Chapter Ten: Friends With Benefits

35.9K 886 45
                                    

Chapter Ten: Friends With Benefits

Pasensyadong nag-aantay si Kendrick sa labas ng bahay ni Maia. Nakasandal siya sa kalesa na pagsasakyan nila. Napag-usapan kasi nilang mamasyal dahil pareho silang walang magawa.

Habang hinahantay niya si Maia ay naisip niya kung bakit nga ba sila humantong sa ganitong klaseng relasyon. Matalik silang magkaibigan noong umpisa pa lang pero tandang-tanda niya kung paano siya tuluyang nahulog kay Maia. Isa siyang dakilang torpe at duwag. Natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Maia kung sakaling ipagtapat niya ang nararamdaman. He settled for just being her bestfriend. Nauwi sila bilang 'friends with benefits' nang may mamgyari sa kanilang dalawa nang malasing sila.

"I don't want a serious relationship. It will be a real pain in the butt. The only pain I want to experience is when I'm in bed."

Tandang-tanda niya ang mga salitang binitawan ni Maia noon. Hindi pa siya nakakaamin, alam niyang masusupalpal lang siya sa huli. Kaya mas pinili niyang maging bestfriend sa buhay at bestfriend sa kama ni Maia. Kahit na gustong-gusto na niyang ipagsigawan sa mundo na mahal niya si Maia, hindi niya magawa dahil ayaw niyang maputol ang manipis na sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

"Kanina ka pa?"

Naputol ang kanyang pag-iisip nang magsalita si Maia. Sa sobrang lalim ng kanyang iniisip, hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya si Maia.

Hindi na siya nanibago sa nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Maia. Naghuhuramentado na ang kanyang puso. Nakasuot si Maia ng pulang saya na mas lalong nakakapagpaangat ng putla ng kanyang balat. Ang maliit na sumbrero na nakapatong sa kanyang ulo ay tunay na bumagay sa kanya. Wala siyang gaanong kolorete sa mukha at tanging pulang pinta sa bibig lang ang nakalagay sa kanya ngunit angat na angat pa rin ang kanyang kagandahan.

Pumalatak si Maia. "Natulala ka na naman sa kagandahan ko." Ngumisi siya.

Umiwas naman ng tingin si Kendrick ngunit hindi niya maitatago ang pamumula ng kanyang mukha. Imbis na pansinin ang sinabi ni Maia ay binuksan na lang niya ang pintuan ng kalesa.

"Sakay na, panget." Binelatan niya si Maia.

Inirapan siya ni Maia at sumakay na sa kalesa. "Saan tayo pupunta ngayon?"

Sumakay na din si Kendrick. Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Ang gusto niya ay dalhin sa espesyal na lugar si Maia ngunit alam niyang ayaw ni Maia sa mga ganoong klase ng lugar lalo na kung romantic ang ambiance. Maia is a type of woman who hates butterflies in the stomach, chocolates and boquet of flowers. She never wanted to have a sweet relationship with someone. She doesn't even think of having a family. What she wants is a relationship with less feelings involved.

"Saan mo ba gustong pumunta?"

Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba at nagsimulang mag-isip. "I don't know but I'm really hungry right now."

"Then we should eat."

Inutusan niya ang kutsero na dalhin sila sa central upang magpunta sa isa sa mga restaurant doon.

Hindi ito ang unang beses na lumabas silang dalawa ni Maia. Madalas silang namamasyal na magkasama at palaging ang kinahahantungan noon ay kama. May pagkakataong gusto na niyang tumigil sa relasyon nilang dalawa pero palaging nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Maia. Hindi niya maisip kung sa ibang lalake makikipagtalik ito.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Kendrick? May problema ba?"

Inilapag ni Maia ang hawak niyang menu. Mariin niyang tiningnan si Kendrick sa kanyang mga mata. Matagal na silang magkakilala kaya alam na alam niya kung may bumabagabag sa kaibigan niya o wala.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now