Chapter Eight: Blood in Roses

36.2K 1K 63
                                    

Chapter Eight: Blood in Roses

Nagulat si Fenier nang malaman niyang si Vivian si White Rose nang sundan niya ito patungo sa taberna. Noong unang nakita niya si White Rose sa taberna ay hindi niya naisip na si Vivian ito. Nang umakyat si Vivian sa stage, doon niya napagtanto na ang babaeng sinusundan niya ay nagtatrabaho bilang bayarang babae sa taberna.

Pero hindi 'yon sapat na dahilan para tigilan niya ito. Desidido na siya na gusto niyang makuha si Vivian kahit anong mangyari. Napag-alaman niya ding hindi ito nagpapahawak sa mga customer kaya mas lalo siyang ginanahan sa pagsunod kay Vivian. Malakas ang loob niyang habulin ang dalaga dahil birhen pa ito. Makuha lang niya ang loob ni Vivian, alam niyang magtutuloy-tuloy na ito.

"Saan ka na naman galing?" tanong ni Fargus nang makarating siya sa Walker Mansion. Napansin niyang lahat ng Nobles ay nandito.

Nagkibit-balikat siya. "Why? You'll nag me again? You're worst than Mom, dude," Umupo siya sa couch katabi ni Kora at Kendrick. "Ano bang meron at nandito kayong lahat?" Pinagkrus niya ang kanyang binti at matamang tiningnan ang mga kaibigan.

"Nagsisimula na namang dumami ang mga Insanes dahil sa dadating na Eclipse. Madami-dami na din silang nabibiktima," Sumandal si Jackson sa inuupuan niya. "Humihingi ng tulong ang council sa atin."

Pinaglaruan ni Fenier ang ibaba niyang labi. "Hindi ko na problema kung madaming mapatay ang mga Insanes. Saka hindi ko naman trabaho ang tulungan ang council. Kaya na nila 'yon."

"'Yon na nga, eh. Hindi daw nila kayang talunin ang mga Insanes dahil mas malakas sila ngayon. May kumakalat ding balita na may pinuno sila." ani Lilia.

"We need to help them, Fenier. Yes, we used to be the troublemakers in this town when we're still young and carefree but now, we have responsibility to face. Hindi na tayo tulad ng dati na walang pakealam kung maubos ang buong tao sa distrito. We should maintain the balance in this world. If there's a vampire, there should be a human." mahabang paliwanag naman ni Kendrick.

Ngumuso siya. "Fine, if that's what all of you want," Tumayo na siya. "Ano bang kailangan nating gawin?" Ayaw man niyang tulungan ang council ay kailangan niya pa ring gawin. Tama ang sinabi ni Kendrick. Nasa tamang edad na sila para gumawa din ng tama.

"Alas dose ng gabi sila sumusugod sa bayan kaya doon natin sila aabangan. Asahan na natin na madami ang kanilang bilang ngayon." sagot ni Kora sa tanong niya.

Ngumisi siya. Naisip niya ding hindi na rin masama na tumanggi siya sa gustong mangyari ng kanyang mga kaibigan. Matagal na siyang hindi napapasabak sa labanan kaya pabor din sa kanya ang gagawin nila.

"Then we'll wait 'til midnight."

Pumatak ang alas dose ng gabi at naghanda na silang lahat upang magtungo sa bayan. Inihanda ni Kendrick ang mga kalesang sasakyan nina Kora, Lilia at Maia samantalang silang mga lalake naman ay tatakbuhin na lang ang daan patungo sa bayan gamit ang kanilang bilis.

Naunang nakarating sa bayan ang mga lalake. Hindi rin nagtagal ay dumating na din sina Kora at Lilia na sakay sa isang kalesa at sa kabila naman ay si Maia. Inalalayan ni Fargus si Kora pero tinanggihan niya ito. Si Kendrick naman ay inalalayan pababa si Maia at si Jackson naman ay sa kasintahan niyang si Lilia.

Nasa Town Square sila na nasa kalagitnaan ng bayan. Malawak ang paligid at ang bawat sulok ay naiilawan ng apoy na nanggagaling sa mataas na lampshade. Sa gitna nito ay napakalaking fountain na hindi na naglalabas ng tubig dahil malalim na ang gabi. Wala na ding tao sa paligid ngunit ang pinakagising sa lahat ay ang taberna hindi kalayuan sa Town Square na punong-puno pa rin ng mga parokyano.

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon