpit ang palda ng kanyang saya at kahit na nanlalambot ang tuhod niya sa takot ay pinilit pa rin niyang tumakbo. Hindi na niya pinansin pa ang mataas na takong ng kanyang sapatos, makaalis lamang sa lugar na iyon. Ngunit halos himatayin siya sa pagkagulat nang makita ang lalake sa kanyang harapan.

"What a nice gift for someone who came back after a long long time." nakangising sabi nito gamit ang malumanay na Ingles na may halong accent. Mistulang nawawala ang letrang 'r' sa mga salita niya dahil dito. "Good evening, beautiful lady. Want to have a wonderful night with me?"

Mabilis na iniiling ni Paula ang kanyang ulo.

"A-Ayoko. G-Gusto kong makauwi sa aking bayan kung mamarapatin mo." nanginginig ang kanyang boses at kaunti na lamang ay tutulo na ang kanyang luha.

Napanguso naman ang lalake. "Oh, is that so?" muli itong ngumisi. "But I don't want you to."

"Anong ibig mong sabihin-"

Nanlaki ang mga mata ni Paula nang sa isang segundo lamang ay nasa harapan na niya ang lalake. Mabilis na ibinuka nito ang kanyang bibig at kinagat ang kanyang leeg. Hindi na niya nagawa pang magpumiglas dahil sa sakit ng kagat nito at sa mabilis na pag-ubos nito sa kanyang dugo. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Basta na lamang binitawan nito si Paula. Pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang palad. Kumuha siya ng panulat at papel mula sa kanyang bag. Nagsimula naman siyang sumulat ng letra dito.

Hey Vampire Hunter Assholes,

The dashing, irresistibly hot and sinfully gorgeous Walker is back! And oh, I killed the guy but I didn't kill the girl, I just fed on her. She's a virgin though and it's a shame that I didn't have the chance to taste her sexiness. By the way, wala ba kayong gagawing pa-Welcome Party para sa akin? Alam ko namang na-miss niyo ako. And I missed all of you too (sarcasm included).

Love, (or should I say 'Fuck'? Oh, well.)

Fenier Harrison Walker

P.S. Hey Fucking Supreme Commander Shit, can I taste your daughter?

P.P.S. Just kidding. I only want virgins. And your daughter is not one of them.

Umupo si Fenier sa gilid ng babae at inilagay ang nakatuping papel sa pagitan ng dibdib nito. Tinapik pa niya ito bago tumayo at ngumisi. Binuhat niya ang kanyang bagahe at nagsimulang maglakad patungo sa bayan.

***

Lei/shinkumi's Note: Umiikot naman ang storyang ito sa magulang ni Van. HOHOHO~ Kaya prequel siya. Mas nauna itong nangyari kaysa sa love story nina Van at Kisha. Tsaka ang setting ay noong unang panahon pa. Sana magawa ko nang maayos. OTL. At akalain niyong trilogy pala ito?! CHAROT! Wala, eh, naisip ko lang. XD

Sana masuportahan niyo din siya kagaya ng TPV1 and 2. Salamat din sa mga readers na umabot hanggang dito na simula TPV1 at 2 ay readers ko na, salamat talaga sa suporta niyo at sa pagtitiwala sa akin. Mehehehe. Promise, mas gagandahan ko pa ang mga story ko para sa inyo. I love you all!

Fenier Harrison Walker --->

The Playful VampireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!