CHAPTER 08

6K 299 13
                                    

MAYUMI ASHERAH ERRILLE'S POV

Nandito kami ngayon sa classroom habang may kanya kanyang ginagawa. Napatingin
ako sa may pinto ng pumasok ro'on si Prof.

"Good Morning Everyone!" Bati nya, binati rin namin sya pabalik gaya ng lagi naming ginagawa.

"Okay Class, I have an important announcement!" He started, umayos ako ng upo maging ang mga kaklase ko. Ayos na yarn mga pre?

"What is it Sir?" Tanong ni Holan.

"Well, Were having an performance task next week, please be prepared!"

"What kind of performance task Prof?" Tanong ko, Lumingon s'ya sa gawi ko.

"Hmmmm.. By section. Ang dalawang Section ang makakalaban nyo para sa performance task nyong 'to." Napatango ako.

"Sing and Dance, I hope you all are having a great and good performance task. Good luck!" Aniya bago lumabas. Weh? Performance task? Tss, Hindi ako mahilig n'un 'e.

"Vince!?" Tumingin sila'ng lahat kay Vince, Lumingon s'ya sa gawi ko.

"Ikaw na lang!" Aniya na, Ngumiwi ako. Bakit ako?

"Anong--- hoy! Ikaw ang Hari ng Section'g 'to." Masungit na singhal ko.

"Tsk! Ikaw naman ang Reyna ng Section'g 'to?" Ohhh, Reyna na pala ako? Pero, Princessa pa lang ako 'e.

"Weh? Talaga ba? Kung Reyna ako edi ako ang sundin mo!"

"Tarantado!! Ako ang Hari Dito. Manahimik ka! Ang mabuti pa, magisip ka na lang ng pwede nating sayawin at kantahin. Dali na!" Masungit na usal n'ya, Napaawang ang labi ko at ngumiwi.

"Hoy! Hindi ako utusan!!" Sigaw ko pabalik.

"Hmp! Charles, tulungan mo ako!" Hinatak ko ang braso niya.

"Kailangan pa'ng umalis, Dito na!" Napairap ako, Naupo ako sa tabi nya at nag search kay google.

Ano ba kasing pwede? Andami ko ng nasearch.

Perfect?

Steal my girl?

Say you won't let go?

Mahal kita pero? Hayyssttt..

Biglang Liko!?.. HAHAHA! Joke lang.

In the name of love?

Take me down?

16 shot?

No limit?

DNA?

"Hmm... DNA at Ano ba? Huhuhuh.. mamili ka nga sa mga Kanta?" Ngumuso ako, Pinikit nya ang labi ko at kinuha ang cellphone sa 'kin..

"Tayo na lang dalawa?" Tanong ko.

"Sure, bakit Hindi. So tayo na?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"Ano!? Hoy ah!" kinurot ko sya sa may braso, Tumawa s'ya.

"Joke lang.." Anang niya, napanguso ako at mahinhing tumawa.

"Edi tayo na!!" Namumula ang tenga nitong nagiwas ng tingin.

"Joke lang!" Napawi ang ngiti nya at kumamot sa ulo.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon